Thursday, October 15, 2009

Nagbabagsakan Dito... in 5, 4, 3, 2, 1!

Sept 15-16. Nagtake kami and at the same time bumagsak sa assessment exam ng TESDA. Bale wala lang ang flowchart at interview dahil nangamote naman kami sa programming. Sa 1st day, nagawa namin ni Mel ang C pero 1 function lang nagawa namin at di pa nakakaretrieve ng data. The next day, sinuko nalang namin agad ang VB. Kahit interface lang sana gagawin namin kaso wala raw points yun. Ang masama pa dun ay di gumagana yung MS SQL sa skul kaya nakakawalang gana talaga. Talo pa nga kami nina Abbie at Ate Toni dahil wala talaga silang sinubmit ni isang program sa 2-day exam na un kaya buong batch namin Not Yet competent. @_@ Si Kuya Julius kasi di nagtake. Merong isang student na nakapasa kaso matagal na kasi siyang nagtatrabaho bilang programmer kaya natural lang na bihasa na siya sa codes. Nagreklamo pa nga siya dahil maingay daw kami. Tapos ayun dahil wala nga kaming ibang magawa, nagfacebook nalang kami. Di talaga ako mahilig mag-fb kaso dun ku sa skul unang nagawa yung pet ko sa Pet Society. Nabagalan kasi ako sa net sa bahay. Halos isang oras ko din kinarir yun. Sept 14 pa nga yun, araw ng dry run. Mas naappreciate ko nga siya kesa sa Super Pets. Sobrang bagal kasi ng SP. Bawat pindot ng buttons antagal magload ng page, samantalang ung PetSoc kahit mejo matagal maghintay sa umpisa isang loadan lang eh makakapaglaro ka na ng tuloy-tuloy.



Andami ngang naging topak ng pc ko recently. Una, yung monitor. Biglang walang lumalabas sa screen. Akala ko talga di na gagana kaya ilang araw akong di nakapag-pc. Eh yun pala naghihintay lang na pupukin ko sa likod! Tpos bigla naman nagloko yung mouse pointer. Kusa nalang gumagalaw at nagpipindot ng mga icons at programs. Nagscan ako kaso ala naman nadetect. Kaya ayun pinareformat ko. Tinuruan ako nina Klang at Mel. Kaso gnun pa rin ang problema kaya pinalitan ko na ng mouse. Nanood pa nga kami ng The Grudge habang si Klang natulog naman.

Nakakatakot at nakakalungkot nga ang nangyaring pagbaha nung bagyong Ondoy at Pepeng. Parang sinasabi na rin na di ka rin safe sa loob ng bahay nyo kahit ilang taon na kayo nakatira dito. Sa isang iglap lang posibleng matangay bahay at ari-arian niyo at worse buhay ninyo. Ayoko na nga maulit yun sa subdivision namin. 2000 yun, grade 7 ako,sembreak namin. Patapos na ata ang bagyo pero biglang bumigay yung pader sa amin, ginising kami ni papa kasi napasok na yung tubig sa bahay. Lumikas kami kaso nadala ni mama puro plastic bag lang. Hanggang beywang ang tubig nuon at parang rumaragasang ilog. Nakituloy kami sa kapitbahay. Nung humupa na yung baha, di mo na makita ang design ng vinyl dahil natatakpan na ng putik ang buong sahig . Di pa mabuksan agad ang kuryente kasi baka maground. Siksikan kami sa isang kama. Buti nga isang araw lang ako nag-absent. Nakakapanghinayang lang din kasi madami kaming pictures at libro na nasira ng baha. Yung ibang laruan ko di ko na makita, alam ko ninakaw yun ng mga bata. Nagpapasalamat lang talaga ako at di ako nagkasakit kasi nasugatan ako sa baha mismo nung nasabit ako at muntik na matangay ng sanga ng puno.

Thursday, September 03, 2009

A1 ko...

Simula nuong nagka-AH1N1, lalo akong di mkalabas-labas ng bahay. Di ko pa nga tapos ung OJT ko. Di rin ako nakasama sa libreng PC troubleshooting. Sayang kasama ko sana uli yung tropang Sofer Fets. Di rin ako nakaenroll sa mga TESDA-accredited computer courses. Sabi ko nga di ko na alam kung ano mangyayari sa kin.

Recently nakatanggap nga kami ng scholarship mula sa CocoPlans para sa mga selected 2-yr computer courses sa Datamex. Nainis nga ako nung nagcompare ako ng schools. Kasi sa course nila meron daw subjects na Adobe Photoshop, Visual Basic at AutoCAD. Andaya! Kasi sa amin dangmahal ng tuition pero wala lahat iyon sa curriculum samantalang programming din naman kami. Feeling ko tuloy lugi kami,kakabopols.

"I have a lot of ideas, unfortunately I lack the ability and resources to carry them out." Kahit anong gawin ko, di rin masaya kasi wala akong motivation at inspiration. Tingin ko wala rin naman ako mapapala at wala rin namang patutunguhan. Madalas ko lang gawing seryoso ang maghugas ng pinggan at magjuice. Di ako marunong magluto dahil malas ako sa pagtantiya at wala akong tiyaga sa paghihintay. Ok lang sana tumulong kaso lalo lang ata tumatagal maluto ang pagkain dahil sa akin. Marami akong gustong gawin kaso kulang ang aking kakayanan. Gusto ko gumawa ng nobela, manga, art... pero basics palang sablay na. Yung mga recycled items imbes na pagandahin ko eh lalo lang nagmumukhang basura pagkatapos. Yung mga kwento ko, laging nabibitin dahil di ko na alam kung ano susunod na mangyayari at mga susunod na salitang gagamitin ko. Isang character pa nga lang, mahigit isang oras ko na dinodrowing, hirap pa ako sa ibang mga parte ng katawan at anggulo, paano pa kaya kung maramihan na? Di ko alam kung anong kulang sa akin... imagination? experience? skill? guidance? knowledge? creativity? Lahat ata iyon wala ako. Wala atang naitulong yung kasipagan ko sa pag-aaral ko. Ramdam ko naman dati pa na magiging bobo ako sa application. Minsan kahit anong dami ng gawa ko, parang feeling ko wala pa rin akong naaccomplish na kahit ano. Di ko na tuloy alam kung ano na silbi ko sa buhay. Baka nga lang spectator lang ako talaga, walang ibang gagawin kundi humanga sa gawa ng iba. O baka kelangan bayaran muna ako bago ako kumilos? Kelangan ko na ng tulong para makalabas ako sa ganitong klase ng mentality. As if merong maglalakas ng loob...

Actually maliban sa OJT, meron pa akong isang poproblemahin. Yung assessment test. Kelangan daw yun para makuha yung S.O. # ng diploma. Kahit daw bagsak, ibibigay pa rin yung no. For formality lang daw. Tsh!!! Sabi nga ng kaklase ko, knowing na bumagsak yung prof namin lumalakas daw lalo loob niya kumuha rin nuon. How inspiring... @_@

Para lang makalabas sa depression andami ko pinanood na anime. Yung iba bili ko sa Festival Mall. Yung iba hiram. One time, kasama ko pa nga si Joan, yung kaibigan ko na nagkasakit din na lupus psychosis. Nakilala ko lang siya sa friendster. Nagkita kami sa mall at binigay ko sa kanya yung tuta namin na mukhang chihuahua. Pitti Mini name niya dati pero ngayon Appa na. Hango mula sa Avatar the Last AirBender na favorite nila panooring magkakapatid.

Eto yung list ng mga anime na napanood ko:
Karin (Chibi Vampire) *highly recommended comedy about a nosebleeding vampire
Speed Grapher - tnx kay Dianne sa astig na anime na 'to, natanggal boredom ko
Melancholy of Haruhi Suzumiya - Hare Hare Yukai Dance
Howl's Moving Castle
Cat Returns
My Neighbor Totoro
Vampire Knight - one of my favorite reverse harem
Blood The Last Vampire
Spiral - mas maaapreciate ko ata kung Tagalog dub pinanood ko
FruitsBasket - comedy sa simula, drama ending... Basta YukiXTohru pa rin ako, hmph!
Onegai Teacher

Nakahiram din ako ng mga asian horror ke Dianne. Sayang nga yung soundtrack ng Suicide Circle, di kasi makita ni Klang eh. Yung Ju-On Tv1 maiksi, kadugtong lang din ng TV2. At siyempre yung DVD na sandamakmak ng Thai/Japanese/Korean horror. Di ko pa napanod lahat pero so far, I think "Alone" yung may pinakamaganda kwento. Gusto ko yung music sa "Cello" at "Yeogo Goedam".

Natapos ko na rin basahin ang Twilight book but I prefer the movie better. In the movie, there's much more action. The story is cut short into the most important and exciting scenes and I like the portrayal of the character's personalities better... like, Bella is more polite in the movie. Uhm, still I prefer reading Harry Potter because just even by reading the book, you imagine the scenes happening clearly before your very eyes. Or maybe I thought some of the romantic scenes are sort of dull to read? @_@ (Babatuhin ako sigurado ng mga fans ng Twilight, yikes!!!) Pero aaminin ko, di mapagkakailang si Edward Cullen ang nga fictional model ng isang perfect gentleman. But still Alice Cullen fan ako, hehe!

Napanod ko ang last 5 episodes ng Yamato Nadeshiko aka Wallflower. Nakakatawa nga talaga. Naalala ko si Sadako at Kayako kay Sunako. (Naalala ko rin tuloy si Pikori.) Kalokang babae! Di ko malilimutan dun yung eksenang sinubsob yung mukha niya sa bintana at may lumabas na ghostly apparition. Meron kasing eksenang ganun sa Ju-On. Sayang, wala ako screen capture sa anime.



Congrats din pala kay Yoyo Tricker at sa Tribal Dancers. Lahat sila mga Hall of Famers na sa Talentadong Pinoy!!! Nadidismaya lang ako kasi yung mga winners ng 10,000 napapansin ko mga hindi deserving, usually dahil lang sa awa kaya sila napili. Para sa kin, di pa rin fair yun kasi we're talking about contest not charity. I just feel sorry sa mga nakitaan ko talaga ng effort at talent.

Click nyo yung links para makita yung astig na videos nila:

Yoyo Tricker - Joshua Davis

Tribal Dancers playing with Fire!!! ^_^

Tribal Dancers - JaiHo

Tribal Dancers - Whine Up

Tribal Dancers - Fire

Meron na din pala ako dvd ng SAW 1-5. Yey! Astig! Nandiri lang ako dun sa isang movie na title ay 'Feast'. Kasama kasi un sa 8-in-1 DVD. May mga man-eating monster. Alam ko mahilig ako sa mga violent at bloody movies pero ayoko ng messy gore. Yung tipong walang ibang kwento kundi magsaboy ng magsaboy ng dugo at magkalat gutay-gutay na bangkay kung saan-saan. (Wala man lang konting finesse or 'art', hehe.) Nakakasuka na din kasi yun. Kaya nga ayoko na din ng mga zombie movies at cannibalisms. Nasimulan ko ata sabihing messy yung film na Wrong Turn 2. Tapos me trauma naman ako sa Shawn of the Dead (ironic nga kasi comedy horror yun pero merong part dun na maxado ako naapektuhan).

Currently, nahuhumaling ako ngayon sa Apocripha/0. Unfortunately walang anime. Game lang at manga. Nagsimula lang ito dahil sa isang misteryosong bishounen pic. Nakakahiya nga kasi lahat na ata halos ng anime forums pinagtanungan ko. Si Ruby Jackson pala yun. Nagresearch ako at nagandahan ako sa mga CG pictures. Sayang nga kasi yung manga until chap11 lang yung natapos itranslate. Yung game scripts naman kulang. Saka mostly galing sa Platina Disc yung story, eh mas gusto ko sana kay Alex kasi siya yung fav prince ko. Gusto ko din si Sapphirus at siyempre si Plum, yung meow-meow (Siya nga yung wallpaper ko ngayon eh)!

Ruby Jackson of Apocripha/0 (Naks damporma eh noh!)


My Favorite Characters From Left to Right (Prince Alex, Sapphirus, Plum, Ruby)

Tuesday, May 26, 2009

Dead End

Kakagraduate ko lang pero parang blanko ang feeling ko. Hanggang ngayon in a state of shock parin ako sa thesis namin. Nagdusa ako ng husto sa thesis na yan, physically, mentally at emotionally. Ilang beses na ako umiyak at nagbalak mag-quit. I'm thankful a lot to Ma'am Anna, for trying her best to uplift me. Muntik pa ako magkaphobia sa PC. Pero heto ngaun, medyo traumatized pa sa computer programming. Anu na ngaun ang silbi ng course ko kung eto lang pala ang ending ko sa dalawang taon. Sa totoo lang di naman talaga programming ang gusto ko kundi multimedia. Nagkataon lang na walang available na course nung nag-enroll ako kaya in short, no choice ako nun. Grabe, inako ko lahat ng paggawa ng buong system, kaya masakit na sabihing simple lang system namin. Isa pa, wala naman kaming naging subject na VB.Net sa curriculum kaya wala kaming masasabing experience sa paggawa ng programs sa software na un. Nainggit nga ako kina Ate Toni at Kuya Julius kasi ang ganda ng combination at distribution of tasks nila sa grupo. Congratulations!!! They really deserve to be the best in thesis. I'm proud of them! ^___^ Btw, we our graduation was last saturday in SMX. And believe it or not, pito lang kaming graduates ng center namin.

First time din ako walang honor na natanggap, siguro dahil incomplete pa ako. Sisingilin ko nalang sila sa mga scholarship certs ko. Minsan iniisip ko sana di nalang ako umattend ng graduation, eh di naman binigay ung actual diploma sa amin. Nagkandamalas-malas pa kami kasi trapik na papunta at pauwi saka nagutom na kami dahil wala pang matinong restaurant na mapilian. Dito nalang kami sa Cafe Marcello Imus kumain, at mag-11pm na nun. Basta ang alam ko wala akong naramdamang any extreme emotion, excitement man o kalungkutan sa araw na iyon. Ang mamimiss ko lang naman talaga ay mga kalokohan namin ng mga klasmeyts ko sa skul. Sabi ko nga yung last term na ito is "the best and the worst".

Best dahil sa term na ito mas naging close ako sa batch ko. Sumasama na din me ako sa kanila pag kumakain o namamasyal. Dati kasi nagsasarili lang ako. Di ko malilimutan yung mga bonding namin sa Mang Inasal saka yung Red Ribbon kung saan pinagbayad pa kami ni Klang, hehe. Pero in fairness, binigyan kami ni Klang ng tig-isang box of donuts nung Valentines. It reminds me na ang Valentines ay di lang para sa mag-jowa kundi sa lahat ng pamilya at kapamilya at tropang nagmamahalan. Yung mga taong di ko akalain magiging kaclose ko, naging close and trusted friends ko. And I'm glad to have friends who are thoughtful, helpful, understanding and concerned. Thanks, Tropang K (Kulangot daw)! Hehe... Bagong 3-man team din, ang Sofer Fets. It all started sa friendster app na Super Pets. Kay Mel, unggoy. Kay Klang, raccoon. Akin, pusa. Ang saya din nga kasi sama-sama kaming nag-aral ng short course sa VB. Naalala ko pa, di nga namin nagawa yung pinangako namin na invitation sa CR eh. Hehe... *sigh* I wonder if I can ever laugh again the way I laugh with them. Every moment is worthwhile just seeing and being with them.



Worst... Nakita ko ang other side ng mga tao sa paligid ko. May angels and of course, yung mga akala mo angels yun pala demons. Di na ako pinayagang magtuloy ng OJT sa banko kasi puro daw ako absent which is not my fault kasi I started late at nagkataong finals week na at thesis pa. 1st time ko din magkaroon ng maraming absent in college dahil nagkaroon ako ng mild flare. And the worst of the worst... thesis. Ilang beses kami nagredefense. Almost 2 months kami pabalik-balik. In short, tila wlang katapusang pagdurusa. Halos maubusan na ako ng dugo sa kakabago ng program. Feeling ko tuloy para akong pako na kahit nabaon na sa kahoy eh patuloy pa ding pinapukpok. Dhil dito, lalo lang ako nawalan ng gana sa buhay, nawalan ng self-confidence, nawalan ng sigla, lakas ng loob at determinasyon. Nakalimutan ko tuloy mga pangarap at plano ko. Kelangan ko tuloy magback to zero, at magsimula uli mag-isolate. Kelangan ko ng empowerment, encouragement, mental and emotional healing, at inspiration para maging masigla uli.

Btw, meron na din ako printer-scanner-copier at saka DVD-ROM. Necessity kasi dahil sa thesis ko. Hehe... Natapos ko na din panoorin Jigoku Shoujo (Hell Girl) Season 1. In fairness, talagang madrama ending niya. Naiyak nga ako eh. I would really love to learn the song she was singing while she was burning the village. Thank u din kay Klang-Klang at napanood ko na yung D.N. Angel. Love it! Umpisa palang nahook na talaga me. Satoshi's supposed to be my first favorite character, demo I fell in love with Krad's beauty, his golden eyes and uneven hair. He really looks like a perfect prince to me, a medieval prince I would love to see placed in fairy tales. In books, I already finished InkHeart and The Tale of Two Cities. I'm now starting with Twilight. I would like also to thank Tita Bing for buying me a Sony CyberShot digital camera. I really love it!


Krad... or should I call him Krad Ysuom?
(Haha, a funny flip overed name! He might take it as an insult.) ^___^



The Bloody Enma Ai


Well, I admit right now I'm being empty, lonely and bored. I never expected graduating with a feeling like this. I realized I'm so much vulnerable especially when I feel people are bringing me down. I realized at times like this other people are much stronger than me, and I admire them. But still I can't blame myself for being affected and being negative for I'm just being realistic at times.