Saturday, July 31, 2010

Facebook to Facebook

Noong mga nakaraan hindi na nga ako nakakapagsulat sa blog na ito dahil masyado na akong abala sa facebook. Doon ko na madalas hinahayag ang mga damdamin at kasalukuyang kaganapan sa buhay ko. Masaya din akong nakakakilala at nakikihalubilo sa kapwa ko. Dahil simula nuong di na ako nakakagamit ng mga game apps ay naging aktibo ako sa iba't ibang fanpages kabilang na ang mga Anime at Anti-Noy. Nadagdagan tuloy ang aking friends at accounts. Magkahalong saya at inis ang nararamdaman ko. Saya dahil madami akong nakikilalang tao na kapareho ko ng pananaw at hilig, bago at dating mga kaibigan na maaaring mong ma-share ang simpleng mensahe, kumento at mga larawan. Minsan inis dahil minsan bumabaha ng mga notifications at comments na di naman para sa iyo. Pero naging masaya din naman ako dahil nagkaroon ako ng mga bagong kaibigan sa malungkot kong eksistensya sa maliit na kwarto sa mundong ito. Pero minsan naisip ko, gaano ba kalalim at katibay ang samahan ninyo ng mga Facebook Friends mo? Sana naman sapat ito para maturing ka nilang kaibigan hindi lang sa mundong ng internet kundi pati na rin sa totoong mundo.

No comments: