Friday, July 29, 2005

Radio Talk

Nakakainis minsan yung mga DJ sa radyo. Wala nang ginawa kundi magdada nang magdada. Minsan ang sakit na sa tenga yung boses lalo na dyan na station na “Alam mo na yan!” Hmp! Dami pang commercial palibhasa pinatatakbo ng tv station! //>_<\\

Yung iba naman tawa ng tawa kahit ang corny corny ng mga sinasabi. Kaya nga nag-on ng radyo para makinig ng music hindi ng mga kakornihan nila. Mabuti sana kung talagang nakakatawa ang mga jokes nila, ok lang sa kin. Natatawa ako pagnakikinig ako kay DiegoLatigo sa Star FM. Natatawa kasi ako sa mga kalokohan niya. Actually, dati may pagkagreen yung mga jokes niya at minsan abuso na. Pero now, moderate nalang (siguro napagsabihan ng boss, hehe, :P yan kasi!) Gusto ko rin ang mga jokes sa Yes Fm at Ifm. Buhay na buhay naman ang Love Radio kaso minsan di ko gusto ang pananalita ng mga DJ.

Ang masaklap pa nun. Nagsasalita na nga sila sa radyo, hindi pa nila sabihin yung title ng mga kanta pati ang pangalan ng mga singers ng pinapatugtog nila. Ayan tuloy, di ko mahagilap ang mga lyrics kung minsan. Ano bang silbi ng mga DJ na yan? MAGSALPAK LANG BA NG CD AT MAG-INGAY?

Ayoko naman makinig ng mga ibang station na walang nagsasalita at nakakaantok lahat ng kanta. Ayoko ng puro ballad at jazz. Gusto ko yung may novelty at dance hits rin no! Nakikinig lang ako sa mga mild music kung gusto ko magrelax. Minsan sa mga station na yun lang kasi mo mahahanap yung mga lumang kantang nami-miss mo na pakinggan.

Buwisit pa silang lahat! Lahat yata sila inaangkin ang pagiging no.1. May pa-survey survey pa sila tapos pinapamukha pa mga awards nila. Ganun sila! Nagpaparinig pa sa ibang mga station na gaya-gaya raw sa pagiging number one. Eh, parang halos 5 station na ang naririnig kong nagmamayabang nang ganun eh! Sino bang nagsasabi ng totoo? Gulo nila!!! Talagang di mo maalis ang crab mentality sa Pinoy… *sigh*

No comments:

Post a Comment