Friday, December 23, 2005

Deboot

Happy Birthday

Kahapon December 22, tumanda na ko... joke! Kadedebut ko lang, 18 yrs old na ko pero di ko pa rin feel. Thank you sa lahat ng mga nakaalala at bumati sa akin. Touch ako... *sniff* ALam nyo ba regalo sa kin nina mama at papa? Typewriter! Sa wakas!!! Makakapagsimula na ako sa aking pending Beyblade Garden novel ko!!!! Wooohooo!!!!
Reasons kung bakit gusto ko ng typewriter:
1. Mas tipid sa kuryente.
2. Mas tipid sa tinta.
3. To enhance my typing skills and accuracy.
4. To organize data. Kakapagod at kakasakit ng kamay ang pagsusulat.
5. Walang radiation. Di nakakapagod sa mata.

Pasensya na sa mga nagnanais makabasa ng aking mga fanfics. Di ko lahat maitype sa computer sa sobrang haba, baka lumaki bill ng kuryente namin at mamaga mata ko sa sobrang kabababad sa monitor. Meron naman akong link dyan sa side bar kung gusto nyong mabasa ang ilan kong gawa.
Fanfiction.net pen name: Shizuku Seta
Kung talagang mapilit kayo at naiintriga kayo sa aking mga never before published on-line fanfictions, eh di pag-usapan natin ang presyo at para mabigyan ko kayo ng kopya. Harharhar!!! //^___^\\ Oy, hirap din kaya magtype no! Aksayado din sa papel at ink. Gustuhin ko man rin na mabasa ninyo ng libre, kailangan ko pa rin isipin ang kapakanan ko.

Nagkita kami ni Ms. Alfie sa Filinvest. Akala ko talaga di na siya dadating. Di nga namin siya napansin kasi bumata hitsura niya, nagpahaba (shoulder length) at nagpatina pa ng buhok. Parang mga 30 yrs old lang siya. Di tuloy ako naniniwalang 46 na siya. If you remember, I told you na hindi ko pa siya nakikitang magalit in my whole school life. Totoo pala na dapat lagi kang masaya para bumata. Patunay lang na dapat di palaging nakasimangot dahil kung hindi ay naku! tatanda ka na tulad ni Kura Kabayo in no time.

Kumain kami sa Ungguyan, I mean Congo Grill, ang official tambayan ng primates. Ilang bdays na rin ako kumain doon. Ayun kwentuhan sila ni mama at papa. Nabanggit pa ni miss yung tungkol sa Harry Potter book 6. Nagulat nga si mama kasi nagbabasa pala si ms alfie nun.

Sa isip ko naman, siguradong si Ms Tan nakabasa na rin nun. Yun pa eh, pati sa tests namin may nababanggit na Harry Potter. Well, okay lang yun kasi kahit di ka nagbabasa basta may utak ka naman, masasagot mo rin yun. Kahit di siya literature teacher namin sa klase, siya yung gumagawa ng tests para sa buong grade 7. Siya kasi pinakakakaibang magbigay ng test sa lahat. Cool ika nga! Sayang nga lang at di siya nakasama sa dinner namin. Si Ms Tan ngayon ay may sariling tutorial center tapos yung mga nagtuturo daw dun ay kasama sa mga 10 outstanding students of the Philippines. Naks naman!!!

Kakatuwa ngang isipin na silang dalawa, si Ms Tan at Ms Alfonso, na mababait at magaganda, ay wala pa ring asawa hanggang ngayon. Humahanga nga ako sa kanilang dalawa. Sila ang proof na "You don't need to have a lovelife in order to be successful and happy." Inspired tuloy ako. Ako nga, wala sa mga plano ko yung mag-asawa eh. Panira lang yun sa dreams ko. Ayokong malosyang nang maaga sa sakit ng ulo dahil sa a-SAWA!

Si Ms Alfie pala di na religion tinuturo kundi algebra na! Sa Rosehill sa Antipolo siya nagtuturo at umuuwi pa sa QC. Ang layo nga eh! Sabi nga nya sa akin, pwede rin daw ako mag take ng online journalism. Advice nga nya 1) Read books and enhance vocabulary. 2) Practice your english skills. Start by writing a journal in English. 3) Enhance your English Communication.

Pinag-isipan ko yung mga advice niya. Wala akong problema sa 1st advice. Pero sa 2nd, parang medyo malabo. Di ko talaga kaya itranslate in english lahat ng mga sinasabi ko sa blog ko. Madalas kasi ako maglagay ng mga salitang kanto, talinghaga at satirical comments in Tagalog. Minsan kasi pag-inEnglish ko, nasisira yung meaning at parang wala na yung spirit as in parang di na ako yung nagsasalita. Minsan oo taglish. Pero kung tutuusin baka mapilitan ako mag-English next yr, for 7 days lang naman. Project requirement kasi sa English, baka pag-isahin ko nalang yung mga entry ko at project. Try natin kung magiging successful... Sa 3rd advice, di ko rin kaya. Okay lang mag-english kung necessary at take note, kung matinong mag-English ang kausap mo. Kasi kung paarte lang naman nila or patawa lang, wag nalang... Babaluktot at babaluktot lang din ang english nila kaya wala ka ring matututunan. Mauuwi ka nalang sa kakaedit ng mga salita nila. Iba rin kasi environment ko dito. Lahat halos ng kapitbahay ko ay mga tambay, jologs at may tunay na pusong ng masang Pilipino.

"Don't worry. I'll learn in my own pace and in my own ways, as long as I'll always let me be me."

Sa madaling salita, matututo rin ako sa takdang panahon ayon sa aking sariling kakayanan at kagustuhan, basta't sa lahat ng ginagawa ko, ako ay dapat magpakatotoo."

Nakyutan nga si ms, sa bracelet ko. Sinuot ko kasi yung regalo sa kin ng ninong at ninang ko na religious bracelet.

Masarap sana makipagkwentuhan sa kanya kaso nga lang, konti lang oras. Nag-uusap kasi silang tatlo papa sa Ungguyan kaya di ako makatsamba, puro ngiti at kain lang ginagawa ko. Pero sabi niya, bibisita nalang daw siya minsan sa bahay ko. How sweet!!! I remember pa nga when she was the one who visited me in the hospital when I was sick. Dala-dala pa nga nya mga regalo mula sa mga classmates ko. Touch talaga ako. Buti pa nga siya, concerned sa akin. Yung iba ko kasing kamag-anak sa father's side ko, dito sa may Cavite, dedmahan nalang. Kung tutuusin wala nga akong kaclose na pinsan eh. Yung sa mother's side ko naman, nasa Mindanao kaya sobrang layo naman para magkita-kita.

Niregalo niya pala sa akin ay yung glass container na may butterfly design. Kawaii!!! At saka with matching xmas/bday card in one! Tatak Ziggy pa nga eh... Buti nalang di nasakop ng ilong ni Ziggy yung buong front page.

Nagpicture taking pa nga kami. Sana magmukha na akong tao sa mga photos. Kaya nga wala akong maipakitang picture kasi wala akong mukhang ihaharap sa camera. Yung mga recent pics kasi lumobo ako. Panakot ng mga palaka yun eh, kahit nga ako natakot eh. Hehehehehehehehe... daig pa yung tinatawag nilang spirit photography. Kailan ba ako magiging photogenic? Di ko alam perfect angle ko eh. Wala naman akong celphon na de-camera para mapractice ko ang mga winning poses and postures. Haay... Lagi kong nilalait si Gaara at Kisame sa mga hitsura nila, pati rin naman pala ako kinamumuhian ng camera. Bagay lang talaga kaming ipagsama sa Fool House.

Bumili si mama ng sumbrero para sa overnight namin. Tawag ko sa sarili ko, "Strawhat Tippie" with the name Tippie D. Luppy. Naks, piratang-pirata ah!!! Kung kay Luffy, "Goma! Goma!" akin naman, "Golem! Golem!" Kaso di ako magwa-One piece, ayoko rin ng two-piece. Sabi nga sa island cove, dapat nakaswimming attire. Itatanong ko nga kung allowed yung sirena costume o kaya scuba diving attire.

Alam nyo ba pag-uwi namin, nasira kotse namin! Buti nga lang at saktong nasa bahay na kami nung talagang ayaw na umandar kung hindi baka nagkandalecheleche ang dinner, kakahiya pa kay ms alfie. Talagang pinauwi nga lang kami talaga ng Diyos eh. Kung tutuusin sa may Alabang pa namin naramdaman yun, pero mabait ang Diyos kaya umandar parin. Well, its a proof. Isa na namang interference of the Most powerful.

Nag-aalala nga lang ako na baka di matuloy ang overnight. Kasi naman mamamaya matirik na naman ang kotse sa daan. Ipapaayos nga sa 26 kaso wala akong tiwala sa mga gumagawa kasi kaaayos nga lang nun before nung bday ko eh! Isa pang problema, may ubo mga tao dito sa bahay. Naku!!! Ala na... Bahala na talaga... Mamaya kapag nahawa ako, talagang Goodbye Island Cove.

*****

The day before my bday December 21...
Umalis sina mama at papa papuntang sm bacoor. (nabalitaan ko magsasara na raw yun? No way! Magrally tayo!!!) Panay ang kaliwa't kanang caroling. Eto ang mga ginawa ko para itaboy ang mga halloween carolers:
1)Lakasan ang radyo o tv para kunwari di mo sila naririnig.
2)Patayin ang ilaw sa bahay. Magpanggap na walang tao.

Tapos tumawag ako sa 700 club asia para magtanong kung paano magdonate ng pera sa kanila. Balak ko kasi na yung ibang naipon ko, doon nalang ibigay sa mga charity work nila kaysa sa mga bata dyan na sasayangin lang ang pera sa tex at kendi. Mas makakatulong pa sa mas nangangailangan yung pledge ko at mas malayo pa ang mararating. ...KOnting interview... tapos may pray-over pa nga sa phone. Prayer of acceptance, contrition and healing... (I badly need those) Toll free naman kaya okay lang. Wala kayong dapat ikatakot sa resulta ng phone bill.

Problems? Need counseling and guidance?
Call the 700 Club Asia Toll free hotline: 1-800-1-888-8700


*****

TALES OF T'YO PON AND BABY RON
BABY RON: Tyo Pon! Inatake si Mang Pilo!!!
T'YO PON: Ano! Yan na nga ba sinasabi ko eh. Dapat hindi siya nagkakain ng lechon kahapon. Inatake tuloy siya sa puso!
BABY RON: Tyo, di po eh.
T'YO PON: Eh akala ko ba inatake siya?
BABY RON: Oo nga po. Inatake nga po siya pero hindi sa puso.... Inatake po siya ng mga rebeldeng NPA!
T'YO PON: Ngeee... kuleeet...

*****

SOCIAL LEVEL AT ANG KATUMBAS NA LOAD SA CELLPHONE
Richest of the rich .................... Plan
Richer of the rich .................... Prepaid Ps500 and up
Rich lang .................... Prepaid Ps300
Middle Class .................... E-load Ps30 and up
Poor .................... Pasaload
Poorer of the Poor .................... Walang load
Poorest of the Poor .................... Walang cellphone





1 comment:

  1. heLLo uLeh... merry christmas nga pala.. grabe, hndi co feel and spirit ng christmas ng wla sa Pinas.. e2 ang first christmas co d2.. mxadong mbilis ang mga pangyayare.. dte, ka2rateng ln nmen d2 ts naun d2 n kme mg cchristmas... kakalungkot... ;( nweiz, nbsa co un fanfiction mo about ky Gaara.. gnda nga eh.. lgay mo rin un iba mo pang fics.!

    ReplyDelete