Saturday, December 31, 2005

Maligong Bagoong Taon Tips Para sa Pinoys ng 2006

1. Wag maglalagay ng deodorant. Magbibigay ito ng malakas na putok sa bagong taon. Wala ngang tunog pero pamatay naman.
2. Kumain ng maraming kamote. Magrerelease ka ng paputok w/ strong smell and sound effect.
3. Bulabugin ang yero ng kapitbahay. Sa paarang ito, di mo na kelangan pang gamitin ang inyong bubong. Di naman mahahalata ng kapitbahay dahil busy sila sa pagpapaputok.
4. Kung may ubo, pigilan mo muna hanggang mag-alas dose para full force bomb explosion ang cough release mo sa new year.
5. Wag na bumili ng mga bilog na prutas. Mentos o nips nalang mas mura na mas marami pa.
6. Wag magpatugtog ng malakas. Magvideoke nalang o kumanta, mas makakasiguro kang tepok ang masamang espiritu sa boses mo.
7. Show off ninyo ang pisu-piso sa legs at katawan ninyo. Magkakapera kayo nyan... barya nga lang.
8. Kung walang polka dots sa damit, magdrowing nalang ng circles sa buong katawan.
9. Gumamit ng plastic. Hipan ito at saka paputukin.
10. Para sa mga nagtitinda ng taho, puto at pandesal, gamitin ang potpot.
11. Itapat ang kinabubuwisitang asawa sa most likely site na pwedeng bagsakan ng ligaw na bala. It is the best way to eliminate the house pest w/o being accused of murder. Kung gugustuhin, pwede mo rin sa kanya pasindihan ang pinakadelikadong paputok ninyo... malay mo.
12. Kung nagnew year na at nagluluto pa rin sa kusina, gumamit ng sandok o sanse para kalampagin ang hawak na kaldero o kawali. Dahan-dahan at mainit pa baka sa sobrang lakas ng pagpalo ay tumilamsik ang pagkain sa mukha mo.
13. Paiyakin ang alagang baka. Ito ang iyong magiging crying cow.
14. Irekord sa blank tape ang mga tunog ng paputok ng mga kapitbahay. Iplay nalang ito in full volume pagkatapos para kunwari nakikipaputok ka rin. Meron ka pang maipapatugtog next new year.
15. Pumutol ng kapirasong kahoy mula sa puno at sindihan ang dulo. Paikut-ikutin ito sa ere. Ito ang tinatawag na loser's lusis. Maaari rin namang umikot sa buong village habang tumatakbong hawak ang torch. Malas nga lang kung sa bawat bahay ay pahintuin ka nila para pasindihan sa iyo ang kanilang mga paputok.
16. Swerte raw pagpapagupit sa bagong taon. Kalbuhin nalang ang sarili for a fresh new start.
17. Isama ang alagang aso sa celebration tutal year of the dog naman. Patahulin ito at pakainin sa handaan. Wag kumain ng aso, malas yan sa taong ito.

HAPPEE NEW YEAR (mamaya)!!!
Count Down

1 comment:

  1. hey there.. long tym no talk! howz ur holidays? lol ur entries are funny.. haha

    ReplyDelete