Nabubuwisit ako minsan sa mga carolers na yan. Kakanta na nga lang eh di pa alam ang lyrics. Puro title lang ng kanta ang nirerecite. Di pa nga natatapos ang isang linya, lilipat na agad sa ibang kanta. Kakapal pa ng mga mukhang magsisigaw ng "Nagka-caroling po!" Caroling ba yun? Kung gusto nilang manghingi ng pera wag nila daanin sa caroling kung hindi sa paglilimos! Ang Pasko nga panahon ng pagbibigayan pero hindi ng paghihingian!!! Yung iba ang babastos, nakakawalang-gana! Sisigaw-sigaw at magpaparinig! Sila na nga nanghihingi, sila pa nagagalit. Bakit kaanu-ano ko ba sila? Ninang at ninong ba nila ako para hingian? Karapatdapat ba silang bigyan dahil sila ay kasama sa mga naghihirap nating kababayan? Konting galang naman sana! Ayus-ayusin nila pakikitungo kung gusto rin nilang maayos din ang pakikitungo sa kanila.
URI NG CAROLING AT ANG KATUMBAS NA HALAGA
Sigaw o nakapagpapadugo ng tenga.................... Patawad!
Di alam ang lyrics .................... 10 cents
Tula .................... 25 cents
Sintunado .................... 50 cents
Pwede na rin .................... 1 peso
Choir .................... 5 pesos
Choir (with instruments) .................... 10 pesos
(with costume) .................... 15 pesos
(with dance presentation) .................... 20 pesos
*****
Early gifts ko:
1) Personalized 2006 calendar with animal designs kasama na tao dun na tinatawag kong Tolits dahil puti ang damit ng batang lalaki sa picture. From mama and papa.
2) Bracelet of saints... from Ninong Manny and Ninang Bleng.
*****
JOke JOke Choke!!!
Q: Use Endemol in a sentence.
A: We went shopping for Christmas gifts ENDEMOL.
*****
Inis talaga ako nung Thurs. Para nga akong magkakalagnat sa pinagsamang sama ng loob at lamig ng panahon. Biruin mo ba naman nasira cd-rom at cd writer ko!!! Yung cd rom maingay na magplay ng music. Yung cd writer ko naman nagkakasira yung mga tracks na binurn ko at pagkatapos ng 3rd try di na nakaburn. "No disc" daw nung ipplay ko na. Kakagalit talaga!!! Kung kelan kailangan ko dun wala. Pati printer namin na nagloloko-loko na rin, wala nang ink. Balak kong bumili nalang ng bago. Di tuloy ako makakaprint ng cd cover. Pwede sana sa office ni papa kaso wala na ring tinta yung kanila. Ang tagal ko pa namang pinaghandaan ang mga tracks na dinownload at nirip ko tapos wala rin pala. Di ko tuloy magawa ang debut remembrance ko. Ngayon pa kasi nagkandaleche-leche... Sa inis ko, natulog ako ng maaga pero late pa rin nakatulog. Kung sana kasi matagal ko na naburn yung mga cd eh di okay lang kaso late na ang release ng isang track kaya kailangan ko pang hintayin. Nakatatlong version na nga ako ng cd kaso yung last kung kelan na ako satisfied doon na may sira ang tracks. Ang dami kong nasayang na cd, ang cute pa naman ng design tapos ganun lang. It's a waste of time, money and energy!!! Ganito talaga ka-ironic ang buhay ko.
"When there's something I need most, there is none. When there's something I don't need at all, it becomes available. When there's something I don't expect, there it comes. When I expect too much, it never comes out right."
Sa buhay na ito, di talaga lahat ng bagay na gusto mo makukuha mo, kahit pa yung mga matagal mo nang pinlano at pinaghandaan buong buhay mo. Maaaring humantong rin itong lahat sa wala. Kaya mahirap talaga pagnakasandal ka masyado sa mga materyal na bagay... Wala naman akong magagawa dahil yun lang ang source of entertainment ko. Di naman ako makapagliwaliw araw-araw! Kinukundisyon ko na nga lang utak ko na wala kunwari akong cd burner at mga cd na kailangang iburn. Isusubsob ko nalang sarili ko sa mga projects ko.
*****
Debut ko na sa 22. Sa 28 na nilipat yung overnight. Nagkasakit kasi isa sa mga VIP ko. Kinakatakot ko na lang kung magkasakit pa yung isa, sana wag naman. Bahala na talaga!!! Napaparanoid na ako...
Sa 22 naman magdidinner kami kasama si Ms. Alfie, Religion teacher at personal formation tutor ko noong 1st yr hs sa woodrose. Mabait yung teacher ko na yun. Never in my life as a student na nakita ko syang nagalit sa klase. Maswerte nga ako na naging class adviser ko sya noong nagkasakit na ako. I guess she's in her late 30's or 40's na but sometimes childlike pa rin sya kaya masarap kasama at kakwentuhan. Sabi nga ni mama di na daw mag-aasawa si Ms Alf kasi member daw siya ng Opus Dei.
Eksaktong kabaligtaran siya ni Kura, teacher namin dati sa EPP or HE sa JGSS. Sungit kasi nya, at mahilig pang mang-insulto ng mga students nya kahit wala namang ginagawang masama. Di ko masisisi kung generation to generation, kilala pa rin sya sa tawag na "kabayo." Pero kamakailan lang naisip ko, Bakit kaya Home Economics tinuturo nya samantalang wala naman syang asawa?
Sayang, di makakasama si Ms Tan kasi may aatendan siyang xmas party on same date. Siya naman yung PF Tutor ko nung grade 7 ako in woodrose. She's a literature teacher in another section kaya I'm free to ask questions tungkol sa subject. I like her too coz she appreciates me. Minsan na rin siyang naging broadcaster sa newsbreak on chan 9. Isang beses ko nga lang sya nakita on tv kasi weekday afternoon sya noon lumalabas.
Ms Tan and Ms Alfonso are not teaching in woodrose anymore. Naggraduate na rin lahat ng classmates ko dati doon kaya mukhang wala na ata akong babalikan pa dun. Well, it doesn't matter. Most of my closest friends are from my old school JGSS and they're still alive and kickin'
*****
Dahil sa sunud-sunud na mga nakakadepress na pangyayari this december, nag-iba ang naging hilig for one day. Nakinig ako ng drama sa AM Radio "Gabi ng Lagim... Awwwoooo..." at nakinig ng piano instrumental music sa walkman. Mga bagay di ko naman talaga hobby noon pa. Siguro napagod lang ako sa usual habits kaya I tried something for a change. Yet, after that day, I'm the same old me again.
Nagkaroon naman ng Xmas party the next day ang barangay sa harap ng bahay namin, dun sa basketball court. Akalain mo ba naman, patutugtugin din nila yung kanta ng commercial ng Datu Puti Jumbo ni Lito Camo! Sabi ko, siguro yung pinantimpla nila sa handaan ay datu puti rin. Loko talaga... Hit na hit ang kanta kaya napapaindak na rin pati mga inday...
*****
Nagawa ko na pala yung dulang panradyo na skrip ko. I cant believe I made a jologs love story once again. Yung lalaki ay binase ko sa ugali ni Shikamaru... and I named him Shogi. Mukha kasing shogi si Shikamaru. Shogi ata is Japanese Chess right? Correct me if I'm wrong, Ms Kris Aquino. Joke!!! I paired him with someone I named Nikki (from Barkada Trip). Si Ino naging Ina. Si Choji naging Joji. Tayuya as Thea. Sir Asuma as Sir Han at yung principal si Hokage-sama Sarutobi! //^_^\\ Am really addicted to Naruto, no? Basta the story is about a girl student, Nikki, na di niya matanggap sa sarili niya na naunahan na siya ng kaklase niya, si Shogi, pagdating sa grades and position sa school. The guy kasi is lazy but meron siyang natatagong talino (Just like Shikamaru). Then ayun basta awayan tapos at the end magkakainlove-an sila sa isa't isa. Yung ending nga is when they confessed to one another na. Yun lang yun. Bitin as usual.
Grabe, nanunuot na si Shikamaru sa utak ko...
*****
I made a Pinoy Big Brother song spoof. I'll post it another time.
Hello again.. well, nka2inis tLga ynG mga nG ca2roL nyaN.. mnSn dtE nsa probnSya aQ tpOs ung mga ngccroL ayw kmE tgiLan.. hnDi n nGa nmEn pnapnSen 2Loy pRn anG pGknta.. butE sna knG mGnda bOseS nLa.. eH pmatay nman nG muL2 unG mga tOno ng knta nLa.. dpat kmuHa mna cLa nG vOicE LessOns...
ReplyDeleteuU Lm cO n c GMA presidEnt.. xa n kxE un prEsidEnte bgO p kmE umaLes nG pinaS.. nSa canaDa nQ naUn... miZ cO n phiLippinEs ksO bLita cO nGa nG taaSan n haLos Lhat nG prEsyO..gasuL..pamaSahE..biLihin..
gs2 cO mbsa un stoRy mO.. pOst m?.. hEhE.. aQ dn dtE gmagawa aQ nG mGa fanfictiOns.. adiK rn kxE acO s NarutO.. kaLa cO dtE coRny un... nKa2iniS pnUurEn nrutO d2 kya dnadownLoad co nLn un manGa nOn... nG sstart nGa aQ nG manGa coLLectiOn co.. cnOcoLLect cO naun DN ANGEL.. ksO mhaL nG manGa.. $15 iSa.. aLm cO s pinas mGa P500 unG isanG manGa... grabE.. anO bNg bgOng animE nLa dian?.. npanuOd m nb unG bLeach? xtiG nGa d2 xE mai animE cLub kmE s skuL... ;) mxya dUn.. nnU2od Ln kmE nG animE or kpG gamE day nG la2rO kmE nG pLaystatiOn.. tpOs xmaS party nGa nmEn ngaUn wEek n2.. idEa cO nGa un Eh..
nwEiz.. aUn.. kEep me updatEd on all the happeninGs thEre..