Friday, January 27, 2006

Kamau ku ang siyang tatapus sa 'yu!

Noong Sun, saglit na huminto ang mundo ng bawat Pilipino. Natigil ang bangayan, nahinto ang krimen sa bansa. Nagkasundo ang mga mayayaman at mahihirap, nagkaisa ang administrasyon at oposisyon, nagkabati sina Mards at Pards, naging best of friends ang mga pulis at preso. Lahat ay nakatutok sa laban. Iisa ang sigaw ng bawat Pinoy... "Mabuhay si Manny Pacquiao! Mabuhay ang Pilipinas!!!" Congratulations Manny Pacquiao! Saludo kami sa iyo... Ikaw... Ikaw ang pag-asa ng bayan... Ang tanging bayaning magbubuklod sa lahing pinagwatak-watak ng pulitika at sosyal na dibisyon... "IBOTO MANNY PACQUIAO FOR PRESIDENT!!!"

hehehehehe...

Nasa harap ako ng tv habang gumagawa ng project. Inaangat ko nga lang ulo ko tuwing nagsisigawan na yung mga tao. Kabado rin ako. Tingin ko kasi may dala akong kamalasan pag tinutukan ko ng husto ang laban. Everytime kasi nanonood ako, either tabla or talo eh. Pero mukhang apektado proj ko. Di ko na nga rin alam kung tama pa yung nagawa kong oregami.

Galing talaga ni Pacquiao no? Talo si Erik Santos... ay! Vina Morales... ay mali... di pala ito concert... Ulit...Ulit... Take 2!

Pinakyaw talaga ni Pacquiao si Erik Morales! Terible tuloy ang sinapit ng El Terible. Tsk tsk tsk. Moral lesson: Maliit man ay nakakapuwing din. Paano yan, yaman na ni Pacquiao... Money Pacquiao! hehe... naglilitawan tuloy ang mga kamag-anak niya. Pinagpapakyaw na rin ang cd niya ah pati sa States! Ang mga pumusta para sa kanya, may instant pera! Ang mga sinehan nakabawi agad sa lugi nila. Lumakas ang benta ng mga Manny Pacquiao apparrel and accessories! Kahit for once naging happy uli ang mga Pinoy ah... umiiral ang mga "proud to be Pinoy" feelings. Pati kapitbahay nga namin, biglang nagpaputok ng fireworks matapos yung laban... Sabi nga sana daw araw-araw yung boxing para magkaisa ang buong sambayanan. Sira talaga sila! Gusto ata nilang patayin ang bida natin. Para na rin nilang sinabi na gusto nila ng araw-araw na tsunami para lang magkatulungan at magdamayan ang buong mundo.

Ang maganda naman ay naging good example siya sa atin. Pinakita niya na ang daan sa tagumpay ay sa pamamagitan ng determinasyon, fighting spirit at matibay na pananalig sa Diyos. Di niya nalilimutang magpasalamat at purihin ang Diyos kahit pati sa interview. Ang maganda pa nun, disiplinado at matiyaga siya sa training. Mabait, mapagbigay at hindi mayabang. Komedyante pa. Uy, boxer, singer, commercial model din ah! Artista? Pwede! Lumabas na nga ata siya isang pelikula at ilang tv guestings, right? hehe... Makabayan pa, "Para sa iyo, ang laban na to... Di ako susuko isisigaw ko sa mundo... Mahal ko bayan ko... para sa iyo bayan ko!"

Till next fight...


.....PREPARE TO CROSS THE BOUNDARY BETWEEN FANTASY AND REALITY.....

.....THE FIGHT THAT WILL CONQUER ALL FIGHTS.....

.....NEVER BEFORE SEEN ON TV.....

.....MAN VS. DOG.....

.....IN.....




.....COMING SOON AT THEATERS NEAR YOU...




*****
Sa iskul, tama ba namang mag-ipod habang nag-eexam? Akala ko nga may nag-on ng radyo sa room, yung katabi ko na pala yun. Ang lakas ng music kaya dinig ko. Nakukuha pa niyang magconcentrate? My gosh, anong klaseng utak meron siya?! Pinapayagan ba yun?

Sa Fil. nasubmit ko na yung script ng dulang panradyo. Para akong tinurukan ng karayom ni Haku nung tinanong ng teacher ko, "Sino si Nikki? ... Ikaw?" Mas lalong bumaon ang karayom ng sunod niyang tinanong, "Sino si Shogi?" Akala ko nung una, gusto niya akong tanungin para malaman lang kung ako nga ba talaga gumawa ng dula... pero tanungin ba naman kung ako ba yung character na si Nikki... *mind screams* ... Di ko maexplain. Di ko pwedeng sabihin dahil magmumukha akong tanga. ("Ma'am si Shogi po ay si Shikamaru"... "Sino si Shikamaru?"... "Idol ko po sa Naruto"...) Di ba mukhang engot? Wala sa katinuang sagot. At kung ganun nga, hahaba lalo ang usapan. Delikado, lakas trip pa naman si ma'am. Kaya to make the long story short sabi ko, "Gawa-gawa ko lang po." Eh di tapos! Gagawin pang masyadong complicated eh alalangan naman iexplain ko pa na si Nikki ay based sa ugali ni Yukino na fav kong character sa Kare Kano, lalo na sa episode 2 yung chu chu chu... nge nge nge... blah blah blah... quack quack quack... arf arf arf... bow meow... la la la.... May nakita ba siyang piece of evidence sa aking project at naintriga siya? hmmm...

Sinabihan ako ng mga teacher ko na pumasok daw ako twice a week para makahabol sa graduation. Kayang-kaya ko raw yun matapos sa March... Tenk u nalang po pero my gosh naman guyz, let's be realistic. Di ako si Super Woman! Di ko kayang tapusin ang sangkaterbang modules and projects. Ni di pa nga ako nakakalahati eh. Nalimutan ba nilang Aug na ako nag-enroll? Papatayin ba nila ako? At saka ang daming reasonable na dahilan kung ba't di ako makakapasok on weekdays:
1.Bawal ako sa crowded places. Sa dami ng tao paano pa nila ako maaacommodate?
2.May office pa ang papa ko. (Sabi nga nila sa akin, magpahatid-sundo na lang raw ako sa papa ko. Eh paano kaya yun? Sa alabang galing si papa at maaga pa pasok nun at gabi na nakakauwi yun, ihahatid at susunduin pa ko sa Q.C tapos uuwi pa kami sa Cavite. Laking perwisyo!)
3. Mahal na ang gasolina.
4.Bawal ang stress (Halos masira na nga utak ko sa kakaaral eh. Mabilis pa naman ako mapagod baka himatayin lang ako dun)

Wa na naman ako paki kung ma-late ako. Makakapagcollege naman ako anytime. Bakit kailangan pa madaliin eh di naman ako nakikisali sa mga batchmates ko. Wala nga akong kakilala sa mga yun eh. Ayoko nga makita mga pagmumukha ng mga yun. Tititigan lang ako ng mga yun at wala... wala silang pakialam. Pakelam ko rin ba sa kanila. They're nobody to me and I'm nobody to them, why should I bother to go with the flow? Kung award lang naman ang dahilan eh sus, wala yun. Ok lang yun kahit di ako mabigyan ng honor. Pandisplay lang naman yun. Sisikapin ko nalang magtagumpay sa totoong laban ng buhay, o ha! Aanhin mo naman kasi ang medal kung di ka rin naman pala naging successful pagdating ng araw?

Question, anong silbi ng Economics? Para malaman kung paano naaapektuhan ang mga presyo, at matutunan kung paano maging praktikal at matipid. Di sila nagkakamali! Totoong napamura nga ako... sa haba ng tests at modules #$@#$#%%!!! Dagdag pa dun ang kanilang "English grammar" na siguradong magpapatataas naman ng presyon ng dugo. How can they expect me to become skilled in English communication when they can't even correct their spelling and grammar? They cannot always blame it all on typographical errors! Then tell me, who types the modules? Why can't they even proof read and revise it perfectly? And the lessons are even sometimes hard to understand. I have to waste my time reading and rereading their complicated explanations about the topic just to pick up the meaning!!! *coughs and chokes* Excuse me po!

Napag-usapan namin ni mama ang trigonometry:
MAMA: Trigo? Madali lang yan kaso nakalimutan ko na.
TP: Ah oo, trigo! madali lang pala yun no... madaling makalimutan!

Akala ko pa nga nawala pencil case ko sa skul. Di ko namalayan na nalaglag ko pala sa ilalim ng teacher's table. Ang tanga tanga ko kasi! Kinabahan nga ako. May phobia pa naman ako. (Takot na mawala ang gamit) Okay lang sana kung mga lapis lang at bolpen ang mawawala pero yung keychain... Naku! nakakahiya naman sa nagregalo, makukunsensya ako nun! Baka di ko na maiharap ang mukha ko sa kanya sa sobrang kahihiyan. ... Engot din naman kasi yan si Gaara! Nagrerebelde ata kaya nagpupumilit tumakas, tinangay pa buong pencil case ko! Buti naman nahuli ko na siya bago pa niya maperform ang ninjutsu niya sa teacher ko.

Nagpacheck up ako kay Dra Yu. Napansin rin niyang malaki ang pinayat ko. Nasabi ko kasi na nagdidiet ako. Tanong niya sa 'kin, "Bakit? May nanliligaw na ba?" Ngee... kelangan ba may manligaw muna bago magpapayat? O baka naman vice versa? It's only a matter of self-confidence. Natural naman humindi ako, pero sa kaloob-loob ko gusto ko sabihin, "Wala pong manliligaw... pero may NALILIGAW." Nabanggit pa niya kung paano daw ako maliligawan kung di ako nagreregular class at lagi pang binabantayan. Aba ewan ko! Kung kalayaan ang pag-uusapan, gusto ko ring makawala paminsan-minsan. Pero pagdating sa mga ligawan, wala akong oras dyan. Kung sakaling may makikipagdate sa akin, ganito ang magiging eksena:
(para sa mga hindi pa nakakakita sa kin, pakiimagine na lang ang scene feat. ang mga artista sa action comedy movie, Arahan. Isipin niyo na lang na Korean kunwari... Game!)

..........Starring..........
..........Yoon So-Yi as TP..........
..........Ryoo Seung-beom as LIGAW NA KALULUWA..........




..........in..........
.........."NARUTO O AKO?"..........


DIRECTOR: "NARUTO O AKO?" Lights, camera, action!!!
----------
Jollibee; 5:30 PM, Monday

TP: Iuwi mo na ako, Naruto na!
LIGAW NA KALULUWA: Kapapasok nga lang natin sa Jollibee ah!
TP: Eh di mag-take out ka na lang tapos ihatid mo na lang sa bahay namin, okay ba? Mauuna na ako, baka hindi ko pa maabutan si Shikamaru.
LIGAW NA KALULUWA: Si Shikamaru! Si Shikamaru na lang palagi!!! Kung di naman si Gaara!!! Mas ganun ba sila kahalaga sa buhay mo? Mamaya pati si KISAME...
TP: (sinuntok sa mukha si LNK) Wag mo akong ilagay sa kahihiyan kung ayaw mo ng iskandalo!
LIGAW NA KALULUWA: B...bakit?! 'Kaw rin naman nagsimula nitong away ah. Papayag-payag ka makipag-date sa 'kin tapos... (dedepensa sa suntok)
TP: Ano lalaban ka? Sinabi ko ba sa iyo na ligawan mo ako? ...Kaya lang naman ako pumayag makipagdate dahil pinangako mong ililibre mo ko!!!
LIGAW NA KALULUWA: ...(pause)... (serious) Di man ako marunong ng kahit anong jutsu, kaya ko namang ibigay ang 100% chakra ng pagmamahal ko! Yan ang kaparaanan ko ng pagiging...
TP: (tinulak si LNK) Mamaya na tayo magtuos pag natapos na ako manood. Sinasayang mo lang oras ko... (tumingin sa relo)... Ay! Ayan dahil sa sa iyo 5 mins late na ko. Dyan ka na nga!!! (paalis na)
LIGAW NA KALULUWA: Teka sandali, ano palang oorderin mo?
TP: Ramen!!! (kumaripas ng takbo papalabas ng pinto at nagpatalon-talon na sa ibabaw ng mga kotse)
LIGAW NA KALULUWA: ...???...R...ramen???

DIRECTOR: Cut!!!
----------
(Ang panget ng eksena no? Sabi ko sa inyo eh! Maliligaw lang ako ng landas dahil sa manliligaw ko)

*****

May napanood akong tv mass nung sunday, nakade-powerpoint kamo yung homily nung pari. Uy si Father, hi-tech na rin! ...
Nadownload ko na rin sa wakas ang music file ng Forbidden Love, yes!!! Nakita niyo na ba yung aquarium sa palabas? Puro jellyfish ang laman. hehe! Kawaii!!! ...
Eto nakatikim na ba kayo ng Wasabi flavored salad dressing? Yuck! Lasang plastic na maanghang. Para pa ngang masusuka ako sa lasa kaya di ko inubos yung pagkain ko. Ba't yun pa kasi yung pinili. Nandidiri tuloy ako pag naaalala ko. Eww ...
Humahabol nga ako sa panonood ng Iron Chef. Nakakaaliw kasi sila panooring magluto. Kakaiba yung mga mixtures ng ingredients. Para mong pinapanood ang Cooking Master Boy in reality! Tinitignan ko lang yung mga recipe nila sa screen parang nalalasahan ko na. Maiinggit ka tuloy sa mga judges na hanggang tenga ang ngiti pag nakatikim na! Gusto ko rin tuloy matutong maging Iron Chef. hehe...
Si mama, nandidiri daw kay Judy Ann sa Don't Give Up On Us. Mukha daw plastic si Juday. Kinikilabutan daw siya at kahit daw ilibre mo siya manood ng sine, di raw siya sasama. Actually, naramdaman ko rin yang kilabot factor na yan sa ilang mga eksena lalo na yung "Your such a good person" scene (tama ba yung linya?) . Yung mga fans naman nakakatakot din. Para silang manlalapa ng camera at ng tao nang buhay. Hanggang ngayon talaga di pa rin sila nagi-give up! Ugh!!!

*****

(Umuwi si Kisame sa bahay)
KISAME: Tindi ng misyon namin! Ang sakit-sakit tuloy ng likod ko. Masahiin mo nga!
PIKORI: Yan ang hirap sa yo eh!
(Nagpakasiga si Pikori. Tiniklop niya ang manggas niya hanggang balikat at nagsimula siyang mag-warm up at magpalipad ng mga suntok sa hangin. Akala mo nagpapakitang gilas siya sa boxing ring. Napalingon si Kisame at bigla siyang kinabahan nang makita ang anyong Commander Nene sa likod niya. Sasabihin nalang sana niya kay Pikori na wag na ituloy nang di nakahintay ang Pacquiao Super Special Ion Punch na tumama sa mukha ni Kisame)
KISAME: Arrraaay!!!
PIKORI: BAkit ka kasi humarap? Akala ko ba likod mo ang masakit? ... Ay nalimutan ko! Di kumpleto ang masahe kung wala nito. Anong gusto mo? Asin, kechup o flour?
GAARA: Ilublob mo nalang kasi yan sa kumukulong tubig at nang mawala ang sakit ng katawan mo.
PIKORI: Tama si Gaara! Kaso malayo ang mga hotsprings. Kung gusto mo home-made jacuzzi na lang. Mag-iinit ako ng tubig sa malaking palayok habang nakababad ka dun, ok?
KISAME: Balak niyo ata akong lutuin eh!... Aalis na ako. Sa massage parlor na lang ako pupunta kahit may E-VAT!
PIKORI: P...pero... di mo pa nakikita ang mga bagong techniques na natutunan ko sa laban nina Pacquiao at Morales!
KISAME: Che! Masahe gusto ko at di suntok! ... Wala akong tiwala sa iyo. Baka mamaya ibaon mo ang kuko mo sa likod ko at dukutin ang baga ko.
PIKORI: MAy baga ka pala? Akala ko gills lang.
(hinampas ni Kisame ang Samehada niya ngunit nagmistulang hairbrush lang ito pagkadikit sa buhok ni Pikori)
PIKORI: Di ako nagpapa-parlor sa iyo no!
KISAME: Ayoko na!!!
(palabas na ng pinto ang Black-Eyed Fish na may Hump na sa pisngi nang biglang may natatarantang kumatok sa pinto. Binuksan ni Kisame at biglang pumasok sa loob ng bahay si Kimimaro na halos maubusan ng hininga. Sinara niya agad ang pinto na para bang natatakot dahil may nagbabanta sa kanyang buhay)
PIKORI: How dare you enter my home without permission! This is no public property so get out of my house! I don't need your skeleton!
GAARA: Kimimaro, nandito ka ba para ituloy ang ating laban? Humanda ka't sisiguradihin ko sa pagkakataong ito...
KIMIMARO: Gustuhin ko man pero hindi ngayon ang oras para pag-usapan natin yan.
KISAME: Bahala na nga kayo! Lalabas na ako!
KIMIMARO: Wag! sandali! Hayaan niyo muna akong magpaliwanag! Kailangan ko magtago muna rito pansamantala! May mga humahabol sa akin!!!
PIKORI: Sino?
(biglang may mga nagtatahulan sa labas ng bahay at sumilip sila sa bintana. Isang tropa ng mga aso ang naghihintay sa gate)
PIKORI: Fans club mo?
KIMIMARO: Ayaw nila ako tigilan! Araw-gabi, nagbabantay sila sa 'kin kaya di ako makababa ng puno ng niyog. Nagpatalun-talon na nga lang ako sa mga bubungan at poste hanggang makita ko ang signboard na tatak "Fool House".
GAARA: Ba't di mo gamitin ang mga technique mo? Wag mo sabihin pati chakra mo naubos na.
KIMIMARO: Yun nga ang problema, naubos na nga! Gamitan ko man sila ng kahit anong technique, kinakagat lang nila ang mga buto ko! Mas lalo pa silang dumadagsa at nagiging agresibo pag mas malalaki at mas mararaming mga buto ang nilalabas ko sa katawan ko!!! Gusto na nila ako lapain!!! Kasalanan ko ba kung naging mabuto ako?
GAARA: Isisi mo sa angkan mo.
(Maya-maya napasigaw si Kimimaro)
PIKORI: May ipis ba?
(Biglang lumapit si Peropero at dinilaan si Kimimaro)
KIMIMARO: Tuta! Layuan mo ako!
PIKORI: Wag ka mag-alala. Sa liit niya di niya kaya ubusin lahat ng buto mo.
KIMIMARO: Ganun ba? Hay salamat!
KISAME: (nakasilip sa bintana) Di pa rin sila umaalis ang mga askal na to. Gagamitan ko na sila ng samehada!
GAARA: Mukhang dumadami sila.
PIKORI: Teka, mga ninja dogs ata ni Kakashi yun diba?
KISAME: Ano ngayon? Tatapusin ko na sila!
PIKORI: Wag! Be kind to animals! Animal ka rin kaya dapat kind ka rin sa kanila!
KISAME: Grrr... baka ikaw ang animal dahil kind ka sa kanila!
KIMIMARO: May pabango ka ba dyan? Kahit ano basta matapang para di na nila ako maamoy at matunton. Nang layuan na rin nila ako.
PIKORI: O sure, marami dito. Halika!
GAARA: Mukhang di maganda to ah!
(Dinala ni Pikori si Kimimaro sa kubeta, kusina at bodega para makapamili ng perfume. Nang lumitaw sa harap nila si Kimimaro ay biglang nag-amoy pesticide ang buong paligid)
KISAME: Pinepeste na ata tayo dito ah!
GAARA: (nakatingin mula sa bintana) Tignan niyo. Umaalis na sila.
PIKORI: O ayan pwede ka na namin i-evict, kakosa. I-take out mo na rin ang pating namin!
(Satisfied na nagpaalam si Kimimaro dala ang scent na pamatay-lamok habang si Kisame ay muli na namang natorture ng isa pang sakit... sakit sa ilong)

*****
Paalala: Updated na uli ang Anime Gag Zone...

Now showing:
Fool House Episode 6: Sabihin Mo Sa Akin

Friday, January 20, 2006

R-18 Kaya mo na 'tol!

Di nila ako pinayagan manood ng "Nasaan Ka Man" dahil may adult scenes daw... #$@%#$%#@!!! Nalimutan na ba nila kung ilang taon na ako? Eh kadedebut ko lang ng december ah! 18 na ako, as in E-I-G-H-T-E-E-N!!! Sobra naman sila! Baka mag-38 yrs old na ko, puro bawal pa rin!!! Hmp! Di bale na, ayoko naman manood ng mga maseselang palabas pag kasama sila, nakakailang! Oo nga maswerte nga't napacd-write ko yung pelikula. May lusot ako, okay na sana, tutal akin naman yung ginamit na CD-R kaya that means akin rin yung VCD at wala silang karapatan dun dahil pera ko yun. May pa-evil lol pa ako noon. Akala ko okay na, kaso me problema, putol pala yung 2nd part. Maganda pa naman daw tapos nabitin pa sila. Ha! Yan ay karma! Pinagbawalan kasi nila ako kaya ayan bumalik rin sa kanila! BEh...

Bakit ba nila akong tinatratong parang bata? Okay lang minsan dahil batang isip nga ako pero hello! Wag naman ganun ka-O.A. Baka akala nila kaya nila ako panatilihing inosente or should I say "ignorant" as in mangmang forever, for life, until death do us part! Di nila kayang itago ang katotohanan dahil hahanapi't hahanapin ko rin yun or should I say malalama't malalaman ko rin yun. At saka di na rin ako tanga or utu-uto tulad nung bata pa ko. Di nila ako pwedeng ikulong sa tore o isolate sa isang isla dahil that is a human right violation and I have the right to freedom! Hindi naman tama yun diba? Iba na ang henerasyong ito! Knowledge na ang pinakamatinding weapon mo. Kung eengot-engot ka eh wala ka na, delikado ka. It's not the physical or outward messages that is important but the lesson you've learned and how you apply it. Maaaring yung iba madaling maimpluwensiyahan ng masama, pero di ako tulad ng mga yun na dapat baguhin at i-reshape ang mga utak. Di na rin ako bata na kailangan pang hulmahin ang utak. Hindi naman ibig sabihin na lahat ng nakikita ko ay gagawin ko. My gosh, di na ko 5 yrs old, human beings! I have my own mind, values, principles and beliefs. I believe I am not an irresponsible person tulad ng iba dyan. Siguro di lang nila alam kung ano nang nagbago sa akin dahil di ako ganun ka-open sa kanila. Di pa nila ganun kakilala ang totoong ako. Dahil naiilang ako makipag-usap sa kanila sa mga seryosong bagay at kung minsan ayokong pinag-uusapan ang mga yun sa harap nila. Sanay naman akong manahimik nalang at makinig sa kanila, at minsan palihim akong sumasalungat. They can't lock me up forever. Sabi nga nila kung ayaw mong matuto ng mali ang mga bata, ikaw mismo ang magturo kung anong sa tingin mo ang tama. At di solusyon dun ang pagsisinungaling, pagbubulagbulagan at pag-iwas sa kanya dahil mas lalong masama yun. Siguro okay lang na pagbawalan mo siya sa mga sensitibong issue kung wala pa siyang kamalayan at pagkakaintindi sa mga bagay na yan. Lahat ng bagay ay may takdang panahon pero pag dumating na ang araw na hindi na maiiwasang maimpluwesyahan na siya ng paligid at nagsisimula na siya bumuo ng sariling opinyon ay dun ka na kumilos agad bago pa matapalan ng putik ang isip niya. Kung babalikan natin ang kwento ni Adam and Eve, di ba pinagbawalan sila ng Diyos na kumain sa tree of knowledge of good and evil? Pero hindi rin naiwasan. The tree represents wisdom. Adam and Eve represents human kind. It is now the question of how you use this knowledge wisely. Ngayon, yan ang dapat ituro sa kabataan! After all, hindi mo sila kayang papaniwalain kay Santa Claus habambuhay o sa mga ibon na naghahatid ng mga babies...
Bottom Line: Just give me freedom and I will use it wisely. Peace! Freedom! Liberty!!!

Pero inaamin ko kung maging nanay man ako, mahihirapan ako sa mga bagay na yan kasi di ako magaling makipag-usap. Naalala ko pa nga habang nagdidiscussion sa Filipino subject, napunta sa sex education yung usapan. Parang ayaw pa ikwento ni Mrs. Suemith kasi masyadong OA mga kaklase ko. Ewan ko ba kung siya yung nagsabi na dapat sa mga magulang nalang namin kami magtanong. Basta ang alam ko sagot namin, "nakakahiya kasi." Bakit daw kami mahihiya, eh dapat daw mas mahiya kami kung ibang tao. Patlang. That is an irony of life. Nakakailang kaya no... Anyway, wala naman ata sa plano ko ang mag-alaga ng bata. Tuta o kuting pwede pa kasi wala ka namang ituturo maliban nalang sa toilet training at tricks kung gugustuhin ko. Pero kung iexplain mo sa bata ang lahat ng katotohanan, mahirap din. Kailangan kasi ng patnubay ng magulang. YUng Sponge Bob Square Pants nga may Parental Guidance rin. Paano yan?... "Anak, wag ka maniniwala. Walang mata at ngipin ang mga sponge! ... Anak, walang restaurant sa ilalim ng dagat na kinakainan ng mga isda... Anak, walang squirrel na naka-astronaut suit... Anak, walang squid na nagtotorotot... Anak, walang crab na mukahang pera... etc... etc..." Lupaypay ka na sa kakaexplain sa anak mo after every episode...Wawa ka naman.

*****

Napadevelop ko na yung mga pics sa debut ko. Hanggang ngayon di ko pa rin matanggap na ako yung nandun sa photos. Parang alien talaga ako ngumiti. Dahil dyan, gagawa na ako ng set of personal rules pag magpapakuha ng litrato:
1. Magtaray sa harap ng kamera. Kung maaari iparamdam na kontrabida ka.
2. Wag magpacute. Kabaligtaran ang madedevelop na photo.
3. Wag basta basta maniniwala sa salamin. Kung inaakalang maganda ka na, alalahaning nililinlang ka nyan. Maghintay na may ibang pumuri sa iyo na di kakilala bago maging proud magpapicture. Tandaan, wag magpapauto sa magulang.
4. Kung di pa rin maganda ang kuha, ituring na matinding kaaway ang camera.
5. Dasalan muna ang camera bago gamitin. Ito ay upang maalis o mabawasan man lang ang masasamang espiritung sumapi rito.
6. Kung wala na talagang pag-asang magkabati kayo ng camera, kuhanan na lang ng litrato ang reflection sa sinungaling na salamin. Tandaan na tuso ang camera kaya mag-ingat at baka ibang mukha ang lumabas sa picture. Wag magpapakuha ng video habang nagsusuklay sa harap ng salamin... ibang istorya na yan.
7. Kung ayaw pagbigyan ng camera, wag mo na ipakita ang iyong mukha. Takpan mo ito ng libro or any opaque material. Pwede ring magpakuha nang nakatalikod.
8. If any of the steps above did not succeed, see me in personal na lang. Abangan ang aking haunted apparition sa inyong panaginip. Kung di pa rin binabangungot, I'll leave it up to your imagination. Siguraduhing mala-Steven Spielberg or Stephen King ang takbo ng imahinasyon. Maaari rin namang manood nalang ng horror films upang masatisfy ang iyong curiosity.
(Exagge ata... Hehe... //^^\\" ... Masyado ko na inaapi sarili ko ah. Ako lang naman ata nag-iisip ng ganito. Pero diba nga mas importante ang sariling opinyon kesa sa iba? Para naman pag inamin mo sa sarili mo, di ka na masasaktan pag may nagsabi sa iyo. For now, wala pa namang naglalakas loob na magsalita, kaya dapat ihiwalay ko na yung photos na mukhang tao sa mukhang alien bago pa may ibang makakita. Ibaon sa lupa ang mga makapagtindig balahibong mga litrato. Hehe... At least naman hindi nagyayabang. Yung iba kahit mukhang impakta pa kesa sa akin ang lalakas magpose at magdisplay ng mga photos. Ano yan panakot sa mga viewers? Di na sila nahiya sa balat nila, nagdadala lang sila ng kahihiyan sa kanilang lahi. Haha... //^O^\\)

TP: Mirror, mirror on the wall, whose the fairest of them all?
MIRROR: The one and only you!
TP: Che! Sinungaling! Tapatin mo na ako! Alam ko naman si Snow White diba? Tanggap ko na yun, di mo na kailangang ipagkaila pa!
MIRROR: ...???

Pero dahil labs ko kayong lahat, pagbibigyan ko kayo. Irereveal ko na ang aking hitsura...



O kitams! Ang ganda ng ate niyo divah? Panghollywood ang dating! Wala dyan si Paris Hilton!

*****

Niregaluhan ako ni Dikya ng manlalatibang Gaara. Kailangan mag-ingat, nanunusok eh. Malaki ata galit sa akin. Inalipin pa kasi nakadesusing kadena (KEY-CHAIN). Nilalaro ko nga yung kamay, ginagawa kong parang FPJ na nambabaril... Isang bala ka lang! ... Kinabit ko nga sa pencil case ko. Di ko tuloy alam kung kakayanin kong ihiwalay sa akin yun pag punta ko sa skul. May trauma kasi ako sa mga keychains. Nung elementary pa kc ako, laging ninanakaw ang mga keychain ko kahit gaano pa ito kapangit o kacheap. Ever since nun, di na ko naglalagay ng keychain sa bag unless yung bag di na naaalis sa paningin ko. Ang gulo naman, ano ba talaga silbi ng keychain? Lalagyan ng susi o pandecorate? Next time siguro pwede na earrings no?

*****

Pinalitan ng "Birhen ng Manaoag" ang vcd na pang Filipino Project ko. Religious pa naman kaso parang di naman inayos yung pelikula. Kelangan tuloy mag-exercise pa ako habang nanonood para mawala lang antok ko. Kulelat tuloy ang evaluation ko sa movie review. Sana kasi "Homecoming" nalang! Trailer palang ang tindi ng tagos sa puso ko. Di ko akalain matindi pala ang powers ni Alessandra de Rossi sa pag-arte. Tinagurian nga siyang Horror queen. May pelikula kc siya "The Maid" kaso sa ibang bansa unang pinalabas. Gusto ko nga panoorin yun!

*****

Nanonood ako ng Pretear sa GMA 7. Hehe! Ala lang. Every Sat and Sun kaso baka di na naman ako makahabol ng Sabado. //~_~*****

Nakakain ka na ba ng gulay na lasang buhok na bagong shampoo? Ako, oo! Yuck, tapang ng lasa. Wala nga sa amin ang umubos nun eh. Nagtiyaga tiyaga lang ako kahit konti.

*****

Naiinis ako sa Smart. Minsan sila pa cause ng pag-aaway. Nagtext ka nga pero hindi natatanggap, akala tuloy ng katext mo di ka nagrereply! Ewan ko ba o baka cel yung tinotopak!
Buwisit din yang PLDT na yan eh! Alam nyo ba yung promo na PLDT to SMART Unlimited for Ps10? Kailangan mo pang magparegister sa 10-10-10. Kailangan yan ng confirmation bago ma-activate. Aba e biruin mo mag-iisang buwan na ata eh di pa na-activate!!! Lang hiya sila! Palusot nila, may sira daw yung computer system, kaya pinamanual nalang namin sa kanila tapos sinabihan kami maghintay pa ng ilang araw. After ng ilang araw na paghihintay, tumawag uli kami at sinabihan uling after ilang days pa daw! Paulit ulit na tawag at paulit ulit na dahilan. Ano to lokohan? Eh di kung tatanga-tanga ka palang tatawag nalang sa SMART celphon ng iba eh pagtingin mo pala sa bill mo eh umaapaw na milyones na ang babayaran mo!!! Bah! Kung ireklamo mo naman yan, idadahilan lang nila na hindi mo pa kasi nakoconfirm! Eh di lusot sila! @##$@%%%!!!! Mga manloloko! Sinungaling! Mandarambong! Mga Gahaman sa pera!!!

*****

Malapit na laban ni Paquiao. Wala ata akong balak manood sa takot ko. Yabang ni Morales, sabi niya "Maning-MANNY lang yang si Paquiao." Sabi naman ni Manny, "Mangangamote si Morales sa suntok ko lalo na't Darlington ang medyas ko." JOke lang... wag kayo maniniwala sa mga sinabi ko. It's only a product of my crazy imagination. Anyway, pansin ko ganito ang pronunciation ng mga Amerikano sa pangalan niya, "MENI PEKYEOW"...

*****

"IN" thing na ba ang magkaroon ng bf/gf ngayon? Kasi tama nga, parang kaliwa't kanan nalang yung usapang relationship. Kaya ang mga single pa ay biglang naa-out of place. Pero guyz and super gals, don't worry ! Hindi masama o malungkot ang maging out! Yes! Ang salitang OUT ay shortcut lang ng salitang "OUTSTANDING!" Ayaw niyo yun? Bah ASTIG ata maging IBA! Walang distractions, walang awayan, walang pakialamanan at hindi pa kayo nakakadena! We're free! Free as the wind blows, free as the grass grows!!! Wag kayo maiinggit, dahil yang pasweet sweet na yan naku, mapapanis din yan at aasim. Lahat ay may expiration. Maliban nalang kung original and genuine ang pag-iibigang yan at di fake tulad ng mga vcd dyan sa palengke. Cheap nyo ha! Pati pakikipagrelasyon puro kacheapan rin. Mga kabataan ngayon, sus, sa sobrang desperation kahit katext lang, kachat or kaemail nakikipag-joa na kahit di pa nagkikita in personal. Bah, delikado ata yun! May kakilala akong lalaki na nagkaroon siya ng gf sa chat pero nakipagbreak din yung babae after nila magkita. Engot naman nun o! Anong klaseng relasyon yan? Mali naman ata yun. Di mo pa nga kilala yung tao ng mabuti tapos naglalandian na kayo. Aba paano pala kung kalandian mo na pala si Lucifer o si Sadako? Di mo alam bangkay na pala yung sinasabihan mo ng "I love you." O kaya naman isang Cyclops o Giant, syokoy, dwende, mangkukulam, halimaw, bakulaw, lamang-lupa, zombie, bampira, atbp. Di natin alam baka hi-tech na rin sila ngayon! Idagdag mo dyan, rapist, kidnapper, magnanakaw, serial killer, myembro ng Abu-sayyaf, pedophile... Mabuti sana kung janitor, tindero ng tahong, basurero o magbobote lang, mas okay pa siguro diba? Di mo alam pinagpapantasyahan mo na pala sa panaginip ang isang squatter na nagpapanggap na mayaman o isang matabang lola na feeling bugets pa. My gosh just imagine, bading pala yung "Laira" na katext mo. Yuck... this generation they are not using their brains. Akin nalang yang mga utak niyo kung di rin naman pala magagamit!!! Sayang lang at napupunta lang sa mga tulad ninyo. Grrrrr.... Anyway, kung pwede pala ang ganung style ng pakikipagrelasyon, pwede na rin ako siguro magkaroon ng imaginary bf. "My boyfriend lives in a shoe box. He has 8 eyes, 2 heads and 50 tentacles. He eats twigs and leaves. He can hop upside down on a wall and swim 2000 miles under the magma. He can even fly over the mountains and transform into a beautiful peacock. He is so sweet that ants crawl over him. His name is Gakurokatoki Pulutaque Shimpawoksupiritik." O diba? Kaya ba ng boyfriend niyo yan, girls? No of course not. Eh di paano, panalo na ako! Ako na ang may pinakamagaling na joa sa buong kalawakan. Hehehehehe... nagsalita ang alien.

*****

Sabi ni Kitchie Nadal sa news, sa Valentines daw nasa bahay lang daw siya at magpadownload-download lang. Well, career muna bago lovelife para sa kanya.
"Well wala rin naman akong gagawin sa Araw ng mga Puso kundi mag-aral. Kaya kung ok lang, date nalang tayo, Ate Kitchie. Dun sa McDo, mag twister fries tayo."
Joke... //^___^*****

Nanonood ba kayo minsan ng Home TV Shopping? Pinapakinggan niyo ba yung Background music? Bah, minsan nga narinig ko Kanta ni Hilary Duff yung pinapatugtog habang inaadvertise nila yung Scar Remover. Pamibihirang patis! Okay lang siguro kung mga disco songs habang pinopromote nila yung mga Breast Enlarger nila or Slimming pills. Pinakamadalas ko marinig yung, "Dupeedu Dupeedu du du... Dupeedupeedupee yeah yeah... I don't need your love anymore..." Sana next time, Otso Otso, Chocolate, Follow the Leader, Asereje, Wowowee, Ma Ya Hi, Gasolina, or Pamela.

*****

Nag-uwi papa ko ng laptop galing sa opisina. Ang hirap pala nung mouse very challenging kasi maliit na butones lang pala yun sa gitna. Tapos hiwalay pa yung pang-click mo. Pero malambot ang keyboard ang sarap pindutin. Ang daya nga kasi may Visual Basic na program dun. Di naman ginagamit. Kung pwede nga lang madukot yun.

*****

Inaadvertise ko na pala yung Anime Gag Zone. Kita niyo siguro yung bagong banner sa taas. Malakas kasi ang pasok ng visitors dito sa blog. Feeling ko kasi nangungulelat yung isang site ko na yun kaya nagbabakasakali lang baka mapansin ng mga anime fans out there ang aking pagiging KSP.

Saturday, January 14, 2006

Salamat sa Blogging

Naging mahalagang parte na ng buhay ko ang blogging. Kung tutuusin dati ayaw ko nito. Naisip ko kc ba't pa kelangan ipublicize ang public life mo? Ngayon ko lang naisip na malaki rin ang tulong nito sa akin. Nabubuhos ko kasi rito ang mga inner feelings ko, kabaliwan at kwentu-kwento tungkol sa buhay-buhay. Lalo kong nauunawaan ang sarili ko at di sinasadyang natututo sa mga bagay-bagay na hindi kailanman mababasa sa libro o mapapag-aralan sa eskwelahan. Nakakatuwang isipin na ang isang tulad ko na halos nakakababad nalang sa bahay ay may mararanasan din palang mga kakaiba at kakatwang pangyayari. Isang taong kahit nakakulong sa sariling mundo ay kaya pa ring nakagawa ng malanobelang mga posts, makapagnilay at makarelate sa totoong buhay. Di pala ganun kaboring ang buhay. Para rin itong series na madalas inaabangan sa tv. May comedy, adventure, drama, suspense, horror, action... minsan maakabuluhan, minsan walang katuturan... may bida, kontrabida, extra, supporters at syempre direktor... Kapag binabalikan ko mga entries ko para rin pala akong nagbabasa ng mala-Bob Ong na libro, yun nga lang ako ang may-akda. Nakapagtatakang di ko nailahad ng husto ang sarili ko sa luma kong handwritten diary. Ibang iba ang Tippie sa diary, malayo sa kin bilang blogger. Marahil nakakapagod ding magsulat at imposible ang no erasures. Para pa naman akong kahid ng manok magsulat pag nagsimula na umapaw ang ideas ko ng sunud-sunod. Di naman pwedeng i-slow mo kasi nalilimutan ko agad ang mga nais kong sabihin. Sa pagpipilit kong ayusin pa ang handwriting ko kaya siguro maraming kulang. Isa pa, masarap pala ang feeling na kahit papaano may kakwentuhan ka kahit kakarampot lang audience mo at di lang basta simpleng papel ang kausap mo. Di mo naman kc pwedeng ishare sa lahat ang diary mo, kc siguradong pagbalik sa yo punit-punit na yun. At least diba, may maiiwan ka pang alaala sa mundong ito kung sakali mang maglaho ka. Iiwan mo lang yung site url at pagnag-internet ang mga kapuso't kapamilya mo, presto! Alam na nila kung sino ka pala nung nasa mundong ibabaw ka pa. Kung meron ka man kinagalitan sa blog mo eh di na nila kaya pang maghiganti sa iyo kc wala ka na nga eh. Di rin nila ito masusunog o matatapon kahit mukhang basura pa ang laman ng mga sinulat mo. (Well, ewan ko lang sa blogspot kung hanggang kelan nila pananatilihing active ang account mo). Salamat sa blogging at ganun din sa mga taong nag-inspire sa aking gumawa ng sarili kong blog...

Salamat uli sa Diyos at nakatanggap kami ng maraming Mercury Drug gift checks. Mabait talaga si Lord. Di niya ako pinapabayaan. Alam niyang mahal rin ang maintenance ko kaya buti hanggang ngayon may mga mabubuting taong nagbibigay ng mga gamot. Malaking tulong yun para makatipid kami at makaipon. Di ko alam kung paano magpapasalamat ng konkreto dahil ang gusto ko mangyari pagdating ng araw ay maipakita ko sa kanila na ang taong tinulungan nila noon ay di lang naging mabuting tao, kundi may malayo na ring narating at naging kapakipakinabang na mamamayan upang di masayang ang kanilang generosity... Unti-unti kong narerealize na di natin dapat pwersahin ng husto ang mga sarili natin na makuha ang mga lahat ng kailangan natin sa buhay, dahil ang Diyos na ang bahalang mag-adjust para sa iyo. Yun ay kung magtitiwala lang tayo sa kanya. Patience lang. Anyway, God is our greatest provider.

*****

Nanonood me Forbidden Love. hehe!!! //^___^\\ Astig kasi ang mga Kumiho warriors. Ang Kumiho race pala ay galing sa angkan ng mga nine-tailed foxes, which reminds me of Naruto's kyuubi. Buti naman at may maganda na uling palabas sa gabi. Di ko lang gusto yung pagsisingit nila ng mga Tagalog na kanta sa gitna ng scenes. Okay sana kung pangcommercial lang pero wag naman sana nilang sirain ang original soundtrack ng palabas! Sus, ginagamit lang nila yun para bumenta yung kanta nila. Yan ang hirap minsan sa kanila, mag-eedit nga lang di pa ayusin... di maiiwasang personal na interes at ratings ang mahalaga sa kanila.


Si Kim Tae-hee as Mirian of Forbidden Love. Cute niya no?
(Sige, lagay lang ng lagay ng mga cute and pretty pics sa blog ko... yan nalang tingnan ninyo wag na photo ko. Pagtiyagaan niyo nalang photo ko dyan sa sidebar. Yung yellow palaka...)

*****

Baka hindi na "Pagdadalaga ni Maximo Oliveros" ang pamproject ko. Wala kasi mahiram sa Video City. Baka "Nasaan Ka Man" na lang. Kung naalala ninyo, yun yung movie kung saan bigla nalang tumaas yung hibla ng buhok ni Claudine. Haunted kasi pala yung bahay kung saan nila shinoot yung scene.

*****

Gusto ko sana manood ng Mumbai thrillers sa ABC5 kaso kasabay ng News sa chan2. Medyo unrealistic yung special effects halatang computerized pero mukhang kilabot yung mga kwento. Nailipat ko lang kasi minsan yung channel. Nakita ko sandali yung episode tungkol sa picture taking contest. Yung photo na nanalo ay nagpapakita ng mukha ng isang taong inihulog mula sa mataas na floor. Nagkaroon ng sumpa yung picture na yun at sino mang gumamit ng picture na iyon para sa sariling interes ay di patatahimikin ng multo ng lalaking pinatay.

*****

Di ko alam ba't feel na feel nila yung ShikaXIno pairing. Wala naman akong nararamdamang kilig factor dun. Siguro nakabase sila sa teoryang "Opposites attract." Si Shikamaru, genius at si Ino, INO-til. (joke!) //^O^\\ ... Oy di ako nagseselos! Gusto ko kc ShikaXTayu. Syempre, may halong favoritism. Si Tayuya naman ata ang muntik na makatalo kay Shikamaru kung di lang dumating to the rescue etong si Wonder Woman Temari-chan. Ewan ko ba! Siguro nasanay lang ako na ayoko sa mga maarte. Si Ino kc puro paganda lang. Sa pagpili ng favorite characters may mga batayan rin ako. Gusto ko yung mahinhin pero mysterious kung hindi naman, yung may pagkabitchy or cute. Minsan yung may pagkalalaki yung hitsura o asta parang tulad ni Anko or Shizune. (Saludo ako kay Commander Nene, ang bagong Citizen Patrol!). May iba kasi akong gusto para kay Ino... si Choji!!! hehe. Lagi niya kasi pinupuna ang katabaan nun kaya gusto kong lunukin niya balang araw ang mga sinabi niya. Gusto ko tuloy gumawa ng kwento kung saan magiging maskulado na si Choji pagbinata na siya at maiinlab si Ino sa kanya pero di makapagdecide kung totoo ba ang feelings niya dito. (Naimagine ko kasi nung nakikipaglaban si Choji kay Jiroubou na magmumukhang manly at mature si Choji pagnag-gym siya)... Kaso mahirap matuloy ang balak kong kwento. Kelangan ko ng matinding inspirasyon para makagawa uli ako ng seryosong kwento. Bakit kasi ganun? Ang asong mataba, cute... ang pusang mataba, cute... pero pag taong mataba, baboy?

*****

INO: (may hawak na barbecue at sineseduce si Choji) Choji!!! Barbecue...
CHOJI: Barbecue!!!... (naglalaway)... Akin yan!!!
INO: Ah-ah! Habulin mo muna ako! (nagpahabol kay Choji)
(Habulan silang dalawa sa sea shore in slow motion)
CHOJI: BAR... BE... CUE... KOOO...
(Napagod si Choji kaya huminto na rin si Ino)
CHOJI: (hingal)... Please, Ino... (hingal)
INO: (nag-iisip) Hmmm... sige, pero... KISS muna!
CHOJI: Ano???!!!
(Namulang bigla si Choji. Pinagpawisan siya ng husto habang di malaman kung anong gagawin kay Inong nakapikat, nakausli na ang nguso at naghihintay ng halik. Napalunok tuloy si Choji sa kaba pero ibinaling niya ang atensyon sa BBQ na hawak ni Ino. Tahimik na humakbang si Choji upang itakas ang kanyang One and Only Baby Q.)
CHOJI: (hinablot ang BBQ) Aha! Huli ka! Akin ka na!!! (Kinagat at nilamon ito)
INO: Choji!!! Kainis ka naman eh! Ang daya-daya mo!!! Di ko akalain mas pipiliin mo pa ang barbecue over me. Bakit?! Mas masarap naman ako kesa dyan ah!!!
(Nabulunan si Choji sa mga sinabi ni Ino at unti-unting nadissolve ang paligid. Minulat niya muli ang mga mata niya at tumambad sa harap niya si Pikori.)
PIKORI: Natagpuan ka naming nakahandusay sa kanto. Gutom lang yan. Heto sky flakes. Galing yan sa sky. (Itinuro niya ang kalangitan mula sa bintana na siya namang nagliwanag at sininagan ng ilaw si Pikori. Finally, isang good deed ang nagawa niya on earth.)
CHOJI: (nilamon ang crackers in a single crack) Salamat! Wala kasi akong madaanang tindahan kanina... ah... meron ba kayong barbecue? Kahit anong pagkain basta bbq ang flavor, pwede na rin.
PIKORI: Wala. Pero ngayon ang available lang ay ... Sabaku cue...
(Biglang lumitaw sa likod ni Pikori si Gaara)
CHOJI: (nagulat... biglang natakot) S...s-sige s-salamat nalang... A...a...a-alis na ko.... M-m-may m-m-misyon p...p-pala kami. P...p...paalam... (yumuko sa kanila at tumakbo palabas ng pinto)
PIKORI: Gaara!!! Bakit mo pinatakas ang ulam natin???!!!
(Biglang nagdilim ang kalangitan...kumulog, kumidlat. Isang horror soundtrack mula sa Dracula ang maririnig sa background.)
GAARA: -_-" Teka... kelan ka pa ba naging cannibal?
PIKORI:...
(Tumahimik ang paligid. Maririnig lamang ang huni ng mga ibon. Unti-unting bumabalik sa normal ang lahat.)
PIKORI: Kelan nga ba? ...Ah... Pasensya na, nagkamali ako... Teka nga! Matignan nga muna ang ref at nagugutom lang ata ako.
GAARA: -_-"

*****

(Naglalakad si Shikamaru at Ino sa daan. Huminto sila sandali sa ilalim ng puno ng Narra, ang family tree ni Shikamaru.)
INO: Ang tagal naman ni Choji! Siguradong nakipiyesta na naman yun.
(Nasalubong nila si Pikori sa daan. Bigla siyang pumusisyon na parang makikipagkarate kay Ino.)
INO: (nagulat) Shikamaru, kilala mo ba yan? Kalaban ba natin yan? Di naman siya mukhang ninja pero... susugurin ata ako eh! (ilalabas na ang kunai)
SHIKAMARU: Wag ka mag-alala, Ino. Hindi siya kalaban. Tinotopak lang yan.
INO: Ah... okay. (tinago muli ang weapon)
SHIKAMARU: Pikori, ano naman bang bagong gimik yan?
PIKORI: (points an accusing finger at Shikamaru) Hoy Shikamaru! Ba't may kasama kang INO-til? Di mo ba alam makakasama yan sa isang genius na tulad mo?
SHIKAMARU: (sigh) Hay, heto na naman uli kami.
INO: Inutil? Sinong INO-til?!!!
(Nagbattle position na sina Pikori at Ino, ready to attack.)
SHIKAMARU: S...sandali, anong ibig sabihin nito?!
PIKORI: (tumula with proper intonations and actions) Hoy INOT, ikaw ay MAPAPANOT, dahil sa aking SABUNOT... Ingatan ang iyong ANIT, baka ikaw ay PUMANGIT, sukdulan hanggang LANGIT!
SHIKAMARU: Naku! Sinasapian naman siya ngayon ng isang makata!!!
INO: Di ko alam kung anong pakay mo, pero di ako papayag na sirain mo ang beauty ko!
(Nagsabunutan ang 2 habang di malaman ni Shikamaru kung paano sila aawatin. Kumapit si Pikori sa blonde hair ni Ino. Ang mga daliri niya'y parang mga ngipin ng nangangagat na hair iron. Nagkabuhul-buhol naman si Ino sa buhok ni Pikori dahil sa sobrang kapal nito. Para tuloy siyang goldfish na nahuli sa malaking fishing net. Isang makapagdamdaming pagtatagpo. Ito ang tinatawag na bonding... Sa gitna ng hair match, dumating rin sina Temari at Tayuya na pawang kagagaling lang rin sa isang deathmatch.)
TEMARI: Anong nangyari dito, Shikamaru?
SHIKAMARU: Aba ewan ko!!! Bigla nalang sila nagrambulan!!! Di niyo ba kayang pigilin ang dalawang yan?
TAYUYA: Pikori, sige sakalin mo pa hanggang di na makahinga yan!!! Wag mo na hayaan pang tumibok ang puso niya!!! Anak ng TV Seal naman o!... ##$#@*&^$#!!!
SHIKAMARU: Tayuya, pwede ba wag mo na siyang demonyohin pa!
PIKORI: Tayuya!!!
(Nang narinig ang boses ni Tayuya, iniwan ni Pikori si Inong hilung-hilo na at nakamake up na ng Taong Grasa style: nakafacial ng lupa, nakablush on ng alikabok at nalotionan na ng putik. Tumakbo si Piko-chan kay Tayuya at niyakap ito na parang squeeazable toy na tumutunog pag pinindot.)
TAYUYA: Ano ba!!! Anak ng chaka doll naman! Ang sabi ko siya sakalin mo at di ako!!!
TEMARI: Ano ba talagang kaguluhan ang nangyayari dito???
(Nang makabalik na sa kanyang senses si Ino ay tumayo na ito at pinagpag ang damit)
INO: (kinapa ang hair niya) Uy!!! Mukhang mas straight na ang hair ko ah!!!
PIKORI: Well, yan ang aking work of art! Look!!! Yan ang tinatawag kong economical rebonding. Gusto mo rin, Temari-mari? Mukhang kailangan mo. (hinaplos ang pigtails ni Temari)
TEMARI: ^^" Ha?! P...Parang ayoko...Thanks but no thanks nalang... (lumayo kay Pikori at baka hablutin ang hair niya w/o warning)
SHIKAMARU: Pambihira! Yan ba ang kasabihang "Beauty is pain"?
(Biglang tumalon mula sa puno si Tsuchi Kin)
SHIKAMARU: Tsuchi Kin? Kanina ka pa ba dyan?
KIN: Masyado kayong trying hard magpaganda! (ini-flip niya ang soooper long hair nya)
INO: OMG! Ang haba ng hair niya! Mas straight pa kesa sa kin!
PIKORI: Rich ka no?
KIN: Rich ang shampoo ko, hindi ako!
SHIKAMARU: Teka sandali nga lang! Ano bang pakay ninyo at andito...
KIN: (hinagisan si Shikamaru ng shuriken na muntik na madaplisan sa pisngi) Tumahimik ka!
SHIKAMARU: ...Ano bang ginawa kong masama!!! Kung naghihiganti lang kayo, lilinawin ko lang na di ko ginustong makipaglaban sa inyo noon. Trabaho lang walang personalan!
PIKORI: Akala mo lang wala, pero meron meron meron!!!
SHIKAMARU: Di kita maintindihan, Pikori! Di naman tayo magkaaway ah. Bakit ba lagi mo akong inaaway?
PIKORI: Ayaw ko kasi maging INO-til ka!!!
INO: Ba't ako napasali dyan ha?!
SHIKAMARU: Pero tandaan mo, isa ka namang FOOL house resident!
PIKORI: Kaya nga eh! Kaya kelangan ko ng isang genius na magshe-share ng knowledge sa akin... Dahil ako... ako'y... ako'y...
(May binulong kay Tayuya. Pinatugtog ni Tayuya sa flute ang request niya.)
PIKORI: (biglang kumanta at sumayaw) Sumusunod sa galaw mo, sumusunod sa galaw mo...
INO: (tinulak si Piko at naki-mtv na rin) Instant ayos! Instant ayos! Parang magic talaga, kinamay lang umayos na...
TEMARI: (hinila si Ino sa buhok at nakijoin na rin) Walang sabit di tulad ng iba, pumuporma lang naman sila...
KIN: (sinipa si Temari at nagpakastar) Owooo... straight na natural at di mahal. Mag-eenjoy kang matagal...
(Pabalik na si Choji nang matanaw niya mula sa malayo ang pagshoshowdown ng mga wannabe Rejoice Girls sa harap ni Shikamarung litung-lito at gulung-gulo na. Si Tayuya naman ang nagpapatugtog ng mga shampoo commercial jingles na kinababaliwan ngayon sa Pinas. Ini-enjoy ni Choji ang hair story turned into a mini movie habang kumakain ng all-time favorite niyang potato chips.)
CHOJI: Uy... (nguya)... reunion pala ng mga babae sa buhay ni Shikamaru... (nguya) ... Di ko akalain may pagkaplayboy pala ang kaibigan ko... (nguya)...
(Maya-maya ang mga femme fatales ay ala-music video na ng "You Did It Again" ni Kylie Minogue, kung saan ang mga iba't ibang katauhan ni Kylie ay nag-aagawan at nagbubrutalan na sa harap ng camera. Si Tayuya na hingal na sa kaka-flute ay di nakatiis kaya nakisali na rin sa sugapaan. Grabe ang fighting scenes parang mala-Exodus ang special effects.)
SHIKAMARU: Choji!!! CHOJIIII!!!!
(Nakita ni Shikamaru si Choji kaya kinawayan niya ito para humingi ng tulong pero pinagkamalan lang ito ni Choji na friendly wave kaya kumaway lang ito pabalik)
SHIKAMARU: Wala na akong pag-asa... di na ko makakatakas ng buhay nito!!!
(Inabot ng ilang oras ang giyera ng mga diyosa ng Encantadia kaya di nagtagal napagod na rin sila. Mukhang nag-pink cream silk ang bawat isa sa kanila dahil sa girl power nila. Anyway, pwede sana pang Sunsilk touch flicks ito kung di lang sana ibang brand ng shampoo commercial ang ginamit nilang soundtrack.)
PIKORI: Gusto ko na umuwi...
TAYUYA: Wala rin naman tong patutunguhan!
TEMARI: Ano... cease fire na?
KIN: Ubos na ang chakra ko... di ko na kaya. (uminom ng baon niyang Enerva, ang energy drink ng mga kababaihan)
INO: Paano yan... taralets na!
(Nag-akbayan ang mga girls habang naglalakad pauwi. Iniwan nila si Shikamarung nadrain out ang energy at lupaypay na nakaupo sa good old tree. Nilapitan siya ni Choji.)
CHOJI: Uy Shikamaru, ang swerte mo naman... Shikamaru? Shikamaru?!
SHIKAMARU: (hinablot ang kwelyo ni Choji) Nakita mo ba yun??!!! Nakakatakot silang mga babae!!! Di ko na kaya ito!!! Uuwi na nga ako pero di pa matatapos ang kalbaryo ko... si mama naman ang makakaharap ko!!! O hindeee!!!
(Umuwing praning si Shikamaru kaya kailangan pang alalayan ni Choji. Tsk... tsk... tsk... kawawang Shikamaru. Ang mga girls naman ay kinakanta nila sabay-sabay sa daan ang Mad Monster Bem, ang karaoke song sa Kare Kano.)
INCREDIBLE GIRLS: (sings) ...Yami ni kakurete ikiru... Oretacha youkai ningen nanosa... Hitoni sugata wo miserarenu... Kemono no you na kono karada... Hayaku ningen ni naritai!
Kurai sadame wo ukidobase... Bemu ? Bera ? Bero (Ahh!)... Youkai Ningen!

*****
Pasensya na sa mga sinisingit kong dialogues. Ka-adik kasi, di ko mapigilan ang utak ko sa pagprocess. Feeling ko nakakabonding ko mga Naruto characters sa sarili kong mundo. Tuwing nanonood tuloy ako ng Naruto, parang may pinagsamahan na kami. Have a shizophrenic day! //^___^\\

Sunday, January 08, 2006

Rrrrrapporrrrrt...

It's a miracle nga! Di ko na nga ata kelangan magbawas pa ng timbang kc automatically bawas na. Teka akala ko ba napakain me ng husto nung bakasyon? Pero maniniwala ba kayo na lalo pa ko gumaan? Lumuwang pa nga lalo skirt ko. Muntik na ko matalisod sa hagdan ng school namin kaya nag-ala Cinderella na ko na tinataas ang gown este palda. Isa na namang irony sa buhay ko. Teka wag mo sabihing pati uniform ko at weighing scale nagsisinungaling na rin?

Nakita ko uli si 'Tok. Yung lalaking talk nang talk parang may katok. (Kung naalala nyo yung kwento ko tungkol dun sa estudyanteng daldal nang daldal kay mama). Nginitian ko nga, ngumiti rin sya, pero dahil feeling ko mukhang alien ako ngumiti or maybe di ko naramdaman na ngumiti nga ako, kinawayan ko nalang sya. (sabi nga nila ang kumaway, mukhang kawaii, joke!). Nung uwian, dinaldal na naman niya si mama. Narinig ko na repeater daw siya, 22 yrs old pero nasa YS-9 pa lang (2nd yr hs). Nagpapapsychiatrist daw siya, may problema ata sa concentration at memory. (Sabi ko na ba, tama hula ko, may brain problem ang isang to). Di ko alam pangalan niya. Di ako nagtatanong. Yung "Tok" na sabi ko, wala yun. Binigyan ko lang siya ng identity. Di pa nga ata ako naalala. Tinanong niya kung ako nga ba yung kumaway kanina. Dahil naman sa tindi ng katangahan ko, tumanggi ako. Kasi sabi niya kausap ko raw si Ms Tanya noon, pero di ko maalala kung noon nga nangyari yun. Tingin ko tuloy kelangan ko na yata magpaspsychiatrist din. Napagkamalan tuloy niyang kapatid ko raw yun. *lols*

Habang nasa HSP room ako, merong isang babaeng nag-hello. Sa isip ko, "Uy, may nakikipagkaibigan rin sa kin sa wakas!" Tapos bigla niyang tinanong sa kin kung ok lang daw ba na magsagot ako ng teacher evaluation sheets. Ngeee... bagong guidance counselor pala namin yun, si Ms Rhea! Pero di bale, ok lang na nakilala ko siya. Tamang-tama at napakiusapan ko kung pwede iextend ang deadline ng transcript ko, tutal siya ang in-charge dun. Ayus!

Tinanong ko kay Ms. Ronaelle (yung English teacher ko) ang meaning ng rapport. Pagkatapos explain, bigla ba naman akong tinukso, "Uy, siguro may nagsabi niyan sa iyo noong holiday no?" Ako naman panay, "Hindi po... Wala po..." Di ko na sinabi ang tunay na dahilan. Nakasulat kasi ang word na yun sa teacher evaluation sheet. Ayokong malaman nila na hinuhusgahan ko na pala sila. Di bale, kung malaman man niya yun, ok lang tutal sya naman ang binigyan ko ng mga highest scores dun eh! Hehe!!!

*****

Let's philosophize:
Sabi nila, Money is the root of all evil. MALI!!! WOW MALING-MALING-MALI!!! Isipin nyo nalang kung wala ngang pera sa mundo, meron pa ring mga bagay na makakamkam ang mga sakim tulad ng kapangyarihan, lupain, at iba pang kayamanan!

Exerpts from my YS-10 CLE module:
"Most people blame the unequal distribution of wealth as the cause of stealing. Yet there never was noted that there ever was a time when there was no rich and no poor people. Thus, the solution is not to redistribute all of the world's wealth because the same problem will continue to arise unless the real solution encounters the real problem - charity and generosity over one's envy and greed."

Excerpts from the intro of Epic Ramayana, YS-9 CAE module:
"Evil is present because of man's desires and false loyalties which becloud his ability to determine what is right and what is wrong."

Friday, January 06, 2006

My Heart Will Go On and Off...

Txt msg frm Tito Bobby:
"Sa TAON ng ASO, sana'y kagatin ka ng swerte, kahulan ka ng saya at maging mabilis ang pasok ng pera sa yo!"

Hapi new yr nga pero magiging happy nga b? Bagong taon na, pero mgkakaroon nga b ng pgbabago? Kung mron man, will it b a change 4 d better o baka naman change 4 d worse? Wla nga akong msyadong nramdaman sa pgdating ng 2006, maliban nlang sa sama ng pakiramdam at sakit ng lalamunan... Do u bliv in new yr's resolution? I don't. I don't bliv u hav 2 wait 4 new yr in order 2 change. I don't even bliv dat u need 2 force urself to change when new yr comes. The best and only time to start anew is when u feel a strong urge & sense of determination 2 renew yourself completely and leave the old trash behind. What's d use of new yr resolutions anyway if they can't be followed? Pautot lang yan.

Jan 2, ngpunta kmi sa bahay ng kamag-anak namin sa Camella. Dumating kc si Tita Bing galing States. Caregiver. My initial reaction: WORRIED, kc bka d ko mpanood Naruto, Gaara vs Kimimaro p nman. Pero mabait ang Diyos, pinayagan nila akong makipanood. Tinago ko pa nga remote pra wlang makiagaw. Problema: MAINGAY, kya wla ako masyadong maintindihan. Ok lang @ least nkapanood p rin... Kamuka ko raw pinsan kong si Teptep (Stephanie). Gusto ko kausapin kso malala pa pla yung pagkamahiyain kesa sa kin. Nagkukulong sa kwarto, di namamansin, at ang hina ng boses (kelangan mo pa dikit tenga mo sa knya). Natural na raw sa kanya yun. Pumasok ako sa kwarto, tpos bigla nalang sya nag-ayos ng gamit sa ilalim ng kama ng walang dahilan. Lalo pa atang natakot nang napagalitan pa nga sya ng mama nya kc ayaw raw nya ko kausapin. Natatakot na raw si Tita kc di na normal kinikilos ng anak niya at para nang praning. Kung psychologist lang me baka may magawa pa ko kaso mahiyain din me eh...//^^\\" Nagmuka akong tanga, napahiya pa kc kanina pa pala kami napapansin ng tita ko. Di ko nga alam baka kamuka ko na si Gaara o baka may aura na ako ni Kayako kaya nagkaganun yun... Magulo sa bahay, may nagkukwnetuhan, nag-iiyakang mga bata, nababasag, kumakanta... Di ako nakatiis. Alam kong wala na kong pag-asa kay Tep kaya nakivideoke na rin ako. Uy 1st time!!! Ayoko ng ingay pero kung isa rin ako sa makikiingay ok na rin. Mdyo masakit pa lalamunan ko nun ha! Eto ang songs at scores ko: Voltes V (98), Top of the World (81), My Heart Will Go On (98). Medyo nainsulto ako inside kc kung kelan alam kong maganda ang pagkakanta ko dun ako bumagsak. Nalito siguro yung machine kc may sumasabay na mga boses sa background nung kinanta ko "TOP" of the World. Kung "END" of the World p cguro kinanta ko baka maging 100 pa. Kung kelan naman mahirap ang kanta, dun ang taas ng score! Kaya nga pinili ko Voltes V kc akala ko japanese, di pala. Tagalog spoof pala kya nagkanda-leche leche lyrics ko. Yung kay Celine Dion naman, ang taas! Paanong naging 98 yung result? May topak ata yung machine. Pero naging star ako in an instant. Naulanan me ng papuri (o baka kasinungalingan, pati videoke nagsisinungaling rin). Maganda raw boses ko. Wooo? Di ko nga naririnig sariling boses ko eh. Ingay kasi. Kanta lang ko kanta, bahala na. Vinideo cam pa ko. Uy, x-files yan! Isang alien na kumakanta. Inspired na inspired, cguro dhil sa kung sinong napanood sa Naruto... Marami na namang nauwing pasalubong at pamasko. Mabait naman mga tao sa kin dun, kaya laging pinagbibigyan at laging binibigyan. hehe! //^__^\\ Painosente pa nga me nang abutan ng pamasko, hiya hiya pa... asus!

Kinabit na rin pala namin sa kwarto ko yung regalong painting sa kin ni Une na geisha sa debut ko. Uuuy...

Nagsimula na pala yung Great Teacher Onizuka sa chan 7. Sayang, saya pa naman! Gustuhin ko man panoorin, di pwede kc ksabay ng Naruto eh. Yung Mr Bean naman ang gulo ng series. Kung ipalit lang sana nila yung timeslot ng GTO sa naaagnas nang Dragonball...

Nasira talaga diet ko nung holiday ah. Wala akong magagawa, kaliwa't kanan ang okasyon at pagbibigay ng mga pagkain dito eh. Di naman pwedeng tanggihan ang grasya at baka magtampo diba? Bakit pahihirapan ko sarili ko sa mga gulay, tutal ang mga holidays na tulad nito once a yr lang naman. Pero buti nalang di naman ata nagbago ang timbang ko... it's a miracle!

Narinig niyo na ba magreklamo nanay nyo sa gawaing bahay? Di ba kaya nila naisip na kung mag-aasawa sila ay talagang papasukin nila ang ganitong trabaho? Eh di sana di nalang sila nag-asawa at nag-anak. Ayaw rin naman nilang magkatulong. Kung ganun, sino kaya yung sinisisi nila???...

Natawa na naman ako kay Shikamaru. Noong bata pa sila, nagpapasama si Choji magpabili ng kendi pero di raw pwede sabi ni Shikamaru kasi strikto daw nanay niya. Sesermonan na naman siya pagdating sa bahay. Hehe! Ang nanay kasi niya yung bossing sa bahay. Nakakarelate din ako dun. Nung bata pa ko, talagang konting mali lang, naku lagot kay mama! Hindi rin ako makapag-desisyon hangga't di ko nalalaman kung papayagan ako ni mama o hindi... Naalala ko tuloy, tinanong ni Ate Jessa, kapitbahay namin, kung anong ideal man ko. Kung katulad daw ba ni papa, umiling-iling ako. Kung katulad daw ba ni mama, umiling rin ako. Sabi ba naman sa akin, "Ano ka ba naman!" Gusto ko tuloy sabihin na nakakasawa naman kung ang pipiliin ko yung tulad din ng mga tao sa bahay ko, ba't di nalang natin itry yung iba... yung katulad ko. Ngek!!! Naisip ko tuloy, kahit hindi sabihin ni Shikamaru kung sino ideal woman niya, isa lang ang naiimagine ko na iniisip niya, "YUNG DI TULAD NG MAMA NIYA." *lols* Siguro mas gusto niya yung katulad ng nanay ni Sasuke, mabait, mahinhin, lady-like at tahimik. Cute kaya mama niya no! Kaya pala... may pinagmanahan si Sasuke! Kung tutuusin, kung ako magiging lalaki, yung ideal woman ko, siguro yung tulad ni Teacher Ellen Noh sa Oh Feel Young. Mahinhin, conservative, masipag, matalino, disciplined, thoughtful, selfless, pero matapang, magaling sa kendo at marunong magswimming!!! Si Park Seon-yeong yung gumanap nung character niya, oo yung nasa pic. Cute niya no?

Nang Bumaligtad Saglit ang Mundo

*Note: Ang episode na ito ay kasama sa mga hidden files ng Fool House na kung mapapansin ay matatagpuan lamang na sisingit-singit sa blog kong ito. Ito ay hiniwalay ng post sapagkat masyadong mahaba ang kwento. Disclaimer: Di ko pagmamay-ari ang Naruto o kahit sino sa mga tauhan nito kahit gustuhin ko man.

Click here to read the fool story.

//^____^\\