*****
Hay, ang pag-ibig nga naman! It makes you feel stupid, look stupid and act stupid... Kaya andito na naman ang inyong Stupid Cupid para magbigay ng wais tips para sa inyong Valentines Day.
1. Itreat ang iyong gf. Ang sabi ko ITREAT, HINDI ITRICK OR TREAT!
2. Magset-up ng candlelight dinner. Romantic na, tipid pa sa kuryente. Iwasan lamang ang fish dish dahil baka matinik. Wag rin maghanda ng kahit anong pagkaing kailangan pang hiwain dahil baka sa sobrang dilim iyo pang mahiwa ang kamay mo at maibigay sa gf mo.
3. It's best recommended to prepare fresh salads sa inyong date. Mas maganda kung galing ito mismo sa iyong garden para hindi ka na mamalengke. Kung wala kang vegetable patch, makihingi na lang dyan sa kapitbahay ninyo.
4. Surprise her with chocolates. May Serge, Nips, Goya, Curly Tops, Choconut, Pretzels, Chooey Choco, atbp. Sari-sari ang mapagpipilian sa tindahan dyan sa kanto ninyo. Choose wisely. Don't forget the change.
5. Kung matabang mataba na ang gf, senyales na ito na dapat na itigil ang pagbibigay sa kanya ng tsokolate araw-araw kahit pa Milo or Ovaltine lang ito. Kung nagmumukha na siyang kawayan, maawa ka naman, it's about time na regaluhan mo na siya ng 10 box ng chocolates.
6. Pumitas nalang ng roses. Mag-ingat sa tinik at baka matetano kayo pareho. Kung walang makita, pwede na rin ang santan of her favorite color. Siguraduhing walang uod at baka himatayin siya dahil dito.
7. Kung medyo hikahos, maglakad-lakad nalang kayo anywhere your feet takes you. Magdala ng konting barya para sa fishball, fishcracker, mentos at yosi. Magbaon na rin ng sariling tap water.
8. Kung talagang walang-wala, maglaro nalang ng kayo board games habang nakikinig ng mga kanta ng MYMP sa radyo ng kapitbahay ninyo. Wag makipag-L.Q. kahit mandaya pa ang gf/bf ninyo. Pagbigyan niyo na tutal Valentines naman.
9. Haranahin na lang siya buong araw hanggang sa makatulog ng mahimbing. Gisingin nalang siya uli pagnakapag-strepsils ka na.
10. Manood kayo ng mga ulap sa umaga at bituin sa gabi habang nagkukuwentuhan tungkol sa mga pangarap ninyo... pag nanalo kayo ng lotto.
11. Kung naghahanap ng prince charming, tumingin-tingin sa tabi at baka makahanap ka ng palaka. Halikan mo ito at maaaring siya na ang frog prince mo.
12. Kung dinala ka ng bf sa karinderya, wag ka na magreklamo! Alam mo naman siguro na wala yang trabaho at buong araw lang nakahilata sa kama nila.
13. Itext mo nalang siya ng love quotes imbes na magsend ng love letter para di mahalatang mahina ka pala sa spelling at grammar.
14. Kung walang maibibigay na chocolate, sayawan mo nalang siya ng Choco Latte by Soul Control. Mag-ingat at baka ikaw ang kainin niya.
15. Sit back, relax, watch a romantic movie. Tandaang mahal na ang pagkain doon kaya magbaon nalang kayo ng mani. Pag pasok sa sinehan, panoorin naman ninyo ang movie dahil kung di ay sayang ang pinambayad ninyo. Kung maglalampungan lang, mas mabuti pang doon nalang kayo sa bodega ng amo ninyo.
16. Try niyong sumayaw sa dance floor upang mabawasan ang mga bilbil. Lagyan muna ito ng floorwax para makintab at wag mag-iwan ng balat ng saging at mga holen sa sahig.
17. Makipag-blind date. Magsuot ng sunglasses at kumapa-kapa sa daan hanggang sa matagpuan ang magiging date mo, tutal love is blind naman.
18. Makipagkita ka na. Ireveal mo na ang iyong face at wag ka na magtago sa likod ng computer o cellphone. Wag mo na patagalin ang paghihirap ng partner mo. Ihanda mo lang ang sarili sa anumang reaction niya. Wag ka magtataka kung bigla ka nalang takbuhan ng ka-eyeball mo.
19. Don't talk when your mouth is full. Wag kang tanga dahil baka mabusted ka pa.
20. Focus. Mag-isip ng romantic topic na pwede ninyong pag-usapan. Tama na ang Voltes V, X-men, Pokemon at Sesame Street. Araw-araw mo na kasi yan kinukwento sa kanya before bedtime.
21. Kumain ng mahinahon sa inyong date. Please wag lamon, baka kasi isipin niyang ang ka-date niya ay isang baboy.
22. Pag nilibre ng date, piliin mo na lahat ng gusto mo. Wala nang hiya hiya pa!!! Libre na nga yan kaya wag mo na sayangin pa!!!
23. Wag makipag-PDA sa kanto, baka mahuli kayo ng mga asawa ninyo. Doon nalang kayo sa babuyan. Day-off rin kasi ng mga baboy at mga tagapag-alaga nila.
24. Kung mahal mo aso mo, idate mo si Tagpi. Kumain ng dog food sa lamesa at magsubuan na rin kayo.
25. Maligo, magpabango, magtoothbrush at magpaganda bago umalis. Wag mo lang kalimutan ang pustiso mo sa baso.
26. Bantayan ang bf baka kasi makipagflirt yan sa waiter. AY BADING!
27. Magbaon lagi ng face powder at magtouch up every now and then, para hindi mahalatang binabagsakan ng meteorites ang mukha mo.
28. Pamper your gf. Wag Kimbies, Huggies or EQ. Pampers lang for dry nights.
29. Magpaalam muna sa mga magulang bago umalis. Say goodbye, dahil magtatanan na kayo.
30. Kung may insomnia ang kasama, dalhin mo siya sa isang concert. Bukas mo nalang siya balikan doon dahil ngayon lang siya makakatulog nang mahimbing sa buong lifetime niya.
31. Sa mga single, ipikit ang inyong mga mata. Concentrate. Savor and enjoy your moment alone dahil wala kayong gagastusin. At saka bukas na lang kayo gumising. K?
*****
Question, sinong unang nagpasimulang matamis ang strawberry? Sira ata tastebuds nun. Eh heller, maasim kaya! Tapos nagpauto naman ang buong mundo. Anong klase kayang strawberry ang nakain ng mga taong yun? Siguro sugar-coated... Baka strawberry jam... Pochi? Pwede rin.
*****
*sigh* Tapos na ang Forbidden Love. Ang tindi! Nakakaiyak ang ending. It was a tragedy. Para sa akin hindi siya pangit dahil meaningful naman ang kwento. For me, it doesn't matter if it has a happy ending or not as long as it could make you think and release your emotions. The story was about choice between love or duty. I admire Mirian's selflessness and courage. Instead of thinking of her own happiness, she whole-heartedly accepted her mission to be the sacrifice for the sake of mankind. A true heroic act. *sniff* Athough nakakapanghinayang lang yung mga characters. Anyway, at least naiba. Nakakasawa na kasi ang mga usual fairytale-type stories and I guess their love between each other cannot solve the Kumiho problem. Now, it makes me think if love really does conquer all. Hmmm...
*****

Trivia: The anime's theme song, Sugar Baby Love, was already played by our radio stations here in the Philippines in English version. (By the sound of it, I guess it was sung by Yoko Ishida). The original version was said to be sung by The Rubettes. One of our local all-female groups, called Sooperbabes, also had their own Tagalog version of the song entitled, "Sooper Baby Lav." //^____^\SUGAR: A TINY SNOW FAIRY... weekday mornings on GMA7.
*****
Starring...

KIMIMARO

PEROPERO

PAKKUN
With special participation of the Ninja Dogs, with Pikori, Gaara and Kisame
Click here to read the fool story.
//^_____^\\
saw your blog though Ikou and i have to say: napakaganda ng intepretation mo pare! (sad to say i ddnt read the whole thing, but guessing from the title.... i may be youre stalker hiuhihih)
ReplyDelete