Monday, February 27, 2006

Pipoy Power

HOY GISING! Ano nang nangyayari sa Pilipinas?! ...Nakakaaawa naman ang mga biktima ng landslide sa Southern Leyte. Hirap na nga sa buhay, nawala pa sa kanilang lahat ang mga natitira sa kanila. Akala ko ba swerte ang year of the dog eh bakit natamaan yata ng trahedya ang ST. BERNARD? I hope na sana matulungang maghilom ang kanilang sugat at mabigyan sila ng lakas ng loob at bagong pag-asa na magsimula uli... Kailangan pa bang muling may magsakripisyo ng buhay para lang kumilos na tayo ng tama? Hindi ba natin naisip na baka warning sign na yun na dapat na tayong magbago? Tignan mo nga kalagayan ng bansa natin, puro bangayan pa sa pulitika. Ngayon naman may banta ng coup de etat. Nagdeclare na nga si PGMA ng SONE. Sabi ng mga oppositions wala raw yun basehan. Ano yan kaengutan?! Para silang walang alam sa mga batas at konstitusyon. Ba't di nila matukoy kung legal o ilegal yung action ng gobyerno? Ano pang silbi ng pagpasok nila sa pulitika? Dapat nga tulungan nalang nila ang mga mahihirap eh. Lalo lang nila ginulo yung bansa sa mga rally-rally na yan na wala rin namang silbi. Marami pang masasaktan. Sino bang gusto nilang ipalit kay PGMA? Si Orochimaru???! Baka gusto pa nila magkagebunshin sila sa edsa para lalong dumami ang mga rallyista. Napansin ko pa, favorite hobby ata ni Mrs. CA ang mag-edsa revolution at prayer rally, and of course favorite color niya is 4ever yellow... I hope we should stop wasting our precious time, sa halip ay gumawa na lang tayo ng mga kapakipakinabang na gawain para sa kapwa natin...

Congrats pala kay Brian Viloria! Galing ng laban! Ang saya ng 1st round, hehe...

Palabas na pala sa ABS yung Marimite at Inuyasha part 2. Di ko nagustuhan yung dubbing nila sa Maria-sama. Buti na rin at saturday yun kc kahit di ko mapapanood, ok lang dahil may vcd naman ako nun. Sakto! Parang datu puti suka at toyo!!! Ang sayang lang ay Inu-yasha. Tagal ko pa namang inasam-asam mapanood ang continuation pero ala eh. Pero ang pangit pala ng dubbed voice ni Inuyasha ngayon. Mas gusto ko pa yung boses dati sa season 1. Di talaga pinapahalagahan ng mga Pinoy ang art of voice acting natin sa bansa. Inulit na rin nila ang Naruto. Hoping ipalabas nila ang Season 4 next time. Meron na ring Beyblade G-revolution, kaso di nga rin ako nakakapanood lalo na't sobrang aga pa. Di bale, meron namang Sugar sa GMA! Sooooper Kawaiii!!!

Natakot ako grabe! Nung isang araw, biglang nangawala lahat ng posts ko. Nagloko kasi yung internet sa sobrang bagal, kaya hindi niya napublish ang buong page. Nataranta ako. Inabot ako ng hanggang alas-dose sa kakaayos nito. Buti nalang mabait talaga si Lord. Unexpectedly biglang lumabas ang luma kong webpage kaya dali-dali kong kinopya yung html codes bago pa uli mawala. Hay salamat! Buti nalang at matalino rin ang blogger. hehe... salamat at nagkahimala.

Pasensya na sa posts ko. Not enough life ako kahit nagse-centrum ako. Medyo nagiging pessimistic pa ako ng mga nakaraang araw. Sana bumalik na uli ang dating sigla ko. *sigh*
No

No comments:

Post a Comment