Sunday, April 16, 2006

I am sorry

April 5, 2006
May nakilala akong nagtapos ng Com-Sci na anak ng kaibigan ni mama. Si Kuya Dodong. Balak kong sa kanya nalang magpaayos ng computer and if ever someday, magpaturo na rin.

April 6, 2006
Naliligo ako sa banyo nang muntik na ako kagatin ng alupihan. Buti napansin ko sa paa ko. Kakilabot!

April 7, 2006
Nagloko talaga computer ko. Pinasukan kasi ng virus. Bigla nalang nagshushut down. Grabe! Akala ko mapipilitan na naman kami gumastos. Umiyak pa nga ako hindi dahil sa computer ko kundi kasi baka magalit si mama. Sinisi niya kasi ako na kung saan-saan daw ako nag-iinternet eh ang totoo makabuluhan naman ang search ko. Nasaktan ako kasi ako na nga nabiktima ako pa yung pinagbibintangang may kasalanan. Umiyak nga ako bilang self-defense. Ang sabi ko, ako nalang ang bahalang magbayad sa gastos tutal meron naman akong ipon sa bangko. Naintindihan ko rin naman kasi ang problema nila sa pera. Di naman natuloy ang galit ni mama. Himalang gumana na muli ang computer ko after nun.

Narealize ko na minsan may kabuluhan ang pag-iyak. Minsan talaga kailangan mo ilabas ang kahinaan at sakit na nararamdaman mo. Yung lang minsan ang tanging paraan para makunsensya sila't malaman na nakasakit na pala sila ng damdamin. Saka ka lang nila sisimulang pakinggan at maintindihan.

April 9, 2006
Napanood niyo ba yung MTV Homecoming doon sa Southridge? Doon kasi grumaduate si Paul Yap ng bandang Up Dharma Down. Ininterview si Tito Mann, Latin teacher niya. Hehe. Buti nga napanood namin kasi iniba na pala ang schedule ng episode. Salamat nalang sa blog na nagpost nun.

April 11, 2006
Holy Monday. Anniversary ng parents ko pero iba ang naging kahulugan ng araw na ito sa akin. Ito ang unang pagkakataon na nagkaroon kami ng seryosong usapan ni mama. It's centered about faith and everything that happened in our life. I even cried talaga kasi I can't control my feelings anymore. I asked her at first that if ever I changed my religious sect would she be ready to accept it. (My mom's a Mormon and my dad's a Catholic). This is the first time na naintindihan ko siya and nalaman ko rin na pangarap pala niyang maging Mormons kaming lahat. Pero she understood me. She told me that "I was in a soul searching stage." She would accept my new sect in a condition na itry ko rin makinig minsan sa scriptures nila. Currently, I am still confused. She told me to pray to God to guide me in the right path. I knew that day she knew that I was already mature enough for my age. And I know that whatever my decision would be, would be a life-changing decision. This would be the first time I would make my own choice without anybody controlling me and whatever it will be I should be ready to stand up and fight for it.

Sa lahat ng mga nilait ko, siniraan ko, sinisi ko, ginalit ko, sinaktan ko, hinusgahan ko, tinalikuran ko, binuking ko, tinakasan ko, napikon ko, niligaw ko, sinigawan ko, pinabayaan ko, inasar ko, ininsulto ko, tinaboy ko, binackbite ko, nilayuan ko, dinamay ko, kinawawa ko, dineadma ko, ginulo ko at tinake for granted ko... I AM REALLY REALLY REALLY SORRY FROM THE BOTTOM OF MY HEART.

Sa lahat ng mga nanakit, nang-api, nainis, nabagot, nambalewala, nanukso, nanira, nanlait, nanghusga, nabuwisit, naperwisyo, nanliit, nagpahiya, nangopya, nang-away, muntik nang magpahamak, nagselos, umapak, nagtawa, nangmata, nang-iwan, nagsinungaling, nagtaksil at nakalimot sa akin... PINAPATAWAD KO NA KAYONG LAHAT.

Sa lahat ng mga tumanggap, tumulong, sumuporta, nagtiwala, naniwala, nagpayo, nakitawa, nakaintindi, nagtanggol, sumagip, nakiramay, naging tapat, nakiisa, nakisama, nakishare, nakisabwat, nakinig, tumuwid, nagpatawa, nakipagkaibigan, nagturo, gumabay, nagmalasakit, nag-alala, nagregalo, nagmulat, nagbigay, nag-inspire, nag-alaga, nagmahal, at nagsakripisyo para sa akin... MARAMING MARAMING SALAMAT PO SA LAHAT. MAHAL KO KAYO. *makes a Sandara wave*

At para sa mga fictional characters lalo na sa anime na ginamit, inangkin, pinagtawanan, pinaglaruan, pinahirapan, brinutal, inatake, niloko, ininsulto, binaboy, pinahiya, pinatay, pinagsamantalahan, ginulo ang isipan, inistorbo, pineste, tinapon, inutus-utusan, inalipin, binihag, sinira at tinanggalan ng dignidad, pinagtaksilan, pinagsawaan, pinuksa, hinulog at ginawang tanga... MATAKOT KAYO.


*****
(biglang nakaramdam ng matinding paranoia ang mga anime characters kaya nagsimula silang lumuhod at magdasal)
KISAME: Lord tulungan niyo po kami. Di na po namin makayanan ang mga ginagawa sa amin ni Pikori.
GAARA: Nagsisisi na po kami sa aming mga kasalanan. Alam na po namin na siya ay pinadala ninyo upang maging matinding parusa para sa amin. Ngayon naiintindihan na po namin ang ibig sabihin ng karma.
SHIKAMARU: Iligtas niyo po kami mula sa kanyang makamandag na mga galamay. Wag niyo pong hayaan na mahawa kami sa kanyang kabaliwan. Ang totoo po niyan, di ko po malaman kung bakit ang isang tulad kong inosente ay gusto pa rin niyang pagtripan. Wala naman po akong ginagawang masama sa kanya!
KIMIMARO: Naniniwala ako na lahat tayo ay may dahilan kung bakit nabuhay tayo sa mundong ito. Marami pong salamat sa pagbibigay niyo sa akin ng panibagong simula. Alam ko pong itinadhana ninyo na magkakilala kami ng aking pinakamamahal na Iwa-chan (tumingin kay Peropero and the latter wags tail)
KISAME: (kay Kimimaro) Che! Anong klaseng dasal yan? Ang layo sa pinagdarasal natin!
KIMIMARO: (kay Kisame) Ang pagdarasal ay hindi lamang ginagawa tuwing may hihilingin ka. Wag ka na ring makelam sa mga panalangin ko. Intindihin mo ang iyo.
CHOJI: Lord, gusto ko sana ng maraming barbecue.
INO: Ako naman po gusto kong lalong gumanda para mahumaling po sa akin si Sasuke. (kilig to the bones)... At maging boyfriend ko na po siya! (blushie blushy)
(Binatukan ng nagpapaka-Pariseong Kisame sina Ino at Choji)
*****

SALAMAT SA PAGIGING MAHALAGANG PARTE NG BUHAY KO. KASAMA KAYONG LAHAT SA NAGHULMA NG PAGKATAO KO. DI KO KAYO MALILIMUTAN.

Yours trulily,
Junilee... este Tippie pala

Dedicated to my Master:
"Pero para sa yo
Ako'y magbabago
Kahit mahirap
Kakayanin ko
Dahil para sa yo
Handa akong magpakatino
Laging isipin
Lahat ay gagawin
Basta para sa yo."
-Para Sa 'Yo, Parokya ni Edgar


April 16, 2006
Easter Sunday pero pinaramdam sa akin ng mga magulang ko na Biyernes Santo. Kaya nga hindi ko mahanap ang pagiging tunay na Kristiyano nila. Kaya naghahanap ako ng ibang sekta na magpaparamdam sa akin ng totoong pagmamahal ng Diyos, ng totoong aral ng Diyos at totoong buhay kasama ang Diyos. Tama bang mag-away sa muling pagkabuhay ng Diyos? Kung tutuusin hindi ko nga maaaring ideclare na Good Friday ngayon eh. DAPAT BAD FRIDAY. Nakakahiya sa Diyos ang mga ginagawa nila. Lord, patawarin niyo po sila at di nila alam kung anong kanilang ginagawa. Minsan naiisip ko tuloy na ako pa ata na anak nila ang dapat magpangaral at magturo sa kanila.

Now Showing:
Fool House Episode 7: Ju-On Revelations

1 comment:

  1. HAPPY EASTER! LOL

    btw, what's an alupihan? im so stupid.. im sorry.. haha

    ReplyDelete