Thursday, November 23, 2006

Kabaliwan Blues

Bumalik na naman ang kabaliwan ko. Naalala ko nung isang gabi nang nagdarasal ako bigla nalang naramdaman ko na bumalik ang sakit ko. Di ko alam kung sinapian ba ako o nastress lang ako. Dinala ako sa UST hospital. Iyak ako ng iyak. Ayoko mag-isa. Sinasabi ko ako ang Diyos. Di pa ako makatulog. Nakarating ako sa UST ok na naman uli ako. Nahirapan pa nga sila maghanap ng room kasi ang daming maysakit. Kinakalat ko si Jesus kahit saan magpunta. Ang daming examination sa akin. Sabi nila lupus daw at affected daw brain ko. Ang dami kong ginawang kawirduhan at may nagsasalita pa sa isip ko. May mga alien akong nakikita. Nakakausap ko raw tito Toto ko na namatay na. May nakikita akong images tulad ng kaleidoscope. Sumabog daw ang Pluto. Marami akong napahiya at napagbintangan. Malinaw ko nakikita ang mga abstract paintings, parang buhay ang mga pictures pag tinignan ko. May sarili akong mundo at perception sa paligid ko na parang nakokonekta ko lahat ng bagay. Marami akong nireveal tungkol sa sarili ko. Mga anak ko daw yung mga Rugrats sa Nickelodeon. Anak ko daw si Naruto. Nabuntis daw ako ng devil. Ginawa ko raw saint si Lucifer. Ako daw ang author ng anime. Minahal ko raw si Kisame (yucky). Tawa raw ako ng tawa. Sayaw raw ako ng sayaw. Nagdodrowing ako sa hangin. Kaibigan ko raw si Sadako. Pinagbawal tuloy akong manood ng anime sa ospital kasi kung anu-ano pinagsasabi ko. Ang maganda lang dun ay naging magalang ako sa magulang ko, naging malapit kay Jesus at nakipagkaibigan ako sa mga nurses at doctors. Sabi ko schizophrenic ako. Nag-iwan pa ako ng last will and testament ko na pinagpair ko ang mga doctors. Sabi ko pa may rosary sa puso ko. Si Gaara raw ang puso ko at si Shikamaru ang brain ko. Tiyan ko si Naruto. Nakakausap ko ang mga gamit. Yung minatamis sa UST naniniwala akong bigay ni Kazuma Azuma. Ako raw si Yoko Nakajima at alam daw ng 700 Club Asia yun. Basta ang daming nangyari na di ko maipaliwanag. Kinulong ko raw ang Diyos sa diyamante. Binuhay ko raw si Pikori at Geneiryodan. Nagkaroon daw ng black hole sa ilaw namin. Nag "Let there be light" daw ako sa ospital. Nakakita ako ng palakang toy story style na laruan. Nakikita ko si Buzz Light year. Napuno raw ako ng tv sa mukha kaya bumigat ako. Di ko maexplain. Di ko na nga madistinguish ang totoo sa panaginip kasi parang unreasonable din ang mga nakikita ko. Nabuhay raw ang Fool Haus sa isang rocket o templo. Si God model sa oatmeal. Si Kayako nabuhay kasama raw siya sa manghuhusga sa Revelation. Sa ngayon medyo ginagaya ko siya dahil mabigat ang katawan ko pero underweight ako. Nag 42 kg me. Ang dami kong iniinom na gamot at karamihan dun may side effects. Nangayayat ako at magpapataba naman ako. Narealize ko na ang dami ko palang kasalanan kahit naging mabuti akong tao. Nagsisimula palang ang panghuhusga. The time is yet to come. Di pa tapos ang misyon ko. Nagsisimula pa lang ako. Susubukan kong mapalapit ang mga tao sa Diyos sa pamamagitan ng blog at fanfics ko. Di ako susuko. Sa ngayon nagpapagaling pa lang ako.

1 comment: