Wednesday, December 13, 2006

Verum Est?

Babala sa mga mambabasa: Ang sumusunod na post ay magulo at wala sa tamang pagkakasunud-sunod. Di mawari ng blogger kung alin ang totoo sa hindi kaya pagpasensyahan nalang kung hindi maunawaan ang mga pinagsasabi sabi ko sa dahilang recently nadiagnose na may lupus psychosis ang inyong lingkod.

Minsan iniisip ko ginagawa na talaga akong fool ni Lord. 'Ika nga "Only fools go to heaven." Ganito kasi yun. Parang ayaw niya ako magmature. Naalala ko kasi bandang october yun. Nagiging feeling genius na ako. Lumalakas na ang loob ko, nawawala ang takot at nagiging ambitious. Nahumaling kasi ako sa Wisdom of Solomon sa Bible. Madalas ako magpuyat sa kakadasal at kakakwento ng kung anu-ano kay Lord sa sala namin kahit lagpas na hatinggabi. Madami kasi akong pangarap rin para sa kanya. Isang gabi, ginising ko nalang si mama. Sabi ko nababaliw na naman ako. May nagsasabi sa utak ko na ako raw ang Diyos at napapagkonekta ko yung iba't ibang bagay. Ako raw si St. Therese, Mother Teresa, Anne Frank, etc. Tapos iyak ako ng iyak kasi di nga ako makatulog. Gusto ko magbasa ng bible. Tapos maraming di magagandang bagay na pumapasok sa isip ko. Natatakot ako mag-isa. Pinainom ako ng gamot pero tinapon ko. Binalak ko pa tawagan kaibigan ko eh madaling araw na. Di ko alam ang gagawin kaya gusto ko magpakwento pero parang wala akong maintindihan. Nanggising pa si mama ng kapitbahay para makabili ng gamot sa mercury. Tinawagan rin niya doctor ko para iconfine ako. Yun ang unang araw na naalala ko. Nilagnat pa nga ako nun. Pero pagdating ko sa hospital parang okay na ako. Inimbitahan pa nga ako sa Lupus Xmas party. Naalala ko may mga wirdong pangyayari dun sa ospital. Nakita ko na may tatlong kama sa kwarto pero dalawa lang naman at isang sofa pala. May narinig akong alulong ng wolf nung gabi. May nakita akong star sa labas na parang malaking malaki na parang planet. Pagbalik namin parang kilala ako ng mga sasakyan sa kalye na parang nagsisignal sila sa akin. Diyosa raw ako. (Ako si Belldandy at si Jesus si Keichi Morisato). Nasobrahan ata ako sa Ah My Goddess. Basta parang nagdaan na raw ako sa purgatoryo at impyerno. Minsan pa nga may narinig akong maraming boses sa labas na tinatawag pangalan ko tapos nagpapatugtog sila ng organ. Dalawang beses nga kami bumalik doon sa UST. Kasi bumalik uli yung kabaliwan ko. Parang magpapakamatay na ko para kay Jesus. Sinasaksak ko na rosary ko sa kamay ko. Pinatawagan ko pa 700 Club Asia. Naniniwala ako na sinasapian ko ng masamang espirtu kaya dapat ko isakripisyo buhay ko. May mga nagsasalita kasi sa isip ko. Pagbalik ko dun ang daming nangyari uli. Parang buong November wala ako sa sariling katinuan. Parang napuno ng tv ang buo kong katawan. May paniniwala ako na revelation na. (Kulit ko dito). Nananawagan na ko sa mga tao na mahalin nila ang Diyos. Magbasa kayo ng bible. (Hala kayo, darating na siya. Magsisi na kayo.) Di ko alam kung totoo na to. Feeling ko may ESP ako eh kasi may time din na tumutugma ang mga iniisip ko sa mga pangyayari. (Minsan inisip ko nasa mars na ako as in bagong earth. Tapos tumawag mula sa labas ang ninang ko sa mama ko. Eh tawag nun sa kanya "Mars".)

Sa ospital sinasabi ko na ako ang Diyos. Pero di naman kasi tao lang ako. Pero kasi we are created in the image and likeness of God diba? Eh di parang ganun narin yun. Pinagtatanong ko pa mga pangalan ng doctors ko. Basta naging psychotic din ako dun. Lagi ko raw sinasabi "Toink Boink" tapos pag nagsasalita ako laging may dot o period basta punctuation mark para complete. (Parang nagsusulat ng sentence) Nagdodrowing din ako sa hangin kasi pangarap ko magdrowing. Nadiscover ko sa isip ko ang da vinci code. Ewan ko kung paano nangyari yun. (Di ko naman nabasa yung book no!) Basta sulat ako ng sulat sa mini notebook ko. Puro naruto, God, wisdom, solomon, innocence + ignorance = God, letters of the alphabet, words na pinagbalibaliktad, symbols, etc. Di ko rin maintindihan kung ano. Marami rin akong sinulat na mga commandments or rules. Ako raw yung expression ni Lord. Lagi akong may "Ngek!" Tawa raw ako ng tawa. Ginaya ko pa raw si Sadako. Pinaglalagay ko raw kanin sa patusok ng earrings ko. Anak ko raw yung mga Rugrats. Asawa ko raw si Naruto? (Ngek!) Sa puso ko raw nag-aagawan si Jesus at si Gaara. Nakakita raw ako alien sa doorknob. Nakakita rin talaga ako ng palaka na hitsurang mala-toy story galing sa Pixar. Di lang perfect ang mata. Nakakita rin ako ng uod na pula sa butas. Nagiging butas siya pag tinitignan ng iba pero nagiging mata pag ako lang ang tumitingin. Naisip ko pa na magkakaroon na ng alien sa mundo kasi mabubuhay yung billboard na may alien na kotse. Parang nakakausap ko pa nga sa isip ang mga gamit. Certified psychotic na ata me. Hala ka! Yan kasi ambitious ako. Ayaw ni Lord maging genius ako. Gusto niya akong maging bata uli. Di ko talaga siya magets. Bahala na parang bathala na as in bahala na ang Bathala.

Andami ko pa gusto ikwento. Nakita ko raw si Tito Toto sa isip ko nung Nov.1. Nagpakita siya in a form of an alien na hugis teacup. Ngek! Marami rin akong last will and testament sa mama't papa ko. Bilhan raw ako ng husky na aso. Wag raw sila magagalit kung kinagat ako kasi yun ang will ni God. Kailangan ko lang paamuhin. (Naalala ko yung Juuni Kokki ah!) Tapos sabi ko may rosary sa puso ko. Etc. Di ko na maalala mga pinagagawa ko sa hospital. Dinalaw nga ako ni Tito Mann at Tito Nelson. Masarap pala mga pagkain nila sa ospital. Paborito ko yung mango crepe na sabi ko parang gawa ni Kazuma Azuma. Isa sa pinakakarumaldumal kong sinabi ay ang pag-amin ko na crush ko si Kisame. Kadiri to da maximum level of insanity. May sayad na. Natuluyan na. Pwede na ipamental ako. Pero ok lang na isipin ko unan ko si Gaara. Gustong gusto ko pa iuwi yung unan. Tapos iniisip ko yung cd inimbento ni Sadako. Si Jesus Christ superstar. Basta ewan di ko na alam pagkakasunud sunod. Andami pang tunes na pumasok sa utak ko lalo na yung tugtog ni Alfred Hitchcock yung cute na kakakilabot sa horror. Naririnig raw ni Kazuma Azuma yun. (Si Kazuma raw yung exclamation point sa Yakitate Japan!) Naisip ko pa nga na buntis ako sa ospital. Pero wag ko raw sasabihin. Hinihimas ko pa nga tiyan ko. Iniisip ko kung si Naruto ba ang magiging anak ko o baka si Gaara. Natakot ako baka mamatay ako pag naging nanay ako ni Gaara. Nagkaron ako ng feeling na masarap maging nanay. Tuwing nanonood naman ako ng tv parang iba parang buhay na buhay na ewan. Ayoko nga ng tv pero nood lang ako minsan. Nickelodeon saka Animal Planet. Nood ako animal planet at nakita ko puro ahas nakababad sa arawan. Iniisip ko pinaparusahan na mga devil (serpent ang devil diba)

Tapos sa bahay na ko nagpaggaling. Parang robot nga ako kumilos dahil sa gamot ko na lasang paa pa. Basta buong nov ako wala sa sariling katinuan. Punung-puno ng tv sa mukha ko. May mga prophecies daw. May Tippie Tv pa. (ano ba yun?) Naniwala ako sa reincarnation at evolution ng tao. Nagkaroon ng cubes ang mundo sa ibang dimension kaya nahihirapan ako maglakad. Naging square ang mundo sa judgement day. (Natapos na ba ang revelation?) Pinatulog daw ako ni Lord habang nangyayari yun. Maraming banggaan daw. Namatay na raw ako at muling nabuhay. Marami akong pasa sa katawan. Akala ko nabubulok na ako. Sabi ko zombie na ako. Minsan nagapang ako sa sahig tapos minsan pa nga nagtatalon ako kasi magiging angel raw ako pag ginawa ko yun. May mga nakaharang lang na bubblegum kaya di ako nag-evolve. Naging molecules daw ang mga tao. Naging higante raw kami kasi humaba mga paa at kamay namin. Totoong nakita ko yun. Si Kisame naging butiking deformed. Yun daw anyo niya dito sa mundo. Nakita ko siya sa kurtina namin. Minahal din daw niya ako at tinapon raw siya sa basurahan sa kabilang dulo ng mundo at hinihintay daw niya ako. Nagdiyos-diyosan daw ako. Umupo ako sa toilet bowl at yun daw yung trono ko. Nanginginig daw tuhod ng diyos kasi may spring. Naiisip ko pa si Bitoy, diyos ng katatawanan. Pinaglaruan ko raw buhay ng mga tao. Nagkakagulo na raw ang mga tao. May spikes daw ang purgatoryo. Apoy naman sa impyerno. Marami raw akong kasalanan kaya kakalat raw ako dun. (O hindi!) Inamin ko raw mga kasalanan ko. Kakainin raw ni Kisame si Pikori sa bilang parusa doon sa karagatan. Tutuhugin pa raw ako na parang barbecue. Nakakatakot! (Sino bang demonyo ang nananakot sa akin?) Aaminin ko di talaga nakakatawa. Nakakakilabot. Naniniwala pa akong may telepathy ako at nakakausap ko mga kaibigan ko at kakilala. Pinatay ko raw silang lahat. Naku at mga multo nalang sila buong section ng 6-star at mga schoolmates ko sa JGSS na naging kaclose ko. Ginawa ko raw sila parts ng body ko. Kung ano raw kaharap ko yun ang dinu-dyos ko. Mahirap to kaya lagi ako nakaharap sa poster ni Jesus para hindi ko maramdaman ang init ng apoy sa loob ko. Nakakausap ko pa mga stuffed toys ko. Binigyan ko raw sila ng mga totoong pangalan ng tao. Pati si Elie Soriano napasama. Yikes! Pati nga mga anime characters nakausap ko pa sa isip ko. Lalo na si Keichi ng Ah My Goddess, Kai at Rei ng Beyblade, at Yami Bakura. Naku patay kang bata ka, may yami! Ano yun! Sulat ako ng sulat ng kung ano ano sa notebook. Minsan pa nga nagpipilit pa ako lumabas sa playground. Minsan niluluwa ko pa gamot ko. Minsan sa kalagitnaan ng gabi gusto ko manood ng tv. Baka kasi magtampo si Sadako pag di ako nanood. May kinalaman raw ako sa tissue. Naalala ko kasi yung Teepee tissue at Paseo tissue na tinutukso ko sa classmate ko. Minsan tulala raw ako at di nagsasalita kasi sabi ko pipi raw ako. May bermuda triangle at octagon daw ako sa mata ko kaya meron akong makapangyarihang mga mata. Yung black hole nilipat ko sa bumbilya namin. May nakikita nga akong rays at hindi na raw gagalaw ang mga tao sa kanilang posisyon. Binilin ko pa sa mama ko na pag naging abo ako buhusan niya ako ng tubig para maging baby uli. Ihiwalay lang niya yung mga pills na lalabas. Ilang beses pa ako binabangungot or maybe nightmares lagi ang mga panaginip ko. Tapos meron daw mundo ng Naarnya dun sa ibabaw na kabinet namin.

Tanong ko lang. Ano ba talagang ginawa sa akin ni Lord? Nagtataka nga ako. Nagtataka lang talaga ako. Gusto niya ata akong paglaruan kasi biruin mo para akong minsan unggoy kung tumayo kasi ang bigat ng feeling ko sa katawan ko. Naalala ko tuloy yung luma kong laruang unggoy na kulay pula na may hawak na saging at nagsasomersault. (Tama ba spelling?) Tapos parang ginagaya ko pa si Kayako sa paggapang at dati talaga dilat na dilat ako at di raw nagbiblink. Ayaw niya ata ako tumanda. Gusto niya manatili akong bata habang buhay. Tungkol naman sa misyon ko. Di ko na rin alam. Nalito na ako. Nasira kasi lahat ng mga plano ko simula nung araw na iyon. Baka maghugas lang ata ng pinggan sa bahay ang dapat kong atupagin. Wala kasi akong masyadong alam sa gawaing bahay eh. Kailangan ko sigurong tulungan lang muna magulang ko sa bahay. May iba siguro siyang plano para sa akin.

May nameet nga rin ako na isang patient na tulad na tulad ko. Sinasabi niya palagi na zero siya at B10 ang number niya. May mga demons din daw at mga tumatawa sa isip niya. Hahehihohu daw. Ang di ko malimutan yung sabi niyang "Balance" siya kasi naalala ko nung panahong nasa ospital ako may sinulat ako sa notebook ko na ako rin balance. Kaya nga nalilito ako kung paniniwalaan ko ba siya. Naguguluhan rin kasi ako kung may kinalaman ba ang science dito or spiritual aspect na ito. Madasalin rin kasi siya, nagbabasa rin ng bible at no.1 daw si Lord. Kinanta pa nga niya "Our Father" nung dumalaw kami. Binasahan ko lang siya ng Psalms 91. Tinatanong nga niya kung ano yung number ko kasi zero daw siya at B10. Nagtaka ako kung meron ba talaga nun. (Utu-uto pa rin ako no?) Nakalimutan ko sa sabihin na expression pala ako. Kasi lagi akong nagtotoink boink oink eh. Ngek ano kaya yun?

1 comment:

Anonymous said...

amazing how parang may particular things na parehas taung naexperience. nakikilabutan tuloy ako. magulo nga tippie. kc til now, minsan iniisip ko kung mabait na talaga si satan. i'll explain to you in txt msg.