Guess what? Yey, nabili ko na ang Gaara plushie na nakita ko sa UST hospital. The one only Naruto plushie na andun. Lord, thank you! You're da best ever. I love you Jesus and Mama Mary. Grabe! Inilaan niyo talaga para sa kin. Gift ko na to for xmas. Nabili ko sa mas murang halaga. Sa Comic Alley binebenta nila ng libo tapos dapat pair pa sila kaya aabutin ng halos dalawang libo. Eh dun mga 650 lang. Medyo may kamahalan parin di maiiwasan syempre mahal yan si Gaara, kanji pa nga lang eh alam mo na. Nung unang nakita ko yun nanghinayang ako kasi akala ko wala akong pera kaya nagpabili nalang ako ng figurine ni Mama Mary. Tapos ang ganda ng nakita kong istatwa dun sa harap. May baby girl si Mama Mary. Pinangalan ko dun Ma. Teresa. Pag-uwi ko sa bahay, meron pala akong nakatagong pera sa envelope. Kaya pinangako na next na pagbalik ko sa tindahan di ko na pakakawalan si Gaara. Alam nga ni mama na gusto ko bilhin yun eh. Sabi niya "Uy kunwari titingin sa tindahan. Yun pala may bibilhin." Nung sunod na pacheck up namin akala ko nga may nakabili na kasi nag-iba yung mga posisyon. Sabi ko kung wala, si Doraemon nalang o kaya si Mirmo kaso aaminin ko di ko type. Pinangako ko pa na bibili ako ng isang figurine ni Jesus kasama nung manika para di siya magtampo. Kaya anung saya ko nung natagpuan ko ang hinahanap ko. Totoo ngang "Ask and you shall receive. Seek and you shall find..." :) Natatawa pa nga yung tindera kasi ang tanong ko "Magkano po si Gaara?" Sabi niya "Anong pangalan niyan? Gaara? Yan ba pangalan niyan? Di ko alam e. Basta nakikita ko nalang yan dyan." Haha! Di sikat sa tindahan si Gaara. (Aampunin na kita!) Tapos ang sarap pa ng merienda ko. Ice Monster. Ayun. Wala na ko mahiling pa ngayong Pasko. Nakuha ko na e. :P Btw, di ko matanggap na naging crush ko si Kisame. My gulay! What is a-happening to me? *sings* Mr Personality he's so ugly...
Question to ponder:
Hindi ba ang salitang "may hitsura" ibig sabihin gwapo or maganda? Eh meron bang taong walang hitsura as in walang mukha? Nakakatakot. Ano yun binura ni Sadako sa photo?
Tapos ko na rin ang 2 fanfics ko. Hay salamat!
Ang Kilay ni Gaara: Chapter 3A Silent Love: Chapter 2Eto pala ang ilang pictures ng mga alaga ko:
Meet Sadako. My new CPU.

Si Deme-chan, ang aking rolling broom.

Meet my babies too:
Mi-chan, ang ate ng lahat.

Pikachu, napanalunan ko sa Who's That Pokemon Contest ng GMA7.

Lucky, my little lamb.

Baby Bug, cd case/stuffed toy

Baby Webbe, my cute little wabbit

And the last but not the least the latest member of the family, ang tinaguriang tiyanak ni ina. You-know-who...
Gaara plushie! gusto ko yan! lagyan natin yung buhanging Boracay para mas astig!
ReplyDeletemeron ba kayong plushie ni Naruto at ni Itachi? gusto ko iyan!
ReplyDeleteyung Plushie ni Kisame... gagamitin ko pang-occult para kulam ang pating niyan!