Monday, January 01, 2007

My Boom Tarat Tarats

Nagkamali ata ako. Eto ata ang pinakamagulong xmas na naranasan ko sa buhay ko. Parang bahala na. Ang gulo rin ng bday ko. Nagkaroon ng giyera sa loob ng bahay. Buti nga nakasurvive pa ako. Bday na bday ko umiyak tuloy ako. Pero binilhan naman nila ako ng choco sansrival. Dapat nga sa Saisaki kami kaso maraming tao kaya lumipat kami ng ibang japanese restaurant. Umorder kami ng mga seafoods at akin yung grilled eel. Ang sarap, grabe heavy! Kakaiba rin yung mga makimono nila. Gusto ko uli bumalik dun. Nakalimutan ko nga pangalan ng restaurant. Basta dun siya sa may ATC. Bago kami tumuloy dun binisita muna namin ang Southridge. Bago na pala yung gardens nila. Mas maganda na at maayos. May benches na at ang pinakacute yung mga rabbits at mga ibon na nasa cage. Ang lilikot pa ng mga bunnies!

Napansin ko di na ata uso sa mga nagkakaroling yung grupo. Nagsosolo nalang sila. Ayaw ata nila maghatian sa kinita nila. Pero naisip ko lang. Bakit ba nagkacaroling? Diba ang pasko ay panahon ng pagbibigayan pero hindi ng paghihingian? Minsan naisip ko ngang lokohin ang mga bata. Kokolekta ako ng sampung tig-5 cents tapos tatalian ko. (Yung tipong tulad ng pagkakaayos ng mga barya sa Nintama Rantaro) Ilang xmas ko na binalak yan kaso lagi namang di natutuloy.

Napansin kong tumatakaw na naman ako. Kung tutuusin gusto ko sana pagkain nalang gift ko. Para naman di magtambak. Kakainin mo tapos ilalabas mo rin naman. Kaso nga lang ang inaalala ko lang yung calories na magtatambak naman sa tiyan ko. Matagal na ako di nakakapag-exercise kasi ilang buwan ako di ako nakagalaw ng maigi dahil side effect ng gamot ko. Kailangan ko talaga ma-exorcise ang mga taba ko. Minsan nga lang tinatamad ako mag-exercise. Mas maganda sana kung household chores nalang para naman maramdaman ko na may silbi ako habang nagsusunog ng taba sa katawan. Nakikipag-agawan nga ako sa paghugas ng pinggan. (Theme song ko na ata ang Joy in My Heart) Actually ayaw nga nila ako pagawin ng kahit ano kasi baka mapagod ako. Pero feeling ko naman baka hindi ako pumayat pag lakad lang ang gagawin as in pabalik balik lang na lakad sa buong bahay. Gusto ko nga magtreadmill kaso mabilis naman akong hingalin. Di bale year of the pig naman ngayon kaya swerte siguro ang matataba. Di naman ako glutton eh pero sayang naman ang pagkain, baka magtampo ang grasya kung di ko tatanggapin. Next year nalang ako magdidieta uli. Double chin na nga ako at belly fat. Oh no! (Dapat isipin ko to: Anong bang pakelam ng ibang tao sa akin? Di naman importante ang physical figure. Bakit pa kelangan magpaganda ng katawan? Eh mabubulok din yan. Kung talagang magustuhan ka ng isang tao, hindi dapat hitsura at katawan ang unang makikita sa iyo kundi ang pagkatao mo!) O kay anong hirap, o kay anong bigat nga lang. Nakakawala lang ng confidence kasi. Asar! (Paano ba magpakapal ng mukha?)

Inaatupag ko ngayon ang pagkocrosstitch. Actually di naman talaga ako marunong nun e. Nagkaroon nga kami ng project noon sa EPP namin nung elementary pa ako pero di naman kami tinuruan ng teacher kaya mali ang gawa ko. Pero di bale, di naman halata yun e. Angel pa nga yung pattern. Sabi 3 sinulid pero ang akin naging anim kasi di ko alam na dapat nakalawit pala yung dulo. Tapos di pala bubuhulin. Eh yung akin puro buhol. Puro ekis ekis nalang basta basta. Eh sa akala ko ganun lang yung cross stitch eh. Nagtataka nga ako bakit sa internet sabi di daw buhol ang pagsasara ng sinulid kundi iipit lang sa mga tahi. Abnormal tuloy ang likod ng unang gawa ko. Binago ko na nga estilo ko pero ewan ko kung tama na ba yun. Wala naman kasi nagtuturo sa akin. Di rin alam ni mama. Pero likod lang naman ang problema e. Di naman yun ang titingnan diba? Tatapalan din yun and voila, no one knows what you did last summer este at the back pala. Ganyan naman ako eh. Tawag ko sa sarili ko "tapal-mali". Tinatakpan lahat ng pagkakamali para hindi halata yung errors sa gawa. Wala ata akong talent sa art. Gusto ko pa naman sanang maging artist para magkaroon ng maraming masterpiece. Pero mukhang hanggang panaginip nalang yun.

Nasabi ko na ba na meron akong webcam? Tinago lang ng mama ko kasi nung wala pa ako sa sarili ko nakikita ko mukha akong demonyo. (Yan kasi! Mahilig kasi ako manakot sa webcam!) Minsan ko nga lang nagamit yan nung nagtake ako ng mastery test sa CLE ko. Balak ko gumawa ng mga horror videos at animal shows (actually stuffed toys ko ang gagawin kong mga artista). Hmmm... makapagcosplay kaya minsan?

Kakaiba rin talaga magparamdam si Lord. Sabi ko sa sarili ko, gusto ko ng maraming prutas. Tapos nung pag-uwi ni papa galing xmas party nila, may dala siyang isang supot ng prutas galing si Ninong Ting ko. Tapos meron ding binigay sa aking isang poetry book na ang title "Don't Ever Give Up Your Dreams." Pampalakas loob yung mga poems na nakasulat sa loob. Parang sinasabi sa akin na wag ko raw isuko ang dreams ko. Kung tutuusin nga medyo nadedepress na naman ako kasi parang feeling ko nawalan na naman ako ng lugar sa mundo. Eh kasi naman ano ba naman ang silbi ko kung may sakit ako? Ang dami ko tuloy pinagsisihan. Sana tinodo ko na pala ang powers ko nung elementary pa ako. Di ko tuloy naranasan ang typical highschool life ng mga teenagers. Minsan naisip ko, "Ah baka di lang ako nababagay sa labas. Alam Niya na baka hindi ako magiging masaya sa ganung mundo. Baka maistress lang ako. Baka masyado na corrupt ang mundo kaya dapat keep yourselves pure and innocent na lang." Pure and innocent daw o! Eh nagkabutas naman. Kaya umiiwas na ako sa mga green humors at saka mga sensual na palabas. Baka malapit na ata na ang revelation kaya kailangan magbago at magsisi na sa mga kasalanan. 2007 na, who knows...

Naisip ko baka di ako mahabol ngayong graduation kasi marami pa akong di natapos. May thesis pa akong aatupagin. Iniisip ko nalang na kaya ganito kasi sobra akong mahal ni Lord. Sabi kasi suffering means salvation. Pinoprotektahan lang niya ako. Baka wala pa sa tamang oras. Gusto niya ako manatiling batang-isip (para makapasok sa langit kasi dapat maging katulad raw ng mga bata diba?) kasi baka magmature na ko sa college. Hindi pa siguro time na matagpuan ko ang magiging kaibigan ko at siguro dapat grumaduate siguro muna ang mga dati kong classmates para makachikahan ko pa sila tungkol sa buhay buhay nila bago sila magkatrabaho. Ewan ko. Dapat di ko na dapat iniisip ang mga ganyan. Kaya siguro nababaliw na ako kasi masyado akong palatanong. Paano ba patahimikin ang utak? If only nakakabawas ng calories ang pag-iisip, payat na sana ako ngayon! Errr!

Bumalik na rin pala Naruto! Ayan happy na uli tuwing hapon. Kaso parang naguguluhan na ata ako sa storyline. Hinahanap nga ni mama sina Gaara at Kisame. Tuwing naririnig ko ang pangalang Kisame parang nanliliit ako. Nahihiya akong ipakita sa buong mundo yung pagmumukha ng hampastubig na iyon. Feeling ko nadungisan ang pagkatao ko. I must cleanse and purify myself once again. I must repent! (wears sack cloth, puts dust in head ang grieves) Tinuturing ko yung kasalanan. O hinde! Baka kung ano sabihin ni mama. Nahihiya talaga ako. Di bale lusot naman ako kasi maysakit naman ako ng time na yun. Wala ako sa tamang katinuan kaya ok lang. Hahahaha... (nababaliw na naman in an artificial manner).

Teka ano ba talagang dahilan kaya nagflare ang sakit ko??? Di ko magets. Di ko tuloy alam kung anong precautionary measures ang next na gagawin ko. Dahil ba bawal ang carrot juice? Bawal nga ba ang carrots? Nagtataka ako kasi may listahan sila ng bawal na pagkain pero pag tinanong naman namin sa support group sa UST eh wala silang kamalay-malay doon. Ano ba talaga kuya? Paano naman kasi naging bawal yun eh gulay naman yun? Sabi nila dahil pesticide daw sa katawan. Paano na yan?

Last Dec 27, nakapagshopping din sa wakas. Nung nakita ko yung mga malalaking sasakyang stuffed toy, nainggit ako. Gusto ko maging bata uli para makasakay dun. Sa wakas, nabili ko rin yung VCD ng Kung Fu Hustle. Wala kasi mahiram sa Video City Robinsons nun eh. Idol ko kasi yan si Stephen Chow pagdating sa comedy. FYI, siya yung bida sa Shaolin Soccer. Tapos bumili rin ako ng Bubble Gang Anthology as prescribed by my bespren. Nagshopping na rin ako ng mga panregalo at guess what, nakabili kami ng higanteng figurine ng palaka para kay Dra. David, yung psychiatrist ko na mahilig sa palaka. Biruin mo 99 lang sa One Price! Bumili rin ako ng manika, dalawang cel keychain: isang beaded parrot at cute round stuffed pig at glitter painting na ikaw mismo ang gagawa.

Dec 28 naman, binisita ako ng dati kong religion teacher sa Woodrose, si Ms. Alfonso. Niregaluhan ko siya ng figurine na crucifix at niregaluhan niya ko ng maliit na case at earrings na ginawa niya. Pinakita ko nga sa kanya yung Gaara plushie ko. Sabi ko consolation prize ko sa lahat ng pinagdaanan ko. Imagine, sa hinaba haba ng prusisyon sa UST ko lang pala matatagpuan or should I say, Sa minahal mahal ng presyo, sa UST lang pala ako makakamura. Yan ang tinatawag na kapalaran. Pinagtagpo talaga kami ng tadhana. Ngek! Ano bang pinagsasabi ko? Isipin niyo, paano napunta yung plushie na yun doon eh parang it does not belong to the group naman. Kinwento ko nga rin na feeling ko pinaglalaruan ako ng Diyos. Kasi sabi ko dati sa Kanya sa dasal na isa akong piece of puzzle. Eh noon naramdaman ko na parang puzzle ang dinadaanan ko sa sahig namin. Kaya minsan di ako makalakad ng maayos kasi parang may nakaharang na something invisible. Minsan pa nga parang feeling ko binagsakan ako ng invisible cubes or blocks kaya parang square ang bawat galaw ko.

Naisip ko lang. Mas maswerte pa pala ako sa iba dyan. Alam ko namang ang buhay kong ito ang pinakaka-asam asam ng mga Taong Tamad. Pero sorry nalang dahil hindi ako makikipagtrade sa kanila. Maswerte nga sila at meron silang malulusog na katawan para makapagtrabaho. Eto lang maaadvice ko, make the most out of life. Wag niyo ako gayahin. Mahiyain kasi ako eh kaya tuloy nagsisisi ako na marami akong hindi sinubukan noon.

*sings to the tune of Chaka N'ya by Michael V*
This is dedicated to Kisame:
Chaka niyang pating
Nakakainis mukha'y nanggagalit
Chaka niyang pating
Nakakahiya Isdang naging syokoy
Kung buhay man ang Samehada
Siya lang magtatagal
Ang Akatsuki ay magpapakamatay
Dahil chaka niya!


AH BASTA DINEDEDICATE KO KAY KISAME ANG KANTANG CHAKA N'YA!!!! @$%@@$%#$%&^^!!!!

Questions to ponder:
1. Bakit mataba si Buddha, eh diba ang mga Buddhists vegetarian?
2. Bakit tayo nagreregaluhan tuwing pasko eh hindi naman tayo may birthday?
3. Bakit ginagamit ang phrase na "parang pinagbiyak na arinola"? Does that mean na mukha mo arinola? Bakit hindi nalang tasa o palayok?
4. Pwede bang gawing coloring book ang manga?
5. May snow ba doon sa Bethlehem nung pinanganak si Jesus? Bakit merong snowman at snow tuwing Christmas?
6. Kung ang buhay ay parang gulong, eh di dapat nahihilo na tayo. Mabilis ata umikot yun no!

Have Yourself a Very Scary X'mas
Click Here to read the fool story

1 comment:

  1. Pure and innocent?!
    well siguro.... hindi ka nga bagay sa magulong mundong ito, namashter ko na ang mga aning-aning ng tao dito kaya mahirap nga.

    secret of cross-stich: NEVER NEVER NEVER make buhols, mag masyadong mahigpit, at HUWAG LALABHAN baka maburda ang gawa.

    note: hindi binubuhol kasi babakat sa frame.

    Tunkol sa carrots and veggies, wala talagang safe ngayon unless ikaw mismo ang naglagay ng tanim mo, who dont you try veggie and herb gardening (medyo mahirap ang herbs) nakakarelax rin yun and burning fats. kung hindi ka mageexercise baka umiksi ang life span mo, isama mo rin ang kain ng fruits and veggies at tamang balanseng diet (ginugulay kami ng mom ko dito, hindi ako baka para kumain ng damo no!)


    1. Bakit mataba si Buddha, eh diba ang mga Buddhists vegetarian?

    As all i know, one time hindi siya nainspire sa mga veggie na pinagkakain niya, kaya kumain siya ng iba (stress on spicy) tapos one time namatay siya

    2. Bakit tayo nagreregaluhan tuwing pasko eh hindi naman tayo may birthday?

    Birthday yun ni God. It became a tradition na magiging magulop ang pasko...... siyempre Christmas shopping rin

    3. Bakit ginagamit ang phrase na "parang pinagbiyak na arinola"?
    Does that mean na mukha mo arinola? Bakit hindi nalang tasa o palayok?

    thats humor effect katulad rin ng "kutis basag porcelana"

    4. Pwede bang gawing coloring book ang manga?

    HINDI! SACRILAGE!!!!! Naging black and white lang yan dahil yun ang pinakamurang paraan.

    5. May snow ba doon sa Bethlehem nung pinanganak si Jesus? Bakit merong snowman at snow tuwing Christmas?

    American commertialism, wala namang snow sa Middle East diba....

    6. Kung ang buhay ay parang gulong, eh di dapat nahihilo na tayo. Mabilis ata umikot yun no!

    According to Ruffa Mae:
    "Ang buhay parang gulong, minsan umiikot, minsan nasusunog" (movie: Bobba)

    ReplyDelete