Tuesday, May 01, 2007

Congratulations!


Kahapon pala graduation namin. Sa wakas, tapos na ang horrors of high skul life. Guess what? Kabatchmate namin si Sarah Geronimo! Siya yung kumanta ng National Anthem at hymn namin. Nakakapanghinayang nga kasi di ako nakapagpapic o nakapagpaautograph man lang! Nagdala pa naman ako notebook. //>_<\\ (Wah! Cindz, kainggit ka talaga! Katabing-katabi mo pa si Sarah!) Dapat sana magpapapic ako sa kanya pagkatapos ko kuha ng diploma kaso pagbalik ko wala na siya sa seat niya kasi kakanta nung graduation at alma matter song. Pero in fairness, may katabi rin akong artista, si Krystal Gayle, yung Darling Lavinia sa channel 2. (Actually di ko naman talaga kilala. Nabanggit lang ng teacher ko na artista. Anime lang naman kasi talaga pinapanod ko sa tv hehehe.) Nakakwentuhan ko nga eh. May mga camera nga na panay kuha sa amin kaya ako naman hehehe... na nasa tabi niya eextra-extra lang. (Malay mo lumabas rin ako sa tv at dyaryo!) Nung una nga akala ko mga school photographers kaya nakiki-ekek rin ako eh. Napansin ko nalang pagkatapos na may mga tatak ABS-CBN chuva ekek yung mga damit nila. Ngek, kahiya!

Ang masasabi ko sa graduation... ang gulo. Sa gitna kasi ng program naglilipatan na yung mga studyante ng upuan. Yung mga teachers naman nasa unahan kaya hindi nila masuway ang mga bata. Sus! Kung wala naman palang magbabantay eh di sana sumulpot nalang ako sa gitna ni Cindz at ni Sarah para trio kami magpapicture. GRrrrr... //>0<\\ kaso di ko rin maiwan si Krystal. Sa sobrang gulo, kaming dalawa nalang ang naiwan sa row namin. Hehehe, solo ko siya! Gusto nga nya ako tawagin sa real name ko kasi ayaw niya yung nickname ko. Akala nga niya TB or TV. (Yan na nga ba ayaw ko sa palayaw ko. Laging di magets ang pronunciation ng letter P!).

Nakakahiya nga yung sapatos ko kasi sa luma natutuklap na! Sinasabihan ko nga si mama na wag nalang tumingin sa baba. Ika nga hold your head up high. Nung grade 7 pa kasi yun huling ginamit at almost 5-6 years na ata nakatambak.

Nung awarding ceremony nga, buti nakinig ako sa bandang huli. Medyo lumilipad na kasi isip ko. Bigla nalang tinawag pangalan ko for general excellence. Napatayo tuloy ako. Buti narinig rin ng papa ko kundi baka nagmukha kaming ignorante. (Mama ko hindi na nakikinig eh. Nag-iisip na raw siya na umuwi na kami. ehehehe...) Di talaga expected yun kasi alam namin non-graded ang system. Pero dahil nagtaka ako kung bakit may ilang taga-home study na nakatanggap ng medal, well, naisip ko lang baka ako rin kaya nilakihan ko tenga ko just in case. Yuck hehe... //^_^\\

Kumain kami pagkatapos sa isang japanese restaurant. Ang hirap nga umorder kasi puro Japanese ang pangalan ng pagkain kaya di namin magets. Tanong tuloy kami ng tanong. Eh yung iba eh mga pritong gulay at talong lang pala. Inorder namin yung gyoza, fried flatfish at saka fried mushroom, tapos tig-isa kami ng soup: seaweed soup for me, beef soup kay papa at egg soup kay mama. Dapat nga bibili pa kami cake sa red ribbon kaso busog na busog na. Hehehehehe...

PS: Nagawa ko na pala idrowing ang Chibi fool hausmates.//^____^\\ Wala lang akong scanner, sayang. Labo sa webcam eh.

Sadako Scandal
Click to read a fool story.

1 comment:

ADwight said...

kailangan pinikturan mo siya maski na hindi mo pa alam nun.
Angelicum is known for its very loose education, its so Obvious na nandoon si Sarah at yung isang hindi ko kilala! Well, I'm not mush of a Sarah fan anyways...
Mahilig ka talga asa Japanes Food ano? Hehehe..

+-|Congratulations!|-+

ingatz sa life and good luck sa college!