Matagumpay ang first week ko sa Informatics. Masaya ang class ko at AKALAIN MO YUN, may mahilig pang tumaktak! Akala ko nga nung una ako na ang magiging pinakamatanda sa class, salamat nalang at hindi. Nung first day andaming naliligaw sa room namin eh hindi naman pala kasama sa batch namin. Then sa susunod na days may mga absent at meron din namang bagong susulpot kaya medyo naguguluhan ako kung sino ba sa kanila ang classmates ko. Ang mga teachers, kwela din at mabait, pati rin ang mga course consultants. Maiksi nga lang klase namin ngaung first term. MWF 8-12 at TTh 12-6. 2 subjects lang everyday. Tapos may breaks pa. Exempted ako sa P.E. (bowling) Sat 1-3 kaya baka palitan nalang ng proj ung akin.
May service akong van (kahit malapit lang lakarin) kasi bawal ako maarawan. Nasa 4th level pa ung aakyatin, kaya tuwing umaga hingal na hingal kami pag akyat. Wala pa kasi elevator o escalator ng ganun kaaga dahil 10 pa ang bukas ng mall. Ang C.R. malayo kaya lalakarin mo pa across. Kaya ayoko magC.R. tuwing may klase (tulad ng ginawa ko nung 1st day ng CS111) kasi namiss ko ang lecture. Kelangan hintayin ko muna magbreak. Nung 2nd day, nilibre ako ni Klariz ng waffle. Gusto nga rin niya ko libre ice cream kaso may sipon ako. (Si ice cream girl yun eh!) Lalo pa ako nawalan ng gana nang nakita kong dumudugo yung daliri ko. Hindi ko naman maalala kung saan ako nasugatan! Kinilabutan tuloy ako, akala ko kung ano nang mangyayari sa akin. Tinanong sa akin ni Ms. Robe kung tatawagan ko na ba mama ko. E ayoko naman pag-alalahanin yung mama ko. Buti meron akong baong band-aid kasi ayaw talaga huminto ng pagdugo. Pagkatapos pa naman nun math pa! Ayun kaya ang equation:
Sipon + Sugat + Math = Headache na tumagal ng dalawang araw
Nashock talaga ako sa unang araw ng Math namin. Mabilis kasi magturo. Di talaga ako nasanay sa mga lectures kasi sa buong highschool homestudy lang ako. Di ko mapagsabay ang pagtake notes at pakikinig. Nagkaroon kami ng 30-min break. Gusto ko sana maglumuhod kay Ms. Michelle. Pwede naman magtanong sa lecturer pag di naintindihan pero ako mismo di ko alam kung saan magsisimula magtanong. Nakakapanibago pa naman ang topic tungkol sa binary, octal, denary and hexadecimal numbers and conversions. Nagkandalitu-lito na ako pati sa notes ko! Balak ko ngang ipasa yung activity ko na wala man lang lamang kahit isang sagot. (T_T Waaa... sayang naman talino ko!) Salamat nalang kay Klariz na interesado sa math at tinuruan niya ako... kaya kung anong mali niya ganun din ang mali ko. Ngek! :P Buti nalang at may available pang math book sa SO. Isa nalang raw kasi ang natitira kaya binili ko na yun agad. Pag-uwi ko sa bahay matapos iorganize at ireview ang notes, Hallelujah, nagets ko rin sa wakas! Muntik ko na malimutan ang motto ko na "Kaya-ko!" (Yeah she's watching sa may butas sa kisame ng room E...)
During typing lessons, nakita ni Ms. Robe yung attachecase ko. Natawa siya sa dinikit kong kakataquote na may Big-Eyed Peropero. Tinanong nga niya kung gawa ko kasi akala niya na talagang nakadikit na yun dun. Hehe! Ayoko tanggalin, sayang eh. Yung notebook ko nga Ragnarok at ung binder ko dinikitan ko ng Chibi Yondaime sticker para mainspire ako.
Ilang mga patakaran ko at prinsipyo:
1. Kung may hindi sigurado o hindi alam tungkol sa isang bagay, magtanong sa nakatataas o siguradong nakakaalam. Minsan di rin pala sigurado ng kaklase mo, malay mo tsismis lang yun na nasagap niya. :P
2. Wag magmimiss ng lecture. Maghintay ng break bago mag-C.R. Wag ipaubaya ang explanation sa kaklase...
3. Wag basta basta makigaya sa iba. Mamaya mali pala yung ginagawa nila. (Tulad nung nangyari nung 1st day of classes, naglabasan na eh di pa pala tapos ang klase)
Nagtataka ako sa sarili ko bakit lagi nalang ako bumabagsak sa state ng pagiging nerdy and loner. Niyaya rin naman ako paminsan-minsan ng mga classmates ko at mababait naman sila sa akin pero siguro nasanay na ako na laging humihiwalay sa maraming tao. Ayoko rin kasi magmukhang K.J. kasi marami akong limitations sa sarili ko. (Di pa nila ako maxado kilala pagdating dito.) Tulad nalang nung nangyari dati sa Island Cove nang sumakit ang ulo ko. Medyo feeling ko naging pabigat lang ako at nasayang ko lang oras nila imbes na maenjoy nila ung buong gabi. Ayoko rin magmukhang sisiw na susunod sunod sa inahin na kung saan sila dun din ako. Mabilis akong ma-OP pag maramihan. (For me, two is a company, three is a crowd.) Tumatahimik na kasi ako pag nararamdaman ko na sinasapawan na ako. Di ako nakikipagsabayan. Nagsasalita rin ako pero hindi lang napapansin masyado. (Kulang lang siguro sa buhay at confidence.) Ganun na talaga siguro ugali ko, minsan sinusumpong ng pagiging reserved. At ska marami naman sa anime characters ang cool kahit loner, diba? Madalas nga ako magpaiwan sa room, andami ko kasing gamit. Para akong elementary. At least habang nagliligpit, konting chikahan sa teacher. :P ... Naisip ko, nahuhuli na ba ako? Minsan nga nagkantahan ang mga girls dun sa C.R. Sa isip ko, ano ba yung kantang yun? (Yuck di bale di ko naman type yung song...) Hehe! I think I never blend in. May sarili akong mundo. Tubig sila at langis ako or vice versa. At saka ang pinakadahilan ko kung bakit ako nag-enroll sa regular school ay para mag-aral ng computer. Kagustuhan ko yung course na yun at if ever I failed in that part, I can never forgive myself! Panay nga recite ko kung alam ko lang ung sagot... Mataas ang pangarap ko eh. Ambitious eh no! ... Dilly dally shilly shally... emo emo na naman...
Overall, okay ang lahat... //^____^\\ Nagbabalak na makapaglibot sa mall, pag wala pa ang sundo. Takas-takas... Andaming plano... Hehe!
Final Fantasy: Mama's Boys
Click here to read a fool story.
No comments:
Post a Comment