Saturday, July 21, 2007

Gew Gew!

Bilis ng panahon, July na agad. Nagprelims na nga kami except sa ST109. Di ko masyado nakakablog eh kasi naman busy ako sa Bowling project ko at saka medyo naadik ako sa game boy advance. Binigyan kasi ako ni Klariz ng emulator at mga gba files. Halos araw-araw na ata ako naglalaro ah... yikes! Madalas pokemon at naruto. Niyaya nga ako maglaro ng Harvest Moon.

Noong isang Thurs. nagkita nga kami ni Sheery sa harap ng Informatics. Sayang nga lang at di niya nameet mga classmates ko kasi late na siya dumating. Naks, dalaga na hitsura niya, naka-make up pa at 6680 ang phone! Elementary pa lang kami nung huli kaming magkita. Sayang di kasi siya nakasama dati sa Island Cove. Sinama ko nga siya pag-uwi para makita niya bahay ko. Binigyan niya ako ng pin na may zircon na cross. Naglaro kami ng chess na bigay sa akin ni Klariz. Kaso nga lang di natapos kasi panay kwento niya tungkol sa C niya. Uyyy!

Tungkol sa skul, ok lang. Sa wakas nilibre na rin ako ni Klang ng ice cream. Gusto pa nga yung mahal kaso yung mura yung gusto ko kasi ayoko ng matamis na cone. Galante! Lagi ngang nagdadala ng packs ng mga pagkain. Kala mo tuloy may picnic sa loob ng room. Kaso talagang me time na naasar ako sa kanya. Minsan kasi nagtatanong ako pero di niya ko sasagutin ng maayos. Kala siguro niya nagbibiro pa rin ako. Madalas niya sabihin, 'Wala wag mo ko pansinin, nagsasalita ako mag-isa.' Nanunundot pa at nangungurot. Masyado kasi siya hyper at carefree, di niya siguro napapansin kung kelan ako seryoso at sensitive. Sabi nga ni Ate Enriana, para daw kaming laging nag-aaway pero hindi naman. Ganun lang talaga kami mag-usap minsan, nagsisigawan at nag-aasaran. Lagi nga ako tinatawag ni Klang na weeeeiiiird kahit wala pa nga akong ginagawa, sus kala mo naman siya hindi. Bigla nalang nga yun nanunubo ng pagkain. Marami nga siyang expression tulad ng 'kakadiri' pertaining to anything na hindi bagay at 'kakaibang bagay' para sa mga bagay na weeeeiiird. Ay ewan ko, gew gew...

Tawag nga sa akin ng mga classmates ko, Tipiko. Pasimula lang yun ni Taktak (Benjie) dahil sa commercial nung Chippy... Lagi nga nun sinasabi sa akin, 'Tippie, bigyan mo ako ng nagulat...etc...Wah, Chippy ko!' Minsan naman Gew gew, tunog-Gil. Si Taktak mahilig din pala sa anime. Pangarap rin niya magcosplay. Sabi niya gusto niya kontrabida tulad ni Gaara (di bagay)... Actually mas ok sa kanya Luffy! Goma! Goma! Iniimagine nga niya si Maam Styx na Gaara, ewan ko kung anong trip nun. Naniniwala siya may aliens sa outer space, kaso di ko pa sinabi sa kanya na isa ako dun. Hehe! Binigay ko nga sa kanya yung Naruto ruler na bili ko sa Mcdo. Meron na kasi akong Naruto Card Holder at masyadong malaki yung ruler.

Asar talaga ako sa result ng prelims ko sa CS111. Antanga ko kasi. Nag-aral nga ako ng mabuti lalo na yung mga medyo mahirap tapos kasimpleng tanong namali pa ako ng sagot. Bwisit na output! Antanga! Dapat makabawi sa finals! Grrr..oowl.... Tapos dun sa CS113 Math, nung di teacher ang nagbabantay, nagkokopyahan/nagtuturuan sila. Mas malala pa nga raw sa Batch 3. Hay naku, sana parepareho silang mali! Dapat kasi si Maam andun eh. Isa pang kamalasan, yung diskette ko sa ST109 ayaw na mabuksan eh kelangan pa naman iprint yung mga hands on exercises namin. Inulit ko halos lahat. Buti na nga lang walang Math yung Batch 1 nung Thurs. kaya nakahiram ako ng Word docs kay Maam. at buti na rin may nasave akong ilang files sa flash drive ko. Oh I love you flash drive!!! Sa susunod isave ko muna sa Drive D tapos saka sa flash drive ko. Ilang beses na ako natrauma sa diskette! Ayoko na dun! Di ko na talaga papaayos tong floppy drive ko. Bahala siya sa buhay niyang mabulok sa system unit!

O nga pala, bago na rin yung bag ko. Itim na Winnie the Pooh pero di naman halatang Winidapu. Gusto ko siya. Para raw kasi bumagay sa corporate ko. Actually maraming students ang nagpipirmahan against sa pagsuot ng corporate attire. Di ako pumirma kasi sayang yung biniling blazer (although di ko nasusuot kasi mainit tuwing umaga, ginamit ko lang na jacket nung lumamig na yung aircon habang nanonood ng film na 28 days sa classroom at kumakain ng popcorn na pinaghatian namin ni Ate Enriana at Taktak, hehe). Masakit nga lang yung de-takong na sapatos, at kung lagyan ko naman ng medyas nagiging madulas, kakatakot tuloy magescalator pababa.

Pupupu!

No comments:

Post a Comment