Daughter's Best: Home of Extraordinary Desserts
Hay, ang aasim ng mga mukha ng mga panelists. Feeling ko tuloy masama ang gising ni maam robe. O baka magkagalit sila ni sir ponte? Ewan ko, basta, parang hindi sila masaya. Buti nalang at mabait si maam mich kaya medyo naibsan ang pangamba ko. Kaya nga gustong-gusto ko siya eh, kasi madaling malapitan at pakisamahan. Kaya nga lang eh dahil mabait at friendly, eh minsan ung ibang batch abusado na. May mga magulo, makulit at maingay sa klase kaya naiinis na rin si maam mich minsan, pero gayunpaman alam namin na love pa rin kaming lahat ni maam. Ü
Ganito ang mga pangyayari sa huling buwan namin ng DCS...
Sa NSTP, nagkaroon kami ng presentation nung isang sunday para sa mga highschool graduates. Sayang nga lang at hindi ako nakapanood. Sa sobrang dami kasi ng gagawin at dahil pagod rin ako after magpaturo ng buong hapon ke kuya jeff tungkol sa data stuct eh talagang nalowbat ako ng husto. Sayang at di ko napanood kumanta sina Kuya Noel, Abbie, Rodil at si Diwata. Dapat nga kasama kami dun sa kakanta sa stage, eh kaso hindi ako pinayagan at isa pa eh hindi rin kami nakapagpractice kasi watak-watak kaming lahat. Balak pa naman namin kantahin yung Pangarap ni Yeng, at sayang nga dahil kung mahaba-haba pa sana ang time eh gagawa rin kami ng musical play ng Lando ni Gloc 9. Hehe... Nakiusap nalang ako na ung documents nalang ang kuhanan ng grade ko para sa finals dahil pinaghirapan ko rin naman yun lahat. Nabuwisit lang talaga ako kina cano at ian dahil ung dalawang un eh di pa nagbabayad ng parte nila. Lalong lalo na si Cano at hindi pa niya sinosoli ung 300 na dapat eh pinanggawa niya ng menudo na hindi naman natuloy ang pagluto dahil nga inoperahan daw ang nanay niya. Eh sana man lang sinoli lang niya yung pera agad kung di niya nagamit. Sana hindi nalang namin iniasa sa kanya un. Sabi naman ni Sir na iincomplete nalang sila sa nstp pag di pa sila nagbayad. Kawawa tuloy kami na gumastos para sa pagdevelop, pagprint at pagbookbind ng docu. Wala man lang konsiderasyon ang mga yun!
After ng Trinity, meron na namang umusbong na bagong grupo. Tinawag kami ni Sir Ponte na Spice Girls. Si Klang, Melissa, Abbie at ako. Kasi raw pag bigyan mo lang raw kami ng konting linya eh kakanta na kami at nagdudugtungan pa. Lagi ito, actually sa lahat halos ng subject pero lalong lalo na sa subject ni Sir. Magkahalo ngang naiinis at natatawa si sir sa amin nung exam. Parang hindi nga raw exam kasi ang iingay! May mga nagdadaldalan, nagtatanungan at syempre mga human mp3 players... kami yun. Tama, dinadaan nalang namin sa kanta ung hirap ng exam. Hehe... Kung anu-ano nalang kinakanta pati mga 80's di na pinatawad. Sabi ko nga ke klang, si Melissa ung Scary sa amin. *lols* Actually, Pls Don't Stop the Music ang party music namin. Dapat un ung gagamitin naming kanta para sa play sa nstp tungkol sa human behavior kaso di naman natuloy. Meron pa naman sanang lights off at laser light(zaido ring)at cellphone para sa tugtog.... hehe!
May mga time nga na wala kaming klase... Sinasamantala ko uli ang pagkakataong makadwnlod sa crunchyroll ng shippuden at mga asian horror. Napunta kasi ako sa isang pc na merong usb port kaya swerte kaso me virus nga lang pero pwede na pagtiyagaan. Hehe... Nung pinabunot nga kami ni Maam mich para sa defense sa project. Grabe, nagulat ako dahil no.1 ang nakuha ko. Sabi ko baka me sumpa na ito! Hehe... Pero okay lang at least ako nga unang natapos. Magaling pa rin talaga si Lord dahil alam niya kung ano ang gusto ko. Gusto ko kasi sana magvolunteer kaso iniisip ko na baka mataranta lang ako sa pagtapos ng website ko. Pero dahil 1 nga ang nabunot ko, talagang no choice. Hehe... Pero mabuti talaga at di na ako makikipagsiksikan sa iba. Naku lalong lalo na ung iba mga pang-36 pa! Kaya ngayon super duper pahinga lalo na't me sipon na naman ako! Huhuhu...
Anyways, ganda na ng naruto shippuden! Pinakapaborito kong leader ng team si Sir Yamato, yung pansamantalang pumalit ke Kakashi. Astig talaga siya! Lumabas uli ang anyong kyubii ni naruto! Omg, naalala ko ang vrs ng Lobo ko. Kadiri talaga etong si Orochimaru, laging nalabas ang bagong katawan sa bibig niya. XP Astig din ang Akatsuki, lalo na sina Sasori, Deidara at Zetsu. Nagulat nga ako na sbi ni Carl na crush raw niya si Zetsu. Hanggang ngayon, iniisip ko nga na baka namalik-tenga lang ako. Tinanong niya nga kung crush ko raw yun eh di ko masagot agad. Hehe... Naiisip ko kasi yung Fool Haus, dapat kasi kasama na sila dun. Iniisip ko dapat merong Akatsuki na magkakagusto rin ke Pikori. Naguguluhan tuloy ako... Hehe... Si Klariz nga at si Melissa, nakita lang picture ni Pein (leader ng Akatsuki) crush na nila agad. Si Klang nga, laging nilalagay pa ung pic ni Pein sa desktop sa klase. May pic ako ni Pein, yan yung sandamakmak ang piercing sa mukha, Hehe! Pero ako ke.... Manaphy!!!! Hehe, la... pokemon un. Hahaha... U nga pala mkkpanood na pala ako ng Death Note! Nakabili kasi ako uli sa 2-Rats. Ü Ayeee!
Eto ang bagong grupo ng ASTIGS!

Zetsu

Sasori

Deidara

Pein

Itachi
U nga pala, natupad din ang wish ko makakita ng isang bulalakaw. Nung isang gabi tumingin ako sa langit at tinanong ko, "makakakita pa kaya ako ng shooting star? Wla naman kasi akong naabutan tuwing may meteor shower eh..." tapos biglang me dumaan na mabilis na kulay orange. Inisip ko ng una na baka eruplano lang pero narealize ko na shooting star nga yun nuong nawala na. Late na nga ako nakapagwish, sayang! Pero di bale at least nakikita ako kahit isa. Hehe!

Have a holy weekend!
No comments:
Post a Comment