Sunday, July 10, 2005

Ibulong sa Buhangin

I acknowledge Gaara for inspiring me to write this and for making me realize one of the important truths of life.

(June 23, 2005 nang mapanood ko sa Naruto ang nakaraan ni Gaara-kun)

Nalaman ko sa araw na ito na may silbi rin ang panunuod ko ng anime. Habang nanunuod ako, di lang puro labanan at kalokohan ang mga nakikita ko.

Kung iniisip ng iba na puros mga kathang isip lang, karahasan at kawalang-kwenta ang nilalaman ng mga ito ay nagkakamali sila. Di nila alam na sa bawat kabanata ay may mga mahahalagang aral at katotohanan tungkol sa buhay ang nakapaloob sa kwento. Marami kang matututunan tungkol sa pagkakaibigan, pag-ibig, karangalan, katapatan, at iba pang pilosopiya na makakatulong sa pag-unawa mo sa daigdig at pagkilala sa iyong sarili.

Napapansing madalas na ang mga kontrabida, ay may masasama o mapapait na nakaraan. Madalas ito ay dahil sa wala sa kanilang nagmamahal.

Naimulat ako sa katotohanan na bawat nilalang ay kailangan ng pagmamahal. Habang maaga pa ay ibigay na ang nararapat na atensyon at pag-aaruga, iparamdam sa kanila ang kanilang kahalagahan nang hindi sila malihis ng landas at maiwasan ang pagkikimkim ng galit na isa sa mga pangunahing pinagmumulan ng kasamaan.

Ang nakakalungkot nga lang ay ang tao mismo ay minsang walang pakialam sa nararamdaman ng kanyang kapwa. Kinatatakutan natin o nilalayuan ang iba dahil sa pagiging kakaiba nila sa atin. Di nila alam na ang mga taong ito ang pinakanangangailangan ng kalinga at unawa natin. Di tuloy maiwasang magtanim sila ng galit sa puso at kainisan ang buhay at lahat ng tao o nilalang sa mundo. Ang kailangan lang nila ay isang taong gagabay at handang iahon sila mula sa kadiliman.

Isa sa mga halimbawa nito ay si Gaara. Wala man lamang nagmahal sa kanya kahit man lamang ng sarili niyang mga magulang. Ipinunla ng lahat sa kanyang isip na isa siyang halimaw na dapat katakutan kaya nabuo ang pagkamuhi sa kanya at naging isang halimaw na pumapatay ng tao. Nakakalungkot ang kanyang kabataan at masyadong masakit ang nakaraan lalo na sa aksidente niyang pagpatay sa kanyang tiyo (na siya ring tagapangalaga niya at nagmulat sa kanya tungkol sa pagmamahal) na kasamaang palad ay nagtangkang tapusin ang buhay ng kaawa-awang bata.

Sana ay wag naman tayong maging malupit sapagkat siguradong balang araw ay babalik rin sa atin ang mga kasalanang ginawa natin. Dapat nating tanggapin ang bawat isa kung sino talaga sila at kung magkamali man ay ituwid agad habang hindi pa nahuhuli ang lahat.

*****

Hirap maghanap ng matinong pic ni Gaara at ng kanyang gaarapon. //^_^\\””” Tignan niyo ang fangit, yung ilong parang ilong ng ahas (nawawala yung malaking ilong niya, nasaan na kaya?). Mukha pang bagong gising eh di naman natutulog yan. Di bale in fairness, para sa akin yan na ang pinakacute na litrato niya. :P

Pagpasensyahan niyo na kung hindi siya photogenic. Mahirap talaga kapag mukhang carcinogenic at hallucinogenic. :D (Joke! 3x) Di ko alam kung bakit pero natatawa ako lagi sa hitsura niya. (Sensya na abnormal ako…) Ang mga mata niya nagkaganyan dahil sa insomnia, kaya kayo matulog kayo ng mabuti kung ayaw niyo matulad kay Gaara-kun!!! Yung nasa noo niyang kanji, ibig sabihin nun ay “Love”. :D Hahaha! How ironic! Lab lang daw niya kasi ang sarili niya (Jiai). So yan ang ating Lover Boy na si Gaara :D *lols*

Bale-baleng trivia:
Alam nyo ba na si Gaara ay nakatira sa sand castle…


PIKORI: “I’ll huff and I’ll puff until I blow your house away! Beh! :P”
*sa isip* Naku, wag sana akong ilibing ni Gaara-kun sa buhangin. Waah! //T_T\\ Run, Quick! Quick! May quick sand! Aaaargh! //> o <\\

*nahuli ng buhangin ni Gaara si Pikori*

PIKORI: “Gaara-sama, gomen nasai!!!! Libre na lang kita ng SAND-wich.”

GAARA: “Magtigil ka. May pa-akna acknowlege ka pa sa akin sa simula, aasarin mo rin lang pala ako sa huli. Etong sa iyo, Sabaku kyuu, sabaku sousou!”

PIKORI: “Wah! Mumultuhin kita!” //X_X\\ *falls dead*

After somedays, kinuha rin ng di matahimik na kaluluwa ni Pikori ang buhay ni Gaara, sa pamamagitan ng pinagbabawal na technique na tinatawag na Ju-On (The Grudge)…

Ju-On – the curse of one who dies in the grip of powerful rage.
(Kung kaya ni Kayako, kayako rin)…

(To the tune of Jumbo Hotdog by Masculados)
Juon Grudge to,
Si Kayako ba to?
Kaya ko ba to?

No comments:

Post a Comment