Wednesday, July 13, 2005

War of the Worlds

Grabe, human, humans, humans…
Sa kasalukuyan, may nagaganap na War of the Worlds… Dahil ba sikat ang movie na to kaya pilit na ginagaya ng lahat pati ng mga tao sa bahay?

“This war in the house will be started by humans…” (Dahil ako alien, I don’t want to start the war. )

Naiinis ako kapag sa tuwing sumisiklab ang gyera dito. Di ko lang pinapahalata. Pinipilit kong mabuhay ng normal kahit nagkakagulo na. Sabi nila hwag ko raw sila pansinin, hayaan ko nalang daw sila. Ganun? Anong tingin nila sa akin, manhid? Akala nila di nakakaapekto sa kin yung mga ginagawa nila. Pero ayokong makipag-participate pa kaya nananahimik na nga lang ako. Ano bang magagawa ko?

Bakit ganito, ayaw pa kasi nila tanggapin at aminin sa isa’t isa ang mga pagkakamali nila kaya tuloy parang wala nang katapusan. Pride kasi ang pinapaairal. Kung magsorry man, di pa rin nagbabago kaya walang asenso. Away ngayon, sunod bati tapos away na naman. Yung pinag-aawayan tulad pa rin ng dati, walang bago sa usapan. Nauungkat pa ang nakaraang hindi malinis-linis. Temporary lang ang peace treaty nila. Ano ba yan!!!

Hay naku, naiisip ko tuloy na tuwing nagkakaganito sana maglaho nalang ako pansamantala sa mundong ito para makahanap ng katahimikan. Wala naman kasi akong ibang mapupuntahan. Minsan nabanggit sa akin ni Dianne na ang meditation daw, pwedeng mapaghiwalay ang katawan at espiritu. Sana matuto ako noon para kahit kaluluwa ko lang makatakas sa magulong mundo na ito. Bahala na kung di makabalik tutal ang pisikal na katawan natin ang nagpapabigat lalo sa atin. Kung espiritu nalang siguro ako, baka mahanap ko ang kalayaang hinahanap ko. Pero don’t worry ayoko pang maglaho hanggat di ko pa naabot ang mga pangarap ko.

Isa pang problema, ay yung nasisira ang sked namin like 4 example, late na kumain, di na ako natuturuan ng Chem…

Dapat nalang masanay. Kaya ako ayoko nang umiyak dahil lang dito. Masisira lang buhay ko sa kaiisip ng mga bagay na wala naman akong kinalaman. At isa pa buhos na ang mga emosyon ng tao dito baka lalo lang maging kaloka ang atmosphere kung makisabay pa ko.

Eto rin ang dahilan kung bakit feeling ko ayoko mag-asawa. Mamamatay lang ako ng maaga dahil sa perwisyo. Pasweet-sweet kunwari sa umpisa tapos pagkaraan ng ilang taon matapos ang kasal, magsisimula na ang mga episodes ng Star WARS. Mabuti pa ang aso, di nakkikipag-sagutan sa iyo. Di nito kayang magsinungaling at manakit ng amo. Ipakita mo lang na mahal mo ito, mamahalin ka rin niya at poprotektahan.

Ang hayop nagpapakatao, ang tao nagpapakahayop…

Sila-sila na rin nagsisira ng magandang samahan at ng magandang kahulugan ng “marriage.” Nakakahiya tuloy kay Lord. Ang mga magagandang bagay na nilikha Niya ay winawasak at binibigyan lang ng masamang kahulugan ng tao.

No comments:

Post a Comment