Friday, July 15, 2005

Underappreciated Insect

May napapansin ba kayong maliit at itim na insektong palipad-lipad lang sa paligid? Minsan makikita mo pa ito sa loob ng bahay mo. Kulay itim, may kaunting hawig sa langaw pero mas malaki-laki ang katawan nito. May mahabang antenna, maliit na ulo at magalaw na buntot. Anim ang paa nito kung saan yung hind legs ay mas makapal at mahaba. Yung illustration na nakikita ninyo ay gawa ko lang gamit ang Adobo Putoshop este Adobe photoshop vrs. 6.0 kaya pasensya kung hindi ganun kaganda at ka-accurate ang drawing. Click nyo nalang for larger image.

Mahilig itong lumipad ngunit madalas ay bumabangga na para bang nananadya o nakikipaglaro, minsan sa ilaw, electric fan o kaya sa iyo mismo. (Naalala ko pa nga nang minsan may nalutong isa sa ulam namin, palibhasa di nag-iingat) Malikot ito at parang hindi mo makikita man lamang na hindi gumagalaw maliban nalang kung tulog. Kapag natutulog ito nakadikit lang ito sa dingding at nakatago yung buntot. Kapag kumikilos ito, parang di mapakali. Minsan kinikiskis niya yung mga paa niya na para bang nililinis ang sarili. Tahimik ito at di nangangagat. Mahirap patayin ang insektong ito. (Naalala ko nang minsan pinalo ko upang ipakain sa gagamba ay di parin tumitigil sa paggalaw kahit ilang beses ko na pinalo) Ang nakakalungkot nito ay wala man lamang nakakaalam ng pangalan nito kahit man lang ng teacher ko.

Dahil di ko nga alam ang pangalan, tinawag ko itong “KOUYA”. Hinango ko ito sa bida ng anime na Crush Gear na si Kouya Marino. //^_^\
Bakit Kouya at anong relasyon nila sa isa’t isa? Tulad ni Kouya, makulit ang insektong ito. Dahil madalas bumabangga sa paglipad, pumasok sa isip ko na para siyang crush gear. Pero masagwa naman kung ipapangalan ko siya isang crush gear so ginamit ko nalang yung pangalan ng paborito kong gear fighter.

Merong isang episode kung saan nilalambing ni Kouya si Kyousuke matapos lumabas ang kaibigan niya sa Manganji bldg at pag-aralan ang Garuda Eagle. Kinikiskis niya mukha niya kay Kyousuke tapos wini-wiggle yung pwet niya. Natawa ako and at the same time naalala ko yung walang humpay na pagkawag ng buntot ng insekto kaya ayun, napagtibay ko yung pangalang “Kouya” rito.

Maraming bagay akong natutunan sa insektong ito dahil kahit di ito nabibigyang pansin ng mga tao ay tila masayang-masaya ito at nabubuhay ng tahimik. Tulad niya gusto ko
ring matutong maging independent at malaya.

Mabait ito at kung minsan lilipad-lipad sa harap mo parang nakikipaglaro at na nagsasabing “Hello, pansinin mo naman ako.” Parang ako na nangangarap na pansinin ng ibang tao.

Ang mga aksidente namang nararanasan niya ay nagpapaalala sa akin dapat maging alerto sa lahat ng oras. Madalas kasi akong nawawala sa sarili dahil sa kaiisip ng kung anu-ano kaya tuloy muntik na ako tuloy nadidisgrasya. Tulad na lang noon, gabi at naglalakad kami ni papa sa daan. Natapilok ako sa lubid malapit sa guard house dahil nakatingin ako sa langit at hindi sa dinaraanan ko. //-_-\\ Isa pa, nagkamali ako dati sa gamot na ininom ko, buti nalang at hindi nakakamatay. Noon din parang dalawang beses ko nainom vitamins ko. Ano ba yan! Kapag nagmumuni-muni naman ako habang naglalakad sa loob ng bahay, minsan nababangga paa ko sa sofa o kaya nabubunggo kung saan-saan. Ngyay!!! XP

Lipat tayo sa ibang topic…

Si Kouya Marino na tinutukoy ko kanina ay tinuturing kong dream brother. (Tumawa kayo hangga’t gusto niyo, pero seryoso ako) //>_<\
Minsan nangarap rin ako magkaroon ng kapatid. Either isang ate or nakababatang lalaki. Nasabi ko sa sarili ko na ang gusto kong baby brother ko ay tulad ng ni Kouya. Hindi ko sinasabing gusto ko maglaro nalang siya ng crush gear. Ang tinutukoy ko ay ang mga ugali – makulit, masayahin, malambing, mabait, matiyaga, may fighting spirit at marunong magpahalaga sa pagkakaibigan. (Sa isang episode, binanggit niya na ang mga matatalik niyang kaibigan ay mga soulmates niya. How sweet! //^_^\\b)

Pinilit niyang maabot ang mga narating ng kanyang yumaong kuya na si Yuhya na isang crush gear champion. (Namatay kapatid niya sa isang aksidente, nasagasaan ng kotse. //T_T\\ Ganun ba yun kapag sobrang addict na sa crush gear, pati sila maka-crush ng totoong sasakyan at di na laruan? Joke lang :P) Lungkot naman, wala na siya kuya. Eh kung ako nalang kaya pumalit kahit ate nalang niya? Ngek…ek…ek…ek //o^_^o\\ Wish ko lang. Abnormal nga eh kasi kung Kouya pangalan niya, baka pagkamalang kuya ko ko siya pagtinawag ko. Hello, eh di ko naman pwedeng tawaging kuya ang mas bata sa kin no! Kung baligtarin naman ang mundo, hindi cool…

Well, hanggang pangarap nalang dahil never na ko magkakaroon ng kapatid. Masaya na rin to kahit papaano, walang disturbance. Hay, Kouya-chan!

Btw, meron palang Crush Gear sa Studio 23 nagstart noong July 4. Kakatuwa nga dahil nung umagang yun, may Insektong Kouya sa dingding namin sa sala at natutulog. Parang sinasabi na, “Lalabas na uli ako mamaya sa tv!”

Ikuwento ko rin sa inyo ang nangyari noon. Dati kasi sa ABS pinapalabas Crush Gear. Sa kasamaang palad, hindi ko napanood yung final match (Kouya vs Takeshi) dahil mag-eenroll ako sa Angelicum. Nakakapanghinayang dahil yun pa naman ang last episode. Pero alam nyo ba nung araw ding yun, nasa office ako at naghihintay. Maya-maya may lumipad. Guess what? Si Kouya (insect) nasa Angelicum!!! Parang feeling ko tuloy sinasabi niya, “Okay lang, kahit di mo ako napanood basta alam kong sinusuportahan mo ako nang buong puso…” //^_^\\ Happy na ko… Yuck babaw ko…

Tapos nung bday ko last yr 2004, nasa kwarto ako at nagpapahinga, lumapit siya sa dingding malapit sa kama ko parang nag-greet ng “Hapi Bday!” hehe! //^o^\\ Buti pa insekto nakakaalala sa akin, pero tao madaling makalimot.

Sayang nga lang at di ko makapanood uli kasi nagsisimula ng 2pm until 5 ng hapon. Di ko kayang magbabad sa tv nang ganun at saka natutulog ako sa tanghali. Kapag gumising na ako, dun ko nililipat-lipat sa 23 para masulyapan lang kapatid ko. Hehe! :P

Hibang talaga ako no? Pero bakit nakaka-experience ako ng ganitong kawirduhan? Sasabihin ng iba, coincidence lang yan. Pero tulad ng sabi ni Dianne “There is no such thing as coincidence.” Hmmm… *thinks* It means all things are meant to happen the way they are. Siguro pinapasaya lang ako ni Lord kahit sa simpleng kababawan ko lang. Sa mga dinaranas ko ngaun, siguradong kahit sino madedepress. Buti kahit papaano I try to be optimistic in any way kahit umabot sa puntong ridiculous na ang mga pinagsasabi ko. Di nyo lang alam nalulungkot rin naman ako no. //T_T\\ Naiiyak ako, lab pa rin ako ni Lord kahit minsan bad girl ako. Waaah…

PS: Kung alam ninyo kung ano ang pangalan ng insekto pakisabi na lang sa akin. Tnx! //^_^\\

1 comment:

  1. Nalaman mo n po b ung tawag sa insektong iyan

    ReplyDelete