Di ko alam kung paano uumpisahan kaya bibigyan ko na lang kayo ng konting overview about da inner me. Before I start, kung nanonood kayo ng Kare Kano (His or Her Circumstances) then mas maiintindihan ninyo ako. But if you're not an anime otaku but still interested, then go on //^_^\\ nothing can harm you...
Habang nanonood ako ng Kare Kano. Napansin ko na di ko maiiwasang maihambing ko ang pagkatao ko at ilang karanasan kay Yukino. Maaaring hindi kami magkapareho sa lahat ng bagay pero nararamdaman ko at nauunawaan ang kanyang damdamin.
"If Yukino is the main character of Kare Kano, I am the main character of Kare Kare."

Kare Kano vs. Kare Kare
Number 1
Yuki-
Matalino at maganda. Ginagamit niya ang mga characteristics niyang ito upang makuha ang atensyon ng lahat at maituring na pinakamagaling sa klase. Gusto niya laging nasa tuktok at di sanay na natatalo.
Me-
Maaring ngang wala akong taglay na kagandahan tulad ni Yuki. Simple lang at conservative. (Kung tutuusin buti pa nga siya may X-factor, isang bagay na ikinasasama ko ng loob dahil madalas walang gustong pumansin at makinig sa isang tulad ko. Lumalabas tuloy na para akong invisible sa mga mata ng tao. Isa yung nakakalungkot na katotohanan) //-_-\
Unlike Yuki, ang pagiging sobrang palaaral ko ay nagsimula dahil sa sobra-sobrang pressure na binigay sa akin ng mom ko ever since bata pa ko. At hanggang ngayon di ko maalis sa akin ang ugaling yun, marahil nakasanayan ko na. Bunga nun nagkaroon ako ng ugaling pagka-perfectionist. Usually nakasentro sa studies ang buong school life ko. Feeling ko ang tanging goal ko lang doon ay makakuha ng high grades at walang nang iba. Mukhang, ito lang ang tanging magagawa ko para makuha ang atensyon ng lahat.
About sa competition, wala akong pakelam. Di ako nakikipag-agawan sa top position. As long as nakasama ako sa top awardees masaya na ko.
*****
Number 2
Yuki-
Wala siyang mga kaibigan sa simula kahit popular siya at hinahangaan sa school. Ang kanyang sweet image na nakasanayan ng lahat ay isa lamang pagpapanggap. Ngunit nang magsimula siyang maging totoo sa kanyang sarili ay doon siya nagkaroon ng mga tunay na kaibigan at marami pa sa kanila ay dating hindi niya kasundo tulad nina Souchiro, Tsubasa, Maho at Hideaki.
Me-
Kung si Yuki ay may sweet image, ako naman ay may nerd image. Madalas kasi akong tahimik at take note, di ako sanay makisalamuha sa maraming tao. Mahirap ngang magkaroon ng mga kaibigan lalo na't kakaiba ako pero maswerte pa rin ako dahil may iilan pa ring mabubuti ang kalooban na handa akong kilalanin at tanggapin sa buhay nila.
Kakaunti lang ang mga kaibigan ko na tunay na nakakakilala sa akin. Subukan mo silang tanungin tungkol sa akin at siguradong ang isasagot nila ay napakalayo sa serious and shy image na madalas napapansin ng marami. Sasabihin nilang isa akong palabiro at makulit na kaibigan at maaari nilang idagdag na isa akong weird, baliw, mababaw ang kaligayahan, minsan batang-isip at mahilig pang mang-asar. Ganun kasi ako tuwing nagiging komportable at kampante sa isang tao. Lumalabas ang aking lighter at brighter side.
May mga naging kaibigan rin akong dati kong kinaiinisan. Nang makilala ko silang mabuti ay di pala sila talagang nakakabwisit tulad ng inaakala ko. Kung tutuusin ay masaya rin pala silang kasama at kakwentuhan. Kahit papaano totoo rin pala ang mga kasabihang "The more you hate, the more you love" and "Don't judge a book by its cover."
*****
Number 3
Yuki-
Minsan sa isang episode, sinabi niya sa mga kaibigan niya na wala siyang talent dahil puro aral na lamang ang inaatupag niya at hindi na niya nabibigyang pansin ang iba niyang kakayahan.
Me-
Wala kaming pinagkaiba sa pag-iisip ng ganito. Tuwing tinatanong ako ng iba kung ano ang talent ko ay wala akong maisagot ng diretso. Tulad ng sinabi ko sa umpisa, wala akong halos ginawa kundi isubsob ang sarili sa pag-aaral kaya di ko na masyado napagtutuunan ng pansin ang mga bagay na kaya ko namang gawin.
Tama si Yuki, di ko masabing isang tanggap na talent ang pagiging studious or matalino. Bakit? Dahil kung eto ang sasabihin mong talent mo ay lalabas kang mayabang sa harap ng ibang tao. Ang talent ay pagiging mahusay sa isang larangan ngunit ang katalinuhan ay malawak at di madaling ipakita sa isang iglap lang. Hindi ito tulad ng pagkanta at pagsayaw na kung i-perform mo sa harap ng mga tao ay hahangaan ka na agad. Ang masakit pa nun, ang mga palaaral ay tinuturing na nerd at hindi sinasama sa mga cool at popular na grupo maliban na lang siguro kung cute ka at maganda. Balewala ka sa iba. May silbi ka lang tuwing hihingi sila ng tulong sa mga homework at lessons pero after nun di ka nila kilala.
*****
Overall, masayahin rin naman ako tulad ni Yuki, pero sadly wala pa akong Souchiro sa buhay ko. Di ako sigurado kung magkakaroon pa ako ng special someone or wala na talagang pag-asa.
One thing I'm sure of is that sa kasalukuyan itutuon ko ang sarili ko sa pag-aabot ng aking mga pangarap:
Ang mapatunayan sa lahat na ang isang tulad ko ay may karapatan ding makilala at mahalin ng lahat.
Maging isang kapaki-pakinabang na mamamayan ng bansa at magdala ng karangalan sa ating lahi. (Dahil kahit kailan di ko ginustong maging palamunin lamang at mas lalong ayokong maging isang salot sa lipunan. Sayang ang talino ko kung mabubulok lang ako sa bahay)
Magkaroon ng masaganang buhay. (Sinong ayaw nito?)
Malaman ang lahat ng aking mga kakayahan at ang aking totoong misyon sa mundo.
Mag-iwan ng magaganda at masasayang alaala sa mga tao na kahit minsan ay naging parte rin ako ng buhay nila.
Makahanap ng mga tunay na kaibigan.
Matuklasan ang katotohanan.
Maranasan ang tunay na kalayaan at maramdaman kong muli ang sikat ng araw.
Maging instrumento at inspirasyon sa pagtatagumpay ng ibang tao at magdulot ng pagbabago.
At maitatag ang aking bandila, isang bandilang walang katulad at magiging simbolo ko at ng mga tulad ko na hindi kukupas sa paglipas ng panahon...
Masyado bang mataas ang aking mga pangarap at malalim ang kahulugan? Wag na kayong magalit tutal libre naman ang mangarap...
:P
nice blog. ung sa blog ko ung first post ko kapipiranggot lang hehehe. si daryl nga pala to. i lilink ko ung blog mo sa akin ha? nice din ung anime gag zone mo. n_n
ReplyDelete