Friday, July 29, 2005

Makapagnilay nga

Yuck may music video na rin ang Palmolive Fresh and Bounce. Gaya-gaya talaga sila sa Rejoice. Mga feeling sila pero sorry na lang at di ko feel.

Nanood ako uli ng SNBO sa GMA7. Astig ang 13 Ghosts. 1 am na nga kami natulog ni mama. Sira talaga ang GMA. Biruin mo 10 pm ang sked nila pero pinalabas nila mga past 11 na!

Asar ako sa 7 na yan! Di na nga sumusunod sa mga schedules, naninira pa at marami pang mga palabas na bastos. Pasalamat sila at may anime silang pinagmamalaki at nakakatawa na Bubblegang kaya kahit papaano nanonood pa rin ako minsan sa kanila. //>_<\\ Hmp!

Bakit di wholesome? Obvious naman diba? Marami sa mga shows nila na I think supposed to be for kids ay hinahaluan nila ng malisya. Akala nila nakakatuwa eh ang corny naman! Pati ba naman Daddy Didodu! I thought it was supposed to be all about magic and family friendly stuff. Eh ba’t nagkakaroon ng usapang cyber sex and stuff? I don’t think children should be exposed to such materials. Lalo na teens nowadays are losing their morality. Mabuti sana kung they have a firm foundation and roots on moral laws at gumagamit sila ng prudence, kahit anong mangyari di sila matitinag sa mga masasamang elementong yan. Kaya nga ngayon, maraming nasisira ang buhay. Kanino ang sisi? Kanino pa nga ba?

Maaaring may ibang magsasabi na, “Malalaman at malalaman din naman yan pagdating ng araw, bakit pa kailangan ilihim?”

Hello! FYI, ang pagtuturo sa bata ay dahan-dahan at di pabigla-bigla and naaayon sa understanding niya at ability to handle sensitive issues. Dapat turuan rin ng tamang info na binibigay at hindi yung maruming klase ng info na nagtuturo kung paano dungisan ang pagkatao. Please naman sana, let us not corrupt our children’s minds. The children are our future. Destroying them is destroying our future as well as our nation. This explains why we are not gaining anything.

Sa mundong ito na puno ng kasamaan, natatakot na rin ako di lang para sa sarili ko, para sa mga kaibigan at pamilya ko kundi sa mga susunod pang henerasyon. Pakiramdam ko iilan nalang ang may mabuting puso at hangarin sa kapwa. Sana ang mga ganitong tao ay di maglaho sa paglipas ng panahon.

Nagpapasalamat ako kahit papaano nabigyan ako ng sapat na panahong makapag-isip at matutunan ang mga mahahalagang bagay sa buhay. Kahit papaano hindi nasayang ang panahon ko sa pananatili sa espasyong ginagalawan ko. Gagamitin ko ang mga impormasyon na to bilang sandata sa pagharap ko sa mundong ito.

No comments:

Post a Comment