
Sayang! Di ako nakapagpa-autograph sa kanilang tatlo kasi naipit na ko sa mga tao… Iinterview-hin ko pa sana sila. Tatanong ko kung ba’t sila nandun, kung alam ba nila ginagawa nila, kung hakot dakot lang sila o mga naliligaw na turistang sinamantala ng mga rallyista. Tignan mo kasi parang lang sila namamasyal sa Luneta. Pupunta rin kaya sila sa bukas sa SONA? Ninjas on strike!
//^_^\\V Peace man! Di ako kasama dyan!
Naruto icon courtesy of Mina’s Icons and Other Shiznit (See credits section for details)
Image edited by Pikori- that’s me!)
*****
Question, naniniwala ba kayo sa love at first sight?
Ako, hindi ako talaga naniniwala dati. Pero nagbago na ang pananaw ko…
Pinatunayan sa kin ni Gaara na totoo yun. Noong una ko syang nakita, nakita ko na agad yun! Alin? ang kanji sa noo niya. Kayo rin ba ang isa sa mga nabiktima nya? See, love need not be a feeling, it can be a kanji on da forehead seen by the naked eyes! Kaya nga sight eh! Bwarharharhar… *evil lols* Eh sa laugh at first sight? Watever!
*****
COMMERCIAL TALK:
Iba na ang nagboboses sa commercial ng palmolive fresh and bounce. //-_-\\ Mas gusto ko pa rin yung dati kahit naaasar ako sa commercial. Bounce, Freshness, Bounce, Freshness… Iba-bounce ko na silang lahat!
Sa Camay naman, yung commercial ni Sindi Korleto… (di ko alam spelling bahala na)… Yung nasa kama sila ng kunwari asawa niya tapos sabi ni Cindy na “Bahala ka.” May kanta yun. Eto ang pagkakaintindi ko sa lyrics:
“KISS ME…
EVERY INCH, ARAY!”
:D
Ang pangit, parang nangangagat. Wag kayo magalit sa kin, di kasi malinaw sa kin yung kanta.
Isa pang commercial, yung yogurt. Pumunta yung girl sa store tapos nagbukas ng ref. Binuksan niya na agad yung yogurt tapos kinain sa loob pa mismo ng tindahan. Tama ba yun? Di pa nga siya nagbabayad. Yung nagbabantay dun eengot-engot…
Sa corned beef naman, nalanghap lang ng tatay yung corned beef pumayag na agad magboyfriend yung anak. (Sana yung boyfriend ng girl kamukha ni Kisame na may malansang amoy ng bilasang isda para magising sa katotohanan ang ama na bata pa ang anak nya). Kung totoo tong commercial na to, paano kung magserve kaya ang opposition ng corned beef na to sa MalacaƱang at hilingin kay Pres GMA na magresign na, papayag kaya siya?
Sa mga chunkee corned beef, si Kris at si Boy Abunda naglalaban! Hala sige palakihan ng chunks hanggang sa maging ga-higante na yan na di na magkasya sa bibig mo!!! Palibhasa trabaho nila magsalita lang ng magsalita kaya kailangan malaki rin ang ulam na ipasok sa may malalaking bibig. Hehe! Joke!!! :P
Sa Mister Donut, kumain ang mga bata ng Smidgets at nagkaroon ng magical powers. Try ko rin kaya tikman yun? Magkakapowers din kaya ako?
Sa Mcdo naman, may tandang sa tuktok ng food chain. Maghahanap din ako ng manok sa bubungan ng Mcdo at baka may alaga rin sila.
Yung model pala sa Pantene Leave on Moisturizer…. Eh ah eh, alam nyo na! *kilabot to da bone* Kung sa bagay, buhok lang naman ang dapat tignan. Di na dapat pinapakita ang face. Actually parang di pa nga Made in Philippines yung commercial. Sayang imported pa naman, ganun lang yung model maihahalintulad lang sa mga you know what…
Nakukyutan naman ako sa Bibbo (Hotdog with Cheese), yung may bata, puppet na tsonggo at pagong! :)
Babebibo Bagong Bibbo
Babebibo May sikreto!
Anong sikreto ng bagong Bibbo?
Eh di tikman mo.
O anong sikreto?
Tikman mo rin
Paano eh puppet ako
Ngyay!
…
Sana makatikim rin tayo
KESORAP MAGING BIBO!
-----
Oh boy, commercials are weird!
Pag ako naging advertiser, babaguhin ko ang future ng mga ads!
Gagawin kong mas wirdo pa!!! *lols*
:P
Para sa mga taong naghahanap ng matinong kausap:
Pagpasensyahan nyo na po ninyo ako. I am not da right kind of person you are looking for right now. Kindly bear with me…
PS:
Lilinawin ko lang. Hindi ko dinudusta at nilalait ang mga pangit dahil sa features nila. Mabait akong nilalang at di ako nang-aapi ng kapwa, mapatao man o hayop ito. Naniniwala ako sa kabutihan ng puso. Wala akong galit sa kanila o kaninuman. Mas ayoko pa nga sa mga taong maganda nga pero ang sama naman ng ugali. Meron ding iba na mukha na ngang kulugo, putik pa ugali, as if may ipagmamalaki sila. Ang malala pa nun kung masama pa amoy nila.
Hobby ko lang ang mang-asar just for entertainment dahil ito wala akong ibang mapagtawanan o mapaglaruan. Hayaan nyo akong maging maligaya kahit minsan man lamang… huhuhu! //;_;\\ May kasabihang “Laughter is da best medicine” and I need it right now. Umeepekto na nga eh, malaki improvement ko and I never forget to take a dose of laughter every single day. Side effects are of too much laughter can cause flatulence, mild psychosis, and lack of oxygen and concentration. Teary eyes, blushing, choking and coughing may also show although in rare occasions :)
To our dear Aling Bakekang of Vidjoking na naglaho na rin kasabay nang paglaho ng show. :P Miss ko na kayong lahat nina Kasmot! Tena, ang nakakahiyang event gawin nating memorable moment…
*****
Flush Report:
For the good news, last week Anime Gag Zone has been updated. Naruto humor pics are added and for the 1st time in AGZ history we have one submitted HxH song spoof composed by a fan . Weee!!! //^_^\\ See u there!
And for the bad news, webmistress has suffered mild flatulence and schizophrenia while editing the images. Thank God she came back to normal after watching The Doll Master. //-_-\Thanks for reading the Flush report, the earth-friendly report where trashed news is recycled for no use. Good day!
i've laughed my heart out (nice rally icon though)
ReplyDelete