Para mas malinaw, ganito ang naging usapan…
-----Start of dialogue-----
CALLER: Hello?
TP: Hello?
CALLER: Hello?
TP: (asar na) Sino pong hinahanap ninyo?
CALLER: Nandayan ba mama mo?
TP: Sino po sila?
CALLER: Si Ate … ito.
TP: Sandali lang po.
*take note: Sinabi ko nang “sandali lang po.”
TP: Mama, si … daw.
MAMA: O sige, sabihin mo sandali lang.
TP: *deadma*
MAMA: Sinabi mo na bang sandali lang?
TP: Sinabi ko na kanina pa.
[pause]
MAMA: Sabihin mo sandali lang at nagtutoothbrush pa ko. (magagalit na)
TP: (asar) Nasabi ko na nga kanina pa eh.
(sa phone)
TP: Hello, sandali lang daw, pakihintay nalang po.
(pagkasabi ko nun, natapos na mama ko sa ginagawa niya at aabutin na rin naman ang telepono)
-----End of Dialogue-----
//>_<\\ eeeeee!
Ang galing no? Gaano kaya katagal ang “sandali” at parang napakakomplikadong intindihin? Dapat matuto silang lahat maghintay at wag maging apurado. Nasabi ko na nang isang beses, kailangan ko pa bang ulit-ulitin?
Lagi nalang ganito, kung mag-utos sila parang akala mo hindi ka na aabutin ng bukas. Nakakataranta tuloy. Tapos paulit-ulit pa sila. Nakakaasar, akala ba nila bingi ako o tanga? Di ba nila alam kung paano maghintay? Baka ako yung atakihin nito sa puso pagpinagmamadali nila ako. //>o<\\ Akala nila sila lang ang may karapatang mangulit nang ganun. Kapag ako naman ang hihiling sa kanila, magagalit naman sila kasi masyado raw akong apurado. As if hindi nila ginagawa yun! Mahiya naman sila. Bago sila magturo ng kamalian ng ibang tao, tignan nila yung sarili nila sa salamin. Tignan natin kung di nila ginagawa yun. Bka nalilimutan nila pagnagturo ka, mas maraming daliri ang nakaturo sa sarili mo. At isa pa, kung ayaw nilang gawin ko rin yun, maging mabuti silang halimbawa sa gawa at di sa salita. Kapag nakagawa sila ng mali at pinuna mo, tatawa-tawa lang sila at sa iba isisisi. Pero pag ikaw mismo nagkamali, magagalit pa sila kahit anong gawing palusot mo. Ang pinakaayaw ko pa naman sa lahat ay yung alam ko na nga na nagkamali ako, pagdidiinan pa ako sa mga nagawa ko!
Is this the true nature of humans? //-_-\
*****
On the other hand, masaya ang Sunday ko. Why? Nanood ako ng Doll Master sa GMA7. :) Ang cute ni Mina!!!!! //^0^\\ *screams in delight*
Wawa naman siya kasi tinapon lang siya ni Hae-mi. Bakit naman kasi niya tinapon ang manika nya, eh pwede naman nyang itago. Grabe siya. Di man lang niya na-appreciate ang pagmamahal ng manika nya sa kanya. Waaah! //T_T\\ Mina-chan, ampunin na lang kita!!!!
Ako nga nakatago pa rin lahat ng laruan ko para may remembrance ako sa pagkabata ko. Malas lang yang baha na yan at maraming inanod at nasira sa mga yun. Marami pang ninakaw, kasi may mga batang kasama yung mga kamag-anak namin nung pumunta rito para tumulong sa paglilinis. Hay naku! Kabisado ko kasi dati ang mga laruan ko kaya alam ko kung ano yung kulang. Asar sila!!! Pangarap ko pa naman na kapag naka-jackpot ako, ilalagay ko sa isang glass ang mga laruan ko at iaarange for display, most especially yung mga jungle collection, farm collection at petshop ko. (Mahilig ako kasi sa mga animals) :P
This is Lim Eun Kyeong, the lovable Mina of the Korean Movie, The Doll Master.

LIM EUN KYEONG
Born: October 7, 1983
Height/Weight: 164 cm (5' 5") / 39 kg (86 lbs)
School: JoongAng University
TV dramas: Bodyguard (Na-young)
Movies:The Dollmaster(2004);Marrying High School Girl;Spooky Village
Resurrection of the Little Match Girl;Conduct Zero
Official site : http://www.eklim.com/
She’s so pretty like an angel. Grabe!!! //^O^\\ Kaloka na to!!! Nanguha ako ng mga photos nya and believe me, she’s really photogenic, di tulad ng IBA dyan!
GAARA: *sneezes*
*****
Anyway, ang saya ng 4th op ng Naruto (Go!), nakakabuhay ng nakakaantok na hapon ko. Kaya nga napapanot ako pag di pinapalabas ng ABSCBN, minsan pinagchachop-chop pa nila. Arte nila, ba’t di pa nila buuin kasi. As if nauubos ang oras nila dun. Two versions yung video, yung 2nd kasama na sina Itachi, Kisame, Tsunade at Shizune. Sana eto yung palabasin nila.
Nakita nyo ba hitsura ni Kisame? Parang bangkay ng nabubulok na pating o piranha. Buti nakakatiis pa si Itachi na kasama tong isdang to. Ba’t ganun ang pangalan niya? Kayo kaya, gugustuhin nyo bang makita si Kisame sa kisame (ceiling) ninyo? Babalutan na kayo ng Nginiiig, andyan na siya! *nginiiig*

Ano ba to! Lagay ako ng lagay ng mga picture ng mga pangit sa blog ko. Ang ganda ganda ng blog ko tapos masisira lang dahil sa mga PANGIT!!! Di bale uso naman yan. Next time baka yung favorite ninyong Kampanerang Kuba ang i-display ko. Joke lang. Alam nyo ba na isa sa mga prizes ng ABS ay limited ed. Kampanerang Kuba stuff toy? Oo totoo yun, kasi pagkatapos ng palabas may pa-contest sila. Di ko maimagine, baka baku-baku yung manika. Tinambakan siguro nila ng sangkatutak na bulak sa likod. Mas maganda kaya yung manika kaysa dun kay Imang? Hmmm….
Di bale nang puro pangit, bawing-bawi naman sa pic ni Lim-Eun. //^_^\\ Nagkakaroon ng kaliwanagan ang paligid ng blog ko. Para siyang Meralco. Ngyehehe!

Icon courtesy of Mina’s Icons and Other Shiznit
*coughs* speaking of Mina…
No comments:
Post a Comment