Ibang klase talaga pag ang Diyos na ang naginterfere sa buhay mo. Kung gusto Niya, gusto Niya, pero pag ayaw, ayaw Niya. Tao nalang bahala kung susunod pa ba siya o hindi.
Dapat nga pupunta kami ngaun Saturday sa Angelicum pero ang problema ay umuulan. Bahain kasi sa Maynila. Pero nung Friday pinagdasal ko na sana tumigil na yung ulan para makapasok ako para matapos ko ang mga exams. Umaasa ako na hihinto rin dahil madalas ko maexperience na kahit tag-ulan, maaraw naman tuwing Sabado. Kung sakaling umulan, magsisimula nalang bumuhos pagnakauwi na kami.
Pero ngayon halos di tumigil ang ulan nung umaga. Na-late pa ako ng gising kaya nainis ako. Alam kong bumubuhos parin ang ulan pero tuloy pa rin ako, naligo na ko, nagbihis, at naghanda na kami lahat. Tapos heto ang pinakamatindi, nang paalis na sana kami, napansin ni papa na may leak ang kotse. Dun namin na-decide na wag na tumuloy. Pinaayos nalang ni papa ang sasakyan.
Nakakatawang isipin na hindi ako nagalit sa halip ay tuwang tuwa pa ko. Puro alleluia ang sinasabi ng isip ko. Kung tutuusin dapat nainis ako dahil nagpakahirap na ko magbihis lahat at pinag-aralan ko na lahat ng dapat pag-aralan. At dahil sat lang ako pumapasok sa skul, next week pa uli ako makakapagtake. Okay lang siguro magalit sa tao kung pinapakialaman ka pero pag Diyos na ang gumawa di ko na kaya magalit. Kelangan think positively!
Binigyan na nga ako ng 3 signs: 1)late ang paggising ko w/c is unusual dahil may alarm naman me 2)maulan 3)malakas ang pagtagas ng oil ng kotse
Tanga na siguro ang taong magpipilit pang umalis. Malas pa naman ang magpumilit lumaban kung alam mong ang pumipigil sa iyo ay di na tao. May 2 akong kwento, nabasa ko lang ito sa dyaryo. Tungkol kasi ito sa isang trahedya sa barko:
1. Magkamag-anak sila. Ihahatid sana nila yung kasama nila dahil sasakay ng barko paalis. Kaso tumirik ang sasakyan nila. Di nila pinansin, sa halip naghanap sila ng paraan para tumuloy sa pupuntahan, nagcommute. Well, hayun lumubog ang barkong sinakyan nila. Nagsisisi ngayon sila dahil di nila pinansin ang sign.
2. May pamilyang dapat magbabakasyon. Kaso masama ang loob nila dahil hindi natuloy dahil nagkaproblema. Nabigla sila isang araw nang marinig nilang lumubog ang barkong dapat sana ay sasakyan nila. Laking pasasalamat nila at hindi sila kasama sa mga nabiktima.
Aaminin ko medyo nalungkot ako dahil matatagalan pa bago ko matapos ang mga tests ko at di pa ko agad makaka-akyat ng next level :( Pero wala na akong magagawa. Kailangan kong sumunod dahil wala nang ibang choice dahil baka kung hindi ay magtampo pa ang Diyos sa akin. Di bale magagawa ko na uli ang panpik ko. :) Hayaan ko nalang ang mga exam tutal genius naman ako. (Yuck! XP Ganito ba ang pagconsole ko sa sarili ko?) //-o-\\ *sigh*
Well, God knows best. Dapat magpasalamat pa nga ako at may pakialam pa rin Siya sa akin, diba? //^_~\\
No comments:
Post a Comment