Sunday, August 28, 2005

Ang puso ko!!!

May sira nga yung printer. Malas talaga, nakisabay pa sa spyware. //>_<\\ Napaka-clumsy ko talaga.

Eto pala result ng interest survey ko:
Biological Science 12
Linguistic 12
Artistic 8
Di na ko nagtake ng aptitude test. Buti na rin yun at wala nang babayaran.

Noong last sat, maganda ang palabas, The Ghost. Nakakatuwa namang panoorin lalo kung nakita mo na ang mga artista sa mga asianovelas. //^_^\\ Yung bidang babae kasi yung nasa Stained Glass, yung lalaki si Jedric at yung mommy ng babae yung mommy ni Rossane sa Oh Feel Young.

*****

Just dis Sat, nagpacheck up kami sa doctor. Habang naghihintay may Tsino na dumating. Tinanong niya si mama in English. Noong una di pa ata magkaintindihan. Natatawa nga ako kasi kulang kulang English ni mama :D (Yuck as if mas magaling pa ako). Walang kamuwang-muwang si tsong. Sabi niya (not exact words) “Manila Doctors, yes, I went here because it says Manila Doctors. Where will I go? … I have fever. Where will I go?” Sinabihan nalang ni papa na magtanong sa baba sa may information. Sabi ni mama natakot daw siya baka magnanakaw kaya hinawakan daw niya bag niya. Ngek! //<_<\\ Imposible! Nakakaawa nga eh. Kung ako siguro baka hinila ko na yun papuntang emergency room. Ganun ako kabait grabe! Pero ang totoo nyan, di ko talaga alam ang gagawin sa taong yun. Ni di ko nga alam kung saan ang Information Center, emergency room pa kaya. //^^\\””” Baka lalo ko pa siyang iligaw at pagnagkataon madadamay na naman ako sa problema ng iba…

Yan ang totoo sa akin. Madalas akong madamay sa problema ng iba sa pagtatangka kong tulungan sila. Naalala ko pa dati noong nasa Woodrose pa ako. Field trip ng Grade 7 sa Enchanted Kingdom. Nawala pitaka ng isang kasama namin. Sinamahan ko siya maghanap. Ilang oras din yun. Halos makuba pa ako sa bigat ng dala kong bag. Di tuloy ako nag-enjoy! //>_<\\ Asar! Ako pa ata ang nag-alala para sa kanya. At ngayon nasaan siya? Di man lang nagpaparamdam!!! //><\
Ang mga unwanted sa klase, mga kaibigan ko kaya hayun nagdurusa rin ako sa mga malisyosong panunukso ng iba. Di sila nakakatawa!!!! Pero alam kong malaki rin ang pagkakasala ko dahil alam kong di ako naging ganun ka-faithful sa kanila. Pero alam ko na ang feeling ng binabalewala at iniiwan. Di na mauulit pa! Sorry talaga! Patawad! Gomen Nasai sa mga nasaktan ko!!! //T_T\\ Masyado kasi silang mabait, kinukonsinte nila ako, di man lang nila sabihin kung anong nararamdaman nila o kung nasasaktan ba sila. Masyado tuloy akong umaabuso at lumalaki ang ulo kung minsan.

******

Habang nasa Angelicum ako medyo gumulo ang thoughts ko. Nagcocomputer ako, eh may isang studyante rin dun na mag-isa. Gusto ko sana kaibiganin kaso parang may sipon. Nagdadalawang isip tuloy ako kung kakausapin ko ba o lalayuan. Naglaban ang aking dalawang katauhan. Nanaig ang aking yami.

Ang pinakakinatatakutan koay baka biglang dumating si mama. Baka pagalitan pa ako nun. Alam mo naman yun overprotective. Kapag mapansin lang niyang sisinghut-singhot o uubu-ubo ang mga tao sa paligid ko, pagsasabihan na akong lumayo, umalis, magtakip ng panyo or worse mag-mask. Sa tuwing gagawin niya yun feeling ko wala na talaga akong kapaga-pag-asa, para akong napaka-helpless, nakakaawa, napakahina, napakavulnerable. Para bang lahat ng maysakit dapat kong layuan, pandirihan at tignan nang mababa. (Pero dapat lang siguro magalit sa mga taong di nagtatakip ng bibig kung inuubo o bumabahing dahil kabastusan na yun).

Di ko naman masisisi si mama at kahit ako medyo paranoid na rin dahil madali akong mahawa. Pero di ako papayag na habang buhay akong ganito!!!! Ayoko ng ganitong life!!!! Ayokong mabuhay nang isolated, ayoko maging isang loner, isang preso!!!! Hindi nyo ako pwedeng ikulong hanggang kamatayan. Paano na ko mabubuhay na parang tao? Di naman ako aso na dapat ikadena ng amo pag-ipapasyal, di naman ako isda sa aquarium na pandisplay lang sa bahay, di naman ako ibon sa hawla na nakatanaw lang sa labas. Paano na kinabukasan ko? Paano na ko magkakaroon ng kaibigan, confidence at tiwala sa sarili kung lagi kong iisipin ang kondisyon ko. Gusto ko nang lumaya! Gusto ko nang lumaya! Gusto ko nang lumaya! Gusto ko nang lumaya! … !!! Umiiyak ang puso ko!!! //T_T\\… //TOT\\ …

Naalala ko pa last year noong pumunta kami sa symposium ng lupus foundation. Ang sama ng loob ko dahil ako lang ang naka-mask doon. Yung ibang lupus patients, wala. They all look and act normal parang walang sakit. Gusto ko ngang tanggalin yung akin pero ayaw ni mama. Marami raw kasing tao, blah blah blah… Ako lang ang mukhang kawawa, very kaawa-awa, isang nilalang na dapat iyakan. Sa galit ko, nanadya ako. Nagpa-awa-epek ako in public. Sinaklob ko ang panyo ko sa ulo ko, nagsuot ng sunglasses in addition sa mask na suot ko kaya natatakpan buo kong mukha. Nagmukha akong mysterious manang na takot sa liwanag. Para akong baliw, umaarteng praning. Nagalit si mama, sabi niya tanggalin ko daw. Ano siya, hilo? Di ba yun naman ang gusto niya, eh ba’t siya nagagalit? Kulang na nga lang I-suffocate ko ang sarili ko sa suot ko eh. Kung pwede nga lang ipa-laminate, iplastic o ikulong ako sa salamin, gagawin yan ng mama ko eh. OA ba? Talagang ganun ka-OA! Kung nabubuwisit ka, mas lalo na ako. Kung sa iyo kaya mangyari ang ganun, I bet depressed ka na!!! Kung ganito’t ganito lang ang mangyayari sa akin forever, mabuti pang maging hermit nalang ako. Sa mga halaman nalang ako makikipagkaibigan, sa hangin makikipagkuwentuhan at sa dinding makikipagbonding!!!…. >:|

Kung anu-ano na nga lang iniisip ko para mapasaya lang sarili ko. Sabi ko nga katulad ako ni Naruto, may halimaw sa loob. Ang ibig sabihin kasi ng “lupus” ay wolf. Nakakatuwang isipin na matagal ko nang paborito ang mga lobo pero di ko pinangarap na mag-alaga ng isa sa loob ng katawan ko. Pero di tulad kay Naruto, ang seal ay nakasalalay sa mga kamay ko. Kung pwede nga lang makausap at hingin ang kapangyarihan ng halimaw sa loob ko. Pero for now bati kami, maamo pa siya. Wag ko lang gagalitin at abusuhin.

Pinapasuot nga ako ng mask tuwing pupunta kami ng ospital or clinic at minsan sa skul pagmaraming humans. Minsan pinapatakip ng panyo pagpupunta sa mataong lugar tulad ng mall. Dati naisip ko ngang magpaka-Feitan para mala-geneiryodan ang dating. Ngayon naman baka pwedeng Kakashi-style nalang. Magdadagdag ako ng forehead protector, ninja suit at mga shuriken. Kapag tinanong ako kung bakit ako nakasuot ng ganun, eh di sasabihin kong ninja ako! Pwede pa akong makapunta sa cosplay at anime conventions anytime. At least, I can wear it proudly, no! Taas-noo! :P

No comments:

Post a Comment