Medyo naging emotional ako ng nakaraan ah. Medyo masakit pa katawan ko nun. Nag-uundergo ata ako ng detoxification. Nagchange kasi ako ng diet recently. It supposed to be a vegetarian diet pero di ko kayang totally maalis ang milk at seafoods. Wala nang meat, chicken, dairy and other animal products. Bawal na rin ang salt at sugar kaya pinalitan nalang to ng honey at mga herb na pampalasa tulad ng luya, garlic, onion… Dapat nga daw almost raw food ang kainin consisting of mostly fruits and vegetables, some grains tapos konting protein lang (soya, tofu). Jinu-juice nga ni mama yung mga gulay tapos hahaluan ko nalang ng honey. Masarap pala yung squash and cucumber. Pwede na rin ang carrot and apple XP … Naglolokohan pa nga kami sa honey. Baka daw may lumulutang na paa o pakpak ng bubuyog. Hehe! :P Balak nga namin bumili ng veggie meat kaso sa Maynila pa yun. Dadaan kami pagkapunta ko sa skul para naman makaluto naman kami ng ibang recipe kahit walang meat. O diba? //^_~\\
Sabi kasi sa libro na ang mga animal at artificial products ang pinagmumulan ng mga sakit esp cancer. Ang cooked food naman ay namamatay na lahat ng nutrients dun at na-aalter na ang mga molecules kaya di na usable para sa body. Mas maganda uncooked kasi buhay pa ang mga enzymes at kung iju-juice mo mas madaling maaabsorb ng cells. Tayo lang naman daw ang nilalang sa mundo na nagluluto ng pagkain natin. Tignan mo nga yung mga hayop sa paligid mo diba diretso kain nalang sila pero ba’t di naman sila nagkakasakit tulad natin? Tapos vegetarian daw talaga tayo kasi wala naman tayong matatalas na ngipin at wala sa atin ang nature ng mga carnivores na kapag nakakita ng ibang hayop eh gusto nating lapain agad. Pero parang ang hirap kumain ng fresh pa eh syempre nasanay na sa lutong pagkain. //-_-\\ haaayy… sakripisyo…. for the sake of animal life…. for good health…wawa naman me…
*****
Ok na ang mga achievement tests ko. Next wik na siguro ako mag-uumpisa magbasa ng mga modules for YS-11. Grabe may Trigo, Physics, Economy at Stat!!! //~o~\\ ngyaaaahhh! Tinapos ko nalang ang mga final projects ko. Nagawa ko rin ang Geometry (Tesselations) at TLE (drawing/painting). Saya nga ng drawing eh, may pa-shading shading pa. Idinrowing ko nga itlog eh. Hehe! //^_^\\” Ang pinakamasaya painting, Sabaku (desert) ang pinili kong landscape. //^_^\\d
PIKO: Alam nyo ba kung bakit disyerto ang napili ko?
GAARA: Dahil puro buhangin.
PIKO: Mali. Kasi ayoko maglagay ng tubig. Puro fish!!!
KISAME: Parinig, parinig! ¬_¬
PIKO: Joke joke lang wag kang magagalit. Ang totoo nyan, mas konti kasi ang kulay na magagamit ko kung ikukumpara sa iba. Kung lawa, kailangan may bato, damo, lupa, lumot at reflction para realistic. Kung dagat, sobrang blue naman mula sky hanggang hanggang tubig, boring. Ang disyerto naman halos barren ang lupa kaya wala na masyadong ek-ek. All in all eto ang colors na ginamit ko: ngyellowish, heavenly blue, snow white, ebakish brown sa bundok at syempre ipot yellow for the sand.
GAARA: Nang-iinsulto ka ba? Gusto mo bang sabihin na kulay ipot ang buhangin ko?
PIKO: Wala naman akong sinabing buhangin mo. //^^\\”
GAARA: Etong sa yo! *binuhusan si Pikori ng buhangin*
KISAME: Heto magsplish-splash ka pa! *binuhusan pa siya ng tubig*
PIKO: Ay, putik! //T_T\KISAME: Mag-enjoy ka muna sa mudpack mo. Bwarharharhar… >:D
*lumakad na sina Gaara’t Kisame*
PIKO: Hoy, walang ganyanan! Bumalik kayo, di ko pa napipintahan ang mga mukha nyo ng putik black!!! Batang Tuyot! Seamonster!!! Sige, magsama kayo dahil putik ang labas ninyo….##@#@#@##@#~~!!! >:O
KISAME: Gaara, wag mo pansinin ang mucky yucky na yan. ¬o¬
No comments:
Post a Comment