Wednesday, August 24, 2005

Where is happiness?

Kung ang tanong ni Gaara, “Ano ba ang pagmamahal?” ang sa akin naman, “Ano ba ang tunay na kaligayahan?” Paano ko ba ito matatamo? Ang tao ba ay nakatakdang magdusa?

Kahit makita mo ang kasiyahan sa mukha ng isang tao, ito’y panandalian lamang. Wala itong kasiguraduhan kung hanggang kailan ito magtataagal. Sigurado bukas o sa susunod, iiyak siya, magagalit, matatakot o mag-aalinlangan. There is no such thing as eternal happiness on earth neither is there any happy ending, but there will always be a feeling of emptiness inside.

Walang kaso sa akin kung maghihirap ang may kasalanan pero ang di ko maunawaan ay bakit kailangang madamay pati ang mga inosente, ang mga nananahimik? Ang masaklap pa, ay kung sino pa ang pinakamalalapit sa iyo ang siya pang magdudulot ng kalungkutan mo. Wala ba silang pakialam? Napaka-ironic diba? At dahil sa mahal mo sila, lalo ka pang naapektuhan at nasasaktan. Kung sino pa ang walang kamuwang-muwang, sila pa ang kawawa. Di ka naman pwede magrebelde, di ka pwedeng makihalo dahil lalo lang gugulo, di ka rin pwedeng tumakas, at mahirap pa lalo kung wala ka mismong magawa para mabuksan at mabago ang mga sarado nilang mga isip. Lalabas ka ngang helpless, isang batang paslit na iniwan sa gitna ng disyerto.

Kung may matatakbuhan lang, kung may ibang mapupuntahan lang, sana matagal ko nang nagawa. Di ko alam kung anong gustong palabasin ng Diyos. Wala akong karapatang magreklamo, pero may karapatan akong ilabas ang saloobin ko. Di ko na maiintindihan kung anong gusto nilang mangyari. Nagiging malupit at makasarili sila. Di ba nila alam na may iba ritong nasasaktan? Kung pwde nga lang turuan ang puso maging bato at gawing manhid ang konsensya. Pero tao rin lang naman ako, kahit nga ang hayop nasasaktan pati ang mga halaman kung makakapagsalita lang sila.

Ito ba ang gusto nila, ang buhay na walang katahimikan? Ayaw ba nila akong maging masaya? Kahit isang libong katatawanan ang ipalit mo, di pa rin mabubura ang kakulangan sa puso kong ito. Hanggat walang pagbabago, patuloy ring babalik at babalik ang mga nararamdaman kong ito.

Nalulungkot ako tuwing nararamdaman kong nag-iisa lang ako. May mga tao nga sa bahay pero ni isa sa kanila ay walang nakakaintindi. Di ko naman pwdeng hilain ang mga kaibigan ko para damayan lang ako at syempre ayoko nang idamay ang iba sa problemang ako mismo walang magawa.

Diyos ko, ginawa ko na ang lahat na magagawa ko. Kayo na bahala sa lahat. Ituro mo sa kanila ang dapat ituro. Kung ang tanging gamot lang sa sugat na ito ay isang gamot na nakakapaso, titiisin ko. Wag lang po sana ninyong hayaang mawasak ang lahat ng pangarap at pinaghirapan namin. Kahit nagpapanggap akong minsan na walang pakelam, natutunaw pa rin ako na parang yelo. Sana imulat mo ang mga mata nila habang maaga, habang di pa huli ang lahat. Wag mong hayaang sa bandang huli pa sila matuto at magsisisi sa mga kasalanan nila. Patawarin nyo po sila sa pag-aastang parang mga bata. Turuan mo sila ng leksyon kung nararapat.

Di ba sila napapagod? Pwes, ako sawang sawang sawang sawang sawang… sawa na! Hangga’t di masosolusyunan ito, pustahan tayo hanggang libing ko na to. HMp!!!!

Sabihin ko sa inyo ang isa sa mga pangarap ko. Gusto ko sanang ako ang maunang mamatay sa pamilya ko. Ayokong maranasan ang matinding kalungkutan, ayokong manatiling nag-iisa. Natatakot talaga ako. Di pa naman ako malapit sa mga kamag-anak ko. Ayoko rin namang maging pabigat sa mga kaibigan ko at ayoko ring maging matandang dalaga tulad ni Kura at mas lalong ayokong mapunta sa Home for the Aged!!!! Never!!!! Kahit saglit lang sa buhay ko sana makapag-iwan naman ako ng magagandang alaala at mga bagay na kapaki-pakinabang sa iba. Sana bago ako matuluyan, maabot ko man lamang ang mga pangarap ko na matagal ko nang inaasam-asam. At kahit mawala na ang pisikal kong katawan, di pa rin ako hihinto sa pag-aabot ng mga pangarap ko.

Sabi nila sa kabilang buhay makikita mo ang Diyos, mahahanap ang katotohanan, makikita ang kagandahan at mararamdaman ang tunay na kaligayahan. Kung ispiritu nalang ako, nais kong pasyalan ang lahat ng magagandang tanawin, ikutin ang bawat sulok ng mundo, sisirin ang pinakamalalim na dagat, pasukin ang pinakamakitid na kweba, liparin ang buong himpapawid, libutin ang sangkalawakan, at hanapin at alamin ang mga kakaibang bagay na hindi ko nakita o natutunan noong nabubuhay pa ako. Ang maganda pa nito, libre ang biyahe, wala nang katawang mapapagod, magugutom, masasaktan, masusugatan at magkakasakit. Kung iisipin, di rin pala masama ang kamatayan.

Kung mamamatay man ako, sana yung mabilis na mabilis o basta wala akong mararamdamang sakit. Yung lang kasi ang kinakatakot ko kaya wala talaga akong lakas ng loob magsuicide at lalong wala pa akong balak gawin yun. Baka lalo lang kasng maligaw ang kaluluwa ko. Mamamatay na nga lang, sa makasalanang paraan pa. Pero habang nandirito ako sa mundo, wala akong ibang magagawa kundi ang magtiis at umasa na lang sa Diyos. Sorry na lang sa sarili ko at kelangan kong pagpasensyahan muna silang lahat. Haaayyy.... //-_-\\

No comments:

Post a Comment