Nakaka-anger naman! >:O
Akala ko makakapag-achievement test na ako sa Noli Me Tangere. Isang malaking pagkakamali!!!! Nag-aral pa naman ako ng pagkahaba-haba, nasayang lang oras ko. Sana nag-internet nalang ako.
Pinapaulit na naman ako ng test sa Chapters 51-63, asaaaarrrr!!!! //>_<\\ Nakailang take na ako nun ah! Siguro pangatlo na to. Nakakapagod pa naman magsulat ng mga buod. Mamamaga kamay mo pagkatapos! Biruin mo 20 sentences each! 3 chapters ang pinapabuod bale 20 x 3 = 60 sentences all in all!!!!
Tinanong ko nga kung ano mali ko. Yung una daw sa pagkakasunud-sunod daw ng chapters. Usually, kapag numbering alam ko isusulat mo numbers 1,2,3… so on. Eh sabi sa akin dapat daw yung isulat ko yung chapter no. 51,52,53… Eh nakakainis di naman nilinaw sa instruction yun eh tapos ngayon lang sasabihin! Kung tama naman yung pagkakasunod-sunod ko eh sana binigyan na lang niya ako ng consideration. Tutal maliit lang naman na pagkakamali eh!!!
Ikalawang mali, yung pagkakabuod ko raw. Sabi niya hindi ko raw nilagay ang buod ng katapusan. Eh sa wala naman akong nakita sa instruction eh!!! Ang nakalagay lang dun ay yung 3 chapters: Habulan sa Lawa, Pagtatapat ni Padre Damaso at Nochebuena pero di naman sinabi na isama yung katapusan. Di ko nga maintindihan kung yung tinutukoy niyang katapusan ay dapat idugtong sa Chap63 Nochebuena o ihihiwalay.
Kaya minsan naiinis na ako makipag-usap sa mga tao. Ang gulo nilang kausap, di mo maintindihan kung anong gusto nila. Grrrrrrr…abe hirap nila kausap!! aaaaaaaaaaaaarrrrrrggggggghhhhhhhh!!! //>O<\\
No comments:
Post a Comment