Sunday, September 04, 2005

Kakaiba nga...

Sinubukan naman namin yung upo singkamas juice. Yuck para akong masusuka sa lasa. XP Mas masarap pa rin yung carrot apple talaga.

May kakaibang nangyari sa skul. Habang nagcocomputer ako napigtas ko yung earrings ko. Hinanap ko pero di ko talaga makita. Nung pauwi na kami sinabi ko kay mama. Ang sabi niya nakita raw niya sa labas kaya pinulot niya. Nagtataka ako kung paano napunta sa labas eh nasa loob ako ng office nang nalaglag yun. Ang weird talaga! Ewan ko nga kung sumabit sa damit ko pero grabe naman kung kakapit pa yun pagkatapos ko maglakad.

Well, the usual thing, walang nakapansin sa Peroperong Gaara na dinikit ko sa Itachi-case ko. If ever may nakakilala dun, tiyak makakasundo ko yun. Kaso nabulok na naman. Nakita ng trigo teacher ko. Tinatanong niya kung nasaan daw yung nilagay kong Nakakata-quotes doon. Sabi ko, "yun po." Sagot niya, "yun lang?"
Ano ba naman yun? Di na ako nagsabi na every month balak ko palitan ang quotes tutal mukha namang hangin lang ang makakaintindi sa akin eh. Ang kaibigan kong hangin…

Eto yung 1st nakakata-quote na nilagay ko:
"Philippines is a country where actors make rule and politicians entertain."

Narinig ko yan sa Energy FM 91.5. Natuwa ako kaya nilagay ko. Kung susuriin paradoxical ang quote kasi diba actors should entertain while politicians rule. Di ko maintindihan kung bakit parang walang nakakapansin ng meaning. Baka kasi english o kaya di na sila nag-iisip kasi ang mga utak nila kailangan ng oil para mag-run smoothly. Alam mo naman ang utak ang least na ginagamit ng mga tao ngayon. Pisikal na katawan lang ang binibigyang halaga at pinapansin kaya di ko masisisi kung maraming madaling maloko ngayon. Sa susunod joke na siguro ilalagay ko at sisiguraduhin kong tagalog para maunawaan ng mga humans na ito. Mukhang sa usapang social life, kailangan bumaba pa o umakyat sa level ng iba para magkaintindihan kayo. I usually see through a different level. Masisisi nyo ba si Ms. Schizophrenic?

Nung pauwi na kami galing skul ang lakas ng ulan. Medyo baha nasa kalsada. Nasa loob na kami ng kotse. Sa gitna ng kalsada may humarurot na sasakyan kaya natural na tumilamsik ang tubig. Nagulat sina mama’t papa at mas lalo na ako dahil nabasa ako. Pambihira! Baka di kasi masyado nakasara ang bintana kaya nakapasok ang tubig. Yucky naman, tubig baha pa naman yun. Pinaliguan ko nalang ang sarili ko ng alcohol. Late reaction pa nga ako nun. Inaantok pa ako. Medyo na-shock ako kasi di ko inexpect na mababasa ako.

Dapat nga manunuod ako ng Otso Otso Pamelamela Wan nung gabi kaso masyadong late na kaya inantok na ko. Pahamak na Pinoy Big Brother yan oo. Hiram nalang ako vcd.

Last week pala pinalabas noong Sunday yung "My Wife is a Gangster." Ang saya, talagang nakakatawa. Nakakaaliw panoorin yung mga Asian action comedy kahit pati yung mga lumang Chinese films na martial arts/kung fu. Pinakapaborito ko yung Shaolin Soccer ni Stephen Chow. Sabi nga ni mama yung film na yun daw parang takbo ng isip ko. Hehe! Agree ako dun. Kung talagang gusto nyo ng comedy nirerecomend ko panoorin nyo ang mga yun. //^_~\\ sasaya ang araw mo!

Naarinig ko na naman ang dance hit na "I have 2 hands". Miss ko na yun. Eto yung favorite stanza ko sa song:

There was an owl
It lived inside a tree
It wakes up when I go to sleep
That’s when it goes to eat.
There was a bat
It lived inside a cave
It wakes up when the owl wakes up
Together they will eat.

Cute talaga siya. Oh feel young na naman ako.

*****
Eto ang smiley ko:
//^_^\
Eto ang hitsura pag buhaghag ang buhok niya:
~//^_^\\~

Pagnagparebond ganito na:
|||^_^|||

Naka-curl paloob ang hair:
((^_^))

Tikwasin:
))^_^((

*****
Now Showing:

Fool House Episode 1: Ang Kisame ng Bahay

No comments:

Post a Comment