Wla na talaga Beyblade. //;_;\\ As usual bitin na naman uli. Di pa nga umaabot hanggang katapusan pinalit agad nila yung Princess Sarah Geronimo. Sakto nga lang nila pinutol nung week na sinet ko para magsimula na mag-aral for YS-11. Siguro pinapaconcentrate ako studies ko, atupagin ko raw pag-aaral at di yung beyblade. //^^\\” Sabi nga ni mama mukhang lahat ng pinapanood ko wala namang ending. Totoo yun, well almost. Bwisit na abs yan kahit gma 7 ganun din. Di ba nila alam na pambabastos na rin yun sa mga viewers? Nanood ka tapos bigla nalang nilang tatanggalin. Bakit ba? Dahil ba hindi na nagki-click? Sira pala sila eh. Yung iba nga dyang channel kahit mabulok na sa kakaulit yung mga palabas di naman nila pinapansin ang ratings nila. Etong nagmamagaling na mga channels na to akala nila di sila nakakainis. Nakuha pa nilang ipagmayabang at siraan ang isa’t isa eh parepareho lang naman silang gaya-gaya. Wala silang professionalism! Dahil ba anime "lang" kaya di nila pinahahalagahan? Pero pag mga teleserye nila, naku, walang tigil sa kakapromote hanggang sa magsawa ka. Di nila binibigyang halaga ang mga nararamdaman ng mga anime fans. Oo, ganyan sila, makasarili. Kung magpapalabas sila siguraduhin nilang kumpleto ang episodes. Kung anong sinimulan dapat tapusin! Pati simpleng opening at ending themes nga di pa nila kayang ipalabas ng maayos. Mahirap ba yun? Palibhasa mga pusong gurang ang mga staff nila dun. Sana may anime otaku na magtrabaho sa kanila balang araw para siya ang tumayong representative natin at ipagtanggol niya ang mga karapatan natin! Kung meron nga lang akong cable eh di, di na sana ako nagtitiyaga sa kanila pero poor lang kami kaya tiis to the max nalang. Kawawa naman ang mga tulad namin.
Dati nag-email na ako sa kanila regarding dun kaso walang pagbabago. Di madaan sa pakiusap kaya minsan pinagalitan ko. Ay, naku, binaha ko na siguro ng email yung mga yun pero manhid pa rin! Kaya nga may nacompose akong spoof para sa kanila. Matagal na to kaso ngayon ko lang irerelease. Para sa ABS ito pero eto lang ang masasabi ko, tutal gaya-gaya naman ang gma 7, idededicate ko na rin to sa kanila.
Wag na Wag Nang Panoorin
(Wag na Wag Mong Sasabihin by Kitchie Nadal)
May gusto akong sabihin
At ako’y naiinis, ni di makatiis
Sana’y wag nyo na kong paasahin
At naloko nyo kasi sa mga isinabi nyo na
Ibang-iba ang anime namin na
Tunay ngang nakakaaliw
Chorus:
Ooohhh, woooh, wag na wag nang panoorin
At di ko nadama itong KAPAMILYANG ito
Bumigay sa mga kahilingan ko.
Di naman inaakala
Na palabas nyo ay bitin
Episodes kakapusin
Di niyo na ito pinakita
Abot langit ang daing
Sa mga isinabi nyo na
Ibang-iba ang anime namin na
Tunay ngang nakakaaliw
Repeat Chorus
At sa gabi puro teleserye na
At sa umaga chinovela at mexicanong novela!
Repeat Chorus
Owoohh…
Wag na wag nyo nang pilitin
At di madarama nitong KAPAMILYA ninyo
Ibigay ang mga kahilingan nyo.
*****
Yung HSP room namin sa skul, aircon na! Hay sa wakas, salamat at di na ko magkakandarapa sa pagpupunas ng pawis ko at di na rin ako makikiagaw ng pwesto malapit sa electric fan.
*****
Narealize ko kamakailan,
“Sa pagkakaibigan, ang kaibigan ng kaibigan ay kinakaibigan ang mga kaibigan ng kanyang kaibigan.”
Get’s nyo ba?
*****
Astig! Narinig nyo na ba yng advertisement ng Ad Congress sa radyo yung kinakanta ng babae yung DTI permit no? Feel na feel talaga eh. Pati ako napapakanta minsan pag nawala na sa sarili. Hay, sana makapasok ako sa advertising. Tanggap daw dun ang mga wirdo at syempre di masasayang ang mga ideas kahit gaano pa ito ka-absurd. Maaply mo pa ang mga kabaliwan mo, eh di masaya! May pag-asa pa kaya ako dun?
Saya ng mga commercial ng Chippy lalo na yung sayaw-sayaw, akala mo hiphop or street dance yun pala folk dance. //^o^\\ Steps: Dukot, bigay, dukot, abot, alok, alok…
Yung isa naman pangalan ng banda Tear Here, akala ko Chippy.
Sayang di ko nakuha yung commercial dati sa Nike. Yung may dual personality, hehe! Nababaliw ako pagnakikita ko yung commercial na yun, pati tuloy ako ginagaya ko minsan.
I dedicate this song to my best friends:
(Knick knacks commercial)
Best friend kita
Laging kasa-kasama
Tayo lang dalawa
Wala nang iba
Di pagpapalit kahit kanino pa
Hanggang sa huli ikaw at ako lang diba
Basta’t tayo’y magkasama ang saya
Ang sarap mong bestfriend!
No comments:
Post a Comment