Sunday, September 11, 2005

Naruto mania

Iba na sked ng beyblade kaso baka di naman ako makapanood every sat. Minsan kasi maaga alis namin papunta skul. Actually dapat nakapanood ako kahapon. Bago mag-8 tapos na ko magbihis kaya umidlip muna ako saglit habang naghihintay. Akala ko baka mga 8:30 matatapos na sila. Ay sus, ginising ako 9:00 na. Kung alam ko lang na ganito eh di sana nakapanood ako kahit saglit lang. Ganito naman lagi, di nasusunod ang schedule. Kapag sinabi mong maaga ang alis bukas, kinabukasan late kayo. Nasasayang tuloy minsan ang maagang pagising ko. Parang nakakawala ng gana kasi maaga ka ngang nagising pero ang mga kasama mo ang babagal kumilos. Naiinis pa ko sa sarili ko kasi tuwing fri ng gabi ang tagal tagal ko talaga makatulog tapos kinabukasan 6am gising ko kaya inaantok pa ko sa skul, kabadtrip tuloy.

Naka-aircon na nga hsp room. Kung inakala ko okay na, nagkamali ako. Matagal-tagal ako dun. Nanibago ako kaya sumakit konti ang katawan ko sa lamig. Nakita ko nga yung babaeng gusto ko kaibiganin dati. Natatawa ako kasi ang lamig lamig na nga sa loob nagpapaypay pa. Gusto ko nga biruin kaso kitang kita kong natataranta sa pag-aaral ng mga modules (kaya siguro pinagpapawisan) kaya di ko na inistorbo. Mukhang kukuha ata siya ng achievement test. Narinig ko nga na biniro ng CLE teacher ko na late na baka saraduhan na sya ng testing area.

Grabe, nadistract pa ako. Una, nakita ko sa diary ng isang lalaki puro picture ni Gaara nakadikit. May cute chibi gaara pa nga. Gusto nga tanong kung saan nya nakuha kaso absorb na absorb naman sa kausap nya. Ay ewan… Tapos, sa testing area nakita ko nakaipit sa diary/notebook ng isang bata puro cards ng Naruto. Ang napansin ko lang talaga dun si Haku. Sa table naman may notebook at nasa cover si Kakashi. Nakikita ko palagi yung babaeng may-ari nun kaya tuwing nakikita ko sya naaalala ko si Kakashi. Last, nung uwian nakita ko sa isang sketch book puro drawing ng anime and guess what, may Gaara na naman. Oh my golem naman o! Okay lang basta wag lang sana akong maistorbo tuwing nag-eexam ako at baka magkaroon ng golem sa testpaper ko. Pero alam nyo mas sikat pa rin si Kisame, bakit? Tumingala ka lang, ayun nandun. Tapos.

What else… Ah nanalo si Manny Pacquiao! Astig talaga mga Pinoy!!! Nakakapanot naman yung kalaban nya, laging nangyayakap. Yuck, yaoi! *nauseates* Type ata si Pacquiao. Buti nalang binanatan ng husto kaya ayan nahilo. Beh buti nga! :P

Maswerte talaga ang mga Pilipinong nagtatagumpay at nakikilala sa ibang bansa. Take note: NAKIKILALA SA IBANG BANSA. Bakit? Dahil kahit magaling ka sa dito sa bansa natin, madalas hindi pinapansin o pinahahalagahan ng kapwa mo ang talent o pinaghirapan mo. Naalala ko pa nga yung sinabi ng isang movie director sa interview sa tv, (not exact words) “Nakakalungkot isiping hindi ka pinahahalagahan sa sarili mong bansa. Kelangan mo pa magkaroon ng award sa ibang bansa para ka lang makilala.” Tama nga siya. Kaya ako pangarap kong sa magkaroon ng magandang pangalan sa ibang bansa dahil yun lang ang paraan para mabigyan ko ng karangalan ang Pilipinas. Di mo matatanggal ang colonial mentality dito.

*****

PIKORI: Uuuuy! Marami syang fans!
GAARA: (blushes)
PIKORI: Yeehee! Model ka na pala di mo naman sinasabi sa amin. (kiniliti si Gaara)
GAARA: Ano ba! Tumigil ka na nga.
PIKORI: Nalimutan ko, nagbalot ka na naman sa buhangin kaya di ka nakikiliti.
KISAME: Wag mong sabihing binabalak mong sumali sa Starstruck?
PIKORI: Hindi. Sa Sandstruck raw sya sasali.
KISAME: Di papasa yan. Isang role lang ang kayang gampanan nyan.
PIKORI: Anong malay mo baka tulad din siya ni SAND-ara Park na nanalo dahil sa fans.
GAARA: Pwede ba, wala akong sinabing balak kong pumasok sa pag-aartista.
PIKORI: Di ka naman namin pinipilit eh. Pero kung tutuusin pwede ka ngang artista sa mga horror films o kaya kontrabida sa mga sci-fic/fantasy movies. Ha! Baka biglang sikat ka. Manalo ka pa ng Grammy award.
KISAME: Akala ko Granny Award!
PIKORI: Gaara, wala ka ba sa LOVE-struck? Manonood ako nun kung nandun ka kahit sumingit ka o dumaan lang sa isang scene para naman maipakita namin ang full support.
GAARA: Kung nagpakita sana ako dun eh di sana wala nang buhay sa mga starstruck na yun.
KISAME: Wala yun dun. Siguradong sa INSOMNIA siya nagpakita.
PIKORI: Naiinggit ka lang siguro kasi ikaw pang Underwater movies ka lang tulad ng Deep Blue Sea at Jaws.
KISAME: Panghorror ka rin naman ah! Isang Wannabe Kayako.
GAARA: Kayo ata ang nangangarap magshowbiz at di ako.
PIKORI: Kelan ba Gaara Fans Day mo?
GAARA: Ewan ko.
KISAME: Wag na. Gaganapin lang yan sa disyerto, mainit!
PIKORI: Kasi ikaw, fish out of water, gusto mo ganapin ang fans day mo sa ilalim ng dagat. Malulunod lahat ng dadalo kaya baka puro shokoy lang ang dumating.
KISAME: Ikaw naman –
PIKORI: Tumigil ka. Wala akong fans pero meron akong electric fans. Yun lang! Tapos ang usapan.

No comments:

Post a Comment