*****
Grabe makulit ang virus sa computer ko. Trojan Super Spider yung pangalan. Kung anu-anong mga dinownload kong anti-spy. Inupgrade ko pa yung symantec anti-virus program ko pero di naman madelete o maquarantine. Sinubukan ko pang idelete yung mga infected files sa safe mode pero lalong dumami pagkarestart ko ng computer. Sus! Isa lang pala ang solusyon. Paulit ulit kong iniscan ang pc ko. Scan-restart-scan-restart-scan… hanggang sa wala na lumabas. Ini-quarantine ko lang lahat ng mga critical objects sa Ad-aware at take note hindi ko dinelete kundi quarantine lang. Ayun! Di na sya nagreredirect sa super spider or win-eto. Pinahirapan pa ako nito tapos ganun lang palang kasimpleng solusyon. Halos mageksperimento na ako sa pc nito eh. Finally! Sana wala nang deperensya.
Ayoko na kasi makita yung mukha ng kapitbahay namin na magrereformat sana. Ayaw nga niya ireformat, sabi niya subukan ko daw yung mga pantanggal ng spyware sa internet at update ko yung mga programs ko. Magulong kausap yun eh. Parang suplado type. Ayoko siyang maging sensei pagdating sa computer. Ayoko talaga… //>_<\\ Lalo lang akong mag-aalala para kay Mitsui, my computer. Sabi pa nga niya kulang daw sa alaga computer ko. Heller! Matagal na pinagsamahan namin ni Mitsui no! Alam ko na kung may problema to o sumpong. Di nya alam kung gaano ka-important sa akin ito. Sira ba siya? Eh di sana hindi ko na pinatingin sa kanya to kung di ko inaalala pc ko. Parang ngang nagloko pc ko matapos nya galawin. See, my computer and I share the same feelings. Ayaw niya rin sa kanya. Sabi pa nga niya sa akin minsan, gawin ko na daw. Nagmukha akong tanga. Tinanong ko kung ano, kung pagsearch ba sa anti-spy. Di niya ako sinagot, sa halip sabi niya sa mga nanay namin na nahihiya raw ako. Naguluhan ako, eh malay ko ba eh di niya ako sinagot nung nagtanong ako sa kanya kahit man lang oo or pagtango wala! Di nga ako kumilos. Sabi ko nga ako nalang gagawa nun. Ayokong makasama sa pag-aayos ng pc ko ang isang taong di ko naman makasundo.
Nahihiya na nga ako kay Kuya Kenshin aka. Juan Demonyo kasi lagi ko siyang kinukulit tungkol sa virus na to.
To Kuya (kung binabasa mo tong blog ko):
“Gomen nasai sa panggugulo ko sa kalagitnaan ng pagtatrabaho ninyo! //^_^\\””” salamat sa lahat ng naitulong ninyo, marami akong natutunan muli. //^___^\\V Peace and Victory! More power- kilikili power! :D Sana tumaas ang sweldo ninyo at ilibre mo na kami. (Joke) //^0^\\ mwehehehe!”
******
Alam nyo ba sumakit lalamunan ko nung nakaraang araw. Medyo mabuti na ngayon. Di ko nga alam kung kasama to sa detoxification or viral na. Natakot ako. Di ko nga sinabi sa mama ko kasi baka painumin ako agad ng antibiotic. Masama pa naman yung laging nag-aantibiotic. Kailangan malaman muna kung viral o cause ng bacteria. Kasi kung viral di mo na kailangan uminom ng gamot dahil immune system na lalaban dun. Ang kelangan lang uminom ng maraming Vit C. Kapag lagi kasing nag-aantibiotic maging immune yung bacteria at baka sa susunod di na niya malabanan pa. Si mama kasi everytime na sumakit lalamunan ko, papainumin na ako agad bago pa kami makapunta sa doktor. Nakakapraning!
Isa pang dahilan kung bakit di ko pinaalam ang throat problem: Natakot ako na baka di ako makapanood ng Naruto. Ang sked kasi ng doktor tuwing weekdays ay MWF 3-6pm. Siguradong di nako makakaabot pa pag umalis kami ng 5 pm tulad ng nangyari nun sa simula ng Yugioh season 3. Sumakit kasi lalamunan ko noon tapos biglang-bigla tumakbo kami sa doktor kaya di ko tuloy napanood. Grabe! Ayoko nang mangyari yun kaya tinikom ko bibig ko. Napaka-pinaka-special pa naman ng mga episodes ng Wed-Thurs-Fri na yun kaya ayoko mamiss. Pagsisihan ko kung di ko mapanood. Iiyak talaga ako pag di ko nakita yung beybi ko. Well, until now Sat na, di ko pa rin sinasabi. Wag nalang tutal nawawala na rin naman.
*****
Pinakilala ko na pala siya kay mama. Sino? Eh di si Gaarapata. Ganito kasi yun. Masyado ko pinagmamalaki yung bago kong wallpaper na Chibi Gaara na gumagawa ng sand castle sa beach. Kawaii!!! //^O^\\ Napansin niya ako kaya tinanong niya kung sino yung nasa screen. Sabi ko, “Si Gaara, yung sinabi mong nakakatakot sa Naruto, yung may buhangin, blah blah blah.” Di pa nga naalala ni mama kung sino yung tinutukoy ko. Di niya naalala na dati napatingin siya sa tv tapos nakita niya si Baby Gaara sa opening theme song at sabi niya nakakatakot daw. Nagkakamali pa nga siya ng pangalan, sabi niya Kagiwara. Ngek, layo naman.
Minsan naman, napaupo siya sa sala habang ako naman nanonood ng Naruto. Syempre, laging nababanggit yung pangalan kaya naririnig ni mama. Sabi ni mama, “Yan ba si Gaara? Nakakatakot naman yan si Gaara... Nangangain pala yan ng tao.” Eh paanong di yan ang sasabihin ni mama, eh nakita niya yung episode kung saan nagtransform siya at sabi pa niya pagkain daw niya si Sasuke.
Minsan pinalabas naman yung nakaraan niya. Narinig niya yung usapan ni Yashamaru at Gaara. Tanong ni mama, “Bakit, di pa ba nasusugatan si Gaara?” Sagot ko, “Pinoprotektahan kasi siya ng buhangin.” Pero di maintindihan ni mama kaya di ko nalang tinuloy. (May naalala ko tuloy ako sa Harry Potter. Sabi kasi ni Yashamaru, dahil yun sa pagmamahal ng nanay niya kaya pinoprotektahan siya ng buhangin. The same reason kay Harry Potter kaya di siya mahawakan ni Voldemort.)
Kung papa ko siguro, baka nakiusyoso rin yun. Minsan kasi pag nandun siya sa harap ng tv habang nanonood ako ng anime biglang magtatanong yun tugkol sa episode. Naalala ko dati sa Beyblade tanong niya, sino daw ang bida, siya daw ba nanalo, blah blah blah. Isang beses sa Kare Kano naman. Nasa labas ng bahay si papa. Di ko alam nakikinig pala sa pinapanood ko. Biglang nalang nagtanong sa akin, kung ano daw nangyari sa tatay ng tatay ni Souchiro. Tapos nung hapon bigla nalang niya nabanggit yung tungkol sa love story ng mga magulang ni Yukino. (Yun kasi yung topic ng episode nung Sat na yun)
:P Ala lang…
Naiinis ako binibiro ako ni mama kapag nanonood ako ng anime. Minsan eto usapan namin:
MAMA: Naku, niloloko ka lang nyan. Naniniwala ka naman.
TP: Eh ikaw, naniniwala ka naman kay Kampanerang Kuba?
MAMA: Eh sa yun lang ang pinapanood namin tuwing gabi eh. Kapag pagod na pagod ka na sa trabaho parang yun lang ang pang-aliw mo. (Nanood kasi sina mama at papa nun)
TP: (sa isip) Eh yun naman pala eh. Eh di ganun din ako. Iba nga lang ang hilig kong panoorin.
(kay mama) Masarap palang magpahinga kay Kuba?
MAMA: Oo kasi unan ang likod niya.

*****
KISAME: Ang daya, ba’t si Gaara lang. Ako, kailan mo ako ipapakilala?
PIKORI: Bakit pa? Eh kilalang kilala ka na sa bahay namin. Di mo lang napapansin.
KISAME: Paanong nangyari yun?
PIKORI: Matagal ka nang balak papalitan ni mama kapag may pera na kami. Nabubulok ka na raw kasi. Baka bigla mo raw kami bagsakan at isama mo pa yung naipong mga tae ng daga at mga ipis. Yung pintura mo nga sa kusina natutuklap. Napagkamalan tuloy na ceiling paper ni Jellyfish.
KISAME: Hindi naman ako yung tinutukoy mo eh kundi yung kisame ng bahay ninyo!
PIKORI: Pareho rin yun. The same in spelling!
KISAME: But different in meaning!!!
No comments:
Post a Comment