Friday, September 23, 2005

Pikori My Pikori

I thought I lost my Pikori…
Nagdrowing ako ng Chibi Pikori. Pinascan ko kay papa pero nawala nya yun sa opisina. Di raw niya makita kung saan nya nilagay. Pinapagawa nga ako ni papa ng bagong drowing kaso tamad na ako kaya sabi ko sa sarili ko bahala na. Iniisip ko kung ninakaw yun, mamalasin yung nagnakaw at sigurado darating si Pikori para tapusin siya gamit ang Juon technique. After 2 days, umuwi si papa na dala yung diskette ng file at drowing. Nahanap na raw niya at naipit lang pala niya sa isang folder. Hay salamat! Nagpakahirap akong iguhit ang pinakacute na version ni Pikori at nakailang ulit na ako noon maperfect ko lang. Buti nalang at di naman natapon. Talagang babalik si Pikori sa kanyang tunay na may-ari. Naalala ko tuloy yung sabi sa Doll Master. “Kapag nawala ang isang mahalagang bagay, malulungkot ang may-ari pero mas masasaktan ang bagay na iyon kung mawala siya sa may-ari niya.” Something like that… Minsan nga simpleng eraser lang inaalala ko pa. Sabi ko nga sa sarili ko balak kong gumawa ng movie tungkol sa Adventures of the Lost Eraser, tapos under Pixar pa :P hehe!

//^_^\\ Nagpunta kami sa festival mall kahapon. Nagshopping ako ng nagshopping, sa national bookstore at sa cd store. Buti nalang merong bilihan ng cd dun kaya sinamantala ko na. Nakabili nga ako ng cute na ladybug cd wallet, grabe, di ko nga nilalagyan pa ng cd. Nakatabi sa kama ko kasama ng mga stuff toys. Hehe! Tinalian ko nga at nilagyan ko ng bell para parang pet dog na pwede kong hilain. Kawaii!!! Nagpunta rin ako sa odyssey. Cd sana bibilhin ko kaso ang mahal. :( Sa sobrang kakuriputan ko nagdecide ako na tape nalang ng sexbomb ang bilhin ko. Kailangan ko kasi makuha yung lyrics ng halukay ube para sa agz spoof ko eh wala ako makita sa internet. Sulit naman kasi masaya ang mga songs nila //^_~\\ Pinipilit pa nga ako ni mama na mga dance hits nalang ang bilhin ko kaso ayoko palitan. Umuwi na kami saktong before 5pm kaya nakaabot parin sa Twelve Kingdoms at Naruto. Salamat naman…
Nagpakita na rin si Kisame at ang kanyang dakilang spatula. //<_<\
KISAME: Samehada!!!!!
PIKORI: Parang ganun narin yun.
KISAME: Di ka ba magdiriwang kasi lumabas na muli ako?
PIKORI: Bakit pa? Eh yun nga ang senyales na wala nang Gaara… //;_;\KISAME: Nagpapairal ka pala ng favoritism dito. Bakit mo pa ako sinama sa Fool House?
PIKORI: Dahil fool ka.
KISAME: Mas fool pa si Naruto sa kin no!
PIKORI: You wish!
KISAME: Asar!
PIKORI: O sige para patas, magcelebrate tayo. Magluluto tayo ng galunggong, talakitok, bangus, tilapia, sapsap, lapulapu, mayamaya, daing, tuyo, tinapa…
KISAME: Ano ba yan! (walks out)

*****

Huhuhuhu… //T0T\\ Paano na yan, wala nang Gaara. Sana di mahinto ang Fool House baka malimutan ko na ang ilalagay ko sa script. Baka mapending lang uli tulad ng iba kong mga fic. Waaaaahhhh! Tapos ang dami ko pang ginagawa, halos di ko na mabigyan ng time ang kwento.

PIKORI: Waaaaahh! Ayoko pa mahinto ang Fool House! Ayoko pa umuwi. Huhuhuu! Waaaah!!! Penge tissue.
GAARA: (nag-abot ng tissue) Eto.
PIKORI: (inabot ang tissue) Bakit wet tissue?
GAARA: Tissue naman yan ah.
PIKORI: Sino ba namang iiyak at magpupunas ng luha sa basang tisyu?
GAARA: Ano bang gusto mo, ang meron lang tayo table napkin at toilet paper.
PIKORI: Toilet paper nalang nga.
(Inabot ang toiletry, suminga at tinapon sa gaarapon ni gaara)
GAARA: Ano ba yan! Kunin mo nga yang siningahan mo at baka humalo yan sa buhangin ko. Ginagamit ko pa naman yang armor of sand. Nakakadiri ka naman.
PIKORI: Akala ko kasi basurahan. Naiisip ko rin na baka biodegradable naman kaya mabubulok nalang yan dyan para naman maging fertile ang lupa.
GAARA: Baliw ka talaga! Kunin mo yan at tanggalin mo baka mahawa pa ko.
PIKORI: Waaaaaaaaaaahhhh! Inaaway ako ni Gaara, waaaaaaaaaaaahhh…..
GAARA: -_-””””””””””””” Tama na yan. Di naman kita inaaway.
PIKORI: Waaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhh……..
GAARA: ^^”””””””””””””””” Patay, bumabaha na! Kailangan paganahin ang impenetrability. (lumabas ang mga buhangin ni gaara para pigilan ang luha sa pagbaha sa kwarto)

***Impenetrability – no two objects could occupy the same space at the same time

(Huminto si Pikori nang mapuno ng kalahating buhangin at kalahating luha ang silid. Maya-maya dumating na si Kisame mula sa pagwa-walkout niya. Pumasok siya sa kwarto at nakita ang kaguluhan)

KISAME: Ano to? Bakit naging resort ang bahay natin?
PIKORI: Welcome home to fool house resort. Eto ang naturally at homemade beach na ginawa namin para sa iyo.
KISAME: Para sa akin to?
PIKORI: Oo, isang pagbubunyi sa muli mong pagpapakita sa tv.
KISAME: Salamat at makakapagrelaks ako.
GAARA: (To Pikori) Wala ka talagang balak sabihin kung anong contents ng sea water mo.
PIKORI: Kahit galing yan sa luha ko mas malinis pa yan kesa tubig alat sa labas na toxic na at may halo pang ihi at dumi ng tao at hayop.
GAARA: Kung sa bagay… Wag lang syang magtataka kung bakit malagkit ang pakiramdam pagkatapos maligo sa homemade beach na to.
PIKORI: Pasensyahan nyo nalang at wala tayong Swimming Fool dito.
(Nagpakaenjoy si Kisame sa beach, nagdive tapos umahon. Nagsunglasses sya habang nagrerelax under the artificial light habang nagserve sina Gaara’t Pikori ng mga meals at drinks)
PIKORI: $200 per hour ang flourescent light bathing at pagbabad sa tubig, $103 fresh bukol juice, $115 inihaw na bangus, $100 Dried dilis…
KISAME: Ba’t may bayad?
PIKORI: Tama, may VAT yun! Ibig sabihin dagdagan pa natin ng 10%…
KISAME: Ngyaaaaaahhhh!!!! (Tumakbo palabas ng bahay si Kisame)
PIKORI: Sandali! May bayad pa yung pagrenta mo ng rocking chair at salababidang gulong!!!

****

Flush Report:
Anime Gag Zone updated
See my Chibi Pikori.

//^_^\\

No comments:

Post a Comment