Sunday, September 25, 2005

Poet of the Horse

Wala naman masyadong exciting na nangyari kahapon. The usual things, nagtake ng mastery tests, etc. Nagsubmit din pala ako ng mga poetry para sa coming newsletter ng skul. Binigyan ako ni Ms Sheila ng pinakalatest issue nila this yr. Di kasi ako nabibigyan dati kaya kusa nalang ako humingi ngayon. Nalaman ko lang na meron pala silang ganitong mga magazine nung binigyan ako ni Ms Ana last summer ng isang kopya. Nagbabayad kami ng mahal para sa tuition fee at miscellaneous tapos wala naman pala akong nakukuha, sayang yung mga issues last year!

Napansin ko lang na through poetry pwede mo ilabas lahat ng sama ng loob mo. Marami kasi akong nabasa sa mga recent issues na halos katulad ko rin mag-isip or yung mga feeling nila out of place sila palagi. Nalulungkot lang ako kasi sinasabi nila sa poem na gusto rin nilang may pumansin sa kanila at may makaintindi. Para tuloy gusto ko sila kaibiganin at sabihin na naiintindihan ko nararamdaman nila kaso nga lang mukhang malabo yun mangyari. Out of reach… Paano ko kaya sila ma-reach? Kung makipagcommunicate kaya ako sa kanila through poetry? Makarating kaya sa kanila ang message? Hmm…. Hirap…

5 lahat ang poems na binigay ko, yung 3 under the name Sand Witch. Hehe! 2 dun medyo negative yung theme, yung iba naman all about friendship kaya no need to hide my name. Meron akong poem dedicated para kay Gaara. Yuck! Pati ba naman yun? Wala naman akong in-indicate, may konting hint lang pero di halata… Eh bakit? May sinama ngang fanfic ng Naruto dun sa amin eh, tungkol kay Hinata X Shino. Sana ako rin makacontribute ako ng short story. Tungkol saan kaya? Sa golem!!!!

There was once a golem bouncing… Round and round it goes, where it stops no one knows… It cracked … The end… Poor little round thing… Goodbye golem…

O kaya…

Humpy Golem sat on the bench,
Humpy Golem had a great fall
All the the great joulogs and all the haliparots
Couldn’t use a Grumpy Golem forever agen…

Wag nalang. I doubt it will be accepted. Sa trash bin ang bagsak nito. Mabuti sana kung irerecycle yung papel baka matanggap ko pa, kahit papaano nakatulong sa environment ang papel na pinagsulatan ko.

*****

KISAME: Poetic inspiration na pala si Gaara.
GAARA: (blush)
PIKORI: Kasi pang-maalaala mo kaya ang buhay niya. Alam mo naman kapag madrama ang buhay… talo mo pa si Kampanerang Kuba!
KISAME: Kailangan kaya magkakaroon ng poem para sa kin?
PIKORI: Ah ikaw na ang tinatawag na puwetic expiration.
KISAME: Sumosobra ka na. Ikaw naman ang tinatawag na puwet!
PIKORI: Poet ng kabayo naman, o. Baka nalilimutan mong may tula ka rin.
KISAME: Sige nga. Ano?
PIKORI: …Ang di magmahal sa kanyang sariling wika, ay masahol pa sa hayop at malansang isda!
KISAME: Ang pangit nyan! Ayoko yan!
PIKORI: Wala kang magagawa, pangit ka rin eh!
GAARA: Puro mga poet naman pinag-uusapan ninyo. Di ba kayo nabababuyan?
PIKORI: O sige, ganito. Gaara is a Pegasus.
KISAME: O sya naman ang naging kabayo!
PIKORI: Grabe, fool ka nga talaga. Pegasus is another word for poetic inspiration. It is an allusion. A figure of speech where you use mythological words!
KISAME: Ha?
PIKORI: Wag mo na intindihin baka mabuhol pa yung utak mo. Yun ay kung meron ka nga.
KISAME: Gaara is a Pikachu.
PIKORI: Eh?
KISAME: Pokemontology yan. A word with a Pokemon inside the sentence.
GAARA: Bakit ba ako? Ako, ako, puro nalang ako.
PIKORI: Kasi ikaw puro I, me, myself ka lang. Kaya you, you and only you nalang.
KISAME: Wala na ko maintindhan.
GAARA: Ang gulo ninyo magsalita.
PIKORI: Wag nyo na intindihin. Wala rin akong magagawa sa I.Q. ninyo. Babagsak na talaga tayo sa English subject nito.
KISAME: Eh di wag na mag-english.
PIKORI: Eh di wag!
KISAME: Gumawa ka nalang ng isang kuwento.
PIKORI: Kanino, ano, paano, saan, kelan, gaano, bakit, sino?
KISAME: Tungkol sa amin.
PIKORI: Sa isang kondisyon.
KISAME: Ano?
PIKORI: Bayad muna.
GAARA: Wala na ko dyan.
KISAME: Naniningil ka na naman.
PIKORI: Yan ang patakaran ng Geneiryodan. Kahit kasamahan ka pa, kelangan magbayad sa hinihingi mong serbisyo. At dahil special kayo, special rin ang price.
GAARA: Ano, magdidiscount ka?
PIKORI: Hindi. May additional VAT na 12%…
(nagwalk out ang dalawang kausap)
PIKORI: Ano ba namang mga klaseng nilalang ito! Di pa nga natatapos magsalita iiwan ka na. Walk out pa ng walk out akala mo nasa Senado.
KISAME: Ikaw kasi feeling mo nasa MalacaƱang ka nakaupo. Magresign ka nalang. May pa-vat vat ka pa.
PIKORI: I will not resign. Hello? Hello, Gaara? So will I still win one million?
(Nagtago na si Gaara at ayaw magpakita)

*****
Now Showing:
Fool House Episode 2: Operation Ga-ARAY!!!

//^_^\\

No comments:

Post a Comment