Tuesday, October 04, 2005

It Is The Humans That Are Unfair

Narealize ko kamakailan na di talaga unfair ang buhay. Ang tao ang nagpapa-unfair dito. Nananatili pa rin ang principle of equilibrium ng kalikasan. Kung iisipin marami pa rin tayong dapat ipagpasalamat. Isa pa, lahat ng bagay sa mundo may dahilan at malalaman mo yan kung pagdudugtung-dugtungin natin ang mga pangyayari sa buhay natin. Simulan mo sa sentence na : Kung di sana nangyari ito, di ko sana mararanasan ang ganito o makikilala si ganyan…

Tuloy pa rin ang batas ng Diyos at kalikasan pero ang tao ngayon ay di na minumulat ang mata sa katotohanan. Sila rin ang nagpapahirap at nagpapalungkot sa sarili at sa kapwa nila. Madalas kong mapansin na tao rin ang puno’t dulo ng mga problemang ito. Kung di mo gawa, maaaring gawa ng iba. Marami na kasi ang manhid. Sila-sila rin ang sumisira sa ganda ng buhay at sa balanse nito. Halimbawa nito ang polusyon, kahirapan (dahil sa kasakiman, korupsyon at kawalan ng pakialam sa kapwang nagdurusa), digmaan, aksidente (dahil sa kawalan ng pag-iingat at di pagsunod sa mga batas), krimen, sakit (dahil sa polusyon, kemikal, bisyo at kapabayaan sa kalusugan), imoralidad, diskriminasyon, atbp. Hindi ito nilikha ng Diyos. Tao ang may gawa nito sa tulong syempre ng demonyo. At dahil malaki ang epekto ng kasamaang ito sa lipunan, napapahamak pati ang mga inosenteng wala naman kinalaman. Imagine kung walang tao, meron kaya nung mga ganyang problema? Di ba wala? Maaaring magiging paikot-ikot lang ang buhay, chain of life ika nga pero hindi naman lalala tulad ng nangyayari ngayon.

Nilikha ng Diyos ang mundo at Siya ang nagbigay ng buhay kaya maganda talaga ito. Nilikha ng Diyos ang tao pero ano? Di naman sila sumusunod. Diba sila dapat ang mangalaga sa buhay, eh sila na mismo ang sumisira dito. Ang resulta, pumapangit tuloy ang buhay sa paningin ng iba. Dumarami na ang mga masasamang tao sa mundo at lumalaganap pa. Iilan nalang ang totoong may mabuting kalooban. Marami na ang nakakalimot sa pananampalataya at ginagawa nang diyus-disyusan ang mga tinatawag na worldly pleasures (na di naman makakapagligtas sa kanila pagdating ng araw). Wala na rin silang takot sa Panginoon. Sinusunod na nila ang demonyo ng di nila nalalaman.

Iniisip ko palang ay nalulungkot na ako. Maaaring di ako umiimik pero sa totoo lang, natatakot ako sa mga ganung klaseng tao, at the same time nagagalit din. Teka nga, tao nga ba silang maituturing? Winawasak nila ang magandang pangalan, imahe at dignidad ng TAO. Mas masahol pa sila sa hayop dahil mas mabuti pa ang hayop sa kanila. Dapat nga mabigyan sila ng ibang pangalan.

Naniniwala ako sa karma at sigurado akong balang araw babalik rin ito sa kanila. Maaaring hindi pa ngayon at naghihintay lamang ng tamang pagkakataon. Ayon sa mga obserbasyon ko, kung mas malaki ang kasalanan, matagal-tagal pa bago mo ito maramdaman pero mas malala naman ang magiging kabayaran dahil usually for long term ang pagpapahirap.

Ang tanong, marerealize naman kaya nila ang kanilang mga pagkakamali? Wala naman silang karapatang magalit sa Diyos at buhay dahil ang Diyos ay mabuti at makatarungan. Humingi ka lang ng tulong, magsisisi, humingi ng tawad, magpakumbaba at magbago, at tutulungan ka Niya uli makaahon.

Tulad nga ng sinabi ni Naruto, pwedeng baguhin ng tao ang kanyang kapalaran. Nasa sa iyo na iyon kung mananatili ka sa kinatatayuan mo o magbabagong buhay. Kung tinatapakan ka na ng ibang tao, dapat matuto ka na ring lumaban at umahon pero sa malinis na paraan. Marami sa mga kilalang imbentor at henyo ngayon ang nakaranas ng panlalait ng lipunan at madalas silang minamaliit at di pinaniniwalaan. Pero tignan ninyo ngayon, kilalang-kilala sila at nakatatak na sa kasaysayan ang mga pangalan at mga kontribusyon nila sa lipunan. Nasaan ngayon ang mga nang-api at mga nangmata sa kanila? Ayun, bulok ang bangkay sa libingan at walang nakakakilala o nakakaalala.

Hindi buhay ang magtatakda sa paroroonan mo, kundi ikaw mismo. Ang pananampalataya mo sa Diyos lamang ang isa sa masasandalan mo maliban sa sarili mong kakayahan. Dahil Siya at Siya lang ang tanging may hawak ng kapalaran na kahit ang pinakadakilang tao sa buong daigdig ay hindi kayang kontrolin ng sarili niyang mga kamay. Tandaan mo, kahit ang mga inaapi at kinakawawa ay makakarating sa ibabaw at maaaring mas magaling pa kaysa iba. Kapag naranasan mo ito, maiintindihan mong hindi pala ganun kalupit ang buhay, TAO lang ang malupit… Isipin mo nalang na kasama sila sa mga pagsubok mo sa buhay. Naalala ko nga ang sinabi ng pari sa sermon: “Ang tao ay parang lapis. Kailangan mong tiisin ang sakit ng paghasa para maging matalas at epiktibong gamitin.”

Minsan napapaisip tuloy ako tungkol sa kung anong nararamdaman ng Diyos. Kung ikaw kaya ang Diyos, matutuwa ka kung:
Ang mga tao pinagkalooban mo nga ng buhay pero wala namang utang na loob?
Nandyan ka na nga’t handang tumulong tapos ikaw pa sisisihin kung magkandamalas-malas pa ang buhay nila?
Tinuturuan mo na nga sila kung ano ang tama pero dinedeadma ka lang at patuloy lang sila sa masasamang gawi?
Kung tutuusin ganyan tayo kasama sa Diyos. Di natin alam na nasasaktan na rin natin Siya. (Kahit ako nakukunsensya). Kung tutuusin dapat nga tayong magpasalamat dahil mabait ang Diyos at binibigyan Niya tayo ng di lang isa kundi maraming pagkakataon para magbago. Kung gugustuhin Niya, pwede Niya tayong lipulin sa iisang iglap pero di Niya yun ginawa dahil mahal Niya tayo at mapagpatawad Siya. Mahaba ang pasensya Niya at hinihintay lang Niyang marealize natin ang lahat ng ito.

*****

Naiinis ako minsan sa Pinoy Big Brother, not exactly galit sa show kundi inis lang sa ilang housemates na feeling ko nagrerepresent sa kasalukuyang henerasyon. Nararamdaman mo kasi kung paano tratuhin ng tao ang kapwa nila. Mabilis silang manghusga dahil sa panlabas na hitsura lang. Madami pa sa kanila ang “plastik”. Akala mo kaibigan pero pag talikod pinagbubulungan ka na niya. Tapos may mga maarte’t malalandi (Mga pinakakinaiinisan ko sa lahat!) na feeling nila magaganda at matatalino sila. Heller! Para sa akin hindi, no! Sa ugali nila sila ang mahirap pakisamahan at hindi yung mga tinuturo ng mga nguso’t daliri nila. Masyado silang mapagmataas akala nila “they rule the world.” Ba’t di nila imulat ang mata nila? Marami silang natatapakang tao at nasasaktan nang di pinapansin dahil insensitive sila. Tapos tama ba naming maglandian? Yuck, pasikat on camera! Approve naman ang mga kabataan ngayon pero ang mga conservative sumasabog sa galit. Kitang-kita ang kababuyan ng makabagong kabataan. Mang-seseduce pa siya, yuck! Tama ba naming ipan-dare niya sa lalaki yung halik? Eh ayaw nga ng lalaki eh tapos pinipilit niya. Tapos sasabihin niyang ginusto ng lalaki, no way!!!! Syempre mahirap sa parte ng lalaki kasi di naman niya pwedeng itulak o sipain yung babae no! Landi talaga… Meron pa yung love team daw sa bahay, yuck! Pasweet-sweet lang yan, dear, sa umpisa dahil nandyan kayo sa loob ng bahay ni kuya pero iba ang mundo sa labas, believe me. (reminds me of Anne Frank) Tama ba namang ganun kabilis mainlove? Tignan natin ang buhay mag-asawa… Yung lalaki akala mo maamong tupa pag ininterview pero sa camera panay ang panlalait sa ibang kasamahan…

Sa parte naman ng mga voters, tama ba namang mag-vote out ka dahil lang sa hitsura? Di ba nila alam na nakakasakit sila? Eh kung sila kaya ang tawagin kong pangit, pwet ng manok, baboy at mukhang bangkay on national television (ehem may TFC pala sa ibang bansa), gugustuhin kaya nila yun? Ang lakas ng loob nila, eh ba’t di nila silipin sa salamin ang hitsura nila at tignan natin kung mas maganda pa sila kaysa dun sa vinote out nila. Baka magulat sila at makakita pa sila ng aswang.

Mga lalaki naman kay bilis mahumaling sa magaganda. Magaganda nga ba ang mga yun? Parang walang appeal sa akin eh. Sa ugali palang bibigyan ko na sila ng NI sa grade. Di na dapat nagtataka kung bakit maraming hiwalayan at pambababae ang nagaganap ngayon. Maraming lalaki kasi ang di gumagamit ng utak kaya mali-mali ang napipili tapos magsisisi nalang paghuli na ang lahat.

Di ko nga maintindihan kung bakit sino pang madaling pasayahin at madaling mahalin ay siyang binabalewala, samantala nagkakandarapa sila sa mga taong hindi deserving ng pagmamahal. Ganito na ba ka-inutil ang tao? Para saan pa ang utak at puso kung di rin naman ginagamit sa tama?

Words of wisdom:
“Yahweh does not judge as man judges; humans see with the eyes; Yahweh sees the heart.”
-1st Samuel 16:7

“It is with the heart that one can see rightly; what is essential is invisible to the eye.”
-The Little Prince, Antoine de Saint-Exupery

No comments:

Post a Comment