Do you still remember my prev post “It is the Humans that Are Unfair”? Pinag-aralan ko kung paano naging unfair ang buhay at in-emphasize ko dun na it is actually the people pala that makes life miserable not life itself. Afterall, God created all men equal pero who made the social divisions? Sino ang nagpalaki ng agwat sa pagitan ng mahirap at mayaman? Who makes others feel inferior? It is actually the people themselves. Then how come there’s an expression “Life is unfair or cruel”? Simple, it’s what you call metonymy. Oh diba? (Yuck sobra na tong pagmumuni-muni baka matulad na ko kay Siddharta Gautama nito). I remember Im supposed to be pro-life but sometimes nagmumukha akong anti-human, yung tipong parang galit sa sangkatauhan. Di naman ako galit sa tao pero ayaw ko lang kasi nang may ibang sinasaktan dahil na rin sa kanila. Naakakatakot baka mapasama ako sa grupo ni Sensui nito. Di bale nandun naman si HK. Beh! :P
*****
GAARA: Tama, kaya nga gusto kong tapusin ang buong sangkatauhan. Sandali sino pala yung Sensui at HK na yun?
PIKO: (tinakpan ang bibig ni Gaara sabay tulak sa kanya papuntang kisame este papunta pala kay Kisame) Mamaya ka na magsalita. Patapusin mo muna ako.
*****
Nagpapaka-Vegeta ako ngayon as in vegetarian. Di pa naman talaga 100% dahil umiinom pa ko ng gatas. Hinihintay ko pa yung pinanorder naming barleygreen mula U.S. (Yuck imported, eh wala kasi nun dito). Baka sakaling makatulong sa health ko, marami kasing gumagaling dito at saka ito yung pinakakumpletong pagkain na lahat ng nutrients, essential amino acids, enzymes at pati live chlorophyll nandito. Kapag meron na ako nito pwede na ako magswitch sa soya milk. Tinitiis ko ngang wag kumain ng isda at mga seafoods. Pinapairal ko sa sarili ko ang discipline at self-control. Kailangan umiwas sa temptation!!! Dahil kung hindi ako eh sino pa ang kukontrol sa akin. Nag-eexercise pa ako palagi. Umaasa ako na sana pumayat na ako at syempre lumusog.
*****
PIKORI: Kisame, alam mo malaki ang role mo sa diet ko. Talagang malaki ang maitutulong mo!
KISAME: Paanong nangyari yun?
PIKORI: Eh syempre pag nakita kita o naisip man lang, mawawalan na ako agad ng gana kumain ng isda.
KISAME: Aba! Ginawa mo pa akong pampawala ng appetite mo.
PIKORI: Dapat magpasalamat ka at sa wakas nagkaroon ka rin ng silbi.
GAARA: Sandali, sino si Sensui?
(deadma)
KISAME: At anong gusto mo, magpasalamat pa ako sa pang-iinsulto mo?
PIKORI: Insulto pala yun para sa iyo? Dapat nga matuwa ka dahil nakakatulong ka sa kapwa mo.
KISAME: Pwes, dapat lang yan sa iyo nang matunaw ang mga taba mo sa katawan.
PIKORI: Hmp! If I know, inggit ka lang dahil ikaw wala kang taba. Nahigop nang lahat lahat at naisama pati laman kulang nalang pati buto’t lamang loob kaya nabubuhay ka pa. And don’t tell me yang Samehada mo ang gumawa nun. Di nakapagtatakang mukha kang zombie.
GAARA: Sino si HK?
(deadma again)
KISAME: Pwede ba, bawasan mo timbang mo? Tumutunog ang hagdan pagbumababa o umaakyat ka. Baka bigla yang mawasak. Alam mo bang mas mabigat ka pa sa Samehada ko?
PIKORI: Bakit alam mo ba weight ko? Kung magsalita ka akala mo nabuhat mo na ako.
KISAME: Di na kailangan pa tutal ikaw ang taong version ni Tonton. Harharhar…
PIKORI: Mas matatanggap ko pang ikumpara ako sa baka kaysa baboy no! Mababa na cholesterol levels ko!!!
GAARA: Sagutin nyo naman ako!
(deadma to da maximum level)
PIKORI: Makikita mo, papayat rin ako. Koting tiyaga lang at maperperfect ko na ang body weight at vital statistics ni Kayako-sama.
KISAME: Hinay-hinay lang at baka sumobra ka at magka-anorexia ka naman!!! Harharhar…
PIKORI: Sino kaya sa atin ang mukhang may anorexia?
(Bigla silang napaisip at napatingin sina Pikori at Kisame kay Gaara)
GAARA: Ano?
KISAME + PIKORI: Ano?
GAARA: Wala akong ano!
KISAME: Ano nga?
GAARA: Ano…ano…anoxiera-anoxiomy-anoxiarek…
PIKORI: Anong sinasabi mo dyan?
GAARA: Yung sinasabi nyo kanina.
(tawanan sina Pikori at Kisame)
GAARA: Ang daya! Pinagtatawanan nyo lang ako lagi. Pero di nyo ko pinapansin kanina pa.
PIKORI: Kasi recently reklamo ka ng reklamo na ikaw, ikaw, puro nalang ikaw.
KISAME: Ano ba kasing gusto mo?
GAARA: Totoo ba na aalis na si Pikori at sasama na sa grupo ni Sensui?
KISAME: Sana totoo!
PIKORI: (pinalo si Kisame ng dyaryong inaanay na) Di yun totoo. Sabi ko lang yun at di ko gawa.
GAARA: Ah sabi mo lang pala. Kung gayun sino si Sensui?
PIKORI: Ah sya yung tagapangalaga ng kabayong pangkarera na si Kura na siya namang nainlove sa amo niya. Gusto mo malaman yung love story nila?
GAARA: Di bale di ako mahilig sa mga fables na tulad nyan.
PIKORI: Isa lang naman itong legend sa skul namin noon.
GAARA: Sino naman si HK?
PIKORI: Siya si Hello Kiti-kiti na kapatid ni Hello Garci, Hello Kitty, at Hello Panda. Pwede ring Hello Kisame!
KISAME: Si Gaara, si Hello Panda! (tawa) Paitiman na ng eyelids!
GAARA: Magtigil ka!
PIKORI: Gusto nyo ikwento ko ang tale nila? (naglabas ng kandila na animo’y magpapanggap na fairytaler pero mukha naman perya taler o kaya’y fiery taler)
KISAME: Wag na! Aantukin lang kami. Delikado pag nakatulog tong si Gaara.
GAARA: Mas nakakatakot ka, kung matulog ka dilat! Palibhasa isda.
PIKORI: Isang kampon ng Nginiiig si Kisame. Kakabakaboo!!
KISAME: Chubbylita!
(tawa si Kisame at Gaara)
PIKORI: Hoy, kapag naging Junoesque ako, paluluhurin ko kayo sa asin at sa harap ko pa mismo. Katatakutan nyo ako at sasambahin na parang si Hera!
KISAME: Hark the Hera, angels sing…
GAARA: Maaga pa. Nanghihingi ka na ng abuloy.
PIKORI: Hayaan mo siya. Heto ang bentesingko, saksak mo sa hasang mo.
KISAME: Wag na. Ihagis mo nalang yan sa wishing well para matupad yang wish mo. Baka gusto mo tumalon ka na rin sa balon, yan ay kung kakasya ka.
PIKORI: Wag ka mag-aalala. Babalik rin naman ako. Makikita nyo ako na dadaan sa tv mula sa balon kasama ang baryang hinulog ko.
GAARA: Kay Kisame ka lang magpakita. Ayoko na makakita ng mga creepy crawlers.
PIKORI: Nagsawa ka na ba kay Kayako? Kulang pa nga yun eh, kailangan ko pa ng Toshio.
KISAME: Wag ka mag-alala. Ipapanganak mo rin yun.
PIKORI: At sino nagsabing buntis ako?
KISAME: Marami ka kasing jeans na pambuntis.
GAARA: Mabuti at hindi na ako ang baby dito!
PIKORI: Sira! Yan ang binili para sa akin para stretchable daw. Ewan ko ba nakakahiya nga eh!!!
KISAME: Toshio ba ipapangalan mo?
PIKORI: Kung ipaglilihi ko siya sa baby powder at sa pusa.
GAARA: Sinong salarin?
KISAME: Hala!
PIKORI: Nakakatakot baka engkanto.
(Shock silang lahat)
GAARA: Hindi kaya yang batang yan si Sadako at di si Toshio?
(Na-shockwave uli silang lahat)
PIKORI: (pinalo silang dalawa ng dyaryong inaanay hanggang sa maligo sila sa anay) Baliw talaga kayo. Pinagloloko nyo naman ako!!! Paano ako magkakaanak eh ayoko nga mabuntis. Baka maging tiyanak pa yung lumabas kung ipaglihi ko sa inyong dalawa.
KISAME: (sumasayaw sa kati) Aaaahhh! Anay ko po!
GAARA: (nagtampisaw sa buhangin) Ayoko na!
PIKORI: Pagpasensyahan nyo na yung dyaryo ha. Kina Shino kasi galing ito kaya natural na may mga creepy crawlers. Alam nyo naman siguro na yung Tatay nya iniipis, nanay niya nilalangaw, kapatid niya nilalamok, lolo’t lola niya inuuod, pinsan niya nilalanggam at bahay nila inaanay…
*****
Napanigipan ko pala kagabi na hina-hunting daw ako ni Kisame at sina Max at Takao yung mga alalay niya. Hinabol raw nila ako sa JGSS. Tumakas raw ako pero iniisa-isa raw nila yung mga sasakyan sa paligid kaya di ako makaalis. Napilitan akong bumalik sa loob ng skul kasama yung mga friends ko. Pumasok kami sa front gate na puno ng mga kotse. Ayaw pa sana kami papasukin ng guard. Nagtatago ako sa likod ng isang kasama ko tapos tinakbuhan namin yung pesteng gwardya. Paikot-ikot nalang kami sa campus wag lang ako makita. May sumabog pa raw sa front gate tapos nagkasunog sa likurang gate. Nang lumaki yung apoy, tumalon ako palabas sa wall na mababa. Nakasalubong ko raw si mama, susunduin raw niya ko. Lagot! Di pa naman nya alam na hina-hunting ako. Sumama ako habang kinukwento ko na may kaguluhan sa loob. Nagsisigaw pa ako sa labas na nasusunog yung skul kaso walang nakakarinig. Hihingi sana ako ng tulong sa isa kong kaklase na may sasakyan para makauwi na kaso tinakasan niya ko. Eh bigla siyang naplatan ng gulong. Buti nga! Nagkakagulo yung mga sasakyan at nagsisikipan sa kalye kaya bumalik nalang uli kami sa loob for the 2nd time. Nawala nalang bigla yung sunog. Kaya parang di naniwala si mama. Iniwan na ako ng friend ko kasi may susunduin pa syang kapatid sa kinder kaya naiwan nalang ako. Maya-maya nagpatawag ng parang ceremony or meeting ang principal para sa lahat ng nandun. Pinagalitan yung mga janitors, guards at mga tauhan doon dahil sa kanila sinisi ang mga sunog. Pinalabas nilang isang aksidente lang yun. Dumating raw si papa. Umamin ako sa kanila na may gustong pumatay sa akin. Pero di sila naniwala. Biglang may namigay ng mga papel at sinabi na ilagay raw namin dun yung mga comments namin. Sinulat ko dun yung katotohanan at galit na galit ako kasi walang gustong maniwala sa kin. Matapos ko iabot yung papel bigla nalang may humablot sa akin, si Max ata. Tapos si Takao nag-abot ng isang sulat dun. Eh may nakabasa. Nakasulat doon na nahuli na raw yung biktima (walang nakasaad na pangalan) tapos kakainin daw ako. (Ano ba yun!) Dun lang napansin na wala na ako. Ewan ko na kung paano ako namatay basta bumisita nalang daw ako sa bahay at nadatanan ko silang lahat umiiyak. Kaluluwa nalang daw ako kaya walang nakakakita sa akin. The end.
*****
PIKORI: Malaki ata talaga galit mo sa kin pati sa panaginip dinalaw mo ko.
KISAME: (pinapagpag ang mga leftover anay) Buti nga sa iyo! Sa panaginip nalang nangyayari yan dahil di ko magawa sa totoong buhay kahit sa Fool House hindi rin!
GAARA: Kasama ba ako dun?
PIKORI: Pasensya na pero di pa kita napapanaginipan. Honest!
KISAME: Talagang di mo sya pwdeng mapanaginipan dahil baka di mo na gustuhing magising.
PIKORI: (tinapakan si Kisame) Dapat bumili ako ng higanteng dreamcatcher!
KISAME: Aray!!! Ang bigat ng paa mo!
PIKORI: Ang sama mo talaga Kisame. Kung tutuusin sa panaginip ko, yung parte dun nang nahuli ako ni Max, natatakot daw ako dahil magiging asawa raw kita. Yun siguro ang dahilan kung bakit mas ginusto ko pang mamatay!
KISAME: Ano!!! In your dreams!!!
PIKORI: Anong in your dreams? Baka ibig mong sabihin, “In My Nightmares”!!!! Buti nga lang bangungot lang yun at malayo sa katotohanan.
GAARA: Nakakatakot pala managinip. Buti nalang hindi ako natutulog!!!
No comments:
Post a Comment