Saturday, October 08, 2005

Debut sa Sementeryo

Ang sama talaga ng loob ko ngayon. //><\\ Wag nalang magdebut!!!! Gusto ko sana gawing reunion at overnight naming mga bestfriends sa Island Cove. Sabi ba naman sa akin, si Jellyfish na lang daw imbitahan ko kasi baka kung ano pang mangyari sa dalawa naming kasama eh sagutin pa namin. Nakipagtalo nga ako. Minsan ko nga lang makasama mga kaibigan ko, lagi nalang ako nasa bilibid. Buti pa nga siya nakakatsismisan nya araw araw mga kaibigan nya samantalang kami grade 5 pa pinakahuling bonding namin. Bihira ko lang sila makita at makausap. Di ko na nga alam kung anong nangyayari sa buhay ng iba sa kanila. Puro insekto, laruan at appliances mga kabonding ko araw araw dito. Wala akong mga kaibigang bago kaya naiinggit ako sa nag-uumpukang mga barkada sa kalye’t skul. Lagi nalang akong OP. Lagi nalang ako nabubuhay sa nakaraan ko. Galit na galit talaga ako. Di naman niya alam kung anong pakiramdam ko dahil ni minsan di nya naranasang maging isang bilanggong tulad ko. Oo tama isa nga akong bilanggo.

Nagtataka kayo kung bakit ayaw niya isama yung dalawa ko pang kaibigan. Kasi natatakot siya na baka malunod daw sila pag nag-night swimming. Sino daw sisisihin ng pamilya nila? Eh di kami! Heller, di ba sya nag-iisip? Baka nalilimutan niyang kaming dalawa ata ni Jellyfish ang di marunong magswimming tapos kami pa ang makakasama sa swimming na iyon. Ha! Nagalit talaga ako, sabi ko “EH DI WAG NALANG MAGSWIMMING! BAKA AKO PA ANG MALUNOD, MAMATAY PA AKO!!!” Pumasok na ko sa kwarto ko. Di na ko kumibo. Bwisit talaga. Eh di wag mag-swimming! Bakit, kailangan ba talaga magbabad pa sa tubig eh sa December ang lamig lamig nun. Lagi pa nyang sinasabi na baka si Jellyfish lang yung payagan. Hay naku! Bakit, sinabi na ba ng iba na di sila papayagan? Wala pa ngang kasiguraduhan kung makakapunta sila o hindi, ni di ko pa nga nababalita sa isa kong kasama ang tungkol sa plano, nagsasalita na siya agad ng tapos. Di ba niya alam na yung isa kong kaibigan, nagkocommute lang araw araw mula cavite papuntang maynila mag-isa. Pinapayagan siya ng mama niya pero hindi ba mas delikado yun? Yung isa naman, siya pa nga dati ang nagyaya sa akin na mamasyal sa SM nung grade 5 pa ko. Sa tingin mo, magyayaya yun noon kung di naman siya pinapayagan maglakwatsa mag-isa?

Salamat sa pag-eencourage sa akin!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! Grabe, excited na akong may mamatay sa debut ko!!!!!!!!!!!!!!!!! At sana ako na rin yun. Para burol na agad pagkatapos syempre with matching reunion ng mga kaklase, kaibigan, at mga kamag-anak ko. O dba exciting? Dahil lang sa akin, nagkita-kita uli silang lahat.

Nakakainis talaga, eh siya nga nag-suggest ng Island Cove tapos siya rin pala ang sisira sa plano. Ang gulo niya talaga. Gusto pa niyang ipamukha sa akin na baka may mangyaring aksidente. Akala ba niya natutuwa ako dun. Wag nalang mag-debut. Ang KJ niya eh. Ayaw talaga niya akong maging masaya. Sino bang bday celebrant? Siya ba? Siya ba yung magdedebut dito at kailangan siya ang mamili kung sinong iimbitahan ko? Baka gusto niya siya nalang magcelebrate mag-isa niya at isama niya yung mga kachikahan niya dyan. Matutulog nalang ako at sana wag na magising pa. Kung di rin lang ako magiging masaya sa debut at di rin lang magiging perpekto ang lahat, wag na. Wala na rin akong gana. Pesteng debut yan!!!

Nag-iiyak nga ako. Ayoko na nga kung ganito’t ganito lang. Wag na magswimming, wag na mag-overnight, wag na magdebut, wag na mag bday at wala na ring reunion. Tutal ikakahiya rin naman natin ang edad natin pag tumanda na tayo. Bakit pa nating gugustuhing tumanda eh kung ayaw rin naman nating maging isang matandang hukluban, kulubot ang balat, inutil na at ulyanin. Pwede rin, imbitahan ko nalang ang mga langaw at lamok sa bday ko at syempre isama ko na rin ang mga ipis at daga, ang mga loyal fans ko ever. Maaasahan mo sa hirap at ginhawa, hindi aalis sa tabi mo at mananatili mong kasama hanggang sa libingan. Hindi ka nila pandidirihan kahit bangkay ka na.

Sirang-sira na social life ko. Wag nalang ako magkaroon ng kaibigan tutal pinapamukha nila sa akin na sarili ko lang ang dapat mahalin ko. Ako!!! Ako lang!!! Mas mabuti na maging loner at walang kausap at karamay!!! Mag-isa nalang ako magpapasaya sa sarili ko! Dahil ayaw nila na bigyan ko ng atensyon at halaga ang ibang tao! Yan ba ang gusto nila??????? Yan ba???????????????

Baka gusto nila isuggest na sa sementeryo nalang debut ko. Wala namang gaanong tao, perfect place para sa picnic. Di naman maarte mga kaibigan ko kaya di sila pwedeng magreklamo. Tahimik pa at masarap ang hangin. Finally, mare-rest in peace din ako dun. Wala pa masyadong gastos. At pwdeng-pwede mag-overnight lalo na kung lamayan na.

Ang bigat bigat ng kalooban ko. Ang dami ko na ngang inaalala eh. Bwisit talaga!!!! Kahit sana wala na akong matanggap na regalo sa debut basta makasama ko lang muli ang mga bestfriends ko sa isang overnight. Yun talaga ang wish ko na sana maibalik ko lang muli ang dating samahan namin. Maghihintay pa ba ako na mamatay muna ako bago ko sila mapagbati-bating muli? Kahit man lang minsan sa buong buhay ko makabuo uli ako ng memorable moment kasama ng mga pinakamahalaga at pinakamalapit sa akin. Simula nung grumaduate ako sa JGSS wala na akong magandang alaalang naitatak pa sa isip ko. Pwede ko na kalimutan ang iba wag lang ang nakaraan ko sa iskwelang yun kasama ng mga kaibigan ko. Lagi nalang tuloy akong nostalgic. Ang sakit talaga kung alam nyo lang.

Napaisip tuloy ako na baka magmadre (secluded nun) nalang ako. Tutal bagay naman sa akin at sa kalagayan ko. Malayo sa mga tao, laging nasa loob ng kumbento, wala pang problema dahil puro dasal ka lang umaga hanggang gabi, mapapalapit pa ako sa Diyos, malayo sa makasalanang mundo. Pwede naman sa akin tutal conservative at tahimik naman akong tao. Madali rin naman akong kausapin at masunurin sa mga patakaran. Bagay nga sa pangalan ko ang Sr. Teresa Patricia or Mother Teresa Patrica. Parang santo ang dating. Marami kasing mga saint na kapangalan ko rin. Tatanda na rin ako sa kumbento at dun mamamatay. Mabuti na yun kaysa mamuhay ng mag-isa o mapunta sa home for the aged. Ang problema lang, feeling ko di ako karapat-dapat maging madre. Nakakahiya parang tinataguan ko lang ang mga problema ko sa buhay. Pero anong malay ko, baka iyon ang kapalaran ko. Hayaan ko na mabulok ang mga hidden talents ko tutal mukhang di ko rin naman maipapakita sa mundo. Magsisilbi nalang ako sa Diyos kaysa sa mga taong makasalanan. Dahil kung ikukulong lang rin ako sa bahay, wag nalang. Kaya wag na silang mangarap na makapagtrabaho raw ako abroad, sus, eh di naman sila papayag na umalis ako. Baka sumabog pa kako ang eruplano!!! Praning ba ako? Bah, wag nyo sa kin isisi yan dahil siya rin naman ang nagturo sa aking maging paranoid. Mananatili lang akong ganito, inutil, ignorante at inosente sa buhay.

Kung mamatay man ako, gusto ko ilibing ako sa sementeryo. Ayokong icremate dahil ikukulong lang rin uli yung abo ko sa garapon. Tapos ipandidisplay sa bahay. Sawa na ko! Lagi nalang nakakulong! Kahit patay na ko nakakulong pa rin ako. Mabuti sana kung ilagay nila abo ko sa isang lampara baka kung may kumiskis nun maging genie pa ko.

Dear Kawawang Tippie,
Ang tanga mo talaga. Ang lakas ng loob mong itanong sa iba kung ano ang self pity samantalang di mo ba alam na ikaw mismo nararamdaman mo iyon. Akala mo ba ikaw ay isang henyo, isang matalino? Mag-isip ka nga. Gamitin mo utak mo. Ang lakas ng loob mong mangaral at magalit sa ibang tao samanatalang ang katotohanan isa ka lang lumpo! Oo, wala kang silbi. Mabubulok ka lang dyan sa bahay mo. Di ka makikilala sa buong mundo kaya wag ka na mangarap. Sayang lang oras mo. Isubsob mo nalang sarili mo sa pag-aaral dahil yun lang naman ang kaya mong gawin. Ilibing mo rin ang mga librong yan kasama sa kabaong mo. Maging isang sunud-sunuran ka nalang sa iba, isang alipin. Tama lang yan, dahil mabait ka namang bata eh. Lahat ng gusto nila sundin mo dahil kahit kelan hindi masusunod ang mga kagustuhan mo.

*****

PIKORI: Dito nalang ako magdebut sa Fool House.
KISAME: Anong ihahanda natin?
PIKORI: Wala, magcamping tayo, fishing, mountain climbing, hiking or treasure hunting. Mas exciting yung maraming adventures.
GAARA: Tayong tatlo lang?
PIKORI: Isama natin sina Temari at Kankuro.
(pause)
PIKORI: Waaaaaah! Ayoko na umuwi. Dito nalang ako sa Fool House.
KISAME: Wag ka na umiyak, gagawa uli tayo ng homemade resort tulad ng ginawa ninyo ni Gaara.
PIKORI: Baka malunod lang ako.
KISAME: Eh di sasagipin kita.
PIKORI: Ayoko. Syokoy ka eh. Waaaaahhhhhh!!!
GAARA: Eh di babawan natin ang tubig. Dadamihan ko ng buhangin.
PIKORI: Ayoko… waaaaahhhhhhh!!!
(Bumaha bigla sa silid kaya naging aquarium ang paligid. Nagtimpla ng nescafe si Kisame. Hindi uminom si Pikori kasi di siya nagkakape, mas lalo na si gaara eh never in his whole life yan inantok.)
LUPIT EVR!!!

No comments:

Post a Comment