Napanaginipan ko na naman si Kisame da 2nd time around. Nagtransform daw siya into a giant flying butiki sa gubat. Kaso lalo lang syang nagmukhang buwaya. Nagulat tuloy si Itachi. Ba’t ganun, lagi nalang si Kisame? Nakakainsulto naman o.
Nagpunta kami sa Filinvest uli. Nakabili ako ng hamtaro figurine, at syempre chibi Gaara card at pin. Pinagtuturo pa nga ni mama yung mga ma-Gaarang items dun. Sabi niya, “Di ba si Gaara yun?” Sagot ko, “Oo na si Gaara yun.” Nakakahiya eh. Buti nga lang at wala gaanong katao-tao kundi baka di ako nakabili. Tumingin ako kung may Kisame, wala talaga just as I expected. Sa taas lang meron nun, kaso not for sale dahil mawawasak ang building. Di nga ako pumasok sa Comic Alley. Sure, marami dun kaso may pagakacheapipay ako. Baka magwindow shop lang ako sa kamahalan. Masakit pa naman sa akin ang bitawan ang pera ko lalo na ang bilis maubos ang pera ngayon. Kapag napagasta ako ng todo, baka pagsisihan ko sa huli kasi wala na natira. Nagtataka nga ako kung bakit laging bituing walang ningning ang background ng chibi Gaara. Marahil sasali daw kasi siya sa Chunnin exam, baka madiscover daw siya, paano kung kunin pa siya sa commercial ng Beast Foods, eh di sisikat pa siya sa Konoha. Eh di a star is born!
*****
PIKORI: Gusto ko sana bilhin yung dream catcher kaso ang liit-liit na tapos ang mahal pa!
KISAME: Para saan pa? Eh di naman totoo yun. Kalokohan!!!
PIKORI: Para di na kita mapanaginipan pa.
KISAME: Dalawang beses na yan ha! Siguro may lihim kang pagtingin sa akin no?
PIKORI: Anak ng patis! Masisira ang dignity ko sa iyo. Mamaya hindi dreamcatcher ang bilhin ko kundi lambat para sa iyo! Ikaw ang mismong huhulihin ko!!!
GAARA: Ba’t di mo kasi subukan matulog nang nakatagilid o nakadapa para di ka nakaharap sa kisame. Baka yun ang dahilan kaya pumapasok siya sa panaginip mo.
PIKORI: A very brilliant idea! I’ll take that advice.
KISAME: Kung magsalita kayo akala nyo kamukha ko ang kisame.
GAARA: Totoo naman diba? Mukhang bulok.
PIKORI: Kaya siguro wala akong makitang Kisame items sa tindahan. Kahit chibi nga wala eh. Doubtful tuloy akong may plushie yan.
GAARA: Subukan mong tumingin sa hardware o petshop. Maraming stock dun. Baka makahingi ka rin sa construction sites.
KISAME: Hoy Gaara, bakit ikaw ba merong plushie?
PIKORI: Meron yata yan! Ang daming panda bear sa Blue Magic no!
KISAME: Hahaha! Panda bear. Hahaha!
GAARA: Mabuti na yun kaysa isdang stufftoy.
PIKORI: Meron bang ganun? Alam ko pangsalbabida lang yun eh. Siguro merong huggable fish sa palengke.
KISAME: Bakit, nalibot mo na ba buong Japan?
PIKORI: Di pa. Pero kung meron nga, bibili ako ng flushie mo at ifa-flush ko sa toilet.
GAARA: Babara lang yun. Isusuka pati ng kubeta dahil hindi nito matatanggap ang isang kisame.
PIKORI: I swear to Kris Aquino, bibili talaga ako at itatapal ko sa kisame. Pantarget shooting namin ng shuriken. Pwde ring panakot ng daga o gawing voodoo doll.
KISAME: Lalo mo lang ako mapapanaginipan nyan. Itatabi mo rin yan sa kama mo.
PIKORI: Sinong nagsabi itatabi ko yan sa pagtulog? Hoy, ikakandado kita sa mahiwagang baul nang malaman ng lahat ang alamat mo.
GAARA: Alamat ng bagoong.
PIKORI: Inaamin ko nakakita talaga ako ng plushie ni Ga-kun sa Comic Alley.
KISAME: Akala ko ba di ka dumaan dun?
PIKORI: Nadaanan ko lang po. Nakita kong nakadisplay sa salamin.
KISAME: Anong hitsura?
PIKORI: As usual, ang reactiong galit sa mundo.
KISAME: Nakasimangot na naman? Pambihira, ayaw ata magpa-adopt ng Chaka doll. Hindi kaya maging mala-Chuckie yung plushie mo, Gaara?
GAARA: Ewan ko sa yo. Baka chakchakin kita dyan eh.
PIKORI: Di bale maraming fans yan si Ga-kun. Di tulad ng isa dyan, kahit ngumisi-ngisi pa at pumorma, mga fish lovers lang ang bibili sa doll nya.
KISAME: Che! Hoy Ga, tama na simangot mo. Para kang naghoholy week everyday of your life. Daig mo pa ang sinakluban ng langit’ lupa ang mahuli taya. Baka di ka bigyan ni Santa Claus ng gift this Xmas.
PIKORI: Makakatanggap din siya. Kay Sand-a Claus nga lang.
KISAME: Buhangin na naman!
PIKORI: Ng dagdag na buhangin!
(tawanan ang dalawang engot)
PIKORI: Di talaga yan mabibigyan ng gift.
KISAME: Oo, dahil di siya good boy.
PIKORI: Di nga mai-apply sa kanya ang expression na “Mabait pag tulog” kasi di naman natutulog!
KISAME: Buti pa pala ako kahit papaano nagiging mabait lang ako pag natutulog.
(tawanan uli sila habang asar si Gaara )
PIKORI: O tama na, lalo kang tatanda nyan.
KISAME: Oo nga, baka mas mauna ka pang tumanda sa amin.
(lalong nagrumpy si Gaara sa pang-ookray ng dalawa)
PIKORI: O ayan na! Kamukha mo na si Kisame! (hinila pisngi ni Ga-kun at naistrectch kahit papaano dahil wala siyang armor of sand) Ngiti na kasi! Delikado yan baka di na bumalik ang normal mong hitsura. Matutulad ka talaga sa kanya. Tignan mo si Kisame, kahit ngumit pa yan wala rin pagbabago, Ngetpa pa rin!
KISAME: Oi, wag mo nga akong gawing sample.
PIKORI: But you’re da perfect example.
(pause)
PIKORI: Ah alam ko na kung ba’t galit ang plushie ni Ga!
KISAME: And why?
PIKORI: Kaharap nya kasi nun si Rock Lee.
KISAME: Yung baby bunot!
PIKORI: Close talaga sila. Close enemies. Iniinggit siguro ni Lee si Gaara sa kilay nya.
KISAME: Hahahaha! Di nakapagtataka.
PIKORI: Wag ka mag-alala, Ga-kun. Pagnakabili ako, guguhitan ko yun ng makapal na kilay na kahit si Lee o Gai hindi kayang pantayan.
KISAME: Wag na baka sumobra ang kaitiman ng mata. Magmukha lang black eye.
PIKORI: Malapad pa naman ang noo nya. Kung nagkasya ang kanji, eh di mas mas kasya ang artificial kilay.
GAARA: Ayoko ng kilay na yan!
PIKORI: Ganun? Eh di, di na ko bibili ng manyika mo! Hmp! Baka maging kamukha ko lang yun. Mamaya kahit si Vicky Belo di na mabigyan ng remedy ang face ko.
GAARA: Wala naman akong sinabing bilhin mo eh.
PIKORI: Wala rin kaya akong sinabing sinabi mo bilhin ko. Hmp! Kinis-kinis pa naman ng kutis ko at malago pa ang kilay. Mabuti sana kung mahawa lang ako sa kulay ng buhok mo at ma-achieve ko pa ang Yoko-look na hanap ko para sa cosplay. He! ‘Yoko na sa iyo at sa plushie mong buhangin ang laman.
KISAME: Kahit may discount?
PIKORI: ‘Yoko nga.
KISAME: Kahit regaluhan ka?
PIKORI: ‘Yoko nga.
KISAME: Kahit makapulot ka ng isang nasagasaan sa kalye?
PIKORI: ‘Yoko nga.
KISAME: Kahit mahulugan ka ng isa mula sa langit?
PIKORI: ‘Yoko nga!
KISAME: Wala na. Maka-Yoko ka na nga.
PIKORI: Waaah! Ako ang emperatris kaya dapat yumoko kayo! Yoko! Yoko ngayon din!
GAARA: Nababaliw na ang isang to. Dapat bigyan siya ng Sadako o Kayako plushie baka sakaling tumino.
KISAME: Sandali, ba’t kelangan pa ng plushie eh nandito naman kami? Aksaya lang sa pera yun.
PIKORI: Oo nga no, ang galing mo Kisame. Gusto mong iflush na kita sa kubeta?
KISAME: As if kasya ako dun!
PIKORI: C ra ka pala eh. Kakayanin ko ba kayong gawing punching bag eh ang tigang ng mga mukha nyo. At sinong yayakap sa inyo? Yuuuck! Para silang yumakap sa magaspang na kahoy.
KISAME: Sa tingin mo rin ba magpapayakap kami sa iyo? Baka di kami makasurvive sa deadly hug attack mo or shud I say sakal!
GAARA: Parang napanood ko na yan sa Looney Tunes ah.
PIKORI: (nagsuot ng sumberong Takao at kumanta) Hug-mamaw attack! C’mon everybody hug a monster. Hug-mamaw attack! Halloween, All Saints Day, All Souls Day, April Fools Day, every full moon day. Hug-mamaw attack! Gotta hug their scary hair and skin. Hug-mamaw attack! C’mon Kisame, C’mon Gaara, wanna hug everyday? Vaseline Everyday! Hug-mamaw attack. Everyday! (hinagisan sila ng tig-isang bote ng Vaseline losyang na wala nang laman kaya ready to recycle.
KISAME: Wala namang laman to eh.
PIKORI: Be wise! Gawin mong panghilod.
KISAME: Anak ng tokwa!
PIKORI: Che! Fingerling!
*****
Ang gaan-gaan ng feeling ko. Marami rin ang nabawas sa akin. Pumayat daw ako. Di nga ako naniniwala nung una pero nung nagsukat ako nalaman ko totoo pala. Lumiit nga dibdib ko kaya pala parang gumaan ako. Lilipad na nga ako eh. Weee! Joke! Lumuwang rin ang mga damit ko. Salamat naman at wala nang pabigat at di na masikip sa dibdib. Beh! :P Medyo chubby pa rin ako pero konting tiis lang tutal isang buwan pa lang naman ang lumipas. Pati nga kapitbahay namin nakigaya sa diet. Sabi niya, “ang sarap pala gumalaw pag payat ka.” Hehe! //^_~\
KISAME: Totoo ba yun? Patingin nga.
PIKORI: (sinuntok pataas si Kisame hanggang bumaon ang ulo sa kisame) C ra head mo! Anong titingnan mo ha?
GAARA: Lupet! Madami dami ring calories ang nabawas mo dun ah.
KISAME: (Tinanggal ang ulong naipit at tumalon pababa) Pwe! Nakakita ako ng dalawang ipis na nag-aafternoon delight.
PIKORI: Ngek! Kung ganun magbaygon ka mamaya sa paligid. Just imagine life without Baygon.
(Nagimagine silang tatlo. Bigla raw naglabasan ang billions of ipis of all sizes and all breeds sa bawat sulok ng bahay. Gumapang lahat palapit sa kanila. Sa sobrang dami natabunan na ang mga appliances, sahig, kisame at dingding. Napaliligiran sila ng swarms of roaches na 1 ft deep na ang lalim at going up pa. Malulunod na sila sa ipis nang lumabas ang eksena sa screen dahil ginawa na itong movie na ang ang title ay “Revenge of the Cockroaches, Charing! A Untrue to Life Story. – end of imagination)
GAARA: Grabe! Mas marami pa sila sa buhangin ko.
KISAME: Kilabot to the bones.
PIKORI: Kaya nga eh. Prevention is better than cure. Unahan na natin sila before they come and get us.
(Naging roach busters sila after that. Ready to defend the world against the pesteng invaders.)
*****
Now Showing:
Fool House Episode 3: Misyon, Bisyo na To’
No comments:
Post a Comment