Natawa ako sa isang teacher kahapon. Humingi ako ng test paper sa English, binigay niyang papel yung pangYS-8. Sabi ko YS-11 na ko. Akala raw niya kasi elementary pa ko. *lols* Di ko alam kung bakit, kung bumabata na ba ako, epekto ng pagiging feeling 12 yrs old ko, o baka naman nalinlang ko lang siya dahil naka-pigtail ako at medyo kilos-bata pa.
Napadaldal pa ko sa English teacher ko (may ubo pa naman yun). Isa sa mga napag-usapan namin ang tungkol sa pagkakaroon ng pamilya. Sabi ko kasi wala akong balak.
Teacher: Ows? Ni minsan di mo pa naisip yun?
TP: Hindi talaga. Di ako bagay.
Teacher: Kelangan bang bagayan yun?
TP: Basta feeling ko di ko kaya.
Teacher: Mahirap din yung nag-iisa. Syempre kailangan mong may kasama ka paglaki mo….
TP: (umiling-iling) Di ko maisip. Parang mahirap.
Teacher: Syempre bata ka pa ngayon. Pero paglaki mo maiintindihan mo rin yun.
….
Teacher: Malay mo pag college.
TP: Ipagdasal nalang natin yan.
Teacher: Ipagdasal ang alin?
TP: Na makahanap ng tamang lalaki. Hirap na kasi maghanap ngayon ng matino. Uso na hiwalayan ngayon.
Teacher: Wag mo piliin yung gwapo.
TP: Ano, yung pangit? Yung kamukha ni William Hung?
Teacher: Wag naman yung ganun. Yung mga dati mong kabatch?
TP: Naku, imposible yan. Nakakainis yung mga yun.
Kinakausap pa naman ako ng teacher ko habang nagtetest ako. Di ko nga alam kung anong pinagsasabi ko eh basta salita nalang ako ng salita habang nagsusulat. Di ko nga alam kung tama pa yung answers ko. Medyo nasisira concentration ko pero buti nga at naperfect ko pa, puro VG lahat ng apat na exam. Sabi nga niya, mukhang inspired na inspired daw ako. Sa isip ko, syempre naman, nakaipit ata yung Chibi Gaara card ko sa school diary ko for good luck. JOKE!!! :P Actually, isa talaga akong genius kaya ganun. Kapal talaga, balak ko pa ata makipagkumpitensya kay Sakuragi, (hindi kay Uchicha Itachi kasi masyado nang mataas standards nun at di na matake ng powers ko ang kakayahan niya.)
*****
Di ko maisip kasi na mag-aasawa ako. Hirap na makahanap ng matinong lalaki. At sino ba namang liligaw sa isang tulad ko, masyadong tahimik, nerd, mahiyain at conservative. Iisipin lang nilang boring ako. Alam mo naman mga tao ngayon sa generation na ito mabilis manghusga sa unang tingin pa lang. Feeling ko di ako nabibilang rito. May pagkamahinhin kasi akong kumilos sa labas, pero in truth kapag nasanay na ko sa isang tao nagiging makulit, mapang-asar at palabiro ako. Lumalabas ang pagka-abno ko. Wala akong qualities na pwede kong ipagmalaki sa harap ng isang lalaki. Masyadong simple ako kung ikukumpara mo sa iba pero komplikado ang pagkatao ko. Poor me.
Naisip ko rin na wala akong panahon sa mga ganitong bagay. Importante sa kin ang maitayo ang pangalan at karangalan ko sa pamamagitan ng magandang career. Marami nga dyan single pa rin hanggang ngayon pero mas looking beautiful pa rin at successful. Baka magmukha akong losyang o manang lalo pagnag-asawa ako ng peste. Pero only time can tell.. Si Lord nang bahala kung bibigyan niya ako o hindi. Tutal kung totoong para sa iyo, talagang darating at darating rin yan. Basta wag lang masyadong mag-expect. Di kasi ako princess sa isang fairy tale na naghahanap ng prince charming. Ako yung witch, joke lang! //^_^\\ Fairy godmother lang siguro o yung mga lesser characters na wala naman masyadong significance pero may role sa kwento.
Sabi nila abnormal daw kung wala kang crush. Eh di abno na kung abno. Dati meron, ngayon wala na. Kung tutuusin meron din naman kaso not human and not real. Naalala ko pa ngang minsan pinagmamalaki ko sa iba na crush ko si Meowth. Pinapakita ko pa yung tex sa wallet ko. Ewan ko ba kung totoo o papansin lang ako. Naging crush ko rin si Momoja. Sa Pokemon naman pati si Sandshrew at si Ninetales. Hehe! //^_^\\”” Sa age kong ito, ang sabihin mong crush mo ang isang anime character ay isang kahibangan. Kaya ever since talaga nung lumipat na ako sa woodrose, ay naku, wala silang narinig tungkol sa lovelife ko. Wala namang interesado. Iisang tao lang yung napagsabihan ko tungkol sa mga secret ko nung nandun pa ko sa skul na yun.
*****
GAARA: Bakit meron bang life sa love kaya lovelife?
PIKORI: Ikaw, kasi pangalan mo ibig sabihin, “I love death.” Kaya mas lalo kang walang lovelife.
GAARA: Kung anu-ano na naman ang pumapasok sa isip mo. Masyado kang nag-iisip. Nakakatanda rin kaya yan no.
PIKORI: Oh sige na, meron din life sa love kasi Love makes the world go round, Love moves in mysterious ways and Love can move mountains. O kita mo na. May buhay ang Love at eto ang ang tinatawag na personification. Analyze the given sentences. Di ba binigyan natin ito ng buhay na parang tao?
KISAME: Sino ka si Teacher Racquel?
PIKORI: Shut up and learn!
KISAME: Di ka talaga mag-aasawa dahil masyado kang bossy.
PIKORI: Oy, hindi naman no! Dito sa Fool House oo! Pero in real life, hindi. Okay lang siguro mag-asawa basta wag lang sa may hitsurang ganito. (sabay turo sa mukha ni Kisame)
KISAME: Ako na naman ginawa mong example! Akala ko pipili ka ng pangit?
GAARA: Baka siguro tintukoy niya slight to moderate lang.
PIKORI: Gagawa ako ng Chaka meter, isang chart para masukat ko ang kapangitan.
GAARA: Tutulong ako dyan.
PIKORI: Kung sa bagay, may experience ka naman.
GAARA: Ano! Baka markahan kita ng GRAVE -ly Beautiful.
KISAME: Tama, magpaparlor ka sa embalsmador sa kasal mo.
GAARA: Ikaw yung “The Corpse Bride”
PIKORI: Sus, parinig pa kayo. Gusto niyo lang panoorin yung movie na yun.
KISAME: Baka si Gaara. Nangungulit nga nung napadaan kami sa poster nun eh.
GAARA: Ang panonoorin mo naman yung “The Adventures of Sharkboy and Laba Girl”
KISAME: Kunwari ka pa. Gusto mo naman “Dubai”. Trailer na trailer pa lang nun buhangin na.
GAARA: Aminin mo na, nagpunta ka sa sine mag-isa para sa premiere night ng “A Shark’s Tale”. Pinapasok ka lang dahil akala nila mascot pero di ka naman adorable para pagkaguluhan no. Natakot tuloy yung mga batang nanood kasi nakakita sila ng monster sa loob ng sinehan. Humina tuloy ang kita nila. Nag-iiyak na lang sila, at gusto na umuwi sa bahay. Samantalang ikaw relax na relax sa silya mo. Kumalat tuloy ang chismis na may halimaw na gumagala sa sinehan pag gabi.
KISAME: Ikaw naman sa “The Mummy”. Buong araw ka nang nanood sa sinehan, ginawa mo nang bahay mo! Nandoon ka na nga ng first showing, nagbreakfast, lunch at dinner pa dun hanggang sa last full show. Halos ubusin mo na yung mga tsitsirya nila dun. Kabisado mo na nga yung kwento pati yung mga linya nila. Mukha ka na tuloy mummified. Nagtaka tuloy yung gwardiya paglabas mo kung bakit parang lumaki black eye mo. Nasobrahan kasi sa panonood ng sine.
GAARA: Paborito mo manood ng Marina at Marinara.
KISAME: Gusto mo naman Panday!
PIKORI: Baka mag-away tubig at lupa sa inyo.
KISAME + GAARA: At bakit?
PIKORI: Tubig kay Kisame at lupa naman kay Gaara. Kanina pa kayo baka magunaw ang mundo. Ayoko pa naman mamatay. Not now, not with you.
KISAME: As if ikaw lang ang nag-iisang tao sa mundo.
PIKORI: Masasayang pinaghirapan ko no! Kaunti nalang at pwede na akong ms.earth
KISAME: Ms Earth pala ha.
(Lumabas ng bahay si Kisame at kumuha ng lupa sa garden at pinuno ang balde.)
KISAME: (inabot ang pail of earth) Ayan Ms Earth. Premyo mo.
PIKORI: Sira, ibig kong sabihin nagpapayat ako. You are terribly terrible, horrendous!
GAARA: Sa tingin ko kailangan mo pa ng konting effort. Makakatulong ito. (sabay kabit ng gaarapon kay Pikori)
KISAME: Mag weight lifting ka rin. Mapapabilis ang pagrereduce mo. (sabay abot ng Samehada kay Pikori)
PIKORI: Waaah! Grabe kayo! Magiging kalansay naman ako nito eh.
KISAME: O sige na, simulan mo na maglakad.
PIKORI: Ayoko, mukha akong Kampanerang Kuba.
GAARA: Sisindihan ka naman namin ng kandila para magmukha kang maganda.
PIKORI: Baka ibig niyong sabihin magtitirik kayo ng kandila dahil malapit na mag-november 1. Waaah…
KISAME: Dadagdagan naming ng flowers.
PIKORI: Waaaaahhhh….
KISAME + GAARA: (kumanta pero sintunado) Dahil siya ang pinakamagandang alien sa balat ng lupa…
PIKORI: Ayoko na! Sobra kayo magtorture. Ikaw Kisame, binabalak mo bang balian ako ng braso? Si Naruto nga binalak mong putulan ng paa. Lalo ka na rin Gaara. Baka maging kuba na talaga ako nito. Ayoko matulad sa sinapit ni Rock Lee na pinilayan mo ever.
GAARA: Kasalanan niya yun. Akala ko ba Rock siya eh di dapat di siya nadurog.
PIKORI: Nakakadurog din kaya ang erosion.
GAARA: Mahina pala siya. Nadurog ang bato dahil sa buhangin!
PIKORI: Oo nga no. Bakit pa kasi Rock Lee ang pangalan niya eh di naman siya pala rock. Ngayon, Ba Lee na siya.
GAARA: Pwede naman siyang Kawa Lee, Sawa Lee, Pana Lee, Ra Lee…
KISAME: Ayaw niya Tu Lee?
GAARA + PIKORI: Ngeeek!
No comments:
Post a Comment