Sunday, October 30, 2005

Satan will never succeed!

Ang ganda ng topic kanina sa 700 Club Asia. Sa Studio 23 at 8:00am na ko nanood kasi wala na sa Zoe 11. [Binili na kasi ng GMA 7 yung channel kaya QTV 11 na yun. Dun na ipapalabas yung Jewel in the Palace at sabi ng iba Gokusen (J-Dorama).]

Yung topic kasi Halloween-related. Fineature nila yung testimonial at story nung isang babaeng dating Satanist na naconvert to Christian. Isummarize ko nalang:

Nung bata pa siya lagi siyang tinutukso at nilalait ng ibang mga bata kaya naging mailap siya sa iba.Yung nanay niya laging binubugbog ng tatay niya. Isang araw, di na niya nakita nanay niya. Nagpalabuy-laboy siya sa lansangan, naging magnanakaw, drug-addict at prostitute. Tapos sumali siya sa isang Satanic cult. Sumumpa siya na pagsisilbihan niya buong buhay at iaalay niya yung sarili niya kay Lucifer. Naging witch siya at di nagtagal tumaas ang rank niya bilang high priestess. Sinasamba siya at nirerespeto ng samahan. Nagpossess din siya ng supernatural powers galing sa devil. Kaya niyang maglakad sa apoy (hindi sa burning coals kundi apoy as in fire, flames!), kaya rin niyang maglaho, kausapin ang diyablo, at magcurse ng people and all sorts of supernatural powers. Nakaani siya ng respeto at kapangyarihan pero wala man lang kahit isa kahit man sa mga kasama niya ang nagmahal sa kanya. Pero meron siyang tinatagong sikreto. Kahit matagal nang lumipas, naalala niya yung mga Sunday school teachers niya na naging mabait sa kanya. Niregaluhan siya nung bata pa siya ng isang book of hymns at lagi niya yun tinatago. Actually, posible siyang patayin ng mga kasama niya pag nalaman nila yun. Merong hymn dun na parang nakapagpalambot ng puso niya. Lagi niya yung binabasa. Minsan nagpunta siya sa isang Christian prayer meeting or something like that. Nagsalita yung speaker, “…kung kakapit ka sa Diyos ngayon, palalayain ka niya ngayon. Bibigyan ka niya ng bagong buhay...” Naisip niyang ito ang bagong pagkakataon niya. Tapos may narinig siyang boses ng demonyo na sabing, “Akin ka lang!…” tapos naramdaman niyang may mga kadena sa katawan niya. Pero ilang saglit lang nakawala siya at bigla siyang nag-iiyak doon at nagdasal. Tinulungan siya ng isang Baptist minister, kasi ilang taon din siyang tinotorment ng mga demons, ewan ko kung ilan basta maraming demons. Ilang years, din siya naghirap and now ang ganda na ng lola moh! Matanda na siya actually at masaya na siya sa buhay niya. Marami na nagmamahal at nag-aaruga sa kanya, pagardening gardening nalang siya at nagsusulat ng mga religious at inspirational books. Kitang kita mong maaliwalas na mukha niya parang nahanap niya ang tunay niyang kaligayahan sa buhay. Parang hindi siya naging evil ever in her life.

Katouch talaga. Ibig sabihin lang nun na talagang everything can change in Jesus Christ. Pwede kang maging totally different person. Humahanga ako sa kanya sa lakas ng loob at tapang niya talikuran ang dati nyang gawi. Malaki rin ang paghihirap na dinanas niya. Mabait talaga si Lord. Sinasabi ko na nga ba kahit ikaw pa ang pinakamasamang tao sa mundo, kaya ka Niyang baguhin into a better person. How sweet! Mahal na mahal talaga tayo ng Diyos kaya dapat buksan natin ang sarili natin sa kanya. Di naman niya tayo pababayaan. Mayaman ang langit at bubuhusan niya tayo ng biyaya mula sa kaharian niya. Heller, He would not let you love Him and let you live in squatters area for the rest of your life. Lahat ng taong nagtitiwala sa Diyos very successful na ang life as in bongga pero in truth talaga many of them started with little or nothing at all. They recognize everything they have now in present as gift from God. When you learn to give to God, He will give more to You.

Yung mga taong minsa’y naging makasalanan o nakaranas ng pagdurusa at sinalba ng Diyos mula sa kadiliman, sila ang masasabi kong nakahanap ng totoong salvation. Mas kaya nilang patunayan ang kabutihan at pagmamahal ng Diyos kaysa sa iba dyan na hanggang pangalan at salita lang ang pagiging Kristiyano at wala namang ginawa sa buhay kundi maging isang hipokrito.

Sa tingin ko, kaya nakakaranas tayo ng problema dahil ito ang daan para hanapin natin ang Diyos at mapalapit ng husto sa kanya. Kasi kung walang problema, may tendency tayong umabuso at malimutan ang Diyos. Kaya nga sa tingin ko wala tayong karapatan magreklamo tungkol sa mga paghihirap na dinanas natin ngayon. Kung tutuusin marami pa ang mas grabe pa nga sa atin ang pinagdaanan at maaaring katiting lang pala yung atin. Yung iba wala na talagang kakapitan pa. Buti pa nga tayo may mga taong nagmamahal pa sa atin at di rin naman tayo nalalayo sa Diyos. Dapat tayong magpasalamat sa Kanya palagi dahil kahit di man marami at least may mga nagmamahal pa rin sa atin.

Narealize ko nga totoong nga na kung walang nagmamahal sa isang tao ay talagang maliligaw siya ng landas. (Naalala ko tuloy si Gaara :P) At even simple acts of kindness, malaki ang impact sa iba most especially sa mga least loved. Kung maaalala ninyo sa kwento kanina, kahit matagal na ay naaalala pa rin niya yung mga teacher na naging mabait sa kanya at naging precious treasure niya yung hymn book. (The only gift na natanggap niya nung bata pa siya). Kapag nagpakita ka ng kabutihan sa iba, malaking punto iyon para sa Diyos at di natin alam ay makakatulong na rin tayo ng malaki sa iba, although di natin nararamdaman yun all the time. Di ba nga sabi nila “MAGBIGAY KA DAPAT NG WALANG HINIHINGING KAPALIT.”
Sabi nga rin nila “PANGARALAN AT PANGARALAN MO ANG ISANG BATA AT BALANG ARAW MAAALALA RIN NIYA ANG MGA SINABI MO SA KANYA.”
Ibig sabihin mas powerful ang mga salita ng Diyos. Maaaring di natin siya naririnig in person pero gumagamit siya ng medium. It can be thru other people, books, song, tv, radio, basta anything. Kung malakas ang tama maaaring message na Niya yun para sa iyo. Once na tumagos sa puso, it can soon lead to change of heart.

Kung tutuusin simula nung napanood ko yung episode ni gaara, parang pinanganak ang isa sa mga pangarap ko. May feeling kasi ako na ang misyon ko sa buhay ay tulungan ang mga taong inaapi, binabalewala, nag-iisa, mahina, unpopular, basta anyone na problemado sa social life. Ever since kasi may mga tao na kong nakikilala at nagiging kaibigan na I really think who needs a true friend talaga. I think yun yung dahilan kung bakit nagiging malapit ako sa kanila pero nagsisisi talaga ako dahil deep in my heart marami akong pagkakamali at pagkukulang sa kanila. Nakukunsyensya ako na hindi ko binigay ang full support at loyalty na kaya ko namang ibigay sa kanila. Alam kong kaya ko silang ipagtanggol pero lagi akong playing safe dahil ayoko lang mapaaway at masira ang pangalan ko. Kaya nga pinangako ko na gagawin ko ang lahat maituwid lang ang mga pagkakamali ko nang makabawi. Madalas silang magpasalamat sa akin pero di nila alam na malaki rin ang kasalanan ko sa kanila.

Maybe my heart was fashioned out to feel the way they feel. Kung titingnan, I have really no firm reason to feel left out. Kung tutuusin I have no reasonable cause to feel insecure. I have a happy family, a peaceful home (except kung may war). We’re not very poor, nor very rich. Wala naman akong kaaway. Wala rin akong basis kung bakit sinasabi kong ayaw ng iba sa akin, basta feeling ko lang. But looking on the deeper side, (with the exception of my health) ever since talaga I always have these negative feelings inside me. I used to long for freedom from overprotection and parental grip. I also know the feeling of being misunderstood. Having no one to understand your feelings is like being all alone na rin. As a result, I built walls around me, only opening up to people whom I think feels the way that I do. Actually I have the choice to show who I really am in front of everybody but I found it really hard for me. I found myself shutting in. Sometimes, I try to get along with them but I only find myself acting not as my true self in an awkward way, yung tipong trying hard. I tried to reflect on it and thought there could be a reason behind it. I feel different and it was difficult for me to open up to a crowd. I tend to look for people who are alone and sila ang dinadaldal ko at pinapatawa. I never find myself fit in a barkada. Iilang tao lang ang nilalabasan ko ng totoo kong pagkatao which then results in a friendship. And kapag di ko sila kasama, di ko man aminin pero namimiss ko sila at nasasaktan talaga ako kung sinasadya o hindi man sinasadya ko sila masaktan. It usually happens to me and I feel bad that I had never given my all in that friendship. If I could turn back time, I will be more different and never take them for granted. I wish God could give me another chance to prove that I can do better and help them change their lives.

Ang drama no? I admit that really feels good when you do something good to others and if you do it, it would be best if you do them to the least, to the lost and to the last. You then become special to them and surely they would remember you in one part of their life.

Im trying to be more open minded. I learned that it is thru reflecting on the courses of events in your life that you’ll learn God’s message for you. Malalaman mo kung anong gusto nyang ipahiwatig o iparamdam sa iyo. He cannot speak directly but he can give you signs and you can feel His presence. You know that all things are meant to happen and not by chance, that Someone is and has been controlling your life ever since. It is up to you if you keep your heart open and let your conscience guide you and lead you to Him.

In reality, I cannot totally say that my health problem has completely devastated my life. I see it as a blessing in disguise for a lot of reasons that I can describe as countless. Ilan sa mga ito yung: (1)Di na ko pinpressure masyado ng parents ko as before (2) My friendship w/ my best friends has been restored (3)I found out may mga taong concerned pa rin pala sa kin. (4) Anime! (5)I found out may hidden talents pala ako aside from academics (5)I learned a lot of new things , and I mean a lot! (6) I met new interesting people (7) A much stronger faith and relationship w/ our Father, which I consider the most important of all. (8) Virtues are the most important thing that He has given me. I will be able to equip myself with these virtues as weapons for the future and I hope that I can use these gifts correctly.

I realize I was more spiritually mature than I was before. Before kasi I do pray, go to church and receive communion … follow everything what has to be done but whenever I pray I never remember asking for something I greatly needed. Everytime I prayed I had a hard time thinking what my wishes are and I never really understood what “great need” means. As in hindi ko alam kung ano ba talaga ang gusto ko sa buhay, my dreams in life weren’t what I really desired. As I can say, my prayers were empty. I know God is loving, powerful, blah…blah… but I had little experience or maybe I have experienced but was not fully aware of. Yes I do have faith, but it was not enough. Parang there’s still something missing para bang hindi ko pa gaanun kakilala ang Diyos. But I guess everything has changed now. He has answered almost of my prayers already, some actually I haven’t really prayed for but I kept it only as my heart’s desire because I know they’re not worthy to be prayed of like material needs. It was funny though that I feel He is the One responsible for making me laugh and smile everyday. Even like the little things like (I know you’ll laugh at this) yung biglang appearance ni Kouya insect sa mga special occasions ko, pagkakaroon ng mga reverse worms na bahay namin kung kailan ko gustong makita ang isang live sample nito, pag-ulit nalang ng mga tv stations sa mga anime episodes na paborito ko, pagsulat ko ng poems (para ngang di ako nagsulat kasi masyadong poetic), pagkakaroon ko ng magagandang spoofs at jokes na original talaga, pagkakaroon ko ng mga kaibigang katulad ko mag-isip, pagpapahiwatig ng mga bagay sa paligid na laging nagpapangiti o nagpapatawa sa kin… and others 2 many 2 mention


Bumalik tayo sa 700 Club. Meron din silang guest dun na lalaki naman dati ring Satanist. Topic nila tungkol na sa Halloween. Di daw niya talga nirerecomend na icelebrate ang Halloween because it is kumbaga the holiest day ng Devil. Eh di para ka narin nagpiyesta para sa kasamaan. Kahit sabihin mong kasiyahan yun, it’s a kind of deception kasi nga namamask yung totoong meaning nito. Kahit ang mga Harry Potter, Charmed, at mga related-shows… di daw maganda kasi kahit na yung bida ay mabuting tao, gumagamit naman ng mga demonic powers para ma-achieve yung goal. Kung ia-analyze mo ang history, meron talaga itong firm foundation kung paano nagsimula and yung nga ito’y nag-orignate sa mga paganism, cults and ungodly stuff. It’s not something to be made fun of because it makes this magical stuff look cool but in reality it’s not. The guy was talking seriously kasi he really underwent through all of this serving the Devil. He warned us that the magic we thought we can only see on movies and tv shows are actually true. Agree ako dun sa sinabi niya, pero di ko maalis ang fact na Harry Potter fan din ako no! Minsan ko na nga pinangarap maging witch. Mali pala yun. Tsk! Tsk! Tsk! Di bale I didn’t wanna hurt anyone naman in reality, just wanna try magical things and stuff, you know naman children eh. Nakuwento rin niya na totoo ang casting spells nila. When you put a spell or curse on a person, he really gets sick pero in-emphasize niya na they would be scared when the person they would be casting spells on is a Christian because when they do, their power bounces back and it causes so much pain on their body.

Remember, not even the Devil can overcome God’s power. Siya nga lang kinatatakutan nun kaya to whom will you hold on to? The Devil or God? Well, I found that cool, it’s like having faith as your shield and then not even the Devil who is second to God can touch you. You’re completely assured that you’re protected by the Most Powerful Being in the universe. Eh di parang powerful ka na rin not in the sense na you have magical powers but the inner and spiritual strength that could bring you to the fulfillment of true happiness and satisfaction. Sabi nga ng Diyos diba “I will crush Your enemies at your feet”, so that means you can overcome anybody who harms and brings you down. See, loving God is more than just church masses and praying. It’s being God’s warrior and protector of faith and justice. (Just what I wanted to be someday but I don’t want to be a lawyer, please, I don’t want money in place of my service, I want true friendship. I want to learn to protect kasi sabi ni Haku, “Totoong malakas lang ang isang tao, pag gusto niyang protektahan ang mga taong pinahahalagahan niya” I don’t want to be weak anymore but I want to protect somebody that someday I can be proud of myself and masabi na hindi na ako duwag).

Kaya nga gusto kong pinapanood yung 700 Club Asia. Naeenlighten ako ng husto at gumagaan ang pakiramdam ko. In the end, nararamdaman mong napakadakila at napakahusay talaga ng Diyos at talagang napakabait, my words cannot describe, tindi kasi. Next week naman, tungkol sa SPIRITS ang topic nila… Awwooo….

To Yoko Nakajima of Juuni Kokki:
“Oh Yoko Nakajima, my idol! Ikaw ang gagawin kong modelo. Nakikita ko sa iyo ang pagkatao ko, ang kahinaan ko. At ngayong matapang ka at malaki na ang pinagbago lalo lang tumibay ang paghanga ko sa yo! Gusto ko rin maging isang tulad mo. Isang pinunong magdadala ng hustisya sa mga taong inaapi. Isang taong tinatanggap at natututo sa mga pagkakamali at kahinaan niya. Isang taong handang bumaba sa level ng iba para maramdaman ang mga nararamdaman nila. Isang taong hinarap ng buong tapang ang mga pagsubok upang maibalik ang katahimikan at katarungan sa lugar, maituwid ang dating pagkakamali at magsimula ng pagbabago sa bansa.”

Ah basta wish ko sana makatulong ako sa mga Gaara ng ating lipunan…
Eto ang bagong greeting…
Happy All Saints Day!!!!

No comments:

Post a Comment