Happy Halloween! Sana maging happy pa rin kayo after the launching of the most-awaited E-VAT. Kaya kung gusto ninyong maki-treak or treat pero wala namang pera o sadyang mas takot pa hindi sa multo kundi sa coming EVAT, heto ang ilang tips for a successful Halloween costume without spending a lot:
1. Gumamit ng dinurog na uling para umitim o kaya gawgaw o powder for a Kayako-Toshio look. Pwede rin ito sa mga gaganap na black lady or white lady. Siguraduhing hypoallergenic ang uling at fresh galing sa palengke at hindi sa ihawan.
2. Magbabad sa tubig-canal ng 5-10 minutes para talaga kunwari nangangamoy ka na bangkay. Kailangan from head to toe ang paglublob mo para realistic.
3. I suggest, wag magsuklay at wag gumamit ng shampoo. Kung maaari sana wag rin maligo at magtoothbrush. It’s best to eat pusit before the celebration para kunwari bulok ngipin mo.
4. Para sa mga pustiso lang ang ngipin, pakitanggal nalang.
5. Kung mukha ka namang aswang, just preserve your natural beauty. Kung mala-aswang naman ang ugali mo, di mo na rin kailangan pang magmake-up. Mararamdaman na nilang lahat ang nakakatakot na aura mo.
6. Sa mga may menstruation, wag na magsuot ng napkin. Ikalat ang regla sa buong katawan at damit para sa bloody effect.
7. Sa mga may body odor, keep it up!
8. Lumublob sa putik kung gusto mong magmukhang anino o lamang lupa. Mukha na kayong lupa, amoy lupa pa kayo.
9. Kung nagkatay kayo ng baboy o baka para sa handaan, tanggalin ang lahat ng lamang loob sa ulo ng hayop. Itira lamang ang bungo at balat. Isuot ito sa ulo kung kanino man ito magkakasya. Sa ganitong paraan, hindi masasayang ang ibang parte na hindi makakain. Kung gusto mo may sungay, katayin ang kalabaw ng kapitbahay mo.
10. Kung walang pangmanicure, gumamit ng itim na pentel pen para magkaroon ng patay na kuko. Kung gustong mas realistic, ipitin ang bawat kuko sa kamay at paa.
11. Magpabugbog sa lasing. Siguraduhing may lakas pa kayo para makapaglakad.
12. Wag matulog before Halloween. Makakabawas sa makeup ang pagkakaroon mo ng eyebugs.
13. Kung payat ka at patpatin, maghubad. Para kang kalansay na naglalakad. Show of your bones!
14. Kung mukha kang pera, idisplay mo lang ang mukha mo. Tutal lahat naman ng mga bayani sa pera ay patay na.
15. Kung lolo o lola ka na, umungul-ungol ka lang.
16. Kung malaki kang tao, magsigarilyo ka lang. Understood na nilang kapre ka.
17. Para sa mga mukhang kabayo, tikbalang is best for you.
18. Umarteng baliw, para kunwari napopossess.
19. Gamitin ang puting mantel ng nanay mo at isaklob sa ulo. Siguraduhing nilabhan ito sa Tide with bleach.
20. Kung balbon ka, umalulong ka lang. Automatic werewolf ka na.
Sana may natutunan kayo sa aking mga very resourceful ideas.
**************************************************
Pinaalabas na naman ng ABS yung mga episode ni Gaara. Naks naman! Sino ba yung mga nagrequest niyan, by popular demand ata yan ah! Daming fans ni Ga-kun. Pero may teorya ako kung bakit inulit. Ito kasi ang Halloween special ng Naruto. Their way of greeting us “Happee Halloween.” O happee na rin kayo!
GAARA: Ginawa mo na naman akong panghalloween!
PIKORI: Totoo naman eh. Actually kayong dalawa! Pwede nga kayong i-cosplay ng iba para sa Halloween party nila. Magastos nga lang.
KISAME: At nagsalita ang bruha.
PIKORI: Wala akong pera. Kayo nalang pandekorasyon ko sa bahay. Di na nga rin ako naglinis para natural ang cobwebs. Darating sa party si Sadako kaya ihanda mo na ang tv.
GAARA: Paano si Toshio?
PIKORI: Oh sure! Meron ka na ring kalaro. Kayo ni Toshio magtampisaw sa buhangin. Ishe-share niya rin yung powder niya sa iyo.
KISAME: Si Kayako?
PIKORI: Oo! Sa attic ng bahay na ito natin siya sasalubungin.
GAARA: Si Lotus Feet?
PIKORI: Kina Rock Lee ata magsecelebrate yun eh.
GAARA + KISAME: Ngyah!
**************************************************
Sem break na rin sa wakas sa amin. Kung akala ninyo bakasyon ko na, well you’re all wrong. Aatupagin ko mga projects ko ngayon lalo na Filipino.
Kahapon may lalaking studyante na biglang sumulpot sa harap namin at walang hinto sa kakatanong sa mama ko. Ano daw ba sakit ko… ano daw pampalakas ng immune system, anong prutas ang pwedeng kainin, kung naniniwala daw ba kami sa mga herbal… Ah basta, grabe parang wala man lang kahit konting pause yung usapan nila. Sabi ng mama ko, bakit daw niya tinatanong. Sagot nung lalaki, kasi daw baka daw magkasakit din siya, mabilis daw kasi siya mapagod. Tapos sabi pa niya, mukha daw kasing doctor yung mama ko. Napagkamalan pa kamo akong mga age 13-15. Sinabi lang ni mama na 17 na ko. Kung ako tatanungin, parang mapapaisip pa ko kasi talgang feeling 12 pa ko ever. //^_^\\ Hehe! Nakalinlang na naman ako. Deceive using the pigtail no jutsu! Sa sarili ko nga eh, feeling ko may topak yung lalaki, weirdo kasi talaga tanong ng tanong. Di nga ako umiimik. Si mama lang kausap niya. Tapos ba naman, nung pauwi na kami, bigla ba naman akong pinagtuturo sa ibang estudyante, sabi niya, “kaklase niyo, o, kaklase niyo, o!” Paano kaya siya nakasiguro na kaklase ko nga yung mga yun? Alam ba niya kung anong YS na ko? Di ko siya maintindihan o anong gusto niyang palabasin. Tuwa naman daw si mama dun sa lalaki. Ako, well, nabigla ako talaga, parang 1st time ako nakaexperience ng ganun. Puro questionmark nasa isip ko… natakot nga ako eh. Di ko kasi mapredict ang takbo ng isip ng isang yun. Parang gusto kong umiwas.
Ang weirdo ko rin no? Gusto kong mapansin pero kapag pinapansin na ko gusto ko naman mapag-isa. Ewan ko! At saka heller, ayoko ring pinag-uusapan ako sa harapan ko lalo na kung tungkol sa kalagayan ko. Naiilang talaga ako. Yun lang ba ang pagkakakilanlan sa kin? Ayoko nang ganun! Lalo tuloy bumabagsak self confidence ko.
**************************************************
Nagsimula na ako magtake ng barley life. Ang alat ng lasa ng powder, talagang concentrated. Parang lasang daing, tuyo at danggit na pinagsamasama… basta ganun. Lalagyan ko nalang ng tubig sa susunod. Green siya kasi may chlorophyll. Sana eto na ang kasagutan sa matagal ko nang wish. I hope after some time, mababa na yung mga medications ko. Actually, binawasan na nga ever since nagstart ako magdiet. At hopefully someday, malaya na ko sa toxicity na to. Makakapag-regenerate na uli ang katawan ko. Yuck, parang si Tsunade!
No comments:
Post a Comment