Friday, November 04, 2005

Sembreak Surprises

Sinubukan kong lagyan ng tubig ang barleylife. Ngek! Ang pait ng lasa. Pero mas mabuti na yun para lagukin ko nalang.

Si Kouya (insect) nandito na naman. Nakicelebrate ng Halloween at All Saints Day, mukha ngang nagsesembreak rin. Sinubukan ko ngang hawakan yung antenna nun kaso wala akong maramdaman, manipis kasi. Lumapag kasi sa mesa namin, di naman sya natakot. Nagpahangin pa nga sa electric fan. Natakot ako baka machop chop yung katawan at liparin sa kainan.

Naalala ko sa Pinoy Big Brother yung task nila na gumawa ng lapida. Kung sa akin siguro baka eto yung ilalagay kong message: “FREE AT LAST!”

Nanghiram kami ng mga vcd sa Video City. Pinanood naming yung President Evil este Resident Evil 1 and 2 pala. Sori! Na-carried away sa mga issues. White Noise din nanood ako kaso di ko masyado feel, parang kulang sa horror at thrill. Masaya yung Infection, Japanese horror. Magulo nga lang kwento. Kinopya ko nga yung cd kasi gusto ko mangolekta ng mga Asian horror films. Balak ko ngang ulit panoorin para maintindihan ko. Minsan baka gawin kong topic yan sa blog ko. Marami ngang ayaw ng ganitong mga palabas kasi di raw nila magets, pero for me naman gusto kong napapaisip ako ng husto sa huli. Masasabi ko lang na hindi pwede ang mga palabas na ito sa mga hindi mahilig mag-isip, sa madaling salita kailangan kahit papaano deep thinker ka rin para maapreciate mo yung palabas. Mind boggling…

Asar ako nung Nov 1, pumunta kami sa Filinvest nun. Dumaan ako sa comic alley, nagtanong ako kung magkano plushie. Di alam ng babae kung ano yung plushie so iniba ko yung term ginawa kong “stuff toy.” Sabi niya 600 something… Nung nagtanong si mama at papa, iba naman daw babae ang sumagot. Sabi sa kanila, kung bibili ng plushie dapat daw 2 for Ps1,000 something. Di pwede 1 lang.Grabe! Ang daya nila! Hindi na ko magtataka kung bakit nakasimangot si Gaara, kasi kelangan mo pang bumili ng makakaaway niya most esp si Rock Lee pa kaharap nya sa display. Tapos nainis pa ko kasi napapahiya ako dahil kay mama. Kung ano ano sinasabi nya tungkol kay Gaara. Tapos nasa mall pa kami nun. Ano daw ba yun si Gaara, Naughty boy daw ba yun, baka kagatin daw ako ni Gaara, siya nalang daw gawin kong stuff toy tutal kamukha naman daw niya si Gaara, aanuhin ko naman daw si Gaara, basta ganun… daming ewan. Tapos turo ng turo pa kung saan saan baka meron daw Gaara dun kung sino sino pang pinagkakamalan na si Gaara. Ay ewan, nakakahiya, lumalayo nga ako eh. Parang ayoko na rin bumalik dyan sa Comic Alley. Parang gusto ko nang malimutan yung mga nangyari doon. Sayang naman oras ko sa comic alley dahil window shopping lang ang nagagawa ko at puro tanong lang ng presyo. Kung di rin lang ako bibili bakit pa nga ba ako pupunta dun?

Aanhin ko nga ba ang plushie? Well, balak ko lang naman gawing acupuncture victim si Gaara, pin cushion na gagamitin kapag nananahi. Kung marunong nga lang ako gumawa ng manika eh ako na lang gagawa kaso wala akong ganung talent tulad kay Kura. Meron nga kaibigan yung mama ko na gumagawa ng stuff toy kaso matagal na yatang tumigil sa negosyo. Kung pwede nga lang magpaturo kaso nakakahiya kasi baka istorbo lang ako, aksaya sa oras nila tapos bibili pa ng materials. Naisip ko baka bayaran ko nalang sila ng malaki-laki tapos bigay ko nalang yung picture ng model para sila na gagawa. Hehe! //^^\\ In my dreams…

Meron na naman akong bagong nadiscover. Nagbabasa ako ng dyaryo. Napatingin ako sa horoscope. Ang Capricorn, Dec 22 – Jan 19. Bday ko ay Dec 22, so nasa boundary ako sa zodiac na Capricorn. Hulaan nyo kung sino ang may bday ng Jan 19…

GAARA: Ako! Bday ko yun ah!

//^____~\\ Another one!
Ilang beses na nangyayari ito. Sinasabi ko naman sa inyo na may mga nagpapahiwatig sa akin na mga ganitong bagay. Di ko masabing coincidence kasi feeling ko pinaglalaruan na naman ako. Naalala ko noon si Marik Ishtar bday niya Dec 23 naman, day after my bday. Si Hagiri Kaname, napanaginapan ko the night before New Year’s Eve some years ago. Si Torio (Touya) naman, sa tuwing inuulit yung Yuyu Hakusho sa chan7, tumatapat yung episode appearance niya either on my bday or a day after. Kay Soujiro naman, naka ilang panood na ako ng mga episodes niya sa RK, siguro more than 5 na, kasi laging inuulit sa chan2 at 23. Lolo ko minsan nagbigay sa akin ng sulat, ginamit niyang pangalan Voltaire which is very rare naman na gamitin niya kasi sabi ni mama yung lola lang daw niya yung tumatawag sa lolo ko ng ganun. If I remember it correctly, Voltaire rin ang pangalan sa Beyblade US version ng lolo ni Kai.

Boink!

No comments:

Post a Comment