Sunday, November 13, 2005

Bad Trip

Bad trip, mag-iisang lingo na kong may sipon at ubo ngayon. Nahawa ako sa mama ko na nahawa sa karpintero na nag-ayos ng screendoor namin. Asar nga kasi sumama pakiramdam ko kaya nawalan ako ng gana gumawa ng mga projects ko. Napahaba tuloy yung bakasyon ko. Feeling ko dapat habang nagtake ako ng barley noon dapat namonitor ko rin yung blood tests ko kasi may possibility na bumaba yung wbc ko at baka sakaling may maitanggal na sa mga gamot ko. Eh wala napabayaan ko kaya posibleng madali akong mahawa pagbumaba lalo immunity ko. Baka tumaba uli ako nito kasi di na ko nakakapegexercise. Hay…

Natakot pa nga ako kasi nagkadugo yung plema ko. Nasugatan kasi lalamunan ko sa kakaubo. Pero mas nakakaloka yung mga tao rito sa bahay. Mas nakakatakot lalo pag natataranta na yung mga yun. Nagkagiyera pa tuloy sa di maipaliwanag na dahilan, parang silang may mga topak sa ulo. Pati yung mga bagay na wala namang kinalaman sa mga kasalukuyang nangyayari nasali pa. Ang gugulo nila. Feeling ko tuloy ako pa yung naging bad luck sa bahay na to.

As usual, nagpacheck up kami. Naka-Kakashi outfit na naman as usual, talagang mukhang Kakashi kasi nagbabasa ako ng libro. (Si Kakashi adik yun sa pocket book.) Binabasa ko yung Crime and Punishment na matagal ko nang di matapos tapos sa dahilang paulit-ulit ako sa mga first few pages dahil naguguluhan ako. Binigyan ako ng mga gamot ng doktora ko and then after nun humupa na rin ang War of the Titans sa paligid ko. Galing no… Magulo ba? Pati nga ako naguluhan…

Sa buong linggong masama ang pakiramdam ko, binasa ko yung pinahiram sa aking mga kwento at books ni Jellyfish. Tawang tawa ako sa “paboritong libro ni hudas” ni Bob Ong. Ang saya talaga, puro kalokohan. Kahit papaano nabawasan yung sama ng pakiramdam ko. 2 araw lang natapos ko na yun. Natapos ko na rin edit yung “Beyblade Garden” ko at naghihintay nalang ako ng typewriter na bumagsak mula sa langit. Ayun… baka di pa nga ako makapasok sa sabado sa iskul. Wala ako sa matinong pag-iisip ngayon para mag-aral ng mga modules ko.

Tinuloy na rin ng GMA 7 sa wakas yung Twelve Kingdoms (sat-sun 9:30am) kaso nga lang ang problema ay baka di me makapanood tuwing sat. Balak kong bumili sa Lotus ng buong set maybe pagkalipas ng ilang buwan pag tumubo na pera ko. Nag-email sa akin yung Anime Explorer. New World Animation na yung bagong pangalan nila. Ewan ko lang kung sila pa rin yung nagsusupply sa lotus kasi di ko pa naexperience umorder ng buong series. P25.00/vcd na raw. Sana maganda quality. Ayoko na kasi bumili sa Comic Quest kasi yung subtitles nila ang gulo at madumi yung screen sa dami ng texts. Yung Shaman King ko nga eh may mga sira at yung isang episode baliktad ang screen. Paano ko naman yun papaanoorin? Gusto ba nilang bumaliktad pa ako o baliktarin ko yung monitor?! Tinamad na nga ako irecheck yung ibang vcd kasi paulit-ulit ko pa papanoorin para malaman ko lang kung may sira o wala. Tapos sa Filinvest pa, ang layo pa pagpapapalitan.

Ah basta maraming kamalasan uli. Napasukan na naman ako ng spyware habang nagsearch sa mp3. Pagkaclose ko ng screen, nakita ko sa desktop may mga porno na icons at programs na nakainstall. Peste silang lahat! Nataranta tuloy ako sa kakadelete ng mga peste. Nagloko pa yung dialer kaya pinagtatanggal ko lahat ng mga dialers. Hanggang ngayon nagloloko pa rin dahil nag-iiba yung username, password at number. Natrauma ako kaya halos isang linggo akong di gumalaw ng computer at naphobia sa internet. Nagpakalublob na lang ako sa fanfic ko at libro. Palibhasa, masyado akong naadik sa mp3. Dapat na lang nagpacdwrite na lang ako sa Lotus kahit P60 ang isa at least mas safe. Nakapagpaburn nga ako ng 1. Buti nalang nasabi sa kin ni Sheery at buti na rin alam pala ng papa ko kung saan banda.

Now Showing:
Fool House Episode 5: Dumating si Itachi

XP

No comments:

Post a Comment