La na ring sipon sa wakas. Babalik na rin uli ako sa dating gawi... hay… Napahiram nga tuloy ako ng Harry Potter and the Half Blood Prince (6th ). Dapat matagal ko na hiniram to, 650 pages pa naman sa kapal. Kung naalala ko lang nung sinisipon pa ko eh di sana eto nalang binasa ko kaysa yung Crime and Punishment na hanggang ngayon nabitin na naman.
Palalabasin na yung HP and the Goblet of Fire! Mas maraming characters, mas masaya! Yey! //^0^\\ Excited na ko. Kaso hihiram na lang siguro ako sa ACA or Video City para makatipid. Ngyay! //x_x\\ Nanood nga ako kagabi ng The Making nung movie. Grabe! Umaapaw sa breathtaking scenes at saka ang gara ng setting. Siguradong milyunes o baka bilyones pa halaga nung budget nila, isama mo ba naman yung mga special effects! Lupet talaga ever!!! Astigin… Sa trailer palang panay action at adventure. Sabi nga “walang dull moment” sa movie. Wow! Yehey!
Nakakalungkot nga lang isipin na maraming kabataan ngayon ang tamad magbasa at di makaintindi ng English. Mas maganda kasi panoorin kung nabasa mo muna yung book para fully maapreciate at siyempre para di ka magmukhang ignorante. Kasi dapat attentive ka sa pelikula para magets mo ang kwento lalo na British accent pa naman sila. Di ka lang dapat nakarely sa mga special effects para magustuhan mo yung film.
Syempre ayaw basahin ng iba kasi mahaba raw at corny daw. Pero diba, don’t judge a book by its cover? Kahit nga ako noon, tingin ko di ko naman talaga magugustuhan ang HP kasi nga nabigla ako sa haba at saka sabi ko sa sarili ko, “Sino ba yan si harry potter? Anak ng magpapaso? Masasayang lang oras ko dyan. Mag-aaral na lang ako.” Pero syempre dahil nirekomenda ng teacher namin sa woodrose, kahit papaano sinubukan ko kasi curious rin ako, “Ano bang meron ang libro na to? Masubukan nga.” Nagkamali talaga ako. Nakakaadik pala at kapag sinimulan mong basahin, maghahanap at maglalaan ka ng oras para lang matapos ang libro malaman mo lang ang susunod na mangyayari. Hindi mo na iintindihin kung gaano pa kakapal yun basta sa kakabasa mo malalaman mo nalang na sa ending ka na at maghahagilap na ng susunod na series. It’s worth it pala. Naalala ko pa nun, talaga nagpupuyat lang ako para lang dun. Kahit pasukan, todo basa pa rin pag wala pang teacher at pagkadismissal, yun agad ang aatupagin ko. Binilin sa akin ni mama na dapat umiidlip ako sa kotse pagkahatid’t sundo para marelax ang isip at katawan ko pero hayun, imbes na natutulog sa kotse, nakahiga sa likod nagtatago at nagbabasa ng libro, nagpapanggap na tulog. Kahit magkaduling duling, mahilo-hilo at sumakit ang ulo, okay lang, malaman ko lang kung nakalbo na ba si Hairy Potter. Joke lang… Iniisip ko nga hanggang ngayon kung paanong nangyari noon na kahit quarter exams nakakabasa pa rin ako kahit hectic ang schedule. Surprisingly, pasado pa rin naman ako with high marks. Sa ngayon, 2 palang ang nabibili kong paperbound. Yung iba kasi nanghiram lang ako either sa library or sa kaibigan ko. Balak ko pa ring mangulekta kaso di pa oras, nag-iipon pa me at saka di naman mawawala yan sa bookstore, sa lakas ba naman nyan!
Naalala ko pa nga nagHarry Potter costume ako. Meron kasi kaming parade. Isusuot mo yung costume ng favorite mong book character at dadalhin mo yung book habang nagmamartsa sa loob ng school. Dapat nga Hermione ako pero nahirapan ako sa pagpili ng isusuot. Napasali pa ako sa isa sa mga best costumes. Dapat nga contest nalang yun, baka sakaling may prize sana ako. Alam nyo ba kung ano suot ko? Yung pangQuidditch ni Harry…Paano? simple… pants, blouse w/ long sleeves, rubber shoes, pulang kapa (na mantel talaga sa mesa, resourceful!), bilog na glasses na saktong last stock na lang sa department store, cute na broomstick na hiniram sa kapitbahay (binili raw nila yun sa toy kingdom) at yung eyeshadow na brown para sa scar sa noo. Gusto ko yung broom stick, pinaghihiram nga ng mga classmates ko kasi ang cute. Astig nga kasi kahawig ko si Harry sa front cover ng book ko. Konti lang gastos namin pero effective ha! Kulang nalang maging lalaki ako at putulan ng buhok kasi nakaponytail me. Nataranta pa nga ako sa gitna ng parada kasi feeling ko magkakaroon ako ng mens. Pero pagpunta ko sa banyo, wala pala. It’s psychological lang. Kinabahan lang siguro ako kaya feeling ko parang may mainit na lumabas. //^^\\”””
Balik tayo sa movie. Gusto ko yung pagpili sa mga bagong cast nila, sina Fleur, Victor, Cedric at Cho. Mga binata’t dalaga na nga sina Harry, Ron at Hermione. Si Malfoy, uy gwaping na ah! *naalala yung kaklaseng tinutukso kay Draco Malfoy*. “Sana di siya magsisi na tinukso ko siya kay malfoy!” May kaibigan kasi ako na halos minu-minuto niloloko ko kay Malfoy at sa sobrang panunukso ko nagkatotoong nagkacrush nga siya. Nagmukha ata akong stupid Cupid, ah. Nabalitaan nyo ba noon na si Heart Evangelsita daw kasama sa Harry Potter? Akala ko siya yung magiging Cho Chang. Hindi pala, kasi hindi pala siya lalabas sa Harry Potter kundi sa Harry Panday. Tagagawa lang pala ng espada at di paso.
*****
Nanood pala ako nung fri ng Magic ni Erik Mana sa ABS. Mga bagong card tricks, hypnotisms, telepathy and some telekinetic stuff. Nakakamangha pero at the same time nakakakilabot. Ilan sa mga kakaiba yung pagpapagalaw niya ng cards gamit ang anino lang niya-ANINO LANG! Tapos yung pagliyab ng matchstick sa loob ng maliit na bote na kiniskis lang nung isang babae nang di sinisindihan, pagkalabit niya sa isang babae nang di man lang tumatama sa balat yung daliri niya… Yung iba nga pinerform pa niya sa isang haunted house. Pinagalaw pa niya yung kandila sa baso nang di hinahawakan habang sinisindihan ng isang lalaki. Yung isa naman may isang card siya na pinapili at pinasulat pa sa kanya ang pangalan niya. Then pinasok nila yung card na yun sa isang box kasama ng pentel na nakasarado at pinatungan ng isang maliit na kahoy. Habang naghihintay sila, biglang gumalaw nalang yung kahoy. Binuksan nila yung box at nakita nila na nakabukas na yung takip ng pentel pen at yung pagkabasa nila ng card, may bagong nakasulat na “sa tabi mo”. Yung iba sigurado na ko na mga tricks yun pero yung iba medyo mahirap ipaliwanag. Tulad nalang etong susunod, na nakakapangilabot truly.
Sa isang madilim na kwarto, nagtipon si Erik Mana at isang grupo. Nakapaligid sila sa isang kandila at may card at pentel sa gitna. Isa-isa silang pinasulat sa card ng kahit anong maisip nilang personal na bagay. Pinasok niya ito sa isang envelope. Then, may nilabas siyang video tape na pinapanood niya on the same room. Yung laman ng video tape hawig sa “The Ring”. Only sa isang bahay yun shinoot, may mga rooms and kalat, tapos bigla nalang may lilitaw na Sadakong babae na naglalakad. Creepy talaga yung video. May mga black and white pictures pa kung saan yung mga mata ng mga tao ay natatakpan ng itim. Tapos sigaw-sigaw for sound effects. Para kang nakapanood ng “The Ring: Live!” Tapos maabsorb sa video, pinafocus ni Erik ang mga kabataan sa envelope na naglalaman ng card na sinulatan nila. Sinunog niya ito sa kandila hanggang mag-apoy at halos maubos. Tapos tinapat niya ito sa tv screen at PUMASOK BIGLA YUNG CARD NANG BUO ULIT SA LOOB NG SCREEN. Pinasubok pa nga niya sa isang lalaki dun kung talagang nasa loob yung card. Kakapain sana ng lalaki sa monitor kaso biglang lumitaw at gumalaw yung Sadako sa loob ng tv. Kinuha ni Sadako yung card at ini-flip para maipakita ang laman ng card na naglalaman nga rin daw ng same content na sinulat ng barkada previously. Tapos umalis na si Sadako.
1. Sinunog na yung card, kaya paanong nabuo uli yun? Diba dapat wala na yun?
2. Paano pumasok yung card sa screen nang ganun ganun nalang at napagalaw pa ni Sadako sa loob ng video?
Di ko na maipaliwanag yun. Iba-ibang grupo yung sinubukan nila ng magic tricks na yun. At pinatago pa sa kanila yung tape bilang remembrance. Tindi! Kung di akasabwat yung grupo ng mga kabataan, paano kaya nangyari yun? Wala sanang side effects yan after 7 days. Gusto kong ma-try yun ah. Baka sakaling makapagpadala ako ng letter kay Sadako. Astig!!!
*****
Inulit na naman yung Naruto banda sa huling bahagi ng Chunnin exam. Tuwa talaga ako kay Shikamaru. Siya actually ang idol ko sa Naruto. Kahit tamad, 200 ang IQ niya at kaya niyang mag-isip ng mga paraan na kahit si Sakura o ang henyong si Sakuragi ay di maiisip magpakailanman. Buti pa nga siya kahit hindi nagpapakalunod sa pag-aaral at natutulog lang sa mga tests at parelax-relax lang. Hay….
PIKORI: Shikamaru, akin nalang utak mo. Kailangan ko yan, kahit iduplicate ko lang o kaya magpapa-brain transplant ako pag namatay ka na. Bibilhin ko utak mo bilang kapalit.
SHIKAMARU: Tumigil ka nga. Hindi compatible ang brain ko sa memory mo.
PIKORI: Kailangan ba nun?
SHIKAMARU: Oo. Kahit itanong mo pa sa duktor.
PIKORI: Ano bang kinakain mo? Saan ka ba pinaglihi? Anong sikreto ng pagiging genius? Magshare ka naman o!
SHIKAMARU: Sori pero it’s in the genes.
PIKORI: Eh di bigyan mo ako ng genes mo!
SHIKAMARU: Sira! Baka magbreakdown ka. Magkaiba DNA natin no! Tigilan mo na nga ako. Napasama pa tuloy ako bilang isa sa mga guests sa blog mo.
PIKORI: Damot! Hawaan mo nalang ako ng pagiging genius mo.
SHIKAMARU: Imposible! Katamaran ko lang ang maihahawa ko sa iyo. Mas contagious yun!
PIKORI: Infectious kamo!
*****
About sa Twelve Kingdoms… Pinagbawal na pala ni Yoko ang pagyuko sa kanya. Ironic nga eh, kasi Yoko ang pangalan niya, kung ganon ba’t ayaw niya magyoko sila? Siguro ganito yun…
KEIKI: Mahal na emperatris, kailangan po nilang magyoko sa harap ninyo.
YOKO: ‘Yoko nga.
Joke 3x //^_____~\May mga dahilan kasi si Yoko. Syempre gusto niyang ituring na kalevel lang ng mga tao sa paligid niya. Uy! Humble!!!! At sabi niya gusto rin daw niyang makita ang mga “pagmumukha” ng mga tao. Aba reasonable! Totoo nga naman! Paano mo nga ba makikilala yung hitsura ng isang tao kung nakayuko siya palagi. Kilala mo nga sa pangalan niya pero di mo alam kung pangit, may nunal o kulugo sa pisngi, bungal o bukul-bukol ang kutis kaya mahirap malaman which is which. Ayun pala napango na dahil sa sobrang pagkasubsob sa sahig at sinipon na dahil sa alikabok na nasisinghot sa lupa, maaga pang magkakarayuma yun! Nakakainsulto rin naman kung puro bumbunan lang nila ang ihaharap nila sa emperatris, parang wala silang mga mukhang ihaharap! Iaalay ba nila ang kanilang scalp bilang greeting? Mas lalong nakakagalit at nakakasira ng araw kung kalbo pa ang lumuhod at yumuko sa harap mo. Parang nananadyang manilaw ng kaharap. Baka pugutan siya ng ulo pagkaganun. Mabuti sana kung malago ang buhok pero paano naman kung may dandruff pa at kuto yung buhok? Yun ba ang ipapakita nila sa emperatris? Yuck! Dapat magvaseline sila para MAKAPAL! Joke lang! //^_^\\ V Peace!
Alam nyo naman na truly, idol ko si Yoko, isang napakadakilang pinuno. Wag lang syang magpataw ng dagdag na EVAT sa kaharian niya. Ngek! Actually, wala nga akong maisip na totoong taong tinitingala ko eh. Naalala ko nga dati nung grade 7 pa ako, pinagawa kami sa English ng essay or paragraph tungkol sa taong hinahangaan namin. Ang nilagay ko “Mama Mary”. Wala na kasi akong maisip. Ewan ko kung anong naging reaction ng teacher ko dun. Nung 1st yr hs ko naman sa ABS, pinasulat kami ng research tungkol sa iniidolo namin. Iba naman ngayon, si JK Rowling, author nung Harry potter. Di ko naman talaga siya idol pero bilib ako sa imagination niya. Biruin mo, isa na siya sa pinakamayamang tao sa mundo dahil lang sa mga ideas nya!!! Pero alam nyo ba na maraming beses nireject ng mga publishers ang book niya? Pero ngayon, sori nalang sila! Iniisip ko nga kung may ibang mundo si JK kasi talagang vivid ang descriptions niya at malinaw ang characterizations sa buong kwento. Mukhang marami rin siyang nalalaman sa mythology at legends at ganun din sa spiritual and magical stuff kasi kung titignan mo may basis rin talaga yung gawa niya, which is maybe the reason why against yung mga devoted Catholics sa libro.
Wala nga rin akong totoong tao na lalaking crush pero sa anime, oo meron. Masyado akong absorbed sa mundo ko at sa anime. Parang wala na ko tiwala masyado sa mga tao ngayon, iilan nalang siguro. Isang kahibangan ang paboran ko si Gaara kaysa kay Sam Milby ng Pinoy Big Brother. Siguro lang kasi mas naiintindihan ko ang lagay ni Gaara at oo na may toyo sa utak ko, in English, I have soy sauce in my brain. Sensya na sa abnormality ko. At least, nakakakilos pa naman ako ng normal and malinaw pa ang aking reasoning. Kaysa naman sa iba dyan na halos every hour naiinlove kaya every hour ding broken hearted. Ireserba nalang kasi ang tunay na pagmamahal sa taong karapat-dapat at wag aksayahin kung kani-kanino lang. Sa huli sila rin ang talo. Beh!
*****
Binalak kong mag medical transcriptionist muna bago magcollege para may trabaho na agad kahit di pa graduate. Makakaipon rin ako at makakabili ng gusto ko gamit ang sarili kong perang pinaghirapan. Kaso nga lang ngayong inadvertise na sa tv mukhang magkakaroon ako ng maraming kakumpitensya ah! Bahala na, basta pagbutihin ko lang ang English skills at grammar ko, kikita rin ako ng dolyares kahit nasa bahay lang. Para naman makapanood pa ako ng anime sa tv no! Joke lang!!! //^_____^\\ Sana ako na yung susunod sa yapak ni JK Rowling para malaking dagdag sa kita. Hehe! Ngeee…. Narealize ko kasi kailan lang na ako pala ang tao na hindi lumalabas ang totoong galing pag pinepressure. Kabaligtaran ng madalas nilang sabihin na lalabas lang ang totoong galing pagnapepressure. Eh anong magagawa ko baligtad ako eh. Pansin ko nga na everytime excited ang mga tao sa paligid ko, kabado o seryoso ako. Kapag ninenerbyos sila, relax na relax ako. Pagmasaya sila, di naman ako ganun kasaya. Opposite ang mga nararamdaman ko sa mga tao sa paligid ko. Nakikigaya lang ako para di ako magmukhang out of place pero ngayon parang mas gusto ko sana magpakatotoo nalang, para unique kasi sabi ni Une, “Common is boring!” Eh di boring sila! Belat! :P
*****
PIKORI: (sinabunutan si Shikamaru) Akin na utak mo!!!
SHIKAMARU: Aaaarggghh… sinasapian ni Sassy Girl!!!
No comments:
Post a Comment