Monday, November 28, 2005

Halu-halo

Nagpunta ako sa isang blog at naasar ako dahil siniraan niya yung HP and the Goblet of Fire movie. Nadisappoint daw siya… blah…blah… Sikat yung blog na yun kasi awarded ata yun as best asian blog (tama kaya pagakakabasa ko sa readers digest? *rechecks* Tama nga… Oh well…). Nainis pa ako sa ibang Harry Potter fans. Super demanding! Gusto nila word for word ang details na gagayahin mula sa libro. Naintindihan ko minsan na may mga scenes na di tugma sa book or di nakacapture ang imagination ni Rowling at mga fans, pero sana konting respeto lang. Makikita mo naman ang effort at heller! Di madaling gumagawa ng pelikula baka akala nila! Sa kapal ba naman ng pages at sa tindi ng mga description, sa tingin ba nila merong taong makakapagbigay ng buhay sa lahat ng iyon at masasalpak lahat ng scenes sa isang 2 hr movie? Bah sasambahin ko na taong yun kung ganun! Ang mga tao ngayon di na marunong mag-appreciate ng pinaghirapan ng iba. Natural naman na lagyan nila ng revisions at cuts yun. Saan ka kaya makakita ng pelikula na based sa libro na every single word gayang-gaya? Sigurado rin naman pati yung mga gawa Stephen Kings, Lord of the Rings at Goosebumps di naman lahat accurate. Kung baga iba-ibang version ika nga.

Nagcomment nga ako sa blog. Pero di niya ata dinisplay yung comment ko kasi minomoderate muna niya bago mapost. Syempre kapag di siya sumang-ayon eh di burahin! Natural na sa tao ang masama ang loob pag kinokontra ang paniniwala o ginagawa. Di ko maalala kung anong sinabi ko basta something about respect on hard work of the director, crew and actors/actresses. Sabi ko pa na kung reklamo lang sila ng reklamo eh di wag na sila manood ng Harry Potter movies kasi magagalit lang sila. Kung sa tingin nilang mas magaling silang magdirect ng movie, ba’t di sila mag-apply bilang director? Tignan natin kung anong ibubuga nila. Masyado silang mapanlait porket di lang mareach ang expectations nila. At saka pinagdiinan ko rin sa kanya yung ibang bagay na sinulat ko sa 1st paragraph kanina…

And guess what? Nagkaroon siya ng bagong entry a few days later. Alam kong ako ang tinutukoy niya dito sa entry na to…

Click here to read the entry.

At di lang yan, gumawa nga talaga siya ng sariling casting ng pelikula niya! Sabi pa nga niya “What a convenient excuse, and I love it!” Gusto nyo malaman kung sino? Hay naku… iiyak si JK Rowling nito. Yung comments ko enclosed in parenthesis. K? //^___~\\

Click here to see the cast.

Whacha think? Isa lang ibig sabihin nyan, di nya nga kaya magdirect kaya dinaan nalang sa kalokohan. Nagcomment nga uli ako. Sabi ko “What’s that movie you’re directing? Harry Pooper and Gobbler on Fire? Better make it a box office hit or just fire your Cho Chang! Juz kidding…” And FYI, gobbler means male turkey.

Isa lang masasabi ko. Sa lahat ng ito, si JK Rowling ang pinakanakikinabang. Why? Sikat na ang books niya, nakahakot pang ng mga awards ang bawat isa… Yung mga fans full support pa rin sila at stick to the book no matter what. Masarap ang feeling na gusto nila ang ideas mo. Well, di ko alam kung anong feeling ni JK sa pagedit ng mga scenes sa pelikula pero kahit malungkot man bawi na rin kasi aside sa mga kinita niya sa mga libro nya may porsyento rin siya sa kinita ng pelikula! Naks naman! Milyones na naman nahakot…

1 week ko lang natapos yung HP and the Half Blood Prince. Tindi no? Basta HP walang bagal-bagal sa pagbabasa. Bad news nga lang kasi dedo na si Dumbledore sa kwento. Well, sa mga nakakaalam na noon pa eh sorry nalang dahil late ako sa balita. Noong nasa climax na ng kwento halos maluwa luwa at maluha luha na mata ko sa tindi ng action. Parang ayoko na ngang bitawan. Tinanong ako ni mama, ba’t daw half-blood prince. Niloko ko nga, sabi ko, “Kasi half lang yung blood niya kaya namumutla.” *lols*.

*****

Nabalitaan nyo na ba na nakaapat na gold medals na ang mga Pinoy sa SEA games? Oo, eto ang mga larangang napanalunan natin.

1. Panggagaya
2. Pandarambong
3. Pagnanakaw/Hold-up
4. Pamumulitika/Pangungurakot


“Pinoy ka pinoy tayo. Ipakita sa mundo kung ano ang kaya mo. Ibang-iba ang pinoy. Wag kang matatakot. Ipagmalaki mo. Pinoy ako pinoy tayo…”

Biro lang…. Saludo naman ako sa “matitinong mga pinoy”. Matitino ha! MATITINO.

*****

Could you believe that? May nag-email sa akin nanghihiram ng commercial spoops ko for Xmas party nila. Nalaman ko pa na age 22 siya at lahat ng members niya 30 pataas, meron pang lolo, 62. Lahat sila nagtatrabaho sa kumpanya. Tama ba yun? Nilinaw ko nga na marami nga akong spoops pero anime related. Di nya ata kasi nagets. Pinadalhan ko rin siya ng sampu na inedit ko pero doubtful ako na babagay sa kanila yun maliban nalang kung mga mongoloid ang performers tulad ni William Hung o Ya Chang, yung mga tipong pwede mong utuin or willing magpauto. Baka kasi nakakainsulto sa kanila. Di kasi ako marunong ng sophisticated humor. Patawad… ang kaya lang ng powers ko ay out-of-this-world. Wag niya ako sisisihin, siya etong nakiusap.

*****

Ang Naruto… balik na naman sa laban nina Gaara at Sasuke. Dahil siguro SEA GAMES, magmamarathon uli sila ng season 2. Woops! Pero-pero good news dahil pagkatapos tuloy na sa season 3! Kakainggit nga yung mga nakapanood na kaya heto ako huling-huli sa balita. Di ko nga kilala si Tsuchi Kin na tinutukoy nila eh. Ewan ko lang kung sa manga nila naunang nabasa…

Eto alam ko sa mango este manga to galing…Ayun sa mga sabi-sabi, pinatay raw ni Gaara yung tuta ni Orochimaru (I’m not talking about puppy. Tinutukoy ko yung tinatakan niya rin ng sumpa tulad kay Sasuke), niligtas si Rock Lee, namatay daw siya nung makasagupa niya ang dalawang myembro ng Akatsuki (kung saan member rin ang Son of Fish na si Kisame. Pero di ko alam kung nagmeet ang magfoolhousemates), binuhay muli ng isang babaeng naglagay ng Shukaku sa katawan nya at finally naging Kazekage (katumbas ng Hokage sa bayan nila) na hinangaan na ng lahat. Pinaka-close nya sa mga kapatid niya si Kankuro at nagconfide siya na gusto raw niyang mahalin ng mga tao kaya ang pagiging kazekage ang naisip niyang paraan para matupad yun. Nainspire kasi siya kay Naruto na nangarap magHokage. Kakainggit! Sana someday ako rin makilala at mahalin ng mga tao… waaaahhh…. At ang tanging paraan ay ang maging presidente ng Pilipinas. Joke lang. Ayoko nga… Ang scary scary noh! Baka mapugutan ko lang ng ulo yung mga kurakot o baka I-assassinate lang ako. Mabuti sana kung taglay ko ang tapang ni Yoko. Oh my Yoko! My Yoko! ‘yoko nga! Simple lang naman gusto ko, ang magkaroon ng silbi sa buhay at sa bansa. To prove my worth at maappreciate ng kapwa ko ang paghihirap ko.

Inintriga na naman ako ni mama tungkol dito kay Gaa-chu! Sabi nya napanood daw niya sa tv yung launching ng Hero TV. (Wala na… wla na si Hero Angeles. Kung ok lang sana career nun baka naging guest pa siya dun… la na…) Tuloy sa kwento. May bata raw dun na ininterview kung sinong paboritong character. Sinagot ng bata, “gaara at naruto” daw. Eto ngayon ang sumunod na talakayan…

MAMA: Bakit paborito nila si Gaara?
TP: Ewan ko sa kanila… Tuwa siguro sa kanya. (how shud I know? Eh di naman ako sila no!)
MAMA: Ikaw tatanungin ko, bakit paborito mo si Gaara?
TP: … Abnormal kasi… (tama ba sinabi ko? Parang di ata… eh di sana kung mahilig ako sa abnormal eh di dapat labs ko si Alfred, Hisoka, Takao, William hung –again!, Tado, Kampanerang Kuba, Shishio…)
MAMA: Mahilig ka pala sa mga abnormal. Eh di ibig sabihin nun yung mga mahilig kay Gaara abnormal din?
TP: Oo. Kasi marami nang abnormal.

What a very educational discussion! Very relevant to the psychological studies of the new generation. It can be submitted to the Mental institution for further experimental trials and explanation. Do you agree? If yes, please click the right mouse button. If no, click the left. If not sure, pls turn off your computer for I will be sending you a virus. Yes, just now, its entering your eyes, processing now into your brain. Later you will be sent to the mental hospital for laboratory examinations. If you still feel normal then I am sure you’re already immune. You can continue reading…

Eeeeeeekkkk…. Yun na naman. Tinanong pa ko kung gwapo daw ba si Gaara. Syempre dahil honest ako, sinagot ko ng “HINDI”. Opinion ko lang naman yun kasi maraming ibang mga fan girls dyan ang mas malaki ang brain damage kesa sa akin kaya ewan ko kung anong nakain nila. Di pa naman kasi ako bulag tulad nila. Ayon naman sa kasabihan, “Beauty is in the eyes of the beholder.” Ang gamit ko lang kasi pag tinitingnan ko si Gaa-chu ay ang 3rd eye ko. Sabi nga diba pag may 3rd eye ka, nakikita mo ang mga bagay na di nakikita ng karaniwang tao. Ngayon kung tatanungin nyo nga ako kung ano nga bang nagustuhan ko sa kanya eh talagang A1 ko. Baka siguro dahil nakakonek ako sa tunay niyang nararamdaman bunga nga nung nakaraan nya. Di ko naman kasi talaga napapansin yang psychotic na yun noon eh. Ang naalala ko lang sa kanya yung gaarapon at buhangin nya. Mas malakas pa nga ang appeal ni Rock Lee kasi meron siyang noticeable shiny white teeth at killer smile na dapat sana nakapatay kay Gaara noong unang laban nila kaso ewan ko ba’t di nagkaeffect. Nagkaroon pa nga ako ng slight paranoia noon kasi natatakot akong makita muli si Gaa-poi kasi feeling ko malaki atraso ko sa kanya sa dahilang wala na akong pinagtripang punahin kundi siya. Buti nga hindi siya lumalabas sa tv tulad ni sadako.

Question, “Kung tinatawag ni Naruto si Lee na Kapal Kilay, ba’t di niya tawagin si Gaara na Walang Kilay o Kalbo Kilay o Lagas Kilay?”

Pag-usapan naman natin ang Yaoi pairings. Di lang connections kundi pati opposites ang papansinin natin, kasi diba “Opposites attract.” Okay…1) GaaXLee: Opposites sa kilay at sa social interactions. Laging nakasimangot yung isa habang nakangiti palagi yung kabila. Bunot ang buhok ng isa, sabog ang other. Rock si Lee at Sand kay Gaara. Parehong kinalaban nila si Sasuke. Si Gaa-koi puro Ninjutsu at Genjutsu lang ang gamit samantalang si Leebag ay taijutsu lang ang kaya. Parehong abnormal ang mata… 2) NaruXGaa: Si Narutok- Hokage at si Gaatok- Kazekage. Pareho silang may malungkot na nakaraan at may halimaw sa loob. Again, parehong pinag-iinitan si Sasuke… 3) SasuXGaa: Si Sasuke good looking while yung isa no comment. (baka sabihin ninyo mapang-api na ako). Parehong maraming fangirls. Isang halimaw, isang tao. Ewan ko na basta pinadidiskitahan niya palagi si Sasuke… yun lang…and the winner is…. ……………………….. Isulat sa isang papel ang napiling love team at maglagay sa loob ng 1 empty pack o label ng Beast Foods. Ilakip sa isang puting envelope at isulat sa likod “Beast Foods: Magarang Gaara c/o Bahay ni Kuya” at ihulog sa kanal. Maaari ring ipadala sa pamamagitan ng bangkang papel o bote. Wag kalimutang lagyan ng pangalan at address. Ang unang makapagpadala ng sulat na itatapon ni Uma sa basurahan ay mananalo ng libreng labahan mula sa Pinoy Big Brother house at mabibigyan pa kayo ng chance na gumawa ng sariling house rules at tasks para sa mga housemates for 1 week bago nila ikaw ang inominate nila at I-evict ni Big Brother at ng buong Pilipinas at ng buong mundo at ng buong sankalawakan. Wala ka nang mauuwian pagkatapos kaya wag ka nang sumali sa contest na to maliban nalang kung ika’y uto-uto.

Haaay… Naalala ko uli yung sabi sa kin ng teacher ko noon na wag raw ko pumili ng gwapo. Si mama kasi, tanong pa ng tanong. Lalo tuloy ako natatakot na baka kung sakali mang magkaboyfren nga ako someday (kunwarian lang kasi di ako umaasa) ang unang itatanong sa akin, “Gwapo ba hitsura?” Kutob ko lang naman kasi mabilis silang manghusga sa unang tingin. Pati ba naman bf ni Kris Aquino pagdidiskitahan. So what kung pangit? Basta di manloloko at masaya ka sa kanya kaysa naman gwapo nga pero perwisyo lang ang handog sa iyo everyday. Hmmmmp! Si Sam Milby lang naman ang katanggap tanggap sa kanya eh. Galing-galing DAW ni Sam… cute DAW si Sam… talented DAW si Sam… nakakatuwa DAW si Sam… echepokekelopefotsupaklot………Sam…. Sam…… sam…….. sam…… sampalin kita……. Joke lang. //^0^\\”””” Di naman me galit ke Sam. Di ko lang matanggap kung bakit mas magaling siya sa kin! Meron na nga siyang looks, talent at pati charm! Bakit ganun? Lahat na ata nasa kanya. Pero bakit sabi nya insecure pa rin siya? Buti pa nga siya eh… Kung ako siguro nabigyan nun baka wala na ko hihilingin pa kundi world peace nalang. Ang bilis nga niyang makuha ang atensyon ng buong sandaigdigan eh samantalang ang isang hamak na tulad ko magpapakahirap pa para makuha lang ang atensyon at pagmamahal ng iba. *sniff* Waaaahh…. Im a Hinata in my own way…. Waaaahhhh! …. Hoy, Gaara paano mo nagawang baguhin ang kapalaran mo? Kayong dalawa ni Naruto… Waaaaahhhhh….. Di ko alam kung magsisimula……. Waaaahhhh….. EINTEIN!!! GHANDI!!! ARISTOTLE!!! EDISON!!! LINCOLN!!! MAGSAYSAY!!! RIZAL!!! ALEXANDER THE GREAT!!! JOAN OF ARC!!! COLUMBUS!!! ANNE FRANK!!! YOKO NAKAJIMA!!! ALL GREAT PEOPLE OF THE UNIVERSE FROM THE PAST TO THE PRESENT, GIVE ME A PIECE OF YOUR GREATNESS!!!

No comments:

Post a Comment