Sunday, December 04, 2005

Hello Philippines and Hello world and Hello Garci, ay mali!

Hello Philippines and hello world! Congrats sa ating mga Pinoy athletes sa balde-baldeng medalyang napanalunan natin sa SEA games. Wooohooo!!! //^O^\\ Mukhang determinado tayo ngayon ano? Gusto talagang sumunod sa yapak nina Manny Pacquiao at Ms. International. Kung sa bagay, nagdurusa ngayon ang bansa kaya naman kailangan makabawi in any way para ma-uplift naman ang spirits at heller Ps100,000 kaya ang prize kapag nakagold ka! Sino kayang Pilipino ang di magpapakamatay manalo lamang para sa ganyang halaga?

Maaaring di nga tayo kasinyaman ng USA at Japan, pero mayaman tayo sa tao (human resources). Oo, dahil overpopulated na ang Pilipinas kaya naninirahan na rin ang ibang Pilipino sa ibang bansa. (joke!) //^^\\" Ang layo.

Totoo ngang kapag minamaliit ka at kinakawawa, pagnagsumikap ay balang araw mahihigitan mo pa ang iba. O diba? From kulelats to cool. Kung tayo ang palaging sinasakop noon, tayo naman ang mananakop ngayon. Tignan mo, there are Filipinos everywhere na kahit sa American movies (Caesar Montano), Black-Eyed Peas, sa American Idol (Jasmine Trias). etc. Wala na silang karapatang apihin ang mga Pinoy. We will conquer the universe! Balang araw baka mapilitan na rin silang mag-aral ng Filipino sa ibang bansa. Mga Pinoy (na matitino), saludo ako sa inyo! Mabuhay ang Pilipinas!

Bayang magiliw perlas ng silanganan alab ng puso sa dibdib mo'y buhay. Lupang hinirang duyan ka ng magiting. Sa manlulupig di kita pasisiil. Sa dagat at bundok, sa simoy at sa langit mong bughaw, may dilag ang tula at awit sa paglayang minamahal. Ang kislap ng watawat mo'y tagumpay na nagniningning. Ang bituin at araw niya kailan pa may di magdidilim. Lupa ng araw ng luwalhati't pagsinta, buhay ay langit sa piling mo. Aming ligaya nang pagmay mang-aapi, ang mamatay ng dahil sa iyo.

Ako ay Pilipino buong katapatang nanunumpa sa watawat ng Pilipinas at sa bansang kanyang sinasagisag na may dangal, katarungan at kalayaaan na pinakikilos ng sambayanang maka-Diyos, makakalikasan, makatao at makabansa.

Sana ako rin makapagdala ng karangalan sa ating lahi. so don't you bring me down today. Para sa mga may pangarap na tulad ko, alay ko ang kantang ito. Sabayan nyo ako. Ready? 1... 2... 3... Go!

"Unti-unting mararating kalangitan at bituin
Unti-unting kinabukasan ko'y magniningning
Hawak ngayo'y tibay ng damdamin
Bukas naman sa aking paggising
Kapiling ko'y pangarap na bituin."

Jewel In The Palace, gabi-gabi sa GMA Telebabad.

Nakita nyo ba yung trophy sa SEA games. Ang cute! Parang stuff toy na eagle. Tinitigan ko ngang mabuti sa tv screen baka kasi namamalik mata lang ako. Talagang may balahibo eh. Ang cute talaga. Kung ako athlete at yun ang premyo, bah, sisiguraduhin kong mapapanalunan ko yun no matter what!!!! Mapapasaakin ka birdy! //^O^\\ Bwarharharhar! di kita ibibigay sa mga Vietnamese o Thailanders. Matutunaw sila sa inggit. Huwarharharhar!

Inis ako dun sa Thai prime minister. Pinagbintangan ba naman tayong mandaraya? Bah kapalmuks. Di ba nya alam na matagal na tayong ganun. Joke lang! Di ko talaga nagustuhan dahil parang diniscriminate tayo. Pinapamukha ba nya sa mundo na di kaya ng mga Pilipinong manguna at maging magaling? Bakit, sila lang bang mga Thai ang dapat makatanggap ng mga medalya? Ha? Sila? Silang mga Thai, THAE! THAE lang sila! T**!!!

Magagaling daw ang mga Pinoy sa Wushu. Pero mas maniniwala ako kung sasabihin nilang mas magaling tayo sa Ngushu. Di nyo ba napapansin, kapag nakasimangot...nakangushu, kapag nagtuturo... nakanugusu, kapag hahalik... nakangushu. Kaya ang hahaba na ng mga ngushu eh... hehe! //^____^Ang mga atleta natin, siguradong uuwi ng may karangalan, trophy, pera, medalya at syempre athlete's foot... *lols*

*****

Narinig nyo na ba ang latest chika? Si Kampanerang Kuba may music video sa episode finale nila. Oo, guess nyo kung ano ang kanta? "MY HUMP" ng Black-eyed Peas!!!! Naks naman! Ano bang meron sa hump nya at napapahinto ang mga lalaki? 4 na manliligaw nya ah, samantalang ako walang ganun kalaking hump pero wla man lang manliligaw. Baka isang araw magpadagdag na rin lahat ng babae ng hump na ito para maraming maattract sa kanila. Baka kamukha pa nina Luis Manzano, Patrick Garcia, Christian Bautista at Mark Bautista ang mainlove sa kanila. O divah! Talo mo ang lolah mo na may osteoporosis!

Download na rin pala kayo ng Kampanerang Kuba games sa cellphones nyo para maagkanda-kuba-kuba na kayo sa kalalaro. Meron na ngang package si Dra. Vicky Belo para sa mga gustong magkakuba. Pwede kayong mamimili ng shape and size na babagay sa inyo. Merong turtle back, camel hump, rocky road, otso-otso back, osteoporosis curve, at hunchback of notre damme. Sizes ranging from S to XXL. Ps500,000 lang, certified Kuba ka na! Pwede ka nang mangampana.

*****

Random picks naman ata ang Naruto Season 2 marathon. Meron bang marathon na patalun-talon? Baka jumping jack yun, hopping o long jump yun. Ba't di nalang nila gawing Naruto: By Request? Dapat season 1 nalang inulit kasi nalimutan ko na yung ibang eksena dun eh, saka fav ko yung Chunin exam nila. Kailan ba sisimulan ang Season 3? para naman may iba na akong abangan maliban sa Spongebob Square Pants at ½ Karekano. Bakit ½? Kasi kalahati lang minsan napapanood ko dahil sa Naruto. Di ko alam kung ano meron sa susunod na season (di ako masyado nagresearch para exciting diba?) Pero tingin ko more on sa mga tauhan ni Orochimaru at Akatsuki (tama ba? Makikita ko ba muli ang malansang mukha ni Fishame Kisame?) Gusto ko nga makita yung isang babae dun sa grupo ni Oro na may pulang buhok. Tayuya ata pangalan niya.

Di ko nga alam kung bakit malaki attraction ko sa mga may pulang buhok. Marami kasi akong mga fav characters na ganun: Yuyu Hakusho: Kurama, Jin; Wedding Peach: Scarlet; Slam Dunk: Sakuragi; Kare Kano: Yukino; Junni Kokki: Yoko; Naruto: Gaara; Cowboy Bebop: Edward; Houshin Engi: Nataku...

*****

Gustong-gusto ko proj namin sa PEHM ngayon. Oregami, paper folding! Nagka-oregamitis nga ako. Naadik ako sa kakatupi kaya hayan sumakit ang braso ko nung isang araw. Punit dito, tupi doon... Punit-tupi, punit tupi, punitupi, punitupi.

*****

Narinig nyo na ba ang tunog ng espada ng Panday? "Chuk chak! chuk chak! Chuk chak chenes! Chuk chak chenes! Chuk chak chenes chuvelin eklavu!"

*****

Nung sat, umattend ako ng Xmas party ng mga kapwa ko lobo nung umaga sa UST. Aga ko nga gumising kasi 7:30 dapat registration eh halos 2 hrs biyahe papunta dun. Nakita ko ang mga kapwa lobo ko, yung iba sa kanila uuuuy... slim na rin, diet rin ha!

Nung umaga may mass. Bombay pa nga yung pari, kakatwa accent lalo na pagnag-english. Ok naman nagets ko homily nya. Maiyak-iyak pa nga ako sa gitna ng sermon nya. Siguro dahil natouch ako o kaya dahil matagal na akong di nagmimisa in personal kasi laging tv mass nalang. Tungkol yun sa suffering. Kapag binibigyan ka ng paghihirap ibig sabihin mahal ka ng Diyos. Tulad nalang ni Jesus, kasi diba pinahirapan siya kahit inosente naman siya. Ibig sabihin rin nun may misyon ka sa buhay. Naalala ko nga yung mga caption sa ilalim ng bible na nabasa ko:
"When God wants to entrust a great mission to someone, he sets him apart from his usual environment for a time."
Naisip ko tuloy na baka special talaga ako. *sniff*

Tapos yung sa CLE module ko, yung excerpt sa Salvici Doloris ni Pope John Paul II:
"Punishment is not designed to destroy but to discipline because it creates the possibility of rebuilding goodness in the person who suffers and strengthen goodness both in man himself and his relationship with others."

Ironic, pero totoo. Dahil isipin mo lang, kung nakukuha mo lahat ng gusto mo, may tendency kang umabuso di lang sa sarili mo pati sa kapwa mo. At the same time, mas natututo tayo sa mga kamalian natin at lalo tayong nagiging experienced to the point na alam na natin ang tamang gagawin para di na maulit yun at matulungan din ang iba sa pamamagitan ng pamamahagi ng mga karanasan natin. Ito rin kasi ang stepping stone para magsisi tayo at bumalik sa Diyos.

Nagcommunion din me. Di ko nga maisip kung karapatdapat ba talaga akong magtake kasi di pa ko nangungumpisal sa pari. Pero sabi di lang pwede pag may grave sins ka. Di ko maisip kung gaano kagrabe mga kasalanan ko. Gaano kagrabe naman kaya? Ganun na kaya kagrabe na matatawag ko na grave sin? Di rin ako satisfied kapag nagconfession ako sa pari. Gusto ko talaga diretso sa Diyos. Bakit? Kasi kapag sa Diyos ako naghingi ng tawad at nagsisi talagang bukal sa puso kong ginagawa at di dahil kailangan lang. Buong buo at buhos ang damdamin ko, lahat ng gusto kong sabihin kaya kong sabihin nang di napapagsabihan. Isa pa, no time limit, pwede kang makipag-usap sa Kanya hanggang ilang oras. At saka kahit hindi ko madescribe in words ang nararamdaman kong pagsisisi, alam kong malalaman Niya at nauunawan ang nilalaman ng puso ko. Unlike sa pari, parang more on external rituals and practices. I-enumerate ko lang yung kasalanan ko pero wala akong mabuhos na damdamin. Para bang hanggang salita lang lahat ng yun. At kung di naman bukal sa puso, wala ring kwenta kasi uulitin mo rin naman. Tapos mag-aadvice lang siya at magbibigay ng dasal. Iba kasi talaga ako, di ako mabilis mag-open up sa tao at madalas nagsasarili. Maliban nalang kung talagang confident na ako sa iyo, close at alam kong maiintindihan mo ako. It takes time para sa akin. Patawarin sana ako ng mga kapwa ko Kristyano. Kung babatuhin niyo man ako ngayon, Diyos na ang bahalang maghusga sa akin kung tama o mali ako at hindi kayo.

Tapos kinanta pa sa misa yung 2 favorite Xmas songs ko: Christmas in our hearts at Give Love on Xmas Day. Kaya parang iiyak na naman ako, pinipigilan ko lang kasi. Lagi akong may hawak panyo just in case tuluyang tumulo ang luha ko.

Ang gusto ko dun nung ininterview ako ng isang medical student. Ang kyut nya, maputi at angelic ang face! Kahawig nya yung personal formation tutor ko sa woodrose noon na si Ms Tan. Feeling ko napakaswerte ko at siya yung naginterview sa kin. Sayang nga lang at di ko natanong pangalan at celno. Kung mahaba pa sana oras eh di sana siya naman yung ininterview ko. Si mama na kasi yung nakipag-usap kasi may pinasagutan pa sa king questionnaire na nalilito akong sagutin kasi yung iba concerning psychology ko. Eh ang mga sagot ko madalas di sigurado. Sana ako nalang kausap niya buong araw at dalawa lang kami para matanong ko lahat ng gusto ko. Hiya kasi ako pag may ibang tao kahit mama papa ko pa. Asar din kasi kelangan ko na magpaalam agad nung tanghali kasi pupunta pa ko sa Angelicum para magtest.

Nakuha ko rin sa wakas ang mga giveaways. Meron pang blanket! Yun nga lang talaga pinunta ko aside from symposium kung saan may mga nag-speech. Meron ngang isang lupus patient na nacomatose dati pero ngayon magaling na siya. Matindi kasi talaga yung pananalig niya sa Diyos. Nakapunta na nga siya ng Israel at may inakyat bundok doon.

Ako, di ko alam kung hanggang saan ang level ng faith ko, maybe above average pero alam kong kulang na kulang pa to. Sa dulo, Siya rin lang ang huling malalapitan natin at di natin pwedeng iasa sa sarili natin ang lahat.

Kung meron man ako ngayong gustong matutunan, yun ay ang isuko ang lahat ng problema sa Diyos. Lagi ko kasing sinasarili yung mga problema at iniisip ko palagi na nasa kamay ko lang ang lahat ng solusyon. Lagi rin akong nag-aalala sa maraming bagay tulad ng anong mangyayari sa akin sa araw na to, future ko, mga mangyayari sa coming na ocassion, resulta ng isang test... Dapat nga ipaubaya na lang sa Diyos yung mga ganitong bagay kasi di naman natin hawak yung bukas at mga mangyayari. Useless kasi pagnag-aalala ka sa mga bagay na di mo kuntrolado ang sitwasyon. Nagsasayang lang tayo ng oras at pagod sa kakaisip. Importante, lagi mong nararamdaman at inaacknowledge ang presence niya sa buhay mo, di nawawala ang constant communication at ginagawa mo rin ang parte mo sa buhay. Sabi nga "Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa."

I remind myself of St. Martha, sister ni Magdalene at Lazarus.

Bumisita isang araw si Jesus sa bahay. Si Martha abalang-abala sa paghahanda para sa bisita samantalang si Magdalene nakaupo lang at nakikinig kay Jesus. Nainis tuloy si Martha kasi di naman tumutulong sa kanya yung kapatid niya. Sabi ni Jesus, "Martha, Martha, you are anxious and worried about many things. There is need of only one thing. Mary has chosen the better part and it will not be taken from her."

Ibig sabihin dapat magbigay tayo ng panahon para makinig sa Diyos. Diba tayo rin gusto rin nating pakinggan tayo at intindihin ng kapwa natin? Ihambing natin si Martha sa mga parents natin: Kaya di natin maapreciate ang gawa minsan ng mga parents natin kasi sila trabaho nga ng trabaho para sa atin pero di naman pinapakinggan ang mga gusto nating sabihin at di nila minsan pinapansin ang mga damdamin natin. Di ba tama ako? Ganun din yun.

Ako, kasi dati lagi akong subsob sa mga aralin ko na wala na rin akong time magreflect tungkol sa Diyos at sa mga ginawa niya sa buhay ko. Lagi kasi tayong nag-aalala sa mga external actions natin pero wala naman ang puso natin sa Kanya.

Importanteng makipagcommunicate rin tayo sa Kanya palagi kahit hindi memorized prayer basta parang kausap mo lang siya sa isip at puso mo parang pagkausap sa imaginary friend mo, although di na siya imaginary kasi totoo naman nandyan siya. Ako nga, everytime na may magandang nangyayari sa akin, pinagpapasalamat ko agad sa Diyos at that time na yun habang fresh pa at napakahigh pa ang feeling ng gratitude ko. Kapag natakot ako sa isang situation, hihingi agad ako ng proteksyon o tulong. Kaso nga lang minsan nalilimutan ko at dun ako naiistress o natataranta. Dapat nga gawin ko lang kung anong pinaka-kaya ko lang sa araw na iyon at ipasadiyos ko na lang ang magiging resulta. Diba "Do your best and God will do the rest." Dapat di ko pinepressure masyado sarili ko dahil Siya na naman ang bahala. It's a matter of faith. Sisimulan mo at Siya ang tatapos... "Heto gagawin ko to, ikaw na magtatapos nito, okay?" Pero kapag tingin mo di yun ang ginawa mong best, ewan ko lang kung best din ang ibibigay sa yo ng Diyos. Sabi nga "The only acceptable offering to God is offering oneself in complete faith and trust in Him." Ang kakatwa nito minsan, naisip ko na gusto ko ring ipairal sa sa sarili ko ang procastination kasi sobra na ko sa gawa.

*****

Sa iskul, nagkaroon na uli ako ng isang kaibigan. Yung tinutukoy ko dati na gusto ko kaibiganin na nagpapaypay kahit malamig yung aircon sa HSP room. Hehe! //^_^\\ Siya si Arwine. Madalas kasi mag-isa yun kaya kinausap ko. Lahat kasi ng kakilala niya, grumaduate na. Gusto ko kasi magkaroon ako kahit ng konting kaibigan lang sa Angelicum bago ako grumaduate. Napasaklap naman ng buhay na aalis ka man lang sa iskul at wala man lang makakaalala o nakakakilala sa iyong studyante. Tinanong ko nga siya, bakit siya nagpapaypay (kasi ginagawa na naman niya uli). Sabi niya kasi kanina pa siya lakad ng lakad. Kung sa bagay, apektado rin naman ang body temperature natin ang mga ginagawa at iniisip natin. For example, takbo ka ng takbo or kabadong kabado ka, kahit naka-aircon ka siguradong tutulo pawis mo kasi tataas yung body heat mo. Holy Heat!!!!

Anong nangyari sa amin. Kwentuhan lang, ayun, kakaiba siya. Hilig niya ang psychology at world history. Balak niyang kumuha ng course na BEC, something about education kung saan ang mga trabaho ay pwede kang maging professor or analyst. May thirst for knowledge siya. Isang bagay na kahanga-hanga sa isang tao at bihira ko na makita sa mga tamad na kabataan ngayon. Tinanong pa nga nya ako kung di ba ako naiilang sa mga tao sa paligid ko. Well, sabi ko, di ko na naman sila pinapansin, at hinahayaan ko nalang sila. (Deadmahan kasi yan para sa kin. Wag mo ko pansinin di kita pakekelaman. Basta wag mo kong gambalain o istorbohin, tahimik akong makikipamuhay kasama niyo. Wag kayong mag-alala at di ako makikiextra sa mga barkada ninyo... Natutunan ko na kasing wag pansinin ang mga tao sa paligid ko. Minsan, kinakaibigan ko lang ang gusto kong kaibiganin. Minsan yung relationship ko sa tao ay commensalism kung saan ayun tinutulungan ko sila pero wala akong napapala... //-_-\\ ) Binigay nga niya agad celno niya parang bang giveaway. Binigay ko rin ang akin. Bigayan naman ngayon kasi malapit na Xmas. Nakakatuwa ngang isipin na kilala rin pala niya si Marykay na nakilala ko dati sa office. Ang naalala ko binigyan ko pa siya ng drawing ko na Shizuku before Xmas noon kaso di ko na siya nakikita ngayon. Parang ang liit yata ng mundo ah. Kaso grabe, bigla nalang naglaho, umalis ng walang pasabi, wala man lang sayonara o bye bye. Ngeee... baka di na ako nakita, di ko nasense naging invisible na pala ako - Isang supernatural power ko. JOke... Siguro kasi kausap ko teacher ko nun. Pero kahit na diba? Sana kinalabit lang man ako o sinigawan. Pero di ko masisisi kung medyo aloof pa rin siya.

Iba-iba naman ang mga tao, you cannot expect them to do what you want them to do. Kahit naman ako minsan kapag may nakipagkaibigan sa kin at medyo di ko nareach ang expectation nila na maging open ako sa kanila, iniiwan nalang nila ako or hinahayaan pero di naman sila nagagalit. May impression lang sila na medyo suplada ako, which is di naman totoo. Pero kung ako sa kanila, pipilitin kong umunawa ng kapwa ko. Isang bagay, na gusto kong pairalin sa pagkatao ko kung gusto ko magbago ang buhay ko at magkaroon ng kaibigan. Sa pagkakaibigan kasi dapat marunong ka umunawa. Di sa lahat ng oras na lahat ng gusto mo nasusunod. At saka, it takes time para malaman mo kung ang isang tao karapatdapat maging kaibigan. May iba lang na introvert, aloof or either wala nang tiwala sa kapwa nila. Kailangan lang ng tiyaga para mabigay nila sa iyo ang confidence and trust nila. Importante lang na dapat marunong rin ang kaibigan mong umintindi sa iyo dahil kung hindi para sa akin hindi siya nararapat maging kaibigan. May karanasan na ako dyan dati at masasabi kong di ka talaga magiging masaya pag nagkataon.

Natanggap na ko na yng kopya ko ng vol 2 ng newsletter. Ay naku, wag nyo na akong tanungin basta wala pa rin yung sinubmit ko. Baka nga tinapon nalang yun sa basura o pinalamon sa kabayo. Mas aapreciate ko pa kung mangyari ang latter kaysa sa former. Baka biglang magtula nalang ang kabayong yun at mainspire pa, manalo sa lahat ng karera. At least baka nakatulong yung kinain niyang poem ko kaysa maging basura mabubulok lang sa lupa. Kaya siguro nung tinanong ko yung teacher ko kung meron nang kopya ng magazine, sabi niya wala pa, baka ibig sabihin wala pa yung mga contributions ko.

Binuksan ko ang newsletter at hayun sa poetry section, puro love or heartbreaks. *vomits* Puno ng mga mala-anime na love story comics na halos sinakop na ang kalahati ng magazine. Lang hiya. Ba't ayaw nila iseparate yun? Mabuti sana kung mala-pugad baboy humor yun or maiksi lang na one line or one page lang ang sakop. Buti pa sa Rosette ng Woodrose, may sense ang lahat ng content. Buti rin sa Pastorino, nung nagsubmit ako kay Ms Panganiban, aba in an instant tanggap agad. Dito sa Nth ay ewan ko kung saan nilipad ng hangin ang gawa ko. Sana liparin patungong Publishing Company. Joke... Ewan ko talaga kung ano ba kung di na nila nasingit dahil sa malanobela nilang comics o late na ang pagreceive nila o nasuka sila sa kapangitan ng gawa ko. Kung tingin nila "puwetry" lang yun, lang hiya sila, dahil galing sa puso ko pa naman yun lahat hindi sa pwet dahil sana Thai na yung lumabas. Ano bang gusto nila? Poem tungkol sa egg? Aaaaaaaarrrrrggghhhh.... Kahit sana isa man lang pumasok! Kahit yung story ko na lang (kasasubmit ko palang naman kaya wala pa) sa next volume. Patawarin sana ako ng mga hopeless romantics dyan pero parang nasusuka na ako sa mga love story eh. Oo na inaamin ko, gumawa rin ako pero tingin ko more than a love story or ibang maladrama lang na kwento yun. Eh kasi naman lacking siya ng patweetums, flirting-flirting, and PDA na alam kong feel na feel ng kabataan ngayon.

Ang naapreciate ko lang ay yung mga love story na romantic comedy, tragedy like Romeo and Juliet, or basta either isa or parehong mamamatay (ang saklap no?), o kaya yung mga may plot na kakaiba, out-of-the-usual ika nga tulad nung mga kay Shakespeare or yung mga Meteor Garden, Oh feel young or Lovers in Paris.

Meron akong isang kwentong nabasa sa Literature book. Yung bumili yung lalaki ng isang antique table cabinet something like that. May nakita siyang sulat isang araw sa loob ng lalagyan. Galing sa isang babae na nabuhay noong unang panahon. Ang kakaiba lang dun, nagsimula na silang magsulatan ng love letter at yung table na yun ang portal ng communication nila. Weird nga kasi parang kumbaga parang time travel communication kasi nabuhay yung babae noong unang panahon at yung lalaki sa present. Nalaman rin niya na yung table dating pagmamay-ari ng babaeng yun. Di sila nagkita pero pinupuntahan niya yung lumang bahay na dating tinirahan ng babae. Ang nabisita lang niya yung puntod na may nakasulat na "I never forgot."

Yung ng sine ni Robin Williams na namatay silang lahat, siya at ng mga anak niya tapos nagpakamatay yung asawa niya. Lahat sila nasa langit except sa asawa niya na sa impyerno napunta. Umalis siya ng langit at sinuong niya ang hirap ng impyerno maisama lang ang asawa sa langit. Ang sweet, touching talaga, naiyak ako nun, mga siguro 6 or 7 yrs old pa ata ako nun eh. Hehe...

Sa Titanic, masyado nahumaling lahat ng babae't bakla kay de Caprio *vomit*. Natouch lang ako sa part nung may matandang mag-asawang nagyakapan nalang sa kwarto nung lulubog na. Joke... Natouch lang ako nung malapit na lumubog talaga ang barko at mamamatay na si Jack, da best talaga ang scenes pag malapit na sa tragedy. Iyakan na... huhuhu...

Gusto ko rin yung mga romantic horror (meron ba?). Yung Underworld kasi may halong love story history dun ng isang bampira (babae) at werewolf (lalaki). Werewolves are supposed to be slaves of vampires. Eh yung babae, pinapatay ng sarili niyang ama dahil sa pagmamahalan ng dalawa at pinahirapan naman yung werewolf. Yung wwolf nakawala sa kadena at dun nagsimula yung war between the two species. Some kinda like that. Nung una nga akala ko kalaban ang mga werewolf, baligtad pala. Ang masama pala yung mga sosyal na bampira. Pero tingin ko mali ang genre na binigay ko. Is it supposed to be action suspense?

Imposibleng magkaroon ng romantic horror. Ano yun, matatakot ka at maiinlove at the same time? Hmmm... Paano kaya kung gumawa ako ng ganung nobela. First ever in history baka maging sikat ako at manalo ng IDIOT AWARD ang book ko. Well, ang gusto ko kasi kung gagawa ako ng isang love story na nakakatouch pero less ang mga PDA, walang flirting at saka pure love walang --- (I value purity kasi). Weird hindi ba, kaya nga gusto kakaiba eh. Yung tipong sa puso ang tama hindi sa senses... Gusto ko pa yung tipong world class literature na pwedeng pag-aralan ng mga bata, highschool at college. Ngeeekkk... si Ms Dreamer umandar na naman.

1 comment:

  1. Great Blog! Hindi ko akalain na may estudyante pala akong ganito kaimaginative at kaliksi ang isip! Keep it up!

    ReplyDelete