Ano??!!! May EVAT na rin pati telephone bill natin??!! |
Nanaginip me, nood daw me SEA games sa tv. Nagalaban daw 2 batang pinoy (1 payat, 1 medyo mataba). Grabe nung magsimulang maglaban halos magpatayan. Si payat tinumba yung kalaban at tinapakan at halos wasakain na ang laman ng binti ni tabachoi. Tumayo uli si taba pero kahit naglilimp biglang umikot at sinuntok sa mukha si patpatin. Nauka tuloy at nabasag bungo nito, at 2 beses pa tinamaan! Ang nakapagtataka , walang dugo, at ayun nakatayo't buhay pa rin. Kahit deformed na ang ulo, mabangis pa rin at sinugod na naman si chababski. (Iemphasize ko lang, di naman talaga malobo katawan ng isang player. Wala na kasi akong maibigay na screen name para sa kanya.) Tuloy ang laban, ganitihan, suntukan, sigawan... Sobrang bayolente! Sabi ko sa sarili ko, "bakit di pa sila pinipigilan ng referee? Karate ba ito, rambulan o deathmatch?" Nagwalk-out tuloy ako at nagkulong sa banyo kasi di ko masikmurang panoorin. Sumunod umalis si mama. Naiwang nanonood nalang sa sala si papa. Ayun, parang matatraumatize nga ako nung nagising ako.
Pahabol question sa SEA Games, meron bang kasamang sports na Beyblading, Crush Gear Fighting, Tamiya, Super Yoyo at Yugioh Duel Monsters dun? Mukhang kulelat tayo dun, wala akong narinig na nakatanggap tayo ng medal.
Masyado na bayolente ang mundong ito. Marami na ring adik sa video games... (Chismax: Alam nyo ba na may kapitbahay kami na tuwing weekend, 6am hanggang 9pm nakababad sa internet cafe sa halos buong araw na yun? Oo, wala nang alisan, Grabe! Sinusulit talaga yung P200 unlimited dyan sa PCez. Hinahatid sundo pa ng tita at nagpapahatid pa ng pagkain samantalang highschool na siya! Spoiled brat kasi yun eh. Napakairesponsableng bata! Dapat masisi rin ang mga magulang nyan eh. Tignan natin kung anong mapapalang mabuti nyan balang araw.)
Alam nyo ba na merong game na nagtuturo sa bata kung paano pumatay at magnakaw? Nabasa ko yun sa Readers Digest. Bakit ba sila ganun? Di ba sila makagawa ng matino-tinong online game?
...............................................
Kung ako magiging creator ng isang 3D online game tatawagin ko itong...
"THE DIVINE WAR"
[Please insert coin to continue]
*inserts token*
Intro: GENESIS THE BEGINNING
In the beginning... (short summary of creation account until Adam and Eve's first sin)
For ages, sin has caused death and suffering among men. The devil is our enemy. God is our protector. The battle between good and evil is ongoing. The Lord is giving you the mission to be His Divine Warrior...
[Accept mission] [Refuse Mission
*clicks accept mission*
Choose your character:
(All cute chibi anime angel characters are displayed. Each with a name derived from the names of angels and saints.)
*selects Michael*
[Rules] [Start] [Exit]
*Clicks rules*
Rules:
1. Fire bullets of virtues to sinners to lead them to conversion. It adds points to your score.
2. Kill demons using your sword to add score points. Demons will destroy you and decrease your attack and defense, and may soon consume your Life Points.
3. When you lost all of your LP, you go back to starting position.
4. Avoid any temptation or sin. Venial sins deplete your virtue bullets and decrease defense. Grave sins consume defense and reduce half of your remaining LP. If you sin, immediately go to the nearest church for confession to cleanse yourself and regain your defenses. Be careful with demons on your way.
5. Avoid the traps of evil. They will reduce your attacking power.
6. Using a sword in killing humans is also a sin. It will bring you back to starting point. Go to confession to bring back your defenses.
7. Helping the least, the lost and the last will bring you graces which you can choose to exchange with virtue bullets, additional attack power or defense.
8. When you see an altar, kneel and pray. Praying increases attack or defense power. Going to mass adds virtue bullets. Reading bible gives you seeds of good news.
9. Spreading seeds of good news to sinners and non-Christians adds score points.
10. Each level has a required number of score to achieve in order to enter the next level. Demons evolve and get stronger and plentier as level increases and more sinful traps awaits you.
11. On level 7, your angel will be confirmed and allowed to receive communion. Communion adds LP.
12. On the second half of the game, your angel will mature. You wil receive special abilities like healing powers, driving out demons, wisdom, speak diff languages and do miracles. Each kind of power will only be released at the right place at the right time. Using them will add to your score.
13. On Level 40, your angel will come to its final stage of development. This is the most difficult level, called the Apocalypse: Final Judgement. You will come face to face with the Devil and must save "all" the souls of the righteous. You are to slay all the evil men with your sword. You must complete the tasks until the triumph of God's Kingdom. Failure to achieve the goal will bring you back to Level 21.
Prepaid cards must be consumed within 60 days from first log-in. Your money will be directed to charity work and services.
[Start] [Exit]
*clicks exit*
(nahulog ang mga coins palabas)
...............................................
Nagsimula na Season 3 ng Naruto! //^^\\" Napromote na si Shikamaru sa Chunin level. Naks naman, idol!
*****
PIKORI: Congrats, Shika-chu! Yeehee! Naks, Chunin na ha! You're da real genius. Walang sinabi sina Naruto at Sasuke sa iyo.
SHIKAMARU: Kahit kelan di ko kinumpara sarili ko sa kanila. Ako ay ako.
PIKORI: Aba oo naman. Di naman pwede siya ay ikaw, ako ay ikaw, siya ay ako, ikaw ay ako... kundi sinapian na sana kita.
SHIKAMARU: O sige na, sige na!
PIKORI: Go Shikamaru! Go! Go! Go Shikamaru! Go! Go!
SHIKAMARU: Mga babae talaga ang hirap intindihin.
PIKORI: Totoo nga ba ang tsismis na kumakalat na mas type mo raw ang mga chubby girls.
SHIKAMARU: HUh? ...hay... Ang di nyo alam, karamihan sa mga lalaki ay ayaw sa mapapayat.
PIKORI: Bakit, ikaw ba ang representative ng mga lalaki sa mundong ibabaw?
SHIKAMARU: Alam mo, mas masarap kasi yakapin ang mga chubby. Kung ikaw papipiliin kahoy o unan, siguradong unan ang gugustuhin mo diba? Parang ganun na rin yun. May korte nga ang katawan pero nakakatusok naman ang buto, la rin.
PIKORI: Ganun? Kung ganun di mo feel tong babaeng to. (sabay pakita ng picture ni Chx)
SHIKAMARU: ...sino yan? Katulong nyo? Maawa ka naman. Pakainin mo naman ng mabuti!
PIKORI: Hahahahahahahahaha.... Pantasya yan ng mga kalalakihan!
SHIKAMARU: Ah... baluktot na ata henerasyon nyo.
PIKORI: Tama ka... Kung sa bagay naisip kong mas cute tignan si Claudine noong mas chubby pa sya. Ganun din sina Mylene Dizon at Sandara dati. Yung tama lang pagkachubby ha, not da nutty professor type.
SHIKAMARU: Pero minsan talaga di ko maintindihan kung ano nagugustuhan ng isang lalaki sa isang babae.
PIKORI: Oo nga, sa panahon ngayon sa mundo namin, mas gusto na ng mga lalaki ang mga malalandi at agresibo, mga "pok2x" types ika nga. Nakakalungkot...
SHIKAMARU: Bakit ano ka ba sa mundo ninyo?
PIKORI: Para akong tahong, nakasarado... pwede rin chameleon, nagkacamouflage kaya di napapansin. Kung minsan batang-isip at abno parang tulad ko ngayon sa mundo ng blog ko. Alam ko naman na mas gusto nila ng mga "mature" kaya la na akong pag-asa.
SHIKAMARU: Ang di ko naman maintindihan ay kung paano nakuhang pakasalan ni papa ang mama ko. Laging maingay at ang sungit sungit pa. Biruin mo parang torotot sa umaga...
Pero kung tutuusin, wala naman talaga ako pakelam kung ano pang hitsura ng mapapangasawa ko. Kahit pangit pwede na...
PIKORI + SHIKAMARU: (nagkatinginan) ...haaay...
PIKORI: May pagkaabnormal ka rin no? ...Mas masaya siguro tumira sa mundo niyo.
SHIKAMARU: Wag mo nang pangarapin pa. I-enjoy mo ang hi-tech nyong mundo. Ang mundo namin ay mundo ng mga ninja. Di magiging madali sa iyo ang tumira dito. Teka, ano ba to? Naghahamon ka na naman ba ng IQ test?
PIKORI: Hindi. Psychological test to. Napatunayan kong hi-quality talaga ang takbo ng brain mo. Buti ka pa, di mo hinihila pababa ang confidence ng ibang tao. Sana halos lahat ng lalaki tulad mo. Kaso sorry nalang, di na ako ganun kachubby tulad ng dati.
SHIKAMARU: Di ka naman kasama dun sa type ko.
(Binatukan ni Piko-chu si Shika-chu)
SHIKAMARU: Aray! Ba't mo ginawa yun? Wala naman ako dandruff!
PIKORI: Baka kc may konting malaglag sa brain mo.
SHIKAMARU: Tantanan mo na ang utak ko!!!
*JIMMY BUNDOK SINGS*
"I believe ang brain mo ay buo. Kung kaya ako'y nambabatok...
Noong una ang tingin sa iyo'y abno. Matinik pala ang IQ mo, paano na ako?
Araw-araw naghihintay mahawaan ng pagkagenius mo baka tumalino rin ako..."
SHIKAMARU: O sige na nga! Pikori, bibigyan na kita ng talino. Hmm... (inuntog slightly ang ulo niya kay Pikori)
PIKORI: Ganun lang yun?
SHIKAMARU: Oo.
PIKORI: Parang Blue Blink...
SHIKAMARU: Umuwi ka na.
PIKORI: Ah Shikamaru...
SHIKAMARU: Ano yun?
PIKORI: Kasi... ano... may sasabihin ako sa iyo...
SHIKAMARU: Ano yun?
PIKORI: (sings Lakambini Bottom) Binibining sexy (4x) eh ano ngayon kung mataba sya?! mas masarap daw magmahal ng babaeng lumba-lumba...
SHIKAMARU: Ayoko na!!! (naglakad ng papalayo) Akala ko naman kung ano na...
PIKORI: Wait! Chunat naman nito o! Mamamaya ibigay ko sa iyo si Tonton eh! Tandaan mo, kapag di umubra ang IQ ko ibabalik ko sa iyo with a force. Oo, isang headbutt! Lang hiya ka talaga! Gusto mo bang sabihin na walang silbi ang pagdidiet ko... ggrgrgrrgrgrgr.... Madaganan ka sana, mapisa ka sana, maipit ka sana, madurog ka sana ni Dabiana!!!
SHIKAMARU: You wish!
PIKORI: Yes, I will! On a megastar!!! (sa isip) Pasalamat ka at di lang kita matuksong lampayatot dahil di ka naman lampa!
SHIKAMARU: Hay... Akala ko ba nagkaintindihan na tayo? Ako ay ako at ikaw ay ikaw. Lahat tayo may sariling kakayahan. Wag mo ko kainggitan. Anong malay mo baka balang araw maging mas magaling at mas sikat ka pa sa akin.
PIKORI: Hmmm???
SHIKAMARU: O sige, bibigyan kita ng mga dahilan kung baakit di pwedeng ikaw ay maging ako. 1) Kung maging super genius ka na, di ka na pwede sa FOOL HOUSE. 2) Tamad ako at masipag ka. 3) Pag naging tamad ka, matutulog ka nalang palagi at tataba ka pa. 4) Kung tumaba ka, paano mo ngayon paluluhurin sa asin ang mga ka-live in mo?
PIKORI: (binatukan si Shika-chu) Anong ka-live in!!!??? Gusto mo ata ng away...
SHIKAMARU: Di pa nga ako tapos, wag mo alugin ang utak ko baka tumilamsik. 5) Masyado ako advanced at ikaw late bloomer. Sabi nga nila, parang matanda daw ako mag-isip. Ienjoy mo muna ang pagkabata mo. 6) Lalaki ako at babae ka. Baka malito ka sa gender mo. 7) Baka sa sobrang talino, sumabog utak mo. 8) Sa ugali pa lang magkaiba na tayo. Baka magkaroon ka pa ng multiple personality disorder. Sabihin mo pang ikaw si Pikomaru. 8) Di rin madali ang lagay ko. Siguradong kung ikaw ako, lalo mong iisiping malaki ang agwat mo sa ibang tao... Mahalin mo kung sino ka. Alamin mo ang iyong lakas at kahinaan. Paunlarin mo ang sarili mo. Maging original ka sa sarili mong paraan para magkaroon ka ng sariling pangalan at identity nang di sumusunod sa yapak ninuman. Walang taong bobo. Nasa sa iyo na iyon kung paano mo gaamitin ang iyong kaalaman at papalawakin ang iyong isip. Invest in your mind. Read, watch, listen only what adds quality to you because mind matters.
PIKORI: Sa haba ng sermon mo, humaba na buhok ko.
SHIKAMARU: Oo nga, parang 2 cm ang dinagdag.
PIKORI: Mali! MUKHANG MAS MAKAPAL lang.
SHIKAMARU: (kinurot pisngi ni Piko-chu) Ah basta! Ayokong ibigay sa iyo kahit konting bahagi ng brain ko. Baka pagkamalan pa tayong magkapatid. Gusto mo rin bang magkaroon ng utang na loob sa kin? Bibigyan kita ng piece of mind, pero may kapalit.
PIKORI: Wag nalang, baka patabain mo ko. Arrraay!!! Mamamaga na pisngi ko!
SHIKAMARU: Ayaw mo nun, chubby cheeks.
PIKORI: La na ba ibang paraan para mashare ko ang knowledge mo? Promise, di ko na pakikialaman ang brains mo.
SHIKAMARU: Meron. Kung sana ako master mo at ikaw ang apprentice ko. Kaso malabo. Mas matanda ka pa sa kin ng ilang taon. Di pa ako karapatdapat magturo dahil hanggang ngayon tinuturuan pa ako ng tatay ko.
PIKORI: Eh kelan pa? Paglola na ko?
SHIKAMARU: Ah... maghanap ka nalang ng ibang sensei. Wag ako.
PIKORI: Ah basta friends na tayo. Sabi nga nila, "Tell me who your friends are, and I'll tell you who you are." Sige alis na ako. Sayonara Shika-chu. Farewell, atama. (pats head of Shikamaru and exits)
SHIKAMARU: Ngeek... alien talaga. Pero may punto rin siya dun ah.
*****
Gumagawa ako ng isang listahan. Hindi Xmas wishlist kundi "Reasons why I like Shikamaru." Wala pa akong specific number eh. Pupunuin ko pa. Kung iniisip nyong dinedma ko na si Gaa-chu, nagkakamali kayo. Wala kasi akong reason na maibigay sa kanya. Wala naman akong sinabing wala siyang magandang traits. Tandaan natin na naging Kazekage rin siya na inidolo ng lahat. Nagiging hadlang kasi ang pagiging ultra-negative at super-galit sa pag-unlad ng isang tao. Kaya kung ikaw ay magagalitin at grabe sa pagiging pessimistic, relax!!! Mag-unwind ka paminsan minsan at mag-isip ng positive thoughts once in a while. Magpa-SPA at uminom ng C2. Dahil kung hindi sige ka at baka malagas yung kilay mo at magkadouble black eye ka tulad ni Gaara. Hehe! //^__^\\ Saka di pa pala tapos. Meron pa palang appearance si Gaara sa susunod. Lalabanan niya si Kimimaro, yung tuta nga ni Oro. Ano na naman kayang bagong antics ang ipapakita ni Buhangin Boy?
Ang saya pala maging isa sa mga tauhan ni Orochimaru. Magkakaroon ka ng ability na magkalat ng tattoo sa buong katawan mo dahil sa cursed seal! (Naalala niyo naman yung nangyari kay Sasuke) May sarili ka pang design na naiiba sa mga kasama mo. Ang pinakamaganda yung design ni Sakon! Parang batik na batik na ketong. Mukha nga syang dalmatian na askal eh. Hehe! Tuwing nakikita ko yung anyo niyang yun, ay naku, parang gusto ko siya ilublob sa Tide!
PIKORI: Sakon! Nakahanda na raw pampaligo mo. Pinagbabaran na yan ng labahan kanina sa Tide!!!
SAKON: Che! Di to natatanggal sa tubig at sabon! Kahit Tide pa man yan, Surf o Ariel, wala yang panama!!!
PIKORI: Ganun? Never mind, wag ka na maligo.
TAYUYA: Ay naku, kaya pala ang baho na niya no! Kahit man lang sabong panlaba o dog shampoo ayaw magbabad!!!
PIKORI: Ba't ayaw mo siya itulak sa balon?
TAYUYA: Yun nga balak ko eh kaso lumalaban. Ayaw ba naman nyang matanggal yang make up niya sa mukha!
PIKORI: Bakla ba yan?
TAYUYA: Feeling ko nababakla ata kay Master Orochimaru. Kundi baka kay Jiroubou o Kidoumaru.
SAKON: Hoy, anong pinagtsitsismisan nyo dyan?
TAYUYA: Ano pa eh di ang mabaho mong mukha!!!
PIKORI: Mukha lang ba? O buong katawan?
TAYUYA: Ay naku! Buo pa nyang pagkatao!!!
PIKORI: I suggest, ikulong mo si Sakon sa sako.
TAYUYA: Kung pwede lang sana, matagal ko nang ginawa. Pinagtitiyagaan ko lang yan dahil kay Master Orochimaru. Hmp!
*****
Mag Big Talk tayo ngayon. Naalala ko sa PBB, nagdiyus-diyusan si Big Brother. Yung task is gugupitin, susunugin at itatapon ang mga pinakamahalagang mga gamit nila. Dumating sa part na pinapagupit yung pants ni Uma pero ayaw niya kasi bigay sa kanya yun ng mama nya. Nagkandaleche-leche na dahil ayaw nga gupitin ni Jason. Papalayasin daw si Jason kapag di sumunod sa rules. Nagalit si Nene, umiyak si Cassandra, kumontra din si Uma. Tapos sa dulo, pinalitan pala yung pants at sinabi sa kanilang lahat ni Big Bro, "Sa tingin nyo ba, gugustuhin kong masira ang isang bagay na napakahalaga sa inyo?... Uma, di ba ako rin ang naglapit sa iyo at sa iyong mahal na ina?" Ayun, bumagsak sila sa test ng "faith kay Big Brother." Ano ba yun? Feeling ko ang baduy... Para sa kin kasi Diyos lang ang may karapatan magsalita ng ganun.
Congrats Nene!!! Once again in Philippine history, Filipinos have voted wisely. Sana ganun din sila sa eleksyon, no? She deserves to be the winner naman eh. Siya kasi ang PINAKAMATAPANG (willing siyang gawin kahit ang pinakamahirap na task), PINAKADISIPLINADO, PINAKAMAABILIDAD (kaya niyang gawin kahit trabaho ng lalaki), PINAKAWAIS, AT ISANG TUNAY NA KAIBIGAN (di plastik, di backstabber, di mapanghusga sa kapwa at walang tinatapakan). Yung iba nagsasabi na hindi raw siya maramdaman sa loob ng Bahay ni Kuya... isa lang ang dahilan... dahil wala naman silang makitang kapintasan sa kanya. Nakakatouch din yung buhay niya kasi di siya binigyan ng nanay nya ng tamang pagmamahal. Tinaboy pa nga siya at pinalayas. Pero nagsikap siyang itaguyod ang buhay at pag-aaral niya sa sarili niyang sikap. Mabuti nga siyang anak dahil mahal parin niya nanay niya. Tignan mo mommy niya ngayon, sising-sisi at sikat na at mayaman pa anak nya!!! Kaya nga masasabi kong, di dapat hinahadlangan ng mga magulang ang pangarap ng kanilang mga anak dahil balang araw dun din nila makakamit ang tagumpay at kasiyahan.
Talagang nakatakdang si Nene ang manalo at di si Franzen. Kasi ang pangit tignan na bumoto lang tayo dahil sa awa, diba? Para saan pa yung contest kung paiiralin natin ang awa. Para saan pa ang rules kung di naman pala susundin? Di naman yan contest ng sinong pinakanakakaawa sa lahat. At saka sa lahat ng housemates, si Nene ang masasabing "modelo ng mga Pilipino." Dapat ang winner magrereflect sa tunay na Pinoy. Sabi ni mama, masisira daw image natin pag si Franzen kasi pasaway, jologs at unhygienic... alam nyo na yun... Di naman sa ayaw ko sa kanya, actually natatawa rin ako sa kanya pero I think he deserves something different... iba kapalaran niya. Sinayang din naman niya pagkakataon eh so wala talaga... the rules have to be obeyed.
Sabi ni papa, totoong si Nene ang "UNANG PINOY BIG BROTHER WINNER" dahil first time in history na naging "Brother" ang isang babae. Sabi naman ni mama, kapag "Pinoy Big Sister" si Uma daw mananalo. Hehe... //^o^Sira na rin yung Say-JB love team. Hay naku... normal na yan. Kailangan pa bang imemorize yan? Bisyo na 'to!!!
Si Sam pala kumanta ng theme song ng "Only You"? Di ako makapaniwala, isa na namang panlilinlang ang naganap.
"Why, Sam? Why is it Only YOu, YOu You and You nalang?"
Di ko hinuhusgahan pagkatao niya. Tinatanong ko lang bakit ganun... O sige na nga, alang-alang para kay Shikamaru tatandaan kong "Ako ay ako. Siya ay siya. Wag ikumpara ang sarili sa iba."
Pero may dahilan parin ako para sabihin ayoko sa kanya. 1) May bisyo siya, pagsisigarilyo. Ang taong may bisyo ay malaking turnoff para sa kin. 2) Mababa taste niya. Una, crush niya si Say. For me she's too maarte, ya know... (natawa tuloy ako nung biniro ni Uma si Say, "Mukha raw sya kawawa pag walang make-up"). Tapos bumigay naman kay Chx, eh ang landi nun. Wala na bang ibang babae sa mundo? Wala na bang mapiling matino? Kung ako si Sam, kay Nene nalang ako :) Oo nga may Bob na siya, pero hello si Say kaya may JB pa noon at si Chx may Rico pa!
Si Teacher Racquel naman, feeling ko pinaglalaruan nalang eh... walang magagawa nasa kontrata e.
*****
Nagsabit na pala kami ng decorations sa xmas tree at sa loob ng bahay. Favorite ko talaga yung tumutunog na teddy bear pag pinipindot ang paa. Perfect pa tunog ng dalawa (grabe 2 yrs na lumpipas ah!). Yung pangatlo naman sintunado na at yung last silent night, oo kasi silent na. Nakasabit sila sa may cabinet, ang cute!!! Kaya ang masasabi ko,
"HAVE A BEARY MERRY CHRISTMAS!!!"
*****
Hay naku, marami pa ko proj sa Filipino. Iniisip ko ngang manghiram ng VCD ng "Pagdadalaga ni Maximo Oliveros" para sa pagsusuri ng pelikula. Kailangan kasi napapanahong pelikula. Ayoko naman ng Dubai o Mulawin da Movie!!! Mapipilitan pa ata ako gumawa ng jologs na love story. Pinapagawa kami ng skrip para sa isang dulang panradyo. Tapos sulat-kamay pa! Ilang pages kaya magagawa ko? Hirap na nga ako sa pag-iisip ng idea, di ko alam kung paano magsisimula, mas lalo pa ending! Mahaba pa naman ako magplot ng kwento. Tapos more on sound effects dapat! Haaayyy...
Daimos...
"Richard!"
"Erika, I love you!"
wOw.. ka2tuwa nman bLog mU... aQ gs2 cO c itacHi.. grabE miZ cO n unG narutO.. meron dnG narutO d2 kxO nsa cmuLa pLn.. dun s paRt ni Haku nD Zabuza.. kaEpaLan nLa.. tpOs c naruto, s evEry endinG n sEntence nia, LgenG mai "believe it!".. ka2axR.. c Nene PimenteL ba Un? unG na2Lo? grabE hnD nQ updatEd s mGa pNgya2rE s pinaS..
ReplyDeletecgE add mO Q s LinkiEs mO.. aDd Rn kta.. thanx! ;)