Naalala ko pa noon sa elementary, madalas kong tuksuhin ang kaibigan kong si Parcero ng "PASEO WET TISSUE." Then, recently, binilhan ako ni mama ng tissue na ang pangalan ay ... "TEEPEE." *lols to death* Tignan mo nga naman! After so many years, bumalik rin pala sa akin! Ginantihan ako ng tadhana at sa anyong tissue paper rin!!! It's a law of action and reaction! Funny! harharharhar... Tinago ko nga yung pack as a remembrance. Ah! Teepee Tissue! Tippie Tissue! *rolls and lols again*
Meron akong nakitang label ng SUGAR-FREE sa tinapay. Kinuha ko nga yung label at kinabit sa damit ko, sabay kanta ng...
Ipaglalaban ko ang ating pag-ibig
Maghintay ka lamang, ako’y darating
Pagka’t sa isang taong mahal mo ng buong puso
Lahat ay gagawin
Makita kang muli...
Hehehe...
Nagsimula na rin ako ng panibagong chapter sa diet ko. I'm trying to follow as much as possible yung Hallelujah diet, a healing and cleansing diet. Baka lalo pa nga ako pumayat nito at gumaan. Makakalipad na naman akong muli sa hangin. Weeee! And because it consists of larger portions of raw fruits and vegetables, makakatipid na rin kami sa gasul.
Here's my diet plan:
Early Morning: Barley Life Juice (soon to increase to 3x a day)
(Back 2 sleep) //^o^\\ *lols*
Mid Morning: Fruits; Carrot-Apple Juice
Lunch: Vegetable Salad
Early Evening: Vegeta //~_~\Supper: Cooked food (vegetarian meal); Fruit; Milk w/ whole grain cereal
Pinipilit ko kumain ng iba't ibang gulay. Di kasi lahat feel ko pero anyway sanayan lang naman yan. Mabuti na ito at environment-friendly. Magiging hipokrita kasi ako kung sasabihin kong animal-lover ako pero kumakain naman pala ako ng karne, hindi ba?
Anyway speaking of hypocrisy, that is human nature. I guess we are all the same. Inaamin kong may pagkahipokrita rin ako. May mga pagkakataon kasing di nagakakatugma ang isip, salita at kilos ko. Kaya nga I describe myself as an ironic person. Pero sabi nga nila "Actions speak louder than words" kaya MABAIT pa rin naman pala ako. //^___^\\ hehe! May pagka-fault finder rin kasi ako. I sometimes tend to blame others. As long as meron akong maituturong culprit ginagawa ko, wag lang akong madiin at saka malinis lang ang pangalan ko. Bad girl! *sinampal ang sarili* Pero may mga times na kinokontrol ko na lang bibig ko kasi alam kong posibleng magkalamat ang relasyon ko sa ibang tao. Kaso kung hindi man madaan sa salita, eh di dito ko sa blog tinatapon lahat ng paninisi sa ibang tao. In that case, I try my best to have a good image sa harap ng ibang tao para wala silang mabigat na dahilan para isisi ako. //-_-\\ Lahat halos naman kasi tayo ganun. Ayaw mo ngang nasasaktan pero nakakasakit ka rin naman kahit hindi sinasadya. Ayaw nating naghihirap pero pag bigay ng sweldo o allowance, sabay gastos agad. May mga taong ang sasarap pagpapatayin pero di naman natin magawa. Reklamo tayo ng reklamo pero pati tayo nagagawa rin natin yun sa iba kung minsan. But we tend to blame it on others and sometimes on "influence." Di ba, ironic? Well, nobody's perfect afterall... Pag nanumpa ba kayo sa watawat, totoo na bang nag-aalab ang iyong diwang makabayan o baka naman pag umawit na ng Lupang Hinirang eh nakabaluktot ang bewang mo at nakatingin ka sa crush mong kamukha ni Jose Rizal? Totoo bang "Aming ligaya na pag may mang-aapi, ang mamatay ng DAHIL SA IYOOOOOOO...(sintunado-like Jen Bautista)...ooo... *coughs* Pag kinanta ba natin ang "Pinoy Ako", nagbabago ba paningin natin sa ating kultura at sining o pinapaairal pa rin natin ang colonial mentality? Well?
*****
Pansin niyo ba, parang kailan lang na nagdiwang ang buong sambayanan dahil sa pagkapanalo ni Pacquiao at bigla nalang binawi ito agad sa atin sa isang trahedya. *sigh*
I suggest ibahin na ng Wowowee ang show nila. When I hear the name, its not fun anymore. Parang the first thing that comes into your mind is the tragedy. And I don't mean to be funny pero even my joke noon na "Wawa We" meaning Kawawa tayo, parang I don't wanna use it anymore.
Moral: Konting disiplina lang po. Pumila ng maayos at wag makipagtulakan at makipaggitgitan. Kindly wait for your turn. Kung di mapagbigyan, tanggapin na lang nang maayos kung anong makukuha. Mabuti na iyon kaysa lalo ka pang mawalan sa bandang huli.
Dapat mag-ingat ang GMA7 sa mga sinasabi nila. Alam naman nating madalas magsiraan ang dalawang stations. Wag nila makuhang gamitin ang naganap na pangyayari sa Ultra para lang sa sariling kapakanan. That would be inconsiderate. Tsk tsk tsk...
Nagalit din ako kung bakit maraming nagsasabi "May dahilan ang Diyos ba't nangyari ang insidenteng ito." Heller, my dear fellowmen! Di naman siguro namilit ang Diyos na pumunta sa Ultra! (It's one's own decision). Di Niya rin binilin sa atin na makipagtulakan tayo. Di rin naman inutos na tapakan natin ang kapwa natin. At di nakasaad sa Bibliya na umarte tayo na parang hayop at pababain ang dignidad natin bilang tao para lang sa pera. We degrade ourselves. And I hate it when they say "Where did we all go wrong?" Do we need to slap our faces in order to know the reason why? The answers are already in front of us. Ika nga "Tutuklawin ka na ng ahas, di mo pa rin nakikita!!!"
And I don't really wanna say this but... "MRS. ARROYO, LOOK AT YOUR PEOPLE! ETO BA ANG SINASABING GUMAGANDANG EKONOMIYA?"
Sino bang niloloko nila? Sarili nila? Ano bang silbi ng EVAT at pagtaas ng piso sa dolyar kung ganitong klaseng mga tao ang makikita mo sa bansa, na halos magpatayan na para lang mabuhay. Moreover, with the increasing crime rate. Lahat halos ng mga kaibigan at kapitbahay namin naging biktima na rin ng pagnanakaw at hold-ups. But I'm glad na nothing bad happened to them. Well, I'm not blaming our president for "everything" but please ang MalacaƱang sana wag magbulag-bulagan. Wag sana sila magsasalita ng tapos kung hindi nila totoong nauunawaan at nararanasan ang mga nangyayari sa paligid nila. Andyan lang naman sila sa palasyo, may naghahanda ng pagkain sa kanila, may instant trabaho na sila, at sweldo pa. Samantalang ang iba nanganganib pa na mawalan ng trabaho at ang iba walang makuhang trabaho kaya ang tendency is either pumunta abroad or kumapit sa patalim. Ang mga nanay nagkakandarapa kung paano pagkakasyahin ang budget dahil sa tumataas na bilihin samantala ang mga sweldo ng asawa nila ay hindi naman nagbabago, sa halip ay lalo pang nababawasan! I dare all the officials of the government to live a year away from all the luxuries they have and live like a normal Filipino. Magsimula sila sa simula, walang trabaho, bigyan lang ng kakarampot na pera, tumira sa barungbarong at tignan natin kung masasabi pa nilang gumaganda ang ekonomiya ng bansa.
Nainis pa ako kay Corpus. Sabi niya tinrato daw ng ABS na parang hayop ang mga tao. Baka nakalimutan niya, ang pagbubomba ng tubig sa isang prayer rally, ang pamamalo ng mga pulis sa mga rallyista, ang pagsampa ng death penalty at pagkukulong ng mga bilanggo. Tell me, hindi rin ba ito pagtrato sa tao na parang hayop? Well, di naman ako tumututol sa pagkulong ng mga kriminal pero aminin na natin na may mga oras na tinatrato na rin natin ang isa't isa na parang hayop. Kaya nga dito nag-originate ang expression na "HAYOP KA!" //^^\\" Eh mismong pamamalo nga sa bata... *sigh*
AAAAAAAAARRRRGGHHHHHH!!!! GGRRRGRRRRRGRGRRGRRRGROWLGRGRGRRR.... AYOKO NA!!! INIS NA KO!!!! *rips kodigo into pieces* Babalik na ako sa sarili kong mundo!!! *rides in her flying saucer that flew to the outer space like a shooting star*
*****
Oh by the way, may date na ba kayo sa Valentines? Ka-date ko nga si Manten. Reregluhan ko nga siya ng Activogland, yung hairgrower sa Home TV Shopping. Pero sa totoo lang di ko talaga siya type. Secret lang natin yun ha! Abangan niyo na lang kami baka magmeet tayo sa Baywalk! Tignan ninyo at baka pagnagsimula na ang Laba-palooza, shashampuhan ko na ulo niya sa dagat. *lols*

*****
KISAME: Yuck! Ano ba naman yang hitsura ng kadate mo.
PIKORI: Pwede ba, wag kang hipokrito. Wala namang pinag-iba ang pagmumukha mo sa kanya.
KISAME: Yan ba ang type mo. Maginoo pero medyo PANOT?
PIKORI: Yan ba ang tingin mo sa akin? Kahit matamis ang panutsa, hindi nangangahulugang ganun din magmahal ang mga Panut! Tingin mo ba papayag akong mag-anak ng marami pang ngetpa in this universe? Over YOUR dead body! Baka matulad lang ang kapalaran ko sa kanyang ama. YUck just imagine no.
(FYI, tao kasi tatay ni Manten at nagmana naman siya sa kanyang ina)
GAARA: Nakipagdate ka pa!
PIKORI: Aba! Yan ang in demand ngayon. Di mo ba alam malaki ang tsansang ipasyal ka at pakainin ka ng libre ng kadate mo anytime. Mahal na mga bilihin ngayon! It's about time na may iba namang gumastos.
KISAME: Ang lupet mo naman! Ba't di mo nalang diretsuhin! Kailangan mo pang pahirapan ang isang iyan eh tignan mo kawawa na nga't kalbo na.
PIKORI: Kaya nga reregaluhan ko ng hairgrowers bilang consolation prize.
KISAME: Na may kapalit naman!
PIKORI: Aba siyempre. The best things in life are free pero hindi pa rin iyon ang matatawag da best.
KISAME: Ha! Tingnan mo lang at baka makabingwit ako ng magandang babae dis season.
PIKORI: Baka ikaw pa nga ang mabingwit eh.
GAARA: Tingin ko malaki ang tsansa mong makahanap sa palengke.
PIKORI: Ah oo, marami nga doong mga DALAGANG bukid!
KISAME: Marami naman akong pera kaya pupunta ako sa bar.
PIKORI: Bar? Ah oo marami din doong BAR-racuda!
GAARA: Hindi naman kaya pag punta mo doon akalain nilang dumating na ang order nilang live pulutan.
(humagikgik si Pikori)
KISAME: Aaaargh!
PIKORI: Aaaargh ka dyan!
KISAME: Lagi niyo nalang pinabababa ang dignidad ko! Samantalang ikaw Pikori nakakaattract ka nga pero ng mga kahayupan naman!
PIKORI: Aba! Eh di dapat nga magpasalamat ka pa at tinanggap pa kita dito. I mean kayo.
GAARA: (inis) Oo na! Tanggap ko nang halimaw ako. Matagal na!
PIKORI: Meron ba namang kasing taong mahilig magtago sa buhangin?
GAARA: (sungit) Hmp!
KISAME: Alam mo Gaara para sa isang supladong tulad mo kailangan mo ng pag-ibig. Maghanap-hanap ka sa disyerto baka swertehin ka.
PIKORI: Anong mapapala niya sa disyerto aber? Wag mo sabihing papapuntahin mo pa yan ng Dubai! Sinong sasagot sa ticket niyan?
KISAME: Makikipagdate lang naman siya sa mga kamelyo. Dalhin nalang niya yung gaarapon niya para kunwari camel din siya. Tignan mo maumbok din naman sa likod parang Kampanerang Kuba. (tinapik ang gourd) Sexy yan doon, maniwala ka.
PIKORI: Ngyahahaha! Oo nga, may Humps may humps may humps! Hahahahar!
GAARA: HUMP-asin ko kayo eh.
PIKORI: Why don't live in Baguio nalang?
(naalala nilang lahat ang "Don't Give Up On Us" nina Juday at Piolo)
KISAME: Ano ba yan! Isang jologs suggestion!
PIKORI: Bakit? Madami din namang HUMPS dun at mas malalaki pa!
KISAME: Totoo?
PIKORI: Oo! Hindi ba pataas at pababa ang mga daan dun? Eh di hump na rin yun!
KISAME: Che, eh bundok naman yun eh!
PIKORI: Kaya nga! Akala ko ba naghahanap kayo ng hump?
GAARA: Sa Maynila nga lang marami na.
PIKORI: Eh syempre bumper to bumper dun.
KISAME: Oy, LOVE AƱover! Bagay! (sabay pindot sa tattoo ni Gaara)
(Nairita si Gaara)
PIKORI: Maglakad-lakad ka nalang kaya sa kalye. Para ka na rin naman nananawagan dahil sa tatak mo sa noo. Isang panawagan ng pag-ibig at pagmamahal.
KISAME: Dapat pala tayo magcelebrate dahil it's your season. Season of love. (halakhak)
PIKORI: Ba't di nila inimbita si Gaara sa lovapalooza?
KISAME: Dahil ang mukha niya di tugma sa occasion.
(nag-laugh-a-palooza na sina Pikori at Kisame)
GAARA: Di na kailangan. Dahil love ko na kayo.
PIKORI & KISAME: HUh???
GAARA: Love na love patayin! (nagpop out ang cork sa gourd at naglabasan ang mga buhangin everywhere)
PIKORI: Ngyaaaahhh!!! Di ka naman mabiro!
KISAME: Ito ba ang klase ng love na ibibigay mo sa amin.
GAARA: Oo. Dahil gusto ko ng love-anan (labanan).
PIKORI: HAh? Kung ganyan lang pala ang love mong gawin eh di wag ka na makipagdate kahit kanino! Magtago ka na lang sa ilalim ng kama mo at baka dumugin ka ng fans club mo!
(natigilan si Gaara)
KISAME: Teka, pwede siyang makipagblind date sa isa sa mga fans niya.
PIKORI: (namilog na parang coins ang mga mata) Oo nga! Pwede pa natin pagkakitaan!
GAARA: (sigh) Lintek na pag-ibig!
*****
Mga dakila kong tagasubaybay, bigyan niyo sana ako ng konting panahon para makapag-isip ng isang kapakipakinabang na gawain para sa Valentines day. Ang araw na ito ay hindi ko alam kung nag-eexist pa sa aking bokabularyo kaya titignan ko pa sa dictionary of my brain kung anong ang true meaning nito sa akin... Maaaring ipadala ang inyong suhestiyon sa Bantay Bahay 163 Tagpi St. Asong Kalye Tabi-tabi Village U.S.A. Ang mananalo ay makakatanggap ng free date with Kisame on the 14th of February. Kung ikaw ay lalaki, free date naman with Kampanerang Kuba ang para sa iyo. Spread this message of love to 50 people and receive good luck within the next 24 hrs.
hello musta nah?!
ReplyDelete